Chereads / Ellie's Endgame / Chapter 3 - 2 - Friends

Chapter 3 - 2 - Friends

Chapter 2

Hindi na ako makakawala sa kamay niya. Kung bakit ko ba naman naisip 'yon. Pwede pa sana akong kumawala paminsan minsan kung hindi niya ako isasama sa mga kalokohan nilang mag-babarkada pero mukhang ngayon, kailangan ko pang sadyain na lapitan siya.

Pagkatapos ng bugbugan session nila kasama ang mga sanggano, sa Burnham Park kami dumeretso. Tinanong ko kung sino ang mga 'yon at sabi ni Jester, habang naka-ngiti at may blockeye, "Kalaban ng gang namin!"

Syempre, nagulantang ako. "Ha?! May gang kayo?! Kayo, gang? Di ba, masasama 'yon?"

"Hin—"

Pinutol ni Rukawa si Dion, "Oo. At kami ang. . ." Iminuwestra niya ang kamay sa kanilang tatlo, "TBS."

TBS sounds familiar to me. Palagi kong nakikita sa mga streets sa Manila. Naka-graffiti sa mga walls. So tinanong ko, "Anong TBS?"

Kahit dapat hindi yon ang inaalala ko sa mga oras na yon dahil dapat nagpapanic na ko dahil may kasama akong "gang".

"Wal—"

Si Jester naman ang namutol kay Dion at sinabi, with matching pa-taas taas ng kamay na parang nag-foform ng rainbow sa ere, "Trent. . . Brothers. . . Society."

Pagkasabi niya non, bukod sa napa-face palm si Dion, hindi ko alam pero. . . Napa-halakhak ako.

"Hahahahahaha! Ang baduy naman jusko po!" Trent brothers what? Naalala ko. Yon pala yong binanggit nong kalaban nilang mukhang horsie.

"Tatawa tawa ka, hindi ka natatakot sa amin?" Si Dion.

Natahimik ako non. Naisip ko, oo nga. Dapat katakutan ko nga sila kung sila ay certified gangsters. Pero I can't help eh. Hindi naman kasi sila mukhang mga gangsters. Mukha lang silang mga delinquent students na walang magawa sa buhay kaya nakikipag-sapakan sa kanto.

"As long as hindi niyo ko idadamay sa mga gang activities niyo, then we're good."

Saka kahit katakutan ko pa sila o kahit gaano ko kagustong ilayo ang sarili ko, hindi yon posible dahil kay Dion. Hangga't hawak niya yong mga litratong yon at ginagamit niyang panakot sa akin, hindi ako makakalayo sa kanila. At paano ako lalayo, seatmate ko?

Hinatid na ako ni Dion pauwi. Pagkarating sa bahay, nakita namin si Lola Fe sa may labas, mukhang hinihintay kami.

Pagkababa sa motor, lumapit siya sa amin at mukhang alalang alala ang mukha. Humawak siya kay Dion at siniyasat mula ulo hanggang paa.

"Saan ka na naman nagpuntang bata ka?" Mukhang nakita na ni Lola Fe ang mga gasgas sa siko at leeg ni Dion. Parang naiiyak na si Lola Fe. "Ayna, apoooo. Kailan ka ba mag-titino?" At pinagpapalo sa braso si Dion.

Napayuko si Dion. Hindi iniinda ang mga palo ng Lola noya. "La, okay lang po ako. Ipinagtanggol ko lang ang sarili ko. Tumawag po ba sa school?"

Pinalo siya ni Lola Fe sa balikat. "Ayna apo, hindi na mahalaga. Hali kayo't pumasok nang magamot ang mga galos mo."

Pagkatapos gamutin ang sugat ni Dion, tinanong ako ni Lola Fe kung anong nangyari, pati ni Lolo at Mommylola at bakit daw kasama ako sa pagca-cutting ni Dion.

Hindi ko alam kung namalikmata lang ako pero parang nakita kong pasimpleng nag-thumbs up si Lolo kay Dion.

"Uhm. . . Ang totoo po kasi. . ." Sasabihin ko na sana na hinila ako ni Dion and I was left no choice pero nakarinig ako ng pag-tikhim ni Dion.

"Ehem." Nilingon ko siya, katabi ko siya sa sofa, nakahalukipkip lang at walang ekspresyon yong mukha. Pero sa pag-ehem nya pa lang, alam mo na ang ibig nyang sabihin.

Inaabangan ng mga Lola namin at ni Lolo ang sagot ko. Napalunok ako bago mag-salita. "Kasi. . . Na-bored po kami sa klase kaya. . . naisipan naming dalawa na mag-c-cutting. Sorry po Lolo, Lola."

