Chapter 8
Mas na-excite ako sa mga training namin hindi lang dahil parati kong makikita at makakasama si Yohan. Nagkaroon din kasi ako ng bagong mga kaibigan. Lalong lalo na si Chanel, na sobrang bait pala at approachable, taliwas sa akala kong personality niya—suplada at seryoso masyado dahil SG President nga at Top 1. Sa totoo niyan, lahat ng teammates namin ka-close niya. Siguro kung wala si Chanel, mao-awkward-an ako sa mga kasama ko.
"Mahilig ka ba sa karne?" tanong niya. Break time kasi namin ngayon sa training, nandito kami sa labas ng school, bumibili ng makakain. Sa kanya, lumpiang toge. Sa akin, shawarma.
Tumango ako. "Lalong lalo na sa shawarma. Ang juicy kasi."
Pinanood nya 'kong isubo ang shawarma.
Nakita kong napangiwi siya. "Hindi 'yan healthy. Puro taba."
"Minsan lang naman, eh," sabi ko naman. Nag-advice kasi si coach na h'wag kaming kain nang kain nang karne at kanin.
Habang naka-tingin sa shawarma ko, sabi ni Chanel, "Tulungan na lang kita para hindi mapunta sa 'yo lahat ng taba."
Nagka-tinginan kami at nagtawanan. Ang kwela din talaga nya at ang sarap kasama. Ang pinagtakahan ko lang, sinabihan ako ni Chin na wag lapitan si Chanel. Eh ang bait bait kaya ni Chanel at ang sarap kasama.
Pagka-balik namin sa field, naka-upo pa ang mga teammates namin sa damuhan, nagkikwentuhan. Apat lang kaming babae sa team kaya umupo kami ni Chanel sa tabi nina Marie at Jenny. Nakikipagtawanan din sila sa mga boys. Ang pinaguusapan ata nila eh 'yong pagkadulas ni Mark, teammate namin, sa balat ng saging na tinapon sa field kanina.
Hindi talaga ako magaling makipag-kwentuhan kapag hindi ko pa ganoon ka close kaya nakiki-tawa lang ako sa kanila.
"Gusto mo?" offer ni Chanel sa isa nyang lumpiang toge.
"Busog na 'ko, eh. . ." Humawak ako sa tiyan ko.
P-in-oker face ako ni Chanel sabay sinubo nang buo 'yong lumpia. Halos maduwal-duwal sya. Hanggang sa tuluyan na siyang mabulunan. Ibibigay ko sana yong tumbler ko kaso pag-harap ko, may nag-abot na sa kanya ng tumbler. Si Yohan. Na ang layo layo pa ng inuupuan sa amin.
"Ayos ka lang?" tanong nya, with mukhang alalang alala ang mga mata.
Napag-alaman kong since first year eh magka-teammate na silang dalawa kaya close sila. Pero hindi ko mapigilan sa mga oras na 'to na. . . ma-inggit (?) at mag-selos (?)
Like, buti pa si Chanel, close kay Yohan. Sa dinami rami kasi ng babae, si Chanel lang ang nakikita kong madalas pansinin at kausapin ni Yohan, eh.
"Nagseselos si Jenny, Yo! Ba naman 'yan!" kantyaw ni Bert, teammate din namin. Oo, may crush din kasi si Jenny kay Yohan. Yohanatics din.
Hindi siya pinansin ni Yohan, pinapanood nya kasi si Chanel na uminom ng tubig. Ako naman, pinapagpag ang likod ni Chanel.
Natapos ang training ng mga 6pm na. Pagod man, masaya din kasi lagi akong naco-compliment ni coach. Kinausap pa nya ako at sinabing kapag consistent ang performance ko, baka ako raw ang ilaban sa female division. Syempre kinabahan ako dahil hindi pa ako lumalaban sa ganon pero hindi pa naman sure saka matagal pa naman 'yong mga laban.
"Na-beat mo na naman 'yong record ko, ah. Congrats," bati ni Chanel.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Dapat ba ako mag-thank you? Or baka mag-tunog boastful yon? Nabasa ata ni Chanel na naghahanap ako ng isasagot kaya siya natawa.
"Uy hindi masama loob ko!"
"Ahhhhhh. . ." wala na talaga akong masabi. Heh.
