Chereads / Ellie's Endgame / Chapter 13 - 12 - Si Sundo at si Sabay

Chapter 13 - 12 - Si Sundo at si Sabay

CHAPTER 12

Naii-stress pa rin ako dahil hindi pa rin ako pinapansin ni Chin. Ang kasama ko tuloy parati ay sina Dion at mga kaibigan nyang abnormal katulad nya.

"Ano, Didi my friend, nagparamdam ka na ba kay Chanel?" tanong ko kay Dion na kumakain ng pritong galunggong. Naka-kamay lang sya. Silang magkakaibigan.

"Chanel? Pinopormahan mo si Cha? Di ba si Chito—"

"Oo," pinutol ni Dion si Jester na nagsasalita. Parang pinanlakihan pa nya ito ng mata. Probably dahil baka may makarinig sa kanila dito sa canteen. "Oo, popormahan ko na sya." Mahina nyang sabi.

"But how? Lalapitan mo sya? Hihingin number?" tanong ko.

Parang nag-isip pa sya. "Ako na bahala."

Tumango-tango ako. "Ako kaya? Hindi naman ako pwedeng mag-first move."

Nginuya't nilunok muna ni Dion ang pagkain nya, pero tumatango-tango na sya sa akin. Sabi nya, "Oo. Tama. Wag kang gagawa ng kahit ano. Babae ka, eh." Pag-sang ayon nya sa akin.

Kinabukasan, hindi pa rin kami nagpapansinan ni Chin. Gusto ko sanang mag-initiate na kausapin sya, pero naiinis din ako dahil nga hindi naman nya sasabihin sa akin 'yong dahilan nya. Akala ko ba no secrets from each other?

Sa subject ni Ms. Kriza, ginroupings nya kami into 2. Naging ka-group ko si Chin, Dion, Chanel, at kamalas malas, sina Valerie and friends. Nong maka-punta na kami sa group namin, saka in-announce ni Ms. Kriza na magkakaroon kami ng play para sa subject nya. Ayon daw ang final project sa subject nya para sa first quarter. Mamimili raw kami ng isang classic story at iyon ang ipe-play namin.

Nag-simulang mag-bulung bulungan ang mga classmates ko. Mukhang excited sila.

Nag-uusap na ang lahat kung anong pipiliin naming story.

"The Necklace?"

"Pang-Grade 4."

"Romeo and Juliet?"

"Gasgas na."

"Hamlet?"

"Isa pang gasgas."

"A Midsummer Night's Dream?"

"Ano 'yon?!"

"Peter Pan kaya? Parang ang magical non pag i-play." Suhestyon ni Chanel.

Nagkatinginan yong mga ka-group naming tapos sabay sabay silang nasi-tanguan. Walang humindi. Meaning, Peter Pan na ang final.

"Sino muna sina Peter at Wendy? Para ma-visualize na natin." tanong ni Melanie, leader namin.

"Si Chanel. Si Chanel na 'yong Wendy! Pak! Bagay na bagay!" sabi ni Valerie tapos pinatayo pa si Chanel. Mukha namang confident si Chanel, kaya pumayag din sya nang hindi napipilit. Bagay naman talaga nya.

"Eh sino si Peter Pan?"

Napatingin ang lahat kay Dion. Paano naman kasi, nag-iisa syang lalaki sa group namin. Yong lima pang boys sa klase namin, napunta lahat sa Group 1. Di ko mapigilang mapa-lobo ang bunganga ko dahil gusto kong matawa. Si Dion, Peter Pan?

Wala pa syang kaide-ideya dahil nag-gigitara sya ng palihim sa gilid.

"Dion, gusto mo bang maging Peter Pan?" si Chanel ang nagtanong pero hindi pa rin sya napapansin ni Dion. Pinalo ko si Dion ng notebook ko kaya napatingin sya sa akin.

"Peter Pan ka raw," I uttered. Alam ko nang tatanggi sya agad agad pero bago pa nya yon magawa, inunahan ko na sya. "Si Chanel ang Wendy," sabi ko, naka-ngiti na parang sinasabing pagkakataon mo na 'to para sa crush mo, go na!

"Gusto mo ba?"

Nagtaka ako. "Na?"

