Ito pa rin ang minahal niyong Friends With The Gangster. Though maraming nabago, character na nabawas, naibang inciting incident, pero i assure you mas readable siya and wala na masyasong irrelevant scenes. Mas ginawa kong fast-paced (marami nabawas na scenes na tingin ko the story will be fine kahit wala sila), and 'yooooon, more feels talaga. Nong naga-outline nga ako, naiyak pa 'ko sa plot. Hahahaha. So yon, enjoy! Leave your comments! :)))
--
Prologue
January 2021 - Ellie's Wedding Day
Pinapanood ng lahat ang bawat hakbang ng isang lalaking naka-tuxedo na paakyat sa stage bilang officiant ng kasal ni Ellie.
Siguro katulad ko, ito rin ang tanong nila sa isip: totoo kaya ang suot niyang mga ngiti ngayon?
Sigurado kasing doble ang sakit para sa kaniya. Siya na nga ang tumayong pari sa seremonya, siya pa ang taga-speech dito sa reception. Double kill talaga.
Ngumiti siya sa mga guest, ngunit hindi maikukubli ang lungkot sa mga mata. "Ang pinaka-masayang araw sa buhay ng tao ay kapag nahanap na nya 'yong taong kukumpleto sa buhay nya."
May pinang-huhugutan. Bawat pangungusap niya, hihinto. Humihinga. Lumulunok. Humuhugot ng lakas.
"'Yong taong gagawing magical 'yong ordinaryo nyang mundo. 'Yong taong kapag kasama nya... 'yong mga simpleng bagay, nagiging espesyal."
This time, nahuli ko na kung saan naka-pako ang mga tingin niya. Sa bride. 'Yong mga mata nya, nangungusap.
"'Yong tipong hindi mo lubos maisip kung paano mo gugugulin ang isa pang araw ng buhay mo. . . kung wala siya."
SIYA. Alam ng lahat kung sino ang SIYA.
"Para sa bride natin, 'yong araw na natagpuan niya 'yong taong yon ay mga... sampung taon na ang nakalipas. Hindi ko malilimutan 'yong taon na 'yon. 2010. 'Yon din ang taong nagkakilala kami. Hah. Mahabang kwento, hindi ko na halos matandaan dahil sa kalagayan ko. Ang naaalala ko lang," humawak siya sa baba nya. "Mukha siyang Dora noon sa hairstyle nya."
Natawa siya. Nagtawanan din ang mga bisita. Si Ellie, nag-mock face sa kanya.
"Pero kung pag-uusapin natin ang tungkol sa sampung taon na ang nakakaraan, hindi lang ang pagkaka-kilala namin ang highlight ng taong 'yon. Kasi noong taong 2010, nakilala niya ang lalaking mamahalin niya. Pang-habambuhay. At itong lalaking 'to, syempre walang iba kundi si..."
Mahabang pahinga. Tinignan niya kami isa isa hanggang kay Ellie. Mukhang nabawasan naman na 'yong pighati sa mga mata niya. Parang napalitan na ng saya para sa kasiyahan ng babaeng mahal niya.
Na ngayong araw na 'to, tuluyan na niyang ipinaubaya sa iba.