Chereads / Ellie's Endgame / Chapter 10 - 9 - First Heartbreak

Chapter 10 - 9 - First Heartbreak

Chapter 9

I'm broken. Brokenly cute.

Pero syempre, joke lang.

Hindi naman ako broken. Slight lang. Ba't naman ako mabo-broken, eh wala naman akong karapatan? Bakit kasi umasa ako kay crush? Mali. Maling mali.

Hanggang maka-uwi, 'yon lang ang iniisip ko. Ganito pala feeling ng ma-heartbroken? Naramdaman ko lang 'to nong pinag-hiwalay si Dao Ming Si at Shancai, eh. Tinulalaan ko na lang ang poster ng F4 sa likod ng pinto ko. Kung sana pwede kong pakasalan ang isa sa kanila, hindi ko na kailangan magka-crush sa may crush nang iba.

Crush lang siya Ellie, okay? Crush lang. 'Wag kang tumulad sa kuya mo. Oo, si kuya. Sobrang baduy kasi non pag-dating sa pag-ibig. Nagiging ibang tao siya kapag si Sofia, girlfriend niya, ang kausap niya. Lagi ko siyang inaasar na masyado siyang inlababo. Pero heto ako ngayon, nagmu-mukmok sa kwarto dahil lang sa nalaman kong may ibang gusto 'yong crush ko.

Habang naka-upo sa sahig at nakatulala sa poster ng F4, bumukas 'yong pinto ko at niluwa si kuya Eris. "Nalugi?"

Nagpaiwan kasi siya rito. Magbabakasyon muna raw siya habang wala pa siyang pasok. Magbabakasyon o mangbi-bwisit?

Dahil wala ako sa mood, sinipa ko 'yong pinto dahilan para mauntog 'yong ilong niya. Buti nga.

"Fuck. Patay ka sa 'kin 'pag labas mo d'yan Ellie!"

"Hindi ako lalabas! Bleh!" Sigaw ko.

Nagbihis lang ako at nag-senti na ulit. Binuksan ko ang bintana ng kwarto ko para feel na feel. Naupo ako sa study table, plinay ang kantang Migraine by Moonstar88 sa iPod at puma-halumbabang tumunganga sa labas ng bintana. Sobrang lamig, as usual. Nasanay na ako sa coldness ng Baguio pero hindi sa coldness ni crush.

Hindi naman ako desperate na tao pero ewan ko ba at gustong gusto kong mapalapit at maka-usap si crush. Siguro dahil first time kong maramdaman 'yong ganito. 'Yong excitement at motivation na pumasok araw araw para makita siya. 'Yong pag-look forward mo sa bawat araw para mapansin ka niya. Kahit isang sulyap lang, kahit ligaw tingin lang, para ka nang na sa heaven. Hindi ko pa kasi nararamdaman 'yong ganoong feeling dati. Ang saya saya lang.

Pero bakit ang sama ng kapalit? 'Yong ligaya, bawal bang pang-habambuhay na lang? Bakit kailangan pag-tapos ng saya, kapalit eh sakit? Whyyyyy?

Oo nga pala, hindi nga pala tayo... Hanggang dito na lang ako. Nangangarap na mapa-sayo.

Sinubukan kong umiyak katulad ng sa mga napapanood ko sa Music Video pero hindi naman ako naiiyak. Hindi naman ata totoong nakakaiyak ma-heartbroken, eh. Naglalagay lang siguro sila ng sibuyas sa mata.

Sinubukan kong alalahanin 'yong nasaksihan ko kanina.

Malapit na ako sa cleaners room kaya huminto na ako sa pag-takbo. Sana hindi ako pagalitan ni Manang. Maaayos pa naman siguro itong mop, no?

Sa pag-daan ko sa isang room katabi ng cleaners room, may nahagip ang peripheral vision ko. Bakanteng room lang kasi 'yon. Hindi pinagc-classroom-an dahil ayon sa kwento ni Mark na teammate ko, may "kababalaghan" daw kasing nangyari doon kaya pinag-bawal ni Sir Peeka na pag-classroom-an dahil malas daw. Kaya na-intriga ako nong mapansin kong may tao sa loob. Nakabukas kasi ng konti 'yong kurtina.

