Chereads / Ellie's Endgame / Chapter 6 - 5 - First Talks

Chapter 6 - 5 - First Talks

Chapter 5

Don't expect too much. It's better to feel surprised than to feel disappointed.

Tinulalaaan ko ang quote na nadaanan ko sa news feed kaka-scroll sa Facebook at kaka-hintay ng chat ni crush. Asado. Ayon ako. Ano naman ngayon kung in-accept ako ni Yohan? Baka nga accidentally niya lang napindot.

Pero kung accident, edi sana in-unfriend niya na 'ko?

Eh, baka nahihiya.

Sa mga sumunod na araw ay ganoon pa rin ang mga kaganapan. Pasimpleng titingin kay Yohan. Umaasang baka gusto niya makipag-usap personally at hindi sa FB? Pagdating sa bahay, deretso sa PC, check kung may nakaka-excite na notification or message. Pero wala. Nacucurious lang naman ako kung bakit niya ako in-accept sa FB.

Pero kahapon, nasa garden kami, biglang dumating si Yohan, pa-linga linga, parang may hinahanap. Edi tili tili na naman mga Yohanatics. Tapos, sa akin huminto yong mga mata niya. Promise. Hindi ako assuming. Totoo nga!

Niyugyog ako sa balikat ni Chin at nanuot na naman ang iconic "Ackkk!" niya sa eardrums ko as always dahil sa kilig niya sa presence ni Yohan. Syempre ako, kahit kilig much to the bones, nagpa-demure pa rin. Quiet boys like quiet girls din sabi sa isang online article 'di ba? Kaya I'm living up to it.

Edi ayon, paipit ipit pa ako ng buhok sa tainga. Nakita ko si Yohan na nakatayo pa rin di kalayuan sa pwesto namin pero di rin nagtagal, nag-walk out na palayo sa garden. Akala ko pa naman.

Parang may gusto kasi siyang sabihin. Katulad ngayon, papunta ako sa canteen para bilihan si Dion ng pinapabili niyang Chuckie, palabas naman si Yohan sa canteen. Makaka-salubong ko siya! Bigla na namang nanlamig ang mga kamay ko sa kaba at consciousness dahil sa presence niya. Omygahd. Naka-tingin siya sa akin. Ayan na, makaka-salubong ko na siya. Habang palapit kami ng palapit, lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Ganito pala ang feeling na magka-crush.

Pero. . . wala ring nangyari. Mabilis din siyang nag-iwas ng tingin tapos nilagpasan lang ako. Sigh.

Pag-punta sa court, sinabi ko kay Chin ang pag-confirm sa akin ni Yohan sa FB. Kinukutuhan niya ako ngayon dito sa bleachers.

At ang reaksyon niya, "Goooorl!"

"Aray!" Sinapak pa ang ulo ko. Nilingon ko siya at pinanlakihan ng mata.

"Ang feeling mo talaga Ellie girl. Suntok sa buwan yon, okay? Wala syang ina-accept na babae maliban na lang kung kung family, close friend nya or team mates."

Napa-pikit ako at napabuntong hininga. "Pero totoo nga! Hindi rin talaga 'ko makapaniwala pero kagabi Chin, in-accept nya ako! Alam mo bang hindi ako naka-tulog? Tignan mo," Hinarap ko siya at tinuro ang eyebags ko. "Ayan, proof!"

Binigyan niya lang ako ng 'kwento mo sa pagong' look.

"Ayaw mong maniwala? Sa computer lab mamaya, ipapakita ko sa 'yo."

"Psh. Walang net sa comlab natin. Talikod na, ibe-braid kita."

Edi 'wag siya maniwala. "Bahala ka. Basta sinabi ko na sa 'yo, ah."

Mahigit isang buwan na kaming magkasama ni Chin at nag-establish siya ng isang rule: "No secrets from each other."

Minsan naisip ko, bakit kaya ako kinaibigan ni Chin? Wala ba siyang friends bago ako nag-transfer dito?

Tinanong ko 'yon sa kaniya pero bigla siyang nag-ayang mag-punta na sa classroom.

Pag-uwi, hindi na ako umasa sa chat o poke ni Yohan, o sa pagkausap niya sa akin para i-explain ang pag-accept niya na isang weird na phenomenon. Inisip ko na lang na yong mga pag-tingin niya ay mga ligaw lang at hindi naman talaga intended para sa akin.

