Chereads / Ellie's Endgame / Chapter 5 - 4 - Strange Gestures

Chapter 5 - 4 - Strange Gestures

Chapter 4

Mabilis lumipas ang isang buwan lalo na kung nilu-look forward mo ang kinabukasan. Kinabukasan na makikita mo ulit si Yohan.

Ang pag-talbog ng buhok niya tuwing tumatakbo, ang pag-ningning ng mga mata niya kapag ngumingiti, ang pag-kamot niya sa batok kapag nahihiya, ang ka-inosentehan ng mukha niya tuwing nakatulala, ang pag-lalim ng pisngi niya kapag pasimpleng natutuwa, at ang katotohanang lahat na lang ata ay napapansin ko sa kaniya.

Nabasa ko sa isang article online na naa-aattract ang mga tahimik na boys sa mga babaeng tahimik din at pala-aral. Kaya para kay Yohan, at para na rin sa sarili ko at maubusan si mommy ng dahilan para pilitin ako sa paga-artista dahil mababa grades ko, nag-sunog ako ng kilay kagabi dahil may quiz kami ngayon sa English, AP, at Music.

Lumingon si Chin sa akin mula sa upuan niya. Tinukod ang baba sa sandalan. "Ellie girl, canteen muna tayo. Wala pa si Ms. Kriza."

"Hm, sige. Nagugutom din ako, eh."

Tumayo si Chin bitbit ang salamin niya at suklay. Inayos niya 'yong bangs niya na halos kaparehas lang ng kapal ng akin. Mahaba lang ang buhok niya at ako maiksi. Sabi nga ni Einstein, katabi ko sa kanan na hobby kumain ng papel, parang ako raw si Minzy ng 2NE1 at si Chin si Bom. Sobrang tuwa ko naman dahil bias ko si Minzy.

Sumukbit na sa braso ko si Chin at nakaabot na kami sa pintuan nang naisip kong dadaan kami sa room ng Class B.

"Wait lang Chin, ah." Kumalas ako kay Chin at tumakbo pabalik sa upuan ko. Napatingin pa si Dion na nagse-senti na naman sa bintana at sinamaan ako ng tingin ng makitang nag-suklay ako. Hindi ko siya pinansin. Kinuha ko ang notebook ko at lumabas na.

Tumaas ang dalawang kilay ni Chin. "Ba't dala-dala mo pa 'yan, girl? Ang studious mo naman masyado."

"Ganon talaga ang buhay, Chin." Sabay kumapit na sa kaniya. Huminga ako ng malalim bago dumaan sa room nina Yohan. Sinadya kong medyo i-angat ang notebook ko at ipasingkit ang mata para ganap na ganap sa pag-aaral kuno. Ganon ang ginawa ko hanggang sa makarating sa dulo ng room nila. Pasimpleng pumasada ang mata ko para hanapin si Yohan. Alam ko kung saan siya naka-upo. 3rd row pang-limang seat mula sa bintana.

At pakiramdam ko napahiya ako sa sarili nang. . . makitang wala si Yohan roon. Lord, makita ko lang si Yohan ngayon, sure nang papasa ako sa quiz.  Sana masaksihan ko ang biyayang ka-charming-an ni Yohan ngayong umaga, Lord.

Naka-tingin pa rin sa room ng Class B habang naglalakad, naramdaman kong nabunggo ako sa isang tao.

"Ay sorry lord!"

Natigilan ako nang makita kung sino. Omygahd, ang lapit niya sa akin. Naaamoy ko siya. Amoy Johnsons na purple. At lumabas 'yong dimple niya. Ngumiti siya! Pero tinakpan niya rin 'yong bibig niya.

"Hi, Yohan koooo!" si Chin.

Simpleng tumango lang si Yohan at dumaan sa gilid ko para pumasok sa room nila. Hindi man lang nagtama ang tingin namin. Hays.