Hala. Si Chanel 'yon, ah. Lumapit ako sa may bintana at sumilip. Don mas naging malinaw 'yong paningin ko. Hindi lang si Chanel. May kasama siyang lalaki. Naka-talikod. Matangkad. At. . . Naka-hawak sa kamay ni Chanel. Parang nanlambot 'yong tuhod ko. Kahit naka-talikod 'yong lalaki, alam na alam ko kung sino.

Binawi ni Chanel 'yong kamay niya sa lalaki. Sabi ni Chanel, "Baka may maka-kita sa atin dito. Aalis na 'ko."

Kinuha naman ulit nong lalaki ang kamay ni Chanel, this time dalawang kamay na, "Ano naman? Kaya kong ipagsigawan rito na gusto kita."

"Yohan!" mahinang sigaw ni Chanel.

Hindi mapakali si Chanel na parang takot na may makakita sa kanila ni Yohan na sikretong nagkikita rito sa room ng kababalaghan. Kaya pala kwarto ng kababalaghan 'to. Kaya pala.

Luminga linga si Chanel sa mga bintana. Bago pa man mapunta sa bintanang pinag-sisilipan ko ang tingin niya, umalis na ako. Tahimik akong nag-lakad papunta sa cleaners room at iniwan don 'yong naputol na mop. Hindi na ako kumuha ng bagong mop. Okay na 'yon. Malinis naman na 'yong CR. Hindi ko na kayang mag-stay dito, eh.

Hindi na ako dapat masyadong magulat dahil sa close silang dalawa. Pero si Yohan na crush ko. At si Chanel na kaibigan ko. May relasyon pala sila. Ang sakit. Single nga si Yohan pero may nilalaman ang psuo niya. Pakiramdam ko naloko ako ni Chanel. Patanong tanong pa siya kung crush ko si Yohan. Tapos may something pala sila. Bakit kailangan itanong sa akin ni Chanel 'yon? Bakit hindi niya sinabing may gusto sila sa isa't isa? Bakit?

Napa-busangot ako nang maalala ang mga nangyari kanina. 'Di ba hindi dapat ganito ang nararamdaman ko dahil wala naman akong karapatan at kaibigan ko na rin naman si Chanel? Ewan. Anong magagawa ko. Ito nga nararamdaman ko, eh.

Hindi ko maintindihan 'yung sarili ko. Hindi naman ako balisa. Nong sinabi kong nasasaktan ako, hindi ko alam kung totoo.

Nasasaktan ba ako? Ewan, baka, siguro.

Siguro na-disappoint lang ako na may ibang crush ang crush ko. Nag-expect kasi ako na may chance. At siguro 'yung iba pang nagkaka-crush kay Yohan, ganito rin ang mararamdaman kapag nalaman nila.

Nang matapos ang ilang pang-senti na OPM songs, naumay na ko sa view na puro pine trees. Mayamaya, naka-isip ako ng magandang idea para ma-vent out 'yong frustrations ko. Hinablot ko ang favorite kong sweater sa aparador. Kulay pink. Sinuot ko 'yon at pumanhik palabas.

Sa may likurang gate ako dumaan para 'di ko maka-salubong si kuya pero ang naka-salubong ko naman rito, si Lola Fe. Mabilis kong tinago sa likod ko ang hawak hawak.

"San ka pupunta nakkong? Malapit nang kumain."

"Hmm. . . Maglalakad-lakad lang po."

Pero syempre joke lang 'yon. Hindi ako maglalakad. Pasikreto ko kasing kinuha 'yong skateboard ni kuya sa kwarto niya. Tinago ko sa likod ko dahil baka ma-ikwento ni Lola Fe kay kuya, edi patay na. Ayaw kasi ni kuya na pinapahiram itong skate board niya.

"Bumalik ka agad ha? Gabi na. Baka mag-alala ang Mommylola mo."