At dumating na naman ang paborito kong araw: Friday. Dahil ngayon ang paborito kong subjet: Physical Education.

Swimming naman daw ngayon ang gagawin namin. Dahil siguro kilala ang TNHS sa triathlon. Hindi na ako magtataka kung next week eh biking naman ang PE namin.

Pinag-demo ni sir si Yohan ng mga iba't ibang strokes para daw may idea kami. Sa totoo niyan alam ko naman na talaga ang mga yon dahil nag-hire sila Mommy noon ng private swimming instructor kaya natuto talaga kami ni kuya lumangoy sa bahay. Pero dahil si Yohan ang taga-demo, and not to mention na naka-topless siya ngayon (wala akong pakialam promise), nanood ako with full attention.

As usual, puno na naman ng tilian ang mga Yohanatics. Para silang kinikiliting ewan. Wait, nasaan kaya si Chin at hindi ako nakakarinig ng "ackk" at di ako nakakaramdam ng pag-yug—

"Ackk! Emegeeed 'yong abs niya! Ackk!"

Wala na akong reaksyon sa pangyuyugyog niya. Hinayaan ko na lang ma-alog ang buong sistema ko. Sanay na po.

Pagkatapos mag-demo ni Yohan, nagsi-kalma na ang mga Yohanatics dahil ita-try na namin yong mga strokes. Nong mag-umpisa na, tawang tawa ako dahil ang daming nalunod daw. Like, guys. . . kiddie pool lang 'yong lalim ng pool paano kayo malulunod? If I knew, gusto lang nilang magpa-CPR kay Yohan. Grabe, ang effort nila para sa idol nila. Buti pa ako. Wala lang. Abang abang lang kung kailan niya papansinin.

Sa ngayon, sinunsundan ko lang siya ng tingin. Nakaupo siya ngayon sa gilid ng pool.

"Baka magka-kuliti ka."

Napalingon ako sa likod ko. Isang matangkad at slender na lalaking naka-rashguard. Clue: Mapungay ang mata.

"Anong kuliti?"

Nag-salubong ang kilay ni Dion. "Hindi mo rin 'yon alam?"

Tumango ako. "Ah! 'Di ba kuliti means…" Sinundot-sundot ko ang tagiliran niya dahilan para mapa-balikwas ito kung saan saan.

"Hoy pota! AHAHAHA! Kiliti 'yan hindi kuliti tanga. Hoy tama na yare ka sa 'kin!" Para siyang uod na nalagyan ng asin jusko po.

"Aba't! Kayong dalawa na naman?!" Napa-tigil ako sa pag-sundot sa kaniya nang sumulpot sa kung saan si Sir Paus.

"S-sorry po, sir."

"Kayong dalawa… Mag-boypren gerlpren ba kayo?!"

What the? Grabe naman si Sir.

Nag-uyawan at nag-tawanan ang iba naming classmates. Ano ba 'yan. Umiling ako agad. Si Dion, nagrerecover pa sa pagka-kiliti ko sa kaniya habang naka-yuko at naka-hawak sa tagiliran.

"Hindi sir," sabi ni Dion tapos tumuwid ng tayo. "Ang kaibigan, hindi dapat shinoshota."

Kaibigan? Kino-consider na niya ko bilang kaibigan niya?

Napa-iling si Sir Paus. "Aysos. Walang babae at lalaki ang mag-kaibigan. Kung hindi kayo mag-nobyo, malamang 'yung isa sa inyo may gusto sa isa."

Napa-lunok ako. Nagka-tinginan kami ni Dion at sinamaan ng tingin ang isa't isa. Sabay din kaming nag-iwas. Ang awkward naman. Kainis si Sir.

At saka imposibleng may gusto si Dion sa akin. Wala atang interes sa babae 'to eh.

Natapos ang swimming session. Nakakagulat dahil na-beat ko na naman daw ang time record ni Chanel sa pinaka-mabilis sa girls.

Dumeretso ako sa CR para i-check kung natanggal 'yong make-up ko. Nag-retouch ako agad lalo na yong kilay at fake mole ko. Nag-bihis na rin ako ng PE uniform.