Pagtapos ng training, lahat kami excited dahil ngayon lang matutuloy ang paglilibre ni coach sa amin sa sisigan na supposed to be nong try-out day pa. Ang gulo lang ni coach dahil in-advice-an nya kami na h'wag masyado sa karne at kanin 'di ba, pero sa sisig nya kami ililibre. Tapos unli rice pa.
Pagkarating sa sisigan, magkatabi ulit kami ni Chanel. At grabe ang kilig at kaba ko nang maupo si Yohan sa harapan ko. Well, 'yon na lang kasi ang bakanteng upuan. Wala lang ata syang choice.
Habang nag-aabang ng mga orders, ang iingay ng mga kasama namin. Nagisisigawan pa 'yong mga boys dahil nasa kabilang table 'yong iba. Si coach Jerry, nakiki-sabay din sa ka-ingay-an nila.
Mayamaya, biglang nagsi-tahimik 'yong kaninang nakaka-binging atmosphere dito sa sisigan. Parang may dumaang angel. Lahat napa-tingin sa labas. Edi napa-tingin din ako. Ahh kaya pala. May magandang babae. Sexy. Mahaba ang buhok. Makinis. Tumingin ako kay Yohan, siya lang ang walang pakialam sa lahat ng lalaki rito. Napa-tingin lang sya dahil siguro nagtaka sa katahimikan pero parang wala lang at bumalik ulit sa pagce-cellphone. Naglalaro ata sya ng snake game.
Pasimple ko syang pinanonood. Naka-patong kasi 'yong kamay at phone sa lamesa kaya kita 'yong laro nya. Sinisiko siya ni Mark na katabi niya. Sabi ni Mark, "Yo, may chix oh. . ."
Pero si Yohan, hinawi lang 'yong siko ni Mark na dumudutdut sa tagiliran niya tapos sabi nya, "Makasalanan na mga mata nyo."
Nag-tinginan 'yong mga teammates namin sa kanya at nag-tawanan, sina Mark parang napahiyang ewan. Pabiro nilang pinagsusuntok sa braso si Yohan na natatawa lang. Ang cute cute nya talaga lalo't lumalabas ang dimples.
"Nakalimutan nyo ata, may sacristan tayo rito," biro ni Coach na tinawanan naman namin.
Syempre hindi ko malilimutan na sacristan si Yohan, nagsi-simba nga ako tuwing linggo hindi lang para mag-dasal, makinig ng sermon ni father, at magpa-salamat, eh. Para din makita si Yohan.
Sabi ni Mark mayamaya, "Wala 'to. NGSB kasi, eh. Palibhasa hard-to-get. Walang interes sa girls maski lahat ng girls interesado sa kanya." At nagdadadada pa siya ng kung anu-ano pang pang-bawi kay Yohan na tinawanan na naman ng ilan.
Na ako naman, hindi natawa. NATUWA lang. Dahil may isa na naman akong nalaman kay Yohan. No girlfriend since birth pala siya. Omaygahd. Parehas kami! At ibig sabihin din non, wala siyang girlfriend ngayon. Yehey.
Chance for Ellie, +10 :)
Hindi ko pa mamamalayang ngiting abot langit akong naka-tingin kay Yohan kung hindi pa dumating 'yong mga sisig namin. Halos isang oras din kaming nagsi-kain. At isang oras ko ring pinagmamasdan si Yohan.
Nang nakapag-patunaw na kami ng kinain, nag-aya na ang ilan na umuwi. Balita ko si Yohan, sa ospital palagi ang deretso dahil binibisita nya si Yonah, kambal niya na naka-confine na ng ilang buwan dahil sa attempted suicide. Gustuhin ko mang alamin pa ang tungkol doon, ayaw ko naman masyadong maki-tsismis sa buhay ng may buhay. Alam ko kasi yong ganoong feeling. Yong gusto ng mga tao, alam nila lahat tungkol sa 'yo maski hindi na dapat. Ayaw kong iparamdam yon sa iba. Lalo na kay Yohan.
Sabay kami ni Chanel nag-lakad pabalik sa school dahil doon sya susunduin ng papa niya. Maglalakad na lang siguro ako dahil hindi ko nadala 'yong bike ko.