"Opo!" At dali-dali nang lumabas. Nong nakaraan ko pa kasing gusto magslide-slide dito sa labas. Ang ganda kasi mag-skate dito sa Baguio dahil elevated 'yong mga kalsada. Nakakatakot nga lang. At para pansamantala ring mawala sa isip ko 'yong pag-eemote kay Yohan. Hindi pa naman kasi end of the world, eh.

Crush lang siya, okay? Hindi siya mundo!

Hindi. Mundo siya Ellie. Mundo mo siya!

Hindi nga sabi!

Bago pa ako ma-buang, inaliw ko na ang sarili ko. Sinampa ko ang kaliwang paa ko sa skate board at dahan dahang pinadyak ang rubber shoes ko sa kanan. Okay naman. Hindi ako marunong mag-skate, napapanood ko lang si kuya. Pero mukhang easy lang naman, eh. Pag-padyak, sasakay ka na.

Nang malapit na 'ko sa pa-slide na kalsada, sinampa ko na ang dalawa kong paa para mag-slide. Nong pababa na, tinaas ko pa ang dalawa kong kamay na parang naka-sakay sa roller coaster.

"Whoooooooo!"

Ang saya! Para akong lumilipad! Yung breezy cold air, yung walang kabako-bakong kalsada.... Ang sarap sa feeling. Para akong naka-wala sa lahat ng negative thoughts sa mundo!

Pero. . . Hindi nag-tagal ang kasiyahan ko.

"Omygahd omygahd omygahd!"

Mula sa tabi ng kalsada kasi, may lumitaw na malaking palaka na lulundag lundag. Humarang pa siya daraanan ng skate board ko. Jusko naman! Bakit froggy? Bakiiiit?!

"Waaaaaah!"

Naka-gawa ako ng plik plok plik plok sound nang ma-out of balance ako sa skate board at mapa-upo.

P-pwet. 'Yong pwet ko, hindi ko na maramdaman. Namanhid sa lakas ng pagkakadausdos. Grabe. Ouch. 'Yong siko ko pa. Na-gasgas. Ouch. Jusko po.

"Hala. Skate board. . ." bulong ko. Agad hinanap ng mata ko ang skate board ni kuya. Whoo, mukhang in good condition pa naman. Salamat naman. Dahil lagot ako kay kuya kung may nangyaring masama sa mahal niyang skateboard. Limited edition daw kasi. Lol.

Buti na lang walang nakakita sa 'kin. Wala kasing masyadong tao rito.

Tatayo na sana ako pero napa-daing na naman ako sa kirot naman ng likod ko. Argh.

Bakit ko nga ba ulit naisipang magskate skate at mag-padulas dito? Ahhh, dahil may crush na iba ang crush ko. Ang galing galing mo Ellie.

Naka-rinig ako nang paparating na motor na may pamilyar na tunog mula sa taas kaya sinikap kong gumilid sa kalsada maski hindi pa 'ko nakakatayo. Hinintay kong maka-daan 'yong motor bago ako kumilos pero nagulat ako nang marinig na tumigil 'yong motor sa likuran ko. Kinabahan ako bigla dahil hindi rin nagsasalita.

Kidnapper?

Holdaper?

Serial killer?

Rapist?

Hindi ako lumingon, nagmadali kong kinuha ang skate board ni kuya at sinikap na makatayo sa kabila ng sakit ng katawan ko. Pero bago pa man ako mag-tagumpay, may humawak na sa balikat ko.

"Ahh rapist! Serial killer! Tuloooong! Ouch!" May pumitik kasi sa noo ko kaya napatingin ako sa lalaki. Si Dion pala. Hindi pala rapist o serial killer. Bakit hindi pa ako nasanay sa pag-hawak niya sa balikat ko?

Para siyang natatawang h-in-ead to toe ako. "Anong nangyari sa 'yo?"

"Wala. Anong ginagawa mo rito?"

"Napadaan lang." Tapos inalalayan akong tumayo.

"Kainis. Napadaan ka para makita akong ganito?"