Pagkalabas ko, para akong namutla nang nasa labas si Yohan. Magkatabi lang kasi ang shower room ng girls at boys. Aalis na sana ako nang mabilisan pero nanigas ako nang may bumanggit sa pangalan ko.

"Ellie?"

Si Yohan. Hindi ako pwedeng magka-mali. Boses 'yon ng crush ko. Tinatawag niya 'ko. Jusko po. Grabe, kaka-shower ko lang tapos ang lamig pa ng panahon, pero feeling ko, ang init init.

Awkward akong humarap sa kaniya at nag-ipit ng karampot na buhok sa tainga. Kinikilig ako na kinakabahan na ewan. All of this feels new to me. Grabe.

"B-bakit po?"

Kinakabahan po ako.

Naka-tingin lang si Yohan sa akin. Naka-topless pa rin at naka-sabit ang towel sa balikat, nag-lakad siya. Papalapit sa akin. Ang mga kalmado niyang mata, sa akin din naka-pako. Jusko po Lord. Ito 'yong mga napapanood ko sa mga telenobela, ah. Bawat hakbang niya palapit sa akin, ganon din ang hakbang ko palayo sa kaniya. Kinakabahan ako, eh. Saka ganito 'yong sa mga napapanood ko. Tapos co-corner-in ng guy 'yong girl. Omygahd.

Todo lunok din ako. Hanggang sa ito na nga ang "wala ka nang kawala" moment. Tumama na ang likod ko sa isang puno. Actually, marami pa talagang space na pwede kong daanan. Pero hindi ako dadaan.

Huminto na si Yohan sa pag-lapit sa akin. Malapit na siya, eh. Pero hindi katulad sa mga napapanood ko sa pelikula at telenobela, hindi niya ako kinulong sa mga braso niya. Sad. Naka-tayo lang siya mga isang metro mula sa akin. Nakahawak ang kanang kamay sa tuwalya niya.

Pinagpapawisan ako ng malamig. Sa paa ko na lang ako tumingin. Kakabahan na sana ako sa katahimikan pero nawala 'yon nang makarinig ako ng pag-bungisngis. Nakita kong sumingkit 'yong mata ni Yohan tapos lumubog 'yong pisngi niya. Napa-yuko rin siya at napa-takip ng bibig. Hala. Natatawa ba siya? Ang cute niya, grabe Lord!

Hindi talaga ako magaling makipag-usap sa mga first time ko lang makakausap. But I tried so hard para makapag-start ng conversation. "Uhh. . . B-bakit po kuya?"

Ay jusko po! Anong kuya, Ellie????? Kuya? What the heck?!

Nagulat ako nang mas lalong yumuko si Yohan. Mayamaya, tumalikod pa ito. Taas-baba 'yong balikat niya. Tinatawanan niya ata ako. Hays grabe nakakahiya. Lahat na lang ng nasasabi ko sa harap ni Yohan, ang awkward. Una, 'yong pag-aannounce ko na single ako at nbsb maski hindi naman niya tinatanong tapos ngayon, tinawag ko naman siyang kuya.

Wala na. Wala na Ellie! Turn off na turn off na sa 'yo ang crush mo. Wala naaaa!

Pinalo ko ng mahina ang bibig ko. Nakita ata 'yon ni Yohan dahil bigla siyang nag-salita, "Okay lang. . . ate." Tapos natawa na naman siya. Ang cute niya tumawa. Shy type.

Tumikhim siya at sa isang iglap, parang ibang tao na ang kaharap ko dahil bumalik na naman siya sa kalmado niyang expression. Tumuwid na ako ng tayo dahil mukhang hindi naman niya ako co-corner-in. Para akong baliw dito.

"Sorry, natawa lang ako."

Wow. Jusko. Ang ganda ng boses niya. Wala atang pangit sa crush ko.

"Uhh. . ." Inipit ko sa mag-kabilang tainga ang buhok ko. "Oki lang."

Wah ang awkward po. Help.

Katahimikan.

Hanggang sa inunahan na niya.

"Hmm, ang galing mo kanina. . . Pati sa running last week. May formal training ka ba?"

Hindi ako makapaniwala na kinakausap ako ni Yohan ngayon. Ni YOHAN ARCEGA. Ng crush ko.