Habang naglalakad, nagulat ako, at nanlaki ang mata sa tanong ni Chanel.
"Crush mo si Yo, no?"
Whaaaaat? Paano niya nalaman? May nagsabi ba? O masyado akong obvious kanina? Jusko po.
Tinignan ko si Chanel, sinusubukang basahin siya sa mata. Naka-ngiti lang naman siya sa akin na parang hindi big deal na alam niya. Feeling ko tuloy, supportive friend ko si Chanel na ipupush ako kay crush. Mukha namang mapagkaka-tiwalaan si Chanel lalo sa sumunod pa nyang sinabi, "Wag kang mag-alala. Hindi ko sasabihin sa iba maski kay Yohan."
Napa-ngiti na ako. Kasi kinikilig ako. Bukod kay Chin, mayroon na naman akong mapagke-kwentuhan ng sentiments ko kay crush. At mukhang mas okay dahil walang gusto si Chanel kay Yohan. Kaya sabi ko. . . "Oo, eh. Sino bang hindi magkaka-crush kay Yohan?"
Natawa lang si Chanel. "I knew it. Yong mga tingin at ngiti mo kasi sa kanya."
"Halata ba?"
Natatawang tumango si Chanel. "Wag ka kasi masyadong expressive ng emotions."
Pagtapos ng usapang crush namin ni Chanel, nakarating na kami sa tapat ng school. At nandon na rin si papa niya. Nangingiti at natatawa pa rin ako sa usapan namin kahit nakaalis na si Chanel nang biglang may humawak sa balikat ko.
Muntik na akong atakihin kung hindi ko pa nakita kung sino. Si Dion, "my friend" na naka-uniform pa. As usual, unbuttoned ang polo at labas ang black nyang shirt sa loob at kwintas nyang mahaba.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. "Kanina pa uwian, ah."
Sinusundo nya ba 'ko? Eh, imposible. Ano bang pinag-iisip mo, Ellie?
"N-napadaan lang. Tapos na training?"
Tumango ako.
"Tara na."
"Saan?"
"Uwi."
Napa-ahh ako nang makita ang motor niya. This time, may sako na naka-tali sa likod.
"Anong meron sa sako?"
Napa-tingin siya. "Ah, mga kahoy. Pinabili ng lolo mo. Para ata sa chimney nyo."
Ahh. Bakit inuutus-utusan si Dion? Si Lolo talaga oh. Pwede namang ipa-deliver.
Pagdating sa bahay, nagulat ako nang makita ang kotse ni Daddy sa garage. Hala!
"May bisita ata kayo."
Natulala ako kay Dion. "Tingin ko rin."
Binuksan ko ang pinto para kay Dion dahil sa bitbit nyang sako. Pero pagka-bukas ko ng pinto, nakita ko si Daddy sa living room. Binitawan ko na 'yong pinto at tumakbo papunta kay Daddy.
"Dyyy!!" Niyakap ko siya. Mahigpit.
"Oh, ang maganda kong anak!" at niyakap din ako ng mahigpit pabalik.
Nakarinig ako ng pag-tikhim. Nanlaki ang mata ko nang makita rin si kuya. Nagpi-PS3. "Parang si Daddy lang 'yong na-miss?" sabi niya.
Sabay kaming nagtawanan ni Dad. "Syempre namiss din kita, kuya. Kahit mang-iinis ka lang dito."
"Sino 'yon, anak? Classmate mo?" Nilingon ko ang tinitignan ni Dad. Si Dion na naka-talikod at buhat buhat 'yong sako papunta sa may stock room.
"Ahh, opo. Si Dion po."
Tumaas ang kilay ni daddy. Alam ko iniisip niya kaya inunahan ko na, "Apo po siya ni Lola Fe."
Napa-ahh si dad. "Si Alek? Si Alek na 'yan?"
Napa-lingon si Dion sa amin nang marinig ang pangalan niya. Sakto namang dumating si Lolo. May sinabi siya kay Dion na hindi namin marinig mula sa pwesto namin pero nakikita naming taas baba ang kilay ni Lolo habang naka-ngisi kay Dion. Tumingin si Dion sa akin tapos bumalik kay Lolo. Kumindat si Lolo sa kanya at nag-thumbs up. Talagang nacu-curious na talaga ako sa kanilang dalawa.
