Chereads / Ellie's Endgame / Chapter 7 - 6 - One Step Closer

Chapter 7 - 6 - One Step Closer

Chapter 6

Sabado. Pagkatapos ko mag-agahan, hilamos, at toothbrush, nag-madali na akong pumunta sa SM Baguio. For the first time din, magagastos ko ang black credit na regalo ni Daddy sa akin last Christmas.

Life and death situation ito. Hindi pwedeng hindi ko 'yon bilhin.

Pinag-halong kaba at excitement ang naramdaman ko pagka-tapak ko sa store na pagbibilhan ko. Ang dami kong naiisip. Katulad ng. . . Paano ko kaya ito iuuwi?

"Uhh kuya. . . S-saan po dito 'yong pang-beginner? Color pink po sana." Tanong ko sa salesman. Sa mata ko kasi, pare-parehas lang ang mga ito. Siguradong alam nila kung alin ang alin.

"Ito po ma'am." Binuhat niya mula sa mga hilera 'yong kulay baby pink. Ang cute!

"Sige pabili po nyan!"

May in-adjust pang kung anu-ano si kuyang salesman bago niya ibigay sa akin. Binigay ko 'yong card sa cashier. Nagkatinginan sila sa di ko alam na dahilan. Medyo matagal din akong nag-hintay. Parang aligagang ewan 'yong mga kahera.

Struggle din ako sa pag-buhat ng binili ko. Nag-taxi na lang ako pauwi dahil alangan namang sakyan ko eh hindi nga ako marunong.

Sa taxi, natulala ako sa binili ko. Naalala ko 'yong conversation namin ni Yohan my crush sa FB kagabi. . .

Yohan Arcega

Ellie

May sasabihin ako

Ellie Cute Magnayon

Ano yon? Hehe.

Yohan Arcega

Uhm. Napa-bilib kasi ako pati mga teammates ko sayo.

Tapos na-beat mo pa yong record ni Chanel.

Ang galing mo, Ellie.

Wah. Ina-admire niya ba ako? Na-impress ko ba siya sa skills ko? Hala hala hala. Nagtata-talon ako sa kama at nagpa-ikot ikot sa kumot. Pinaghahampas ko rin ang kama ng unan. Hindi ko ma-explain yong nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan 'yong pag-ngiti ko. Kachat ko ngayon yong crush ko. Omygahd! Nagustuhan na ata ako ni Yohan!

Umupo ulit ako sa computer chair habang yakap yakap ang pink kong pillow.

Ellie Cute Magnayon

Ay thank you!

Yohan Arcgea

Typing. . .

Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa typing, grabe.

Yohan Arcega

Uhm yon.

Baka gusto mong sumali.

Ellie Cute Magnayon

Sali? Saan?

Hala. Pinapasali ba niya ako sa Yohanatics? Ayaw ko nga. Ayaw kong maging fan lang niya. Heh. Pero kung 'yon lang ang sasabihin niya, bakit kailangan pa nya akong sadyain na kausapin? Mukha namang hindi nagrerecruit si Yohan ng sasali sa fansclub niya, eh. Ni wala nga siyang pakialam sa fansclub na 'yon, eh. Ibig sabihin ba niyan. . . Gusto niyang magustuhan ko siya kaya nya ako pinapasali sa Yohanatics? Halaaaa.

Hopes up. Expectations to the highest peak tapos biglang. . .

Yohan Arcega

Sa triathlon team.

May try-outs sa Monday.

Whaaat?

Ellie Cute Magnayon

Ahh. Ganun ba?

Yong hopes na nasa 100 percent, biglang bumagsak sa negative. Akala ko pa naman. Akala ko. Akala ko lang.

Yohan Arcega

Yup. Naghahanap talaga kasi kami ng babae. Konti lang kasi babae naming player.

Tapos nakita kong may potential ka.

Ilang araw na kita gustong i-approach tapos sakto in-add mo ako.