Yong dalawang Lola, napa-buntong hininga, pero si Lolo, tatawa tawa at parang nagsesenyasan sila ni Dion. Ang weird talaga.

Tapos mayamaya bumirada siya, "Hay nako, hayaan nyo na ano ba kayo. Mga bata pa ang mga 'yan. Hayaan nyo sila mag-enjoy at  magkamali. D'yan sila natututo sa totoong buhay. Hindi naman lahat matututunan sa eskwela! Sige na, hayaan nyo na." Winawagayway pa ang kamay sa dalawang lola na parang pinapaalis sila.

Natahimik si Lola Fe at Mommylola. Pero mayamaya, nag-salita ulit si Mommylola, "Teka nga. Ano yong dahilan mo Ellie? Naisipan ninyong mag-cutting? Naisipian NIYO?" Inemphasize ni Mommylola ang last word.

Nagpapkiramdaman, sabay kaming tumango ni Dion.

Nagkatinginan si Lola Fe at Mommylola. Tapos sabi ni Lola Fe, "Ibig sabihin. . . malapit na kayo sa isa't isa?"

"Hindi po!"

"Oho, La!"

What? Ano na namang trip nito? Kami? Malapit?

"Aysus, ang mga kabataan talaga!" Natatawa pang nag-apir ang mga Lola namin. Sabay ganon?

Akala ko doon na matatapos ang usapang pagiging "malapit" namin ni Dion. Pero kinagabihan, pagkatapos ng dinner, kinausap pa ako ni Lola Fe. "Ellie, nakkong. Kumusta naman si Dion sa eskwela? Nag-aaral ba siya?"

Pwede ba akong magsabi ng totoo rito? Hays.

"Hmm. . . Sa totoo po niyan Lola Fe, medyo tamad po si Dion sa school pero malay nyo naman po. . ." Pampalubag lang.

Napa-exhale si Lola Fe habang nagpuounas ng lamesa. Umupo siya sa harap ko.

"Ellie, alam kong ayaw mong maging kaibigan si Dion talaga dahil pasaway at barumbado pero. . . pwede ba akong humingi ng pabor sayo, nakkong?"

Parang may sariling utak ang ulo ko (meron pala talaga) at tumango ng kusa. Jusko po. Akala ko nakatakas na ako sa ganito noong bakasyon pa lang. Mukhang alam ko na ang kahihinatnan nito, ah. Noong bakasyon pa lang at hindi ko pa nakikita si Alek AKA Dion, pinapahiwatig na ni Lola Fe na sana ay. . .

"Sana kaibiganin mo si Alek nakkong."

DUDUN.

I'm doomed.

Nag-dagdag pa si Lola Fe ng extra persuasive speech. . .

"Kung anong ipinapakita niya sa eskwela, hindi talaga sya ganoon, nakkong. Nagpapa-pansin lang siya sa papa niya kaya kung anu-anong ginagawa. Ang kailangan nya lang ay kaibigan nakkong."

"Pero. . . Marami naman po siyang kaibigan. Isang battalion nga po, eh." Hays, kailangan makumbinse ko si Lola Fe na hindi ako kailangan ni Dion.

Natulala si Lola Fe sa lamesang makintab. "Oo, pero wala ni isa sa mga kaibigan nyang 'yon ang kaya siyang patinuin. Lahat kasama rin nya sa pag-gawa ng kalokohan."

Ako rin po Lola Fe. Ako rin! Wala po akong maitutulong dahil hindi ko rin po siya kayang patinuin! Dahil tuta niya lang po ako Lola Fe! Tuta!! Ayan ang mga gusto kong sabihin ngayon pero. . . Hindi pwede. Baka mayari pa ako kay Dion pag siniraan ko siya sa Lola niya.

"Magkokolehiyo na siya sa susunod na taon pero mukhang wala siyang balak. Ang alam nya walang naniniwala sa kanya. Wala siyang direksyon. Palibhasa wala siyang nanay at tatay at pati kaibigang magtutulak sa kanya at sasamahan siyang mag-pursigi. Ayaw naman nyang makisama sa iba bukod sa mga kaibigan nyang wala ring direksyon sa buhay. Paano na ang kinabukasan ng apo ko? Naaawa ako sa apo ko, nakkong."

Napalunok ako. Bigla akong nalungkot para kay Dion. "N-nasaan po ang mama at papa niya? W-wala na po ba sila?"

"Hindi naman literal nakkong. Pero parang ganoon na rin. Hay, hindi ko pwedeng sabihin sa 'yo dahil ayaw 'yon ipagsabi ni Alek. Ayaw nyang kinaka-awaan sya ng tao. Ay!" Pinalo palo ni Lola Fe ang bunganga nya. "Dapat hindi ko paa sinabi sa 'yo nakkong baka magalit si Alek sa 'yo."

