Chereads / Ellie's Endgame / Chapter 2 - 1 - Stucked With You

Chapter 2 - 1 - Stucked With You

Chapter 1

June 2010

"Ilagay mo 'to sa likod ni Chanel."

"What? Baliw ka ba?!"

Inuutusan niya kong mag-lagay ng papel sa likod ng class president namin. At ang naka-sulat? DEMONYITA AKO.

Akala ba niya uto uto ako para sundin lahat ng inuutos niya? Kainis. Sumusobra na talaga sya.

"Hindi ako baliw. Pero 'pag hindi mo 'yan nilagay, baka mabaliw ako bigla at ilagay ko 'to sa Bulletin Board."

May nilabas siya mula sa bag niya. Series of pictures. First picture, ako na makapal ang kilay, naka-salamin, may fake mole sa taas ng lips. In short, ang hitsura kong alam ng lahat dito. Yong sumunod na picture, pumasok ako sa CR. Next na picture, nakalabas na 'ko sa CR. Kaso iba na hitsura ko. Barefaced na. Walang make-up, walang fake mole, walang Hello Kitty glass, in short walang disguise! 'Yong totoo kong mukha! Argh. Kainis talaga. Hindi ako makakatakas sa kamay ng lalaking 'to hangga't 'di ko nakukuha sa kaniya 'yong picture. At 'yong mga kopya niya non kung sakali.

"Kainis. Makakaganti rin ako sa 'yo!" Nagngi-ngitngit sa inis kong sabi pero siya, ganon pa rin ang porma. Naka-sipat sa akin 'yong mga mapupungay niyang mata tapos naka-ngisi habang nakapa-mulsa. Kaya sabi ko na naman, "Kung hindi ka lang apo ni Lola Fe, hindi ko kailangang magbait-baitan sa 'yo sa bahay, eh."

Binigyan niya ko ng "weh" look. "Maski hindi ako apo ni Lola, magiging mabait ka pa rin sa 'kin dahil hawak ko. . ." Tinaas na naman nya 'yong mga stolen pictures ko. "Ang sikreto mo."

I'm naturally calm and collected pero pagdating sa lalaking siga na 'to, gusto ko na talagang mang-sakal. Siya na ata pinaka-nakakainis na person na nakilala ko. Oh, dagdag mo pa pala mga tropa niyang nag-mana rin sa kaniya. Nakiki-sabay sa pangti-trip ng "boss" nila maski hindi naman nila alam kung ano 'yong sikreto ko. And that's good. 'Pag may isa lang na pinagsabihan 'tong lalaking 'to kung sino ako, it's over.

Kung nagtataka ang lahat kung sino nga ba ako at ano ang sikretong tinutukoy ng siga na 'to, ako si Ellie. I'm a wallflower. I look nothing special. Pero hindi ako ganito bago ako nagpunta rito sa Baguio. I was living in an entirely different world.

Hindi ako alien na napadpad sa lupa. O enkgkantong naligaw.

Anak lang ako ng isa sa pinaka prominent na actress, si Jean Gonzales. Yes, that Jean Gonzales. The one who starred as Nara in the hit teleserye Nara Klara in 1992 and still soaring popularity until now. At bilang anak niyang babae, the mass was expecting me to take after her. Gusto nilang mag-artista rin ako. Pagkalabas ko pa lang nga sa tiyan ni Mommy, camera na ang sumalubong sa akin. Instant celeb kumbaga. AT HINDI KO 'YON GUSTO.

Last month, kinuha ako ng mga producers bilang gaganap na Nara sa remake ng Nara Klara. Ang daming nag-audition para doon pero ako ang kinuha maski hindi naman ako nag-audition. Yep, it makes no sense but it really does. Alam kong si Mommy na naman ang may pakana non para ako ang maging counterpart niya sa Nara Klara remake.

Pero kung blessing 'yon sa iba, sa akin hindi. After they announced na ako ang gaganap na Nara, naka-tanggap ako ng sunod sunod na blackmails from anonymous senders which is sure na galing sa mga nag-audition na na-echapwera.