Kaso di ko alam pano kita kakausapin. Sa school naman, palaging marami kang kasama.

Baka iba kasi isipin ng iba.

Hays. Ang lungkot naman. Yon lang pala ang kailangan sa akin ni Yohan. Pero wait. . . Kapag sumali ako roon, at pag natanggap ako, magte-training kami palagi. At ibig sabihin non, palagi kong makakasama si Yohan. Wah, nakakakilig! Isa itong once of a lifetime opportunity. Hindi ko 'to pwedeng palagpasin. Tama.

Ellie Cute Magnayon

Ocakes!

Magta-tryouts ako

sa Monday. ^___^

At iyon na nga ang dahilan kung bakit ako bumili ng bike ngayon. Kulay pink para cute. Tapos para makapag-practice na ako bago mag-tryouts sa Monday. Ibig sabihin, dalawang araw lang ang meron ako para matuto. Yehey.

Hindi ako pwedeng mapahiya roon dahil unang una, sinabi ko kay Yohan na marunong akong mag-bike.

Matataas ang mga kalsada rito sa Baguio kaya tingin ko hindi ideal na mag-practice sa labas ng bahay. Nagpa-hatid na lang ako sa taxi sa isang park. Mas malawak pa kasi at flat 'yong daanan kaya makakapag-practice ako ng maayos.

Ginugol ko ang Sabado at Linggo ko sa pag-eensayong mag-bike. Pinagtawanan man, nagasgasan man ang siko, nasugatan man, nasemplang man, para kay crush naman.

At dumating na nga ang Monday. Kung hindi man magaling, sapat naman na siguro 'yong quote unquote biking skills ko. Sana naman sapat na rin para matanggap sa try-outs.

"Sasabay ka?" bungad ni Dion my friend pagka-labas ko sa gate ng bahay.

Nagtaka ako. "Bakit nandito ka? Hinihintay mo 'ko?"

Nanlukot ang mukha niya. "Kapal. Bat kita aantayin? Kinuha ko baon ko kay Lola.

Napatango ako. "Ahh ocakes. . . Hindi ako sasabay. Magba-bike ako, eh."

Nilabas ko na sa gate ang cute kong pink bike.

"Bike? Tingin mo makakapag-bike ka rito?" Tinuro niya 'yong matarik na kalsada, "Gusto mong mag-dive sa semento?"

Napa-kamot ako sa sintido. Oo nga. Ang tarik nga. Nakakatakot.

Sinabi ko sa kanyang kailangan ko kasing dalhin 'yong bike dahil magta-tryouts ako sa triathlon, at ang sabi niya lang. . . "Ge. Bala ka dyan."

Kainis. Akala ko pa naman isasakay na lang din namin 'yong bike ko sa motor nya. Wala talagang ka gente-gentleman.

Ending, tinulak ko na lang pababa 'yong bike. Nag-lakad na lang ako. Pero pagkarating ko sa baba, nagulat ako nandon pa si Dion.

"Bakit nandyan ka pa?"

Tumingin siya sa bike. "W-wala lang. Bilisan mo." Tapos pinaandar niya 'yong motor niya ng sobrang bagal.

Kahit nagtataka, nag-bike na rin ako. Okay naman na. Marunong na ako mag-balance. Sabi ng homeschool teacher ko, hindi daw ako magaling sa acads pero fast learner daw ako sa mga sports at ourdoor activities. Kaya siguro mabilis din akong matuto.

Si Dion, halos kasabay lang ng pag-pidal ko yong takbo niya. Pwede naman niyang bilisan. Pwede naman niyang iharurot katulad ng ginagawa niya parati. Pwedeng iwan niya na lang ako para hindi siya ma-late. Pero hindi niya ginawa. Ano kayang nakain niya ngayon?

Mayamaya, sumigaw siya, "Pwedeng gumilid ka pa? Malapit ka nang mahagip nang sasakyan d'yan, oh."