Natahimik siya. Natahimik kami. Tinignan ko siya. Kinikilatis niya pala ako. Ang mukha ko. Ang braso ko. Ang siko ko. Nagulat na lang ako nang bigla itong humalakhak.

"Funny?"

Nang maka-recover sa laughing session niya, pina-sakay niya ako sa motor niya. Hatid niya na raw ako. Sabi ko naman, hindi pa ako uuwi.

"Park?" tanong niya.

"Ocakes!"

Nilagay ko sa gitna namin 'yung skate board ni kuya. Nung umandar, napa-kapit ako ng mahigpit sa back pack niya. Medyo naka-awang pa 'yung zipper.

"Anong laman neto?" Medyo malakas na tanong ko dahil maingay 'yung motor. Kasi bakit siya naka-backpack sa ganitong oras. Hindi naman na siya naka-school uniform.

"Pusa ko!"

"Pusa mo?"

"Ay hinde, pusa mo!"

Cat lover pala siya? Hindi kasi halata sa hitsura niya.

Nakarating kami sa maliit na park. Ang tahimik. May dalawang mag-jowa (?) lang akong natanaw na nagduduyan. Hindi naman sila naglalandian. Ang tahimik nga nila, eh.

"Hala ang cute!"

Kahit iika-ika maglakad dahil sa sakit ng pwet, nabuhayan ako nang makita ang nilabas ni Dion sa bag niya. Isang kulay orange na cute fat cat. Parang si Garfield!

"Garfieeeeld!" Hihimasin ko sana pero naglakad bigla si Dion.

"Tara, don tayo."

Sinundan ko naman siya. Iika ika akong naglakad paakyat sa hagdan. Parang club house ito. Nang maka-akyat sa rooftop, literal akong napa-nganga. Ang ganda! Ang ganda ng tanawin. Kitang kita ang city lights! Black and neon orange. Parang lava.

Tumakbo ako nang naka-hawak sa pwet at nilapag ang skate board ni kuya sabay dumantay sa railing ng rooftop. Tinaas ko nang kalahati ang dalawa kong kamay sa ere. Ginaya ko yung pwesto ni Rose sa Titanic. Kulang na lang ang Jack sa likod ko. Pwede kayang i-reenact namin ni Dion?

Hala joke lang.

"Pag ikaw nahulog, walang sasalo sa 'yo."

"Ayun oh, 'yong dalawang mag-boyfriend na nagduduyan."

Sumilip din siya. "Wala namang nagduduyan ah."

Sinamaan ko ng tingin si Dion dahil tumaas ang balahibo ko sa sinabi niya. Umupo siya at nilusot 'yong hita niya sa railing habang buhat na parang baby si Garfield. Dahan dahan akong umupo nang sobrang lapit sa kaniya. Ang sakit talaga ng pwet ko. Pero naki-creepy-han talaga ako eh. Wala ba talaga siyang nakita na mag-boyfriend na nagduduyan doon sa baba?

Sinubukan kong alisin 'yon sa isip ko. "Anong name niya?" sabi ko habang hinihimas-himas si cute fat cat. Sige naman ito sa pag-dila sa kamay ko with matching meow meow.

"Noba."

"As in multi-grain snacks? Nova?"

"De. Noba as in NOBA. Nobody."

Nagtaka ako. "Bakit naman nobody?"

"Mahal ko kasi siya."

"What? Anong connect?"

Natawa siya. "Slow mo talaga."

Sinuntok ka ang balikat niya. "Ano nga?"

"Ako lang kasi 'yung nag-alaga at nag-mahal sa kaniya. Pusang kalye lang siya dati na walang pumapansin. Nobody lang."

Binigyan ko siya ng 'wooooow' look. "Grabe naman po pala 'yon Didi my friend."

Natahimik nang ilang segundo. Sight-seeing lang sa city lights. Ayaw kong tumingin sa baba dahil baka biglang ngumiti nang nakakatakot sakin 'yong mag-boyfriend. Parang seryoso kasi talaga si Dion sa sinabi niyang walang nagduduyan doon. Mumu?