Umiling-iling ako. "Wag po kayo mag-alala Lola Fe." Zinipper ko ang bunganga ko. "Hindi ko po sasabihin kay Dion."

Nagliwanag ang mukha ni Lola Fe. "Pumapayag ka na ba, nakkong?"

Okay, bahala na. Mukhang kailangan ako ni Dion. Hindi ko alam. Try. "Sige po. Ako po bahala, Lola Fe."

At hindi na nga, hindi na nga talaga ako makakawala sa kamay niya

Kinabukasan, na-guidance kami dahil sa cutting and bugbugan incident. Pinatawag na ang mga guardian namin. Si Lola Fe kay Dion at si Lolo sa akin. Hindi naman na kami pinagalitan dahil napag-usapan na sa bahay kahapon. Pero sina Rukawa at Jes, napagalitan ng mga  magulang. Si Lolo ko, mukhang tuwang tuwa pa na makapunta sa guidance. Sabi pa nya bago umuwi, "Maganda 'yan apo. Experience is the best teacher."

Minsan, o madalas na atang hindi ko na ma-gets si Lolo.

Pero gets na gets ko kung bakit pinag-lilinis kaming apat ng court at oval ngayon. Art class pa naman ngayong oras na 'to. Nagdala pa naman ako ng mga materials pero heto, hawak ko ngayon eh mahabang walis tingting habang pinipinta sa damo para mawalis ang sangkatutak na dahon.

Samantalang ang mabait kong kaibigan na si Dion Aleksandr Valdez at ang mga mababait niya ring kaibigan, hindi pa nangangalahati sa pag-lilinis, nakahiga na sa damo at parang nagsa-sunbathing. Kainis.

"My friend, Didi! Come here. Let's sweep the grass."

"Hoy! Anong sabi mo? Sila Jester lang pwedeng tumawag sa akin non." Napaupo pa siya.

Nagkatinginan at natawa sina Rukawa at Jester.

Napairap ako. "Kaibigan mo na rin ako mula ngayon Didi, okay? May utusan ka na, may cute ka pang kaibigan. Ang happy 'di ba?"

Kaya mo 'yan Ellie. Sampung buwang lang naman, eh. Parte na 'yan ng pangarap mong buhay, ang magkaroon ng gangster na friend. Yehey!

Nilukutan niya lang ako ng mukha na parang sinasabing "anong nakain nito?" pero nginitian ko lang siya. Sabi ni Lola Fe malambot daw sa loob si Dion. Nag-tatapang tapangan lang daw. Ipakita ko lang daw na naiintindihan ko mga ginagawa niya.

Napag-desisyunan naming mag-hati ng lilinisin. Nagpunta na court si Jester at Rukawa at kami dito sa oval. Ten minutes pa lang nagtutusok ng mga dahon, napaupo na naman sa damuhan si Dion sabay sabing, "Erika, bilhan mo nga ako ng gulaman sa canteen. . ."

Naihagis ko ang walis tingting. "Ano?! Wala ka ngang ginagawa! Paano ka mauuhaw?"

Tinapunan na naman niya ako ng mapungay eyes niya. "Pictures, Erika. Pictures. Baka nakakalimutan mo, Erika."

Argh. "Okay, Didi my friend. Sige, bibilhan na kita ngayon na. D'yan ka lang, ha??" Note the paglalambing tone.

Dinaanan ko siya at tatawa tawa siya habang nakaturo sa akin. Kainis.

Isang araw na naman ang lumipas. Isa na namang araw sa eskwela. Akala ko enjoyable ang pag-aaral kapag maraming classmates. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng classmates. Ang kasama ko lang mag-aral sa buong buhay ko, ang homeschool teacher ko. Bored na bored ako non.

Pero ngayong ang dami kong classmates, nabobored pa rin ako sa 8 hours na kalse. Ang kinaibahan lang ngayong araw, may bago kaming teacher sa Math dahil nabuntis yong teacher namin.

Si Sir Yno Salas ang bago naming Math teacher. Well, hindi naman talaga siya bago dahil sa ibang section lang siya nagtuturo.

Nakaka-entertain ang way of teaching niya plus plus plus, sobrang good-looking. Tuwing nagpapa-recitation si Sir, todo pasikat 'yong mga girls.

Except kay Chin, ang pinaka-una at tanging nilalang na kinaibigan ako rito sa school. Ang tahimik niya kasi sa buong time ni Sir Yno.

Pagkalabas ni Sir Yno, lunch na namin. Tayo agad ang my friend Didi ko. Hinarangan ko siya.