"Na maka-partner ko sya."

Mas nag-taka ako lalo. Bakit nya tinatanong? Nagma-matter ba 'yong opinion ko? Saka bakit naman hindi ko gusto?

"Oo naman," sabi ko na lang, kahit naguguluhan ako sa kanya.

"Sige. Ayos lang sa 'kin." Pag-announce nya kaya tuwang tuwa yong mga groupmates namin. Pinatayo silang dalawa tapos pinag-tabi. Pinagtu-tukso silang dalawa.

Bigla akong nakaramdam ng weird emotion deep inside. Hindi ko yon maintidhan, hindi ko alam kung ano 'yon kaya hindi ko na lang pinansin at nakisali sa pang-uuyaw na "bagay" silang dalawa habang tinutusok ang tagiliran ni Dion. Siya naman, tawa nang tawa sa akin habang nagmumura ng mahina. 'Yong tipong ako lang ang makakarinig.

Next week na raw kami magpa-practice at magi-start gumawa ng props. Isa lang ako sa  mga propsmen.  At okay lang 'yon. Ayaw ko namang umarte, eh.

Sa Art subject naman namin, nagkaroon kami ng practical. Biglaan. Ang sabi ni Sir Paus, painting daw. Eksakto meron na kaming mga materials sa lockers dahil pina-require ni Sir Paus yon nong first meeting pa lang namin. Ang makakapagpa-impress daw sa kanya, perfect na sa first quarter exam. Syempre, malaking bagay 'yon para sa akin. Kailangan ko 'yon. Kaya tinatak ko sa isip kong gagalingan ko.

Sa lahat ng gawa, kay Chanel pa lang nai-impress si Sir Paus. Nakaka-bilib talaga si Chanel. Lahat ata kaya nyang gawin. Sobrang ganda. Sobrang talino. Sobrang talented. Lahat na ata na sa kanya. Hindi na ako nagtataka kung bakit sya gusto ni Yohan at Dion, eh.

And then, ako naman ang magpe-present ng artwork ko. Isang pink butterfly lang naman 'yon, kaya nagulat ako dahil bilib na bilib yong mga classmates ko. At pati si Sir Paus!

"Hindi ko alam na may talent ka palang ganyan, Magnayon! Bravo! Pwadeng pang-exhibit!"

Pumalakpak ang mga classmates ko. Tinignan ko si Chin. Siya lang ang hindi pumapalakpak.  Nagpapaka-abala sya kunware sa artwork nya para iwasan ako. Meron pa pala. Sina Valerie and friends na mukhang galit sa akin sa 'di ko alam na dahilan.

"Sir, exempted na po ba ako sa exam?" tanong ko kay Sir.

"Kahit project mo, exempted na!"

Hala hala hala. Ang saya naman!

Cleaners ako ngayong araw na 'to kaya nag-stay pa 'ko after class para mag-linis. Nag-walis ako tapos si Chanel, nag-punas ng board.

"Beh, ang galing mo na naman kanina. Ang dami mong hidden talent, ah. . ." sabi nya sa akin habang nagpupunas ng board.

"Hala, wala 'yon. Parang mas maganda pa nga yong sayo kanina eh!" natatawang sagot ko. Totoo naman kasi. Ang effort ng painting nya kanina. Halatang pinag-hirapan nya at pinag-isipang maigi. Landscape ng isang beach ang pinaint nya at ang ganda dahil detalyado. Siguro ang mas prefer ni Sir Paus eh yong mga simple lang at minimal kaya mas nagustuhan nya yong akin.

"Hindi nga ako napili eh. Pero okay lang."

Sobrang bait talaga niya. Nakakatawa lang sina Valerie dahil ginagawa nilang issue yong pagkaka-beat ko kay Chanel pero si Chanel, chill lang at walang paki. Napaka-unproblematic nya kaya at friendly.