All of them were emails sa Yahoo kaya hindi ko lang pinansin pero ang nakapagpa-tindig balahibo talaga sa akin ay ang blackmail from BOY XX. Physical mail kasi talaga na sinend sa bahay. Meaning, alam nya ang address ko. Marami siyang sinend, pero ang pinaka-pinaglalaban niya lang ay kasalanan ko raw kung bakit na-depress ang isang babaeng mahalaga sa kaniya dahil gahaman daw ako sa role at kinuha 'yong Nara gamit ang pangalan ng nanay ko. At HUMANDA raw ako dahil hindi nya ako titigilan.

Creepy 'di ba? Pero doon talaga nag-umpisa mag-bago nang literal ang buhay ko. My parents sent me here sa Baguio for my safety at mag-stay sa bahay ni Lolo at Mommylola for a year habang pina-iimbestigahan nila kung sino si Boy XX. Siyempre, para hindi ako makilala ng mga tao rito, nag-disguise ako. Tuwing lalabas ako ng bahay, kinakapalan ko ang kilay ko, may fake mole pa 'ko, tapos naka-Hello Kitty nerdy glass pa. Nagpagupit pa nga ako, dora style, with bangs, para ganap na ganap talaga ang wallflower girl disguise ko, eh.

Everything was good, nakaraos na ako ng dalawang araw sa public school na pinag-transfer-an ko kahit may siga akong seatmate na tinatawag kong si Mapungay Guy dahil parang laging ang sama ng tingin sa akin. May isang seatmate pa akong weirdo na hobby ang kumain ng papel at ngumatngat ng ballpen. Meron na nga akong naging kaibigan eh, si Chin.

My disguise was a success not until that day came. . .

Normal na araw, kakauwi ko galing school, maliligo sana ako sa rest room ng kwarto ko. Pero walang tubig! Siguro dahil may kataasan nga 'yong bahay ni Mommylola kaya hindi palaging inaabot ng tubig. Kaya napagdesisyunan kong sa may baba na CR na lang ako maliligo, sa labas ng bahay specifically. Sabi kasi ni Lola Fe, house helper ni Mommylola, malakas daw ang tubig don sa labas at may heater na rin.

Habang kausap ko si Lola Fe, may nahagip yong mata ko sa may kitchen, naka-puti, matangkad na figure, parang familiar, pero hindi ko na lang pinansin at tumakbo palabas dahil ihing ihi na rin ako. At nag-sisi akong hindi ko 'yon pinansin dahil pagkatapos kong maligo, magbihis, at lumabas sa CR, halos tumalon ako sa gulat dahil may lalaking bumungad sa akin.

At kung sino? Yong siga kong seatmate na si Dion Aleksandr Valdez AKA Mapungay Guy! Don ko na-realize na siya 'yong nasa kusina namin kanina. At bakit siya nandon? Hindi ko pa ma-analyze hanggang sa dumating si Lola Fe at tinawag si Mapungay, "Apo, anong ginagawa mo riyan?"

Siya pala ang apo ni Lola Fe na bukambibig niya parati! Laging sinasabi ni Lola Fe nong bakasyon pa lang na may apo raw sya na sa school ko rin nag-aaral. Alek ang tawag nya. Di ko naman akalaing si Mapungay pala 'yon na napaka-rude at arrogant. Bat 'di ko yon naisip? Ang positive naman kasi ng pagkaka-describe ni Lola Fe sa apo niya. Sweet daw, caring, friendly, madaling makasundo. A total opposite of Mapungay Guy's image in the school.

At hindi pa 'yon ang worst case scenario dahil itong si Mapungay Guy, may hawak hawak na digicam na naka-tutok sa akin. At doon ko na-realize, wala na 'yong disguise ko at nakita niya 'ko bilang si Erika Gonzales! Screen name ko 'yon, kung hindi ko pa nababanggit.

'Yon, 'yon na ang simula ng kalbaryo ko.

That Mapungay Guy took pictures of me. Na kapag pinakita niya sa iba, my ordinary life's over. And my safety to Boy XX will also be compromised.

Nakakainis talaga. I don't even know his intention at kailangan pa niyang kumuha ng evidence laban sa akin. Siguro para mang-trip lang? He's a famous prankster. May reputation na ata siya sa pantitrip at pangpa-prank ng schoolmates namin. Alam niyo bang nangako pa siya sa Lola niya na hindi niya ipagsasabi sa iba na ako si Erika? Tinutupad naman niya. Pero ginagamit niya 'yon para i-manipulate ako. Tulad na lang ngayon.