"Bakit?"

"Uh. . . Sabay tayo kumain Didi my friend?"

Dahil sabi ni Lola Fe, sabayan ko raw siya kumain. Nagluto pa nga si Lola Fe ng kare-kare dahil paborito daw yon ni Dion.

Napalingon si Chin. "Anong my friend Didi? Anong sabay kumain? Anong meron sa inyo ha?" Pa-pout pout na tanong niya.

"Wala. Friends lang kami. Tara my friend Chin, sumama ka na rin sa amin mag-lunch. Masarap kumain kapag marami, 'di ba my friend Didi?"

"Didi? Bat Didi tawag mo kay Dion?" React ni Chin na binungisngisan ko lang.

Di sumagot si Dion. Pero mukhang nagtataka siya sa kinikilos ko. Nakasipat na naman kasi ang mapungay niyang mata sa akin.

"Tara na. Kare-kare baon ko. Di na yan hihindi." Tinusok tusok ko ang tagiliran niya dahilan para mapabalikwas siya.

"Tch. Tama na! Luto ba ni Lola 'yan?"

Tumango ako. At wala nang naging problema. Siya pa ang humila sa akin pababa. Ako naman, hinila ko rin si Chin at nagpa-hila kami kay Dion. Yehey.

Inis na inis si Chin dahil katabi niya si Rukawa. Binuburaot kasi siya sa ulam niyang adobo. Isang karne lang daw ang nakain niya and the rest, walang permisong kinuha ni Rukawa.

"Mygosh, girl! Wala siyang ka-gente-gentleman sa katawan. Sila palang lahat. Paano mo ba naka-close ang mga 'yon?"

"Basta. Kilala ko kasi Lola ni Dion."

Nag-pout si Chin. "Whatever. Kung si Yohan 'yon, tahimik lang na kakain. Wala pang tunog ang kubyertos. Namimiss ko na naman tuloy si Yohan ko."

"Yohan? Boyfriend mo?" Ngayon ko lang kasi narinig. Dalawang linggo pa lang kaming magkasama ni Chin kaya wala pa naman akong masyadong alam sa kaniya.

Napatingin siya sa akin at ngumiti ng malapad. "Sana nga. Kaso hindi. Crush ko lang siya. My only crush. And crush din ng marami."

At pagkatapos niyang ma-intro sa akin si Yohan, ayon, wala na siyang palya sa pagkwento kay Yohan.

Hanggang sa nasa basketball court na kami. Naglalaro kasi sila Dion at mga Class E friends niya. Dito lang daw ako para kung may papabili siya.

At ito na nga si Chin na romantic, gusto niya sa kanya lang ang atensyon ko habang nagki-kwento kung pano niya nakilala si Yohan. Na sa library daw sila non at mahuhulog sana sya sa pag-akyat sa shelf pero. . .

"Sinalo ka niya?" Tanong ko. Reference: romance movies.

Nag-pout siya. "Hindi, girl. Tinulalaan niya lang ako with no expression on his face! Pero nakaka-kilig pa rin 'yon dahil naka-tingin siya sa 'kin. Ackkkk!" Parang nasasakal niyang sabi.

Mukhang devoted talaga siya sa crush niya. Ano kayang feeling magka-crush ng ganito? Hindi ko pa nararanasan, eh.

Sige pa rin sa kwento si Chin. Iniinggit yata ako sa ordinaryo niyang buhay. Hanggang sa. . . "Ahhh!" Napa-sigaw at napa-higa ako sa bleachers nang may tumamang matigas na bagay sa ulo ko. Ang sakit jusko! Bola 'yon, sigurado ako. Kainis!

"Omygosh! Ayos ka lang, girl?"

Tumayo ako habang sapo sapo ang ulo. Balak na sanang panlakihan ng mata kung sino mang nang-bato sa akin sadya man o hindi. Ang sakit kaya! Parang nakakita pa ako ng mga stars jusko.

Pero nawala ang hilo ko nang masaksihan ang sadyang pag-bato ni Dion ng bola sa ulo ng tropa niya. Ang lakas non! Napatumba yong tropa niya. "Boss pasensya na! Hindi ko sinasadya. Hindi kasi sinalo ni Emilio, kaya naligaw!"

Wait, anong pinagtatalunan nila?

Inambahan nya ng suntok yong tropa niyang binato nya rin ng bola tapos minata isa isa mga kalaro niya.

"May isa pang makatama sa kaniya yare kayo sa 'kin!"

Pagkasabi niya non, nag-walk out siya at pumunta sa kinaroroonan namin ni Chin.

"Tara sa clinic."

Whaaaaaat?!