Okay, binabawi ko na. May pagka-gentleman pa rin naman siya. 1 percent.

Sa buong class hours, kundi tulog si Dion, nasa canteen naka-tambay kasama ang mga barkada niya.

Kaninang lunch, inimbitahan nila akong manood sa court ng Barangay nina Rukawa dahil may laban daw sila ng basketball mamaya after school. Sabi ko hahabol na lang ako kung kaya kasi may tryouts pa nga ako. Nag-tinginan sila kay Didi tapos sabay sabay silang nang-uyaw, "Wala boss. Di ka pala malakas kay Ellie." Hindi naman umimik si Dion.

Pagkauwian, dumeretso na 'ko sa field para mag-tryouts. Nag-register muna ako. Kakaunti nga lang 'yong girls. Halos puro lalaki.

Habang nag-hihintay, nakita kong nakatayo si Yohan katabi nong coach. Mukhang manonood din siya. Omygahd jusko po. Nagtama ang tingin namin!

Nginitian niya ako tapos kinawayan. Omygahd talaga. Close na ba kami? Omygahd.

Nginitian ko rin siya ng malawak tapos kinawayan. Sobrang saya at kilig ang nararamdan ko. Kung pwede lang akong maglulundag dito, eh. Nakakakilig na sana ang lahat ngunit para akong binuhusan ng malamig na tubig with ice nang makitang kumakaway din ang katabi kong babae. . . si Chanel.

"Uy!" aniya kay Yohan tapos tumakbo papunta sa kaniya. Siya pala yong kinakawayan ni Yohan. Oo nga. Close siguro sila dahil na sa triathlon team din si Chanel.

Hala Ellie, kahihiyan na naman. Bakit ba napaka-assuming mo? Porket nirecruit ka at nag-usap kayo sa chat, kakawayan at ngingitian ka na personally?

Nawala ang malawak kong ngiti, napalitan ng simangot. Sakto namang napadaan sina Dion dito sa field bitbit na ang mga bag. Napatingin din siya sa pwesto ko at saktong sa akin naligaw ang mata niya. Nag-panggap na lang akong siya ang nginigitian at kinakawayan ko. Tinodo ko na. Para hindi ako mapahiya kung may nakakita man sa akin na kumakaway kay Yohan kanina.

Ang hindi ko lang ma-gets ay 'yong reakyon ni Dion. Ang inaasahan ko, tatapunan niya ako ng matalim niyang tingin o kaya panlulukutan ng mukha o kaya magba-bad finger. Pero ang reaksyon niya. . .

Ngumiti. Ngumiti siya! At parang ang genuine ng ngiting 'yon. Napa-iwas siya ng tingin sa akin tapos ilang beses pinadaan 'yong palad niya sa buhok niya. Luh? Anyare don? Parang namumula?

Nong tumingin siya ulit, I mouthed him "Good luck!" habang naka-fists up.

Kinakausap siya nina Rukawa pero sa akin siya naka-tingin. Napansin ata ng mga barkada niya 'yon kaya sinundan nila kung saan siya naka-tingin. Nong natunton nila ako, bigla nilang pinag-susundot 'yong tagiliran ni Dion. Pinagbabatok pa. Hindi ko sila naririnig dahil medyo malayo sila sa pwesto ko pero mukhang nag-aasaran sila.

Hindi ko na sila napansin nong natawag na ang pangalan ko para sa tryouts.

Fast forward, ang results ay. . .

Running, perfect.

Swimming, perfect.

Biking. . .

Ohhh-kay.

Okay naman, tingin ko. Dahil napa-applause si coach Jerry.

Pinapila lahat ng mga nag-tryouts para i-announce na 'yong mga natanggap.

Naka-ten na ata ang natatawag pero wala pa rin ako. Nag-umpisa na akong mag-isip ng Plan B, C, at D kung paano mapapalapit kay crush kapag hindi ako matatanggap dito.