Buti na lang nag-salita ulit si Didi. "Anong pumasok sa kokote mo at naisipan mong mag-skate board sa gabi?"

Napa-simangot na naman ako nang maalala ang dahilan ng page-emote ko.

"Si Yohan kasi, may ibang gusto."

Natahimik siya bigla. Hanggang sa, "May gusto ka kay Arcega?"

Okay lang naman siguro sabihin sa kanya ano? At saka ang obvious ko naman hindi pa nya alam? "Oo. . ."

Natulala siya ng mga tatlong seconds sa akin tapos napa-tango tango. Natahimik. Lumihis ng tingin. Ilang segundong hindi umiimik. Napa-yuko siya. Hindi ko makita 'yong mukha niya dahil medyo madilim. Hanggang sa humarap na siya ulit sa akin. Pina-singkit niya 'yong mata niya at pinag-masdan ang mukha ko. "Hindi na ako magtataka na may gusto siyang iba."

Pinanlisikan ko siya ng mata. Hindi ba 'ko maganda sa paningin niya? Nadismaya ako sa thought na 'yon.

"At dahil lang sa lalaki, magpapa-dausdos ka na sa kalsada?"

Bumuntong hininga ako. "Nagpakawala lang naman ako ng frustrations."

"Sa pamamagitan ng pagpapa-dausdos? Abnormal ka talaga."

Wala na akong masabi. Napa-himas na lang ako sa railing at sinubukang pagkasyahin 'yong ulo ko sa pagitan.

"Akina braso mo."

Pag harap ko, may hawak na siyang betadine at bulak tapos pinahawak sa akin 'yong bag niya. Si Noba, pinakawalan na muna niya. "Ikaw ba nagpakawala ng palaka ron? Bat ready ka sa mga sugat ko?"

"Anong palaka? Akin na lilinisan ko. Lagi ko tong dala dahil palagi akong napapaaway."

Ahh, oo nga pala. Inabot ko ang kaliwang siko ko na nagasgasan. Binuhusan niya muna ito ng tubig para linisan saka pinunasan at nilagyan ng betadine.

"Sino ba kasi 'yong gusto ni Arcega?"

"Si Chanel. . . Aray!" Napadaing ako nang bigla niyang na-diinan ang pagpahid ng bulak sa sugat ko. Argh.

"Ay sensya. Si Chanel ba kamo?"

Tumango ako. Pero hindi ko mapapalagpas ang pagka-gulat niya sa sinabi ko.

Tinapos niya ang paglagay ng betadine.

"Oh lagay mo dyan." Inabot niya sa kin yong betadine at band aid na ginamit niya. Binalik ko sa bag niya na nasa lap ko pero may nakapa akong papel. Hindi ko alam kung bakit nacurious ako at kinuha.

Kulay pink. Mukhang stationery. Tinignan ko muna si Dion, nang makitang seryoso siyang naka-tulala sa city lights, saka ko palihim na binuklat 'yong papel. Sapat lang 'yong maliit na ilaw para mabasa ko 'yong naka-sulat. Love letter ata!

Nanlaki ang mata ko at napa-takip sa bibig nang makita kung kanino naka-address.

Omygahd. Hala hala hala. Si ano, may gusto kay. . .

--

thoughts guys? sa mga nakabasa ng first version ng friends with the gangster, mas better ba to? mas readable ba at mabilis ang mga pangyayari? :) yung chapter na to nakuha ko pa sa chapter 25 nong fwtg. grabe ang dami pang nangyare bago to. dami kong tinanggal. :D

ano guys, mas okay ba to? o masyado mabilis? comment down or email me sa bugayongaaliyah@gmail.com kung nahihiya ka rito.

im dying to hear ur thoughts!!! :D and i need it, para mas ma-improve pa ang story na to. i beg you guys to help me out. kakaunti lang kasi nakakaalam na friends ko na nagsusulat ako rito. and hindi ko rin naman sila maistorbo dahil nahihiya ako. kaya kayo nalang. hahahahahah.