Bumaling ulit ako kina Daddy. Niyakap ko ulit siya. Nakakagulat. Wala man lang pasabing darating sila. Pero sobrang saya ko! Halos three months kong hindi sila nakita at nakasama. Wala nga lang si Mommy. Alam ko namang palaging full ang schedule niya. Showbiz things.
Saktong nakaluto na si Lola Fe ng dinner kaya kakain na raw kami. Kahit busog pa sa sisig, kakain na lang ulit ako para makasabay sina Daddy. Nagpaalam na si Dion na uuwi pero si Daddy, "Ayaw mo bang sumabay sa 'min mag-dinner, Alek?"
"Hindi naman ho, tito." Napa-hawak si Dion sa mahaba niyang leeg. Ending, pinaupo na siya ni daddy. At wait, tito?
"Kumusta naman ang buhay mo dito anak ko?"
Nilunok ko muna ang pagkain ko bago sagutin si daddy. "Okay lang naman po dy. Marami na 'kong friends."
"Baka boy-friend," sabi ni kuya sabay tingin kay Dion.
"Kuya!!"
"Luh. Lalaking kaibigan kase. Guilty amputek."
Pinanlakihan ko siya ng mata. Natawa naman si Daddy.
"Anak ko, Ellie. 'Wag ka munang mag-boboyfriend." In-emphasize ni daddy ang pangalawang sentence sabay tingin din kay Dion.
Seriously?
"Ano bang pinoproblema ninyo? Alam na ng apo ko 'yan. Bakit nyo binabawalan? Paano kung gusto niya? Di ba apok?" sabi ni Lolo tapos tatawa tawa.
"Lolo!"
Mukhang parehas kami ng reaksyon ni Mommylola kay Lolo. Sinapak kasi siya ni Mommylola pagkasabi nya non. "Ikaw! Masamang ehemplo ka sa kabataan!"
Natatawang napapa-sipat si Dion sa akin habang sumusubo ng tinola. Tuwang tuwa?
"Hindi pa po ako magbo-boyfriend."
Tumikhim si Daddy. "Dapat lang anak. KAPAG MAY PUMORMA SA 'YO, DADAAN MUNA SA AKIN." In-emphasize na naman ni daddy ang pangalawang sentence na parang may pinariringgan maski wala naman dapat.
Hays, si daddy talaga. Alam ko naman kung bakit ganito siya. Maraming alam si daddy sa buhay buhay dahil galing sa simpleng buhay. Ang advice niya sa akin bago ako mag-punta rito sa Baguio, "H'wag masyadong ma-attach sa mga makikilala mo sa school dahil walang permanente. Pagka-graduate, wala na 'yan. Kapag nag-invest ka ng feelings, ikaw lang ang masasaktan."
Napuyat ako nong gabing 'yon dahil sa kwentuhan kasama sina Kuya at Daddy about kay Boy XX at sa walang katapusang bilin ni Dad na wag magbo-boyfriend. Kinabukasan, na-late ako. Pina-pila kami sa field at na-relieve ako nang makitang may mga kilala ako na na-late din. Si Jester, Rukawa, at si Dion my friend, na mga hindi na bago ang pagka-late.
After class, pinag-linis kami ng mga CR. Ang saya grabe. Yehey. Akala ko si Dion uutusan akong ako mag-linis ng CR na pinaglilinis sa kaniya pero hindi dahil nowhere to be found siya. Mukhang na-konsensya na ata sa pambabanta sa akin.
"Hala naputol. . ." 'Yong hawakan ng mop na ginagamit ko, natanggal 'yong hawakan. Nag-madali akong tumakbo papunta sa cleaners' room para kumuha ng bagong mop kung meron man. Pero may nadaanan akong isang room bago mag-cleaner's room. May nakita akong dalawang tao sa loob, magkaharap. Masakit nang makita silang magkasama pero nong narinig ko pa 'yong pinag-uusapan nila, dumoble 'yong sakit.
Sabi nong babae, "Baka may maka-kita sa atin dito. Tara na."
Hinawakan ng isang lalaking naka-talikod ang kamay niya, "Ano naman? Kaya kong ipagsigawan rito na gusto kita."
Tama nga si Daddy, 'wag ma-attach, ako lang din ang masasaktan.