Pero sa pang 13, which is ang huling pipiliin, kulang na lang yakapin ko si Yohan nang banggitin ni coach ang pangalang, "Ellie Magnayon. Congratulations!"

Thank you, Lord. Dahil dito, makakasama ko na palagi ang crush ko. Yehey.

Nagulat na lang ako nang may magsisisigaw ng pangalan ko. Si Chin. Pinanood niya pala 'ko. Tumakbo pa siya sa field para yakapin ako.

"Congrats, girl! You're one step closer to OUR Yohan." Pinalo ko siya ng mahina sa binulong niya sa 'kin.

Aalis na sana ako para sumunod doon sa laro nina Dion sa isang Barangay. Inaya ko na si Chin at pumayag naman. Pero biglang nag-announce 'yong coach na magkakaroon pa ng meeting 'yong mga new athletes.

Aantayin na lang daw ako ni Chin sa may waiting shed.

Pero isang oras ang lumipas, pag-tapos ng meeting, nag-aya naman 'yong coach na ililibre kami sa barbecue-han. Kailangan lahat daw kasama. Eh hindi naman ako maka-tanggi dahil nakakahiya. Tinext ko na lang si Chin para magpaalam.

To: ChinMyFriend<3

Chin, baka mauna ka na.

Nag-aya kasi yong coach mag-bbq. :v

ChinMyFriend<3

Mauna?! Ang bata ko pa girl!

Echos. Osige. Alam ko naman kung san yong brgy na yon. Enjoy with our crushie. Wag mong galingan! :D

Nong palabas na kami, para akong pinaglalaruan ng tadhana (wow). Pano kasi, biglang ang daming nag-paalam na pinapauwi na sila ng parents. Si Yohan, pupuntahan daw yong kapatid niya sa ospital. Ang nangyari, halos lagpas kalahati na ang umalis, kaya sabi ni coach, bukas na lang daw mag-barbecue after training. Muntik na ako mapa-"What the heck coach?!" dahil nag-sakripisyo ako ng panonood ng basketball game ng mga kaibigan ko para sa barbecue tapos hindi naman pala matutuloy. Sumakit ang ulo ko.

Itetext ko na sana si Chin kaso baka nakarating na yon doon. Ayoko namang bumalik pa siya rito sa school na pagkalayo layo para sunduin ako. Gusto ko na talagang pumunta kaso hindi ko naman alam kung saan 'yong Barangay na yon. Hindi ko pa naman kasi kabisado ang pasikot sikot dito.

Hays. Baka magalit 'yon si Didi. Magpapaliwanag na lang ako mamaya.

Gumawa ako ng assignments kinagabihan. Kumain, nag-Friv, nakinig ng 2NE1 and Silent Sanctuary songs sa iPod, nag-sulat sa diary, nag-emote sa bintana, sumayaw ng eh eh eh eh eh eh eh eh 2NE1! sa kama, nakipag-laro ng paper dolls kasama si Bobby, tumawag kay Kuya na nasa Manila para makipag-bangayan, nanood ng The Notebook DVD na nirentahan ko sa Video City, tumulala, nag-emote ulit sa bintana, nag eh eh eh eh eh eh eh 2NE1 ulit sa terrace naman ngayon, tapos tumulala ulit, tapos inantok na.

Mag-aalas eleven na nang maalala kong i-check ang phone ko. Hala hala hala! Ang daming texts! Mula kay Chin, Dion, Jester, Rukawa. Anong nangyare?!

Unang text pa lang ni Chin, para na akong binuhusan ng malamig na tubig. . .

Chin

Girl! Nasan ka na?! Si Dion, may nangyareng masama!!!!

--

A/N

Stay tuned!

Updates 9PM every Friday and Saturday (and/or on random days basta nakapag-sulat ako) 🙂♥️