"Alam mo, 'wag ka masyadong mag-alala. 'Pag nahuli ka naman, sagot kita eh. Sabay ulit tayong mapapagalitan. Ayaw mo ba 'yon?"

Psh. ULIT daw. ULIT dahil pangalawang beses na 'to.

Last week, sinabit na naman niya ko sa kalokohan niya. Orientation sa may gym. May dala dala kaming mga kamatis for an unexplainable reason. Hindi ko talaga alam kung anong problema niya kay Chanel, pero laging 'yon ang trip niya. Role model si Chanel. Consistent Top 1 daw ng batch, SG Pres, Class Pres.

Nag-speech si Chanel sa orientation tapos mayamaya, nagsitayuan na sina Dion at mga tropa niyang galing Class E. Nagpatunog sila ng mga buto. Before I even realize what the heck is going on, hinawakan na 'ko sa wrist ni Dion, tapos hinila papunta sa may harap ng stage. Nag-batuhan na ng kamatis 'yong ibang mga tropa niya. Kahit sino binabato, mga schoolmates. At pati si Chanel na nasa taas ng stage!

Inabutan niya pa 'ko ng mga kamatis tapos sabi niya. "Annual tradition 'to ng Trent (school namin), oh mang-bato ka na dali."

Ako naman, bukod sa ka-cute-an ko, aminado akong ignorante at uto uto ako, kaya naniwala rin ako at naki-bato. Ending, hindi naman talaga annual tradition 'yon. Kainis. Dumating 'yong principal naming kalbo na ang pangalan eh Mr. Peeka Chiu, galit na galit na sumigaw sa mic ng stage

"Ol op yu! Kam tu da prinsipal's upis! Now!"

Sa ngayon, hindi ko pa alam kung paano ako makakahanap ng panlaban kay Dion kaya wala akong choice kundi sumunod sa mga ginagawa niya. Hindi lang din sa school natatapos ang kalbaryo ko dahil madalas siyang naka-tambay sa bahay. Tinutulungan niya kasi si Lola Fe sa mga gawain. Plus points para sa kaniya 'yon pero hindi pa rin mama-minus-an ang pagka-inis ko sa kaniya. Hinihiram niya mga DVDs ko maski hindi pa ako umo-oo!

"Ayaw mo talaga?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pag sinabi kong ayaw ko, hindi mo na ba 'to ipapagawa sa 'kin? Nangbu-bully ka na, eh. Wala namang ginagawa si Chanel sa 'yo."

Deretso pa rin ang tingin sa akin, pero parang nag-iisip siya. "Sige 'wag na lang."

Woah. "Talaga?!"

Tumango siya. "Sumama ka na lang sa akin. Wala tayong bu-bully-hin."

Argh. Akala ko nagka-awa na. Ano pa bang aasahan ko?

"So, saan ba tayo pupunta? Library? Canteen? May CAT pa, oh. Baka mapagalitan tayo ni Sir Paus."

"Boring naman do'n, eh."

"Sa canteen at library? Lagi ka ngang naka-tambay don."

Umiling siya tas tinuro 'yong field. "Sa CAT."

"So saan nga tayo pupunta?"

"Bakit distorted mukha mo? Nasisilaw ka?"

Nanliliit na mata ko lang syang tinignan. Naka-tutok kasi sa akin 'yong morning sun kaya medyo silaw ako.

Nag-simula siyang humagalpak. Minsan ko lang talaga makitang ngumiti o tumawa si Mapungay Guy, at 'yong minsan na 'yon, 'yon pa 'yong mga moment na nang-iinis siya.

"Ang tagal sabihin. Bahala ka na nga dyan," Akma na sana 'kong maglalakad papunta sa field pero kinawit niya bigla ang braso niya sa leeg ko tapos kinaladkad ako paalis.

"Aray, Dion!"

"Masaya 'tong pupuntahan natin. Mag-e-enjoy ka." Hindi ko siya nakikita dahil sa ang tangkad tangkad niya at naka-pulupot ang braso niya sa 'kin, pero alam kong naka-ngisi na naman siya.