Kinabukasan, nag-resume na naman ang training namin. Gustuhin ko mang iwasan si Chanel katulad ng sinasabi ni Chin, hindi ko magawa dahil si Chanel ang naga-approach sa akin nicely. Mas nakaka-close ko na si Chanel at mas lalo akong nagtataka kung bakit ayaw ni Chin na lapitan ko sya. Possible kayang may alitan silang dalawa? Tatanungin ko sana yon kay Chanel pero tingin ko wala ako sa lugar para manghimasok kung may problema silang dalawa. Ang mahalaga, kaibigan ko naman sila. Pag ayos na kami ni Chin, pipilitin ko syang sabihin sa akin kung anong problema nya kay Chanel para magkaintindihan kami.

"Alam mo yong Annoying Orange sa YouTube?" natatawang tanong ko kay Chanel nong mag-break time kami. Nagbabalat kasi sya ng orange tapos naalala ko yong mga nakakatawang videos na pinanonood ko sa YouTube, si Annoying Orange.

Nag-crease yong noo nya. "Hindi ako nakakapag-YouTube eh. Wala kaming internet sa bahay."

Napa-ahh ako. "Eh saan ka nagre-research kapag may assignment?"

"Computer shop. Library."

Tumango tango ako.

"Gusto mong mag-aral tayo sa bahay kapag malapit na yong exams?" offer nya na agad ko namang sinang-ayunan. Mukhang masaya yon. Magiging study buddy ko si Chanel.

Nang matapos ang training, nagpalit na ako sa rest room. Hindi pa ako nakakalabas nang narinig ko ang boses ni Yohan.

"—kailangan pa ba talagang gawin 'yon?"

"Oo." Si Chanel naman ang narinig ko.

Mukhang nagkekwentuhan sila. Makikinig pa sana ako kaso na-sipa ko ang maliit na trash can dahilan para gumawa ng ingay at mapunta sa akin ang atensyon nilang dalawa.

Hindi na ako nakapag-tago at lumabas na ng tuluyan sa rest room. Bigla silang nag-layo na parang takot na takot na may makakita sa kanilang dalawa. Nakaramdam ako ng selos.

"Beh, uuwi ka na?" tanong ni Chanel tapos lumapit sa akin. Tinanguan ko naman siya. "Saan ka na ulit nakatira? Sa Brgy. Kakyutan ba yon?"

"Oo, beh. Bakit?"

"Oh Yo! Malapit 'yon sa Barangay nyo di ba?" bumaling siya kay Yohan.

Napa-hawak sa batok si Yohan tapos tumango. "Oo."

"Oh, mag-sabay na kayo!" Chanel snapped kaya pinanlakihan ko sya ng mata. Bakit pinupush mo ako sa kanya Chanel? Of all people, bakit ikaw pa ang magpu-push? Di ba meron kayong something? Bakit? Ayaw mo ba kay Yohan kaya nirereto mo siya sa iba?  Yon ang mga gusto kong tanungin kay Chanel ngayon pero hindi ko magawa.

"Oh siya, mauna na ko. Nandyan na si Papa, eh," Nagpaalam na sa amin si Chanel kaya naiwan kaming dalawa ni Yohan dito sa tapat ng rest room. Awkward.

"Hmmm. . . Okay lang naman kung hindi tayo magsasabay," sabi ko. Baka kasi mapilitan lang si Yohan.

"Ayos lang. Sabay na tayo. Magkatabi lang naman barangay natin. Saka naglalakad lang din ako."

Tatanggi sana ako dahil ang awkward talaga pero sa isip isip ko, kung si Dion nga nagawa nang mag-step up para mapalapit kay Chanel (ang pagpayag nya sa Peter Pan), dapat ako rin gawin ko na yong part ko sa Bayanihan Para Kay Crush namin. At saka hindi naman ako ang nag-aya, eh. Hindi ako ang nag-first move kaya ayos lang naman siguro.

"Wag kang ma-ilang sa 'kin. Be comfortable."

Kakalabas pa lang namin sa gym pero nahahalata na ata ni Yohan ang pagka-awkward ko sa kanya. Ikaw ba naman, makasabay ang crush mo sa pag-uwi, sinong hindi pagpapawisan ng malagkit?!

"Ahhh. Hindi! Hindi naman ako naiilang, nilalamig lang." pagdedeny ko.

"Okay, whatever you say. . . ate."