Pinilit kong huwag ipakita ang kaba at kilig. "Wala. Ano lang. . . Ako kasi saka kuya ko, palagi kaming nag-aaway. Kunware kapag nang-asar siya, hahabulin ko siya. Mag-hahabulan kami. Kaya magaling akong tumakbo. Sa s-swimming naman, ay oo pala! May swimming instructor ako noong elem kaya marunong din ako."

Masyado bang mahaba 'yong nasabi ko? Ang effort ko ba mag-explain?

Tumango tango si Yohan tapos nag-tanong ulit, "Marunong ka rin bang mag-bike?"

Hala. Interested ba siya akin? Grabe, kinikilig na ako. Ngayon ko lang naramdaman 'yong ganitong feeling sa pakikipag-usap sa isang tao.

Ang sagot ko sa tanong niya ay. . . "Oo." dahil ayon sa nabasa ko sa isang blog, nagugustuhan ng isang tao ang may kaparehas na hobby / interest katulad ng kanila. The reality is hindi talaga ako natuto mag-bike dahil hindi naman ako nakakalabas sa bahay. Okay lang 'yan. Wala naman siguro kaming PE na biking para mapahiya ako kay Yohan, no?

Tumango na naman si Yohan. Sobrang amo at kalmado talaga niya.

"Baka gusto mong suma—"

"Pare ko!" Muntik na akong matumba nang biglang may umakbay sa akin na pagka-laki laking lalaki. Jusko naman. Si Dion na naman! Eksena naman 'to. Hindi tuloy natuloy ni Yohan. At anong tawag niya sa akin? Pare ko? Anong trip nito?

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Bakit?" I murmured.

"Gusto mong mag-cutting?" naka-ngising aniya.

Hays! Pa-epal talaga 'to eh. Bakit kailangan niyang iparinig kay Yohan? At bakit parang sinasadya niya? Hays. Bad shot na naman kay crush. Ano ba yan. Kainis.

"Anong cutting? Hindi ako nag-cu-cutting ano ka ba?" Pasimple ko siyang itunutulak palayo sa akin.

Nginitian ko si Yohan. Na mukhang naging ngiwi ang kinalabasan dahil sa hiya at awkwardness.

"Bakit mo ba 'ko tinutulak? Putek."

Binigyan ko si Dion ng "tumahimik ka muna riyan" look. Sinalubungan niya lang ako ng kilay.

Bumaling ako kay Yohan, "Uhh. . . Ano 'yong sinasabi mo kanina?"

Nahuli ko siyang naka-sipat kay Didi. Tumingin ako kay Didi at ang talim din ng titig niya kay Yohan. Magka-away ba sila? Pero imposible namang may kaaway si Yohan dahil sobrang lovable niya.

"Mamaya na lang, Ellie. . ." sabi ni Yohan tapos naglakad na paalis.

Mamaya? Ibig sabihin kakausapin niya ulit ako? Hala hala hala! Omygahd.

"Anong pinag-usapan niyo ha?" tanong ni Didi, na sa hindi ko alam na dahilan, seryoso siya.

Binigyan ko siya ng malawak na ngiti, "Wala ka na ron," at bumelat.

Natapos ang buong araw na hindi na ako kinausap ni Yohan. Malungkot ako pagka-uwi. Umasa ako eh. Ibinagsak ko ang katawan sa pink Hello Kitty bed ko. Haaaays. Pero kinikilig pa rin ako. Pero ano kaya yong sasabihin niya sana kanina?

"Baka gusto mong suma—"

Sumama?

Sumapit?

Suma cum laude?

Sumapak?

Sumatutal?

Sumalangit?

Hays. Nacu-curious na talaga ako!

Sa sobrang curious, binuksan ko na naman ang PC ko at nag-Facebook. Habang nag-aantay ng chat kung sakali ni Yohan, nag-tetris muna ako.

Pagka-lipas ng halos isang oras, tumunog ang PC. Tunog ng chat. Dugdug. Dugdug. Nag-esc agad ako sa pagka-full screen ng tetris at halos lumundag ako sa computer chair ng makita ang pangalan ni Yohan sa baba. Siya 'yong nag-chat!

Yohan Arcega

Ellie

May sasabihin ako