Ganoon ang scenario namin hanggang sa makarating kami sa likod ng school. Nasa harap na kami ng matayog na pader.

Don't tell me... "Ito ba 'yong tinatawag na cutting classes?!"

"Pinasosyal mo pa. Ang tawag lang namin dito. . . over 'd bakod."

"Didi! Bilis! Baka mahuli pa tayo!"

Napa-abante ako nang marinig ang boses ni Jester, tropa ni Dion na palaging naka-san rio ang buhok. Nandon siya sa taas ng pader sa labas. Naka-silip.

"Nope. I'm not going. Babalik na 'ko ron. Ipagawa mo na lahat sa akin, 'wag lang 'yan. I've never cut classes my whole l—wahhh! Dion Aleksandr!"

Binuhat ba naman ako bigla. Buti naka-PE uniform kami ngayon kung hindi, argh!

"Alam mo, hindi kumpleto ang high school life mo kung 'di ka nakakapag-over d bakod. Putek! Ang bigat mo rin pala!" sigaw niya habang inaangat ako. Sa balikat niya 'ko pinaupo.

Natapos din 'yong struggle namin at nai-angat niya 'ko sa tulong ni Jester. Wala na 'kong nagawa dahil tingin ko rin, mas okay na 'to kaysa sa pinapagawa niyang lagyan ko ng DEMONYITA AKO note sa likod ni Chanel. Ayaw kong umabot sa punto na makakapang-agrabyado ako ng iba dahil sa sarili kong problema. Mas maigi nang ako lang ang maapektuhan.

Gamit ang motor, naka-punta kami sa looban. Dalawang motor ang nagamit. Motor ni Dion na ako ang naka-angkas. At motor ni Rukawa, isa pang bessy ni Mapungay Guy na kamukha si Rukawa Kaede ng Slamdunk, na ang angkas naman ay si Jester. Maiinis pa sana ako kung dadaan kami sa Session Road dahil bawal doon ang motor at mga bike. Buti na lang hindi.

Ginawa lang nila akong look-out dito sa arcade. Tinatawag ako ni Dion para maglaro ng Tekken pero ayaw ko. Para kapag may nakakita sa aming teacher o ano, mas mababa ang parusa sa akin dahil hindi ako naglalaro.

Sa totoo niyan, nakipag-laro na lang ako sa mga bata rito sa labas na nagcha-Chinese Garter. First time kong maglaro nito dahil never ko 'tong na-experience. Tanging kalaro ko lang kasi noon ay ang Kuya ko. Lagi lang kaming sa compound ng bahay. Boring.

Ang saya pala talaga. Ako 'yong mother nila. Lagi ko silang sine-save. Mabilis din akong natuto dahil mataas ang confidence ko. Siguro dahil mas maliliit sa akin mga kalaro ko. Pag iba kasi kasama ko, nanliliit ako, eh.

"Anong pangalan mo, ate?"

Ngumiti ako. "Ellie. Ako si ate Ellie." Isa pang satisfaction ko simula nong tumira ako rito sa Baguio ay nakakapag-pakilala na ako bilang Ellie Magnayon at hindi Erika. Erika Gonzales na kinikilala lang bilang anak ni Jean Gonzales. I didn't have an identity outside that.

"Ate, may sundot kulangot oh!" May tinuro yong isang batang babae na naka-pigtail.

"Sundot kulangot?" tinignan ko yong tinuro niya. Vendor. Ng ano? Kulangot?

Gusto kong mapa-takip sa bibig. "Yak! Kumakain kayo ng kulangot? Madumi ang booger mga bata. Galing 'yan sa nose. Nabuo dahil sa mga natuyong mucus and dirt! Yak!"

Hindi ako makapaniwala. Ganito ba nila isahan ang mga bata? Pinapalabas nilang masarap ang kulangot? Ano bang nangyayari sa Pilipinas jusko naman.

Nagkatinginan 'yong mga bata, parang nainis sa akin. Akala siguro nila bratinela akong mapili at maarte. But I'm just stating the facts!

"Ignorante."