Natawa ako. Hindi nya talaga malimutan yong una naming pag-uusap? Ganun ba nya yon tini-treasure? Hala Ellie, anong pinag-iisip mo? Si Chanel lang ang tini-treasure nya at hindi ikaw. Hindi ang ridiculous conversation nyo.

Nang malapit na kami sa gate, nagpaalam sya dahil may nakalimutan daw sya sa gym. Sabi ko hihintayin ko na lang sya sa waiting shed sa labas. Pagka-rating ko sa waiting shed, nagulat ako dahil may naka-higa roon na estudyante. Naka-uniform. At wait, payat at mahaba. Parang si Dion 'to, ah?!

Na-confirm ko yon nang makita ang motor nya sa tapat. Ano pang ginagawa nya rito? Kanina pa ang uwian nila, ah.

Umupo ako at inalis ang bag na nakatakip sa mukha nya. Agad naman syang nagising at napa-upo. Kinusot kusot nya ang mata ang tinignan ako. "Tapos na training?" bungad nya na tinanguan ko naman.

"Ano na namang ginagawa mo rito? Alas-six na oh."

"Ano pa ba. Syempre hinihin—"

"Alam mo ba, kasabay ko si Yohan umuwi ngayon!" excited kong sabi. Ngiting ngiti ako dahil sa tuwa. Hindi siya sumagot. "Ano ulit ginagawa mo rito? Inaantay mo ba si Chanel? Umuwi na sya. Sinundo ng papa nya." Sabi ko.

Natulala sya sa kin for some odd reason. Parang may lungkot sa mata nya pero bakit naman sya malulungkot? Mayamaya, napa-yuko sya tapos tumayo na at nag-lakad papunta sa motor nya.

"Ah ganon. Sayang naman. Aayain ko na sana syang kumain ngayon."

Nagulat ako. "Woooow! Talaga? Agad agad? Improving ka na talaga, ha! Bukas na lang. Dapat sabihan mo na sya maaga pa lang para hindi na sya magpa-sundo sa papa nya."

Ngumiti sya sakin. Pero feeling ko, may kakaiba sa ngiting yon. "Sige. Ganon na nga gagawin ko buka--" 

"Ellie?"

Napatingin ako kay Yohan.

"Tara na?" tanong ko and he nodded.

"Sige. Didi my friend mauna na—" paglingon ko, wala na si Dion. Pinalipad na nya ang motor nya. As in lipad talaga na parang walang bukas. Sinundan ko yong ilaw ng motor nya hanggang sa mawala na. Grabe sya magpatakbo, doble sa karaniwang nyang bilis. Hays, baka mapano pa yon. Problemado ba sya ngayon o ano?

Nakauwi akong kilig na kilig. Paano, hindi lang kasi ako sa arko hinatid ni Yohan. Hanggang sa bahay! Grabe. Nag-iiikot ako rito sa higaan at nirolyo ko ang sarili ko sa comforter kong Hello Kitty. Nakakatuwa lang dahil medyo nabawasan na ang awkwardness ko kay Yohan. Nagki-kwnetuhan kami about triathlon at kung anu-ano pa habang naglalakad kami sa malamig na kalsada ng Baguio kanina. Omaygaaaaahd.

Tapos nong nasa tapat na ng bahay, ang sabi niya sa 'kin. . .

"Bukas ulit, Ellie. Good night."

Omaygahd talagaaaa. Bukas ulit?! Ibig sabihin araw araw na kaming magsasabay sa pag-uwi? Hala hala hala. Sa isang iglap, nagiging malapit na ako kay crush. Grabe!

Masaya na ang lahat. Excited ako para i-kwento kay Dion ang kilig ko kinabukasan, pero nakapagtataka dahil. . .

Hindi niya ako pinapansin.

--

January 2021 - Ellie's Wedding Night

"Si Melanie, nag-text. Nasa may plaza raw. Nagpapasundo. Sinong sasama sa akin?" Anunsyo ni Ellie.

"Ako, sunduin natin." Pag-prisinta ng isa.

"Ako, sabay na tayo. May bibilhin din ako sa plaza," volunteer din ng isa.

Nakakatawa. Ito pa rin sila. Si Sundo at si Sabay.

Pero ang tanong, sinong sasamahan ni Ellie?

Too bad, may napili na siya. At yon ay si. . .