Napatingin ako sa nagsalita. Si Mapungay Guy, may hawak na parang bamboo na maliit. May sinusundot siyang stick don tapos isusubo niya.

"Ano 'yan?"

"Ito?" Sinundot na naman niya tapos biglang sinubo sa 'kin. Ohhhh, ang sarap. "Sundot kulangot ang tawag dito."

Nong sinabi niya 'yon, kulang na lang iduwal ko yong nailunok kong matamis na bagay.

"Bastos ka talaga. Pinakain mo 'ko ng kulangot?!"

Tawa siya nang tawa. Pati mga kalaro kong kids nakitawa na rin.

"Ngayon ko napatunayang aanga-anga ka talaga. Sa tingin mo, may magtitinda talaga ng kulangot?" At nag-simula na siyang magkukukuda kung bakit sundot kulangot ang tawag don at pinag-duldulan sa akin gaano ako ka-ignorante sa mga ganoong bagay. As in, I have no idea.

Hindi na lang ako umimik. Naubos na ang pride ko dahil sa mga batang pinangaralan ko pa kanina about boogers. Mygahd.

"Aba, aba. Nandito pala si Dion Aleksandr Valdez. Nasaan ang mga alipores mo?"

Doon lang natigil ang pagtatawanan nina Dion at ng mga bata. May grupo kasi ng mga nakaka-kilabot na kalalakihan ang nagsidatingan. Naka-hilera pa sila na parang Kpop boy group. Naka-uniform din pero hindi uniform ng Trent National High School. Naka-unbuttoned mga polo uniforms nila. Tapos may mahahaba silang nga kadena sa leeg. Ang scary! Mukha silang mga gangsters.

Well, naka-unbuttoned din ang uniforms nina Dion, Jes, at Rukawa at may kwintas din, pero hindi naman sila ganito ka-dilim ang aura katulad ng mga scary big guys na 'to.

Yong mga bata, nagsi-takbo na.

Takot, nagtago ako sa likod ni Dion at tinanong kung "Sino mga 'yan?"

"Lumayo ka sa 'kin," bulong niya na pinagtakahan ko.

"Huh? Layo?"

"Sino ka ba?! Bat ka nagtatago sa likod ko?" Sigaw na naman nya sa akin.

Hala, ano problema nito? Bat naninigaw? At sino raw ako? Ang kapal ng mukha niya ha.

Nakita kong lumabas sina Jester at Rukawa sa may arcade. Nanlaki ang mata nang makita 'yong mga scary guys.

"Sumama ka muna ron sa mga bata, gusto mo bang madamay dito?" Bulong ni Dion nong nasaktuhan na kina Rukawa at Jes naka-tingin 'yong mga scary big guys.

Pero saan ako madadamay? Magbubugbugan ba sila? Omygahd. Mabilis pa kay The Flash akong kumaripas paalis sa eksena at nagtago sa likod ng isang malaking trash can. Don't tell me kaaway nila ang mga 'yon?

Napaka-opposite niya talaga kapag nasa bahay at kaharap ang Lola niya. Hindi ba alam ni Lola Fe na nakikipag-rambulan 'tong apo niya?

Bago ko pa marealize ang mga mangyayari, nakarinig na 'ko ng mga pagmumura at mga suntukan. Omaygahd. Hala hala hala! Three Vs. I-don't-know-how-many! Paano matatalo nina Dion ang mga gangsters na 'yon? At bakit sila nakikipag-away sa mga sanggano?

Napapa-pikit at kuyom ako tuwing nababanatan ang isa sa mga kasama ko. Don ko narealize, bakit wala akong ginagawa? Bakit parang nanonood lang ako ng sabong at hindi ako tumawag ng authorities?

Tama, authorities. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng PE pants ko at tinype ang... ang... ano na nga bang hotline ng pulis? Omaygahd. Wala akong idea rito.

Napupuruhan na ang tatlong itlog don sa mga kalaban. Maski wala silang nagawang tama sa akin, may malasakit pa rin naman ako sa iba. Pero anong maitutulong ko?

"Nasaan ba kasi ang mga kasamahan ninyo?! 'Yan lang ba kaya niyo, Trent Brothers Society?"

Trent Brothers what? Anong kabaduyang association 'yong tinutukoy nong sangganong jejemon na mukhang boss ng mga kontrabidang 'yon?

"Saka lang kayo sumusugod 'pag tatlo kami. Palibhasa, ang hihina ninyo," sagot naman ni Dion na naka-lupasay na sa kalsada.

Wait, so routine na nila 'tong pagrarambulan? What's happening in this country? And what's that Trent Brother's something?

Nagsi-tayuan 'yong tatlong bugbog sarado. Ano? Lalaban pa ba sila? Sa lagay nila, uuwi na talaga silang lasog lasog. Jusko naman, baka madamay pa ako sa pagkaka-office nila! At patay siya kay Lola Fe.

"Aba, nagma-matapang pa kayo?!" Sigaw nong mukhang leader ng mga kalaban nila. Matangkad, burdado, at mukhang horsie.

Akala ko talaga gaganti pa 'yong tatlo pero mayamaya, bigla na lang may humila sa akin.

"Takbo! Bilis!" sigaw sa akin ni Dion na naging hudyat para mataranta ako. Tumakbo na lang din ako habang hila hila ako ni Dion sa kamay. Argh. Medyo malayo pa naman 'yong pinag-parking-an namin ng mga motor.

"Hoy!!"

Naririnig kong hinahabol pa kami nong mga sanggano.  'Yong mga yabag ng mga sapatos nila ang bibigat. Lord, tulungan mo po kami makatakas sa mga jejemonsters na 'yon! Ayaw ko ring mabugbog!

"Bilis!"

Buti na lang talaga expert ako sa ganito. Kaya kong tumakbo non-stop. Itong moment na 'to siguro ang dahilan kung bakit ako biniyayaan ako ng talent sa pagtakbo. Thank you, Lord. At thank you sa Kuya kong kahabulan ko parati kapag nambu-bwisit siya.

Takbo, takbo, takbo, at takbo pa rin. Nararamdaman at naririnig ko ang mabigat na pag-hingal ng mga kasama ko. Nakaka-mangha rin dahil siguradong masakit na mga katawan ng mga 'to sa pagka-gulpi pero all-out pa rin.

Mayamaya, 'yong kamay ni Dion na naka-higpit sa pulso ko, naramdaman kong unti-unting lumuluwag.

Pagkatapos. . . unti unting umaakyat.

Hanggang sa. . . naka-lapat na sa kamay ko.

At bago ko pa man ma-realize, naipag-salikop na niya ang mga kamay namin.

Hala, bakit parang may kumuryente?

Hindi ko na nasubaybayan ang mga sumunod na pangyayari dahil occupied ako for some odd reason. Natauhan na lang ako nang nasa may mga motor na kami at pinapasakay na 'ko ni Dion. Pero parang may mali. Hmm. Tumingin ako sa kamay ko.

"N-nakahawak ka pa sa akin."

Mukhang nagulat din siya. Tinanggal niya agad 'yong kamay niya sa akin.

Pagka-sakay ko, humarurot na kami sa hindi ko alam kung saan.

Ang alam ko lang, hindi na ako makakatakas sa kamay niya mula ngayon.

--

January 2021 - Ellie's Wedding Day

Someone's POV

Magka-hawak kamay sila sa stage habang nagdu-duet ng Stuck On You ni Lionel Richie. Sobrang higpit ng hawak ng groom sa kamay ni Ellie. Parang sinasabing, hindi na makaka-takas si Ellie sa kamay niya.

"Needed a friend. . . And the way I feel now I guess I'll be with you til the end. . ."

"Guess I'm on my way. . .  Mighty glad you stayed. . ."

Nabalot ng kaliwa't kanang hiyawan dito sa reception. Samantalang 'yong bride na nasa stage, 'di na makakanta dahil sa kakaiyak. Tears of joy talaga. Sobrang saya ni Ellie sa mga oras na 'to.

Pagtapos ng kanta, nag-speech 'yong dalawa, nagpasalamat sa mga kaibigan at pamilyang nag-laan ng oras para samahan sila sa espesyal na araw na 'to.

At ang sinabi ni Ellie bago sila bumaba sa stage, "Hindi na talaga ako makaka-takas sa kamay nya mula ngayon. I'm stuck on him."