Bumili lang kami ng fried cookies sa canteen at umakyat agad dahil baka nandon na si Ms. Kriza. Namanhid pa ang hita ko dahil sa taas ng inakyat namin. 4th floor kasi ang room naming mga 4th years. Nasa pinaka-dulo ang room naming Class A kaya lagging nadadaanan ang magulong classroom ng Class E kung saan naroon sina Jester at Rukawa.

"Yak!" mahina kong sabi nang pagdaan namin sa pintuan ng Class E, may pumahid ng hintuturo sa may pader tabi ng pintuan. Yong nag-pahid e yong naka-upo malapit sa pintuan. Pag-tingin ko sa pinahid niya, kulay green na ma-brown na ma-sticky pa. Kadiri jusko naman! Ganito ba talaga mga Class E?

"Ewww! Dugyot!" React din ni Chin.

Pag-dating sa room, tulog na naman o nagtu-tulug tulugan ang katabi kong mabait. Sakto namang dumating si Ms. Kriza kaya ginising ko na siya (kung tulog man.) Inalog ko lang ng marahan 'yong balikat niya. Nagising naman (o nag-gising gisingan) agad at ang sama ng tingin sa akin pagka-bangon niya.

"Quiz na," kako bago pa siya magkaroon ng violent reaction.

Kumuha na ako ng papel sa bag ko pero si Dion, parang lumalakbay pa sa kalawakan ang isip. Naka-tunganga lang sa kawalan, naka-kunot ang noo, habang naka-akbay sa sandalan ng upuan niya.

"Quiz?" tanong niya na tinanguan ko. Parang wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid niya.

"Sinong teacher?" tanong na naman niya.

Nginuso ko si Ms. Kriza na nagsusulat ng choices sa blackboard.

"Sino 'yan?"

Yang tataa?

"Ewan ko sa 'yo," bulong ko at nag-sulat na lang ng pangalan sa papel ko. Binigyan ko na lang din siya ng papel dahil mukhang wala talaga siyang kaide-ideya. Papel pa kaya?

Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag-kamot niya ng ulo bago mag-sulat sa papel. Pero natigilan siya mayamaya tapos kinalabit ako. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"May extra ballpen ka?"

Jusko naman. Seryoso ba siya? Ngumiti ako, na mukhang ngiwi ang kinalabasan. Nilapag ko na lang sa desk niya ang gamit kong ballpen at kumuha na lang ng bago sa bag ko. Estudyante ba talaga 'to? Star section ba talaga 'to?

Alam ko halos lahat ng lumabas sa quiz. Confident akong mataas ang makukuha ko dahil effortless akong nag-sagot. Siguro may isa or dalawang mali lang. Goal ko talaga maka-pasok sa Top 10 para ipamukha kay Mommy na hindi lang mukha at talent ang meron ako.

Nag-quiz din sa AP, at Music. At marami rin akong nasagot. Hindi ko na napansin ang katabi ko basta ang nangyari eh naging supplier niya 'ko ng one half lengthwise.

Gumawa ako ng assignments kinagabihan. Sa kalagitnaan, bumaba ako sa salas para uminom muna ng tubig. At 'yon nadatnan ko na naman 'yong asungot. Nanonood ng Kap's Amazing Stories kasama si Lolo. Napatingin siya nong naka-gawa ako ng ingay sa hagdan. Inirapan ko lang siya at dumeretso sa kusina.

Halos maibuga ko ang iniinom ko nang may humawak na malamig na kamay sa balikat ko. Juskopo! Ganon 'yong sa mga horror movies, eh.

Nang lingunin ko kung sino, si Dion na naka-ngising pang-asar. Binigyan ko siya ng 'you're dead' look. Dinampot ko ang pink Hello Kitty furry slippers ko at pinaghahampas siya. Yumuko naman siya at pinag-harang ang dalawang kamay niya pamproteksyon sa sarili habang tawa nang tawa.

"Bwisit ka talaga, Dion Valdez. . ." I murmured, sapat para hindi kami marinig ni Lolo, Lola, o ni Lola Fe.

"Hoy! Ah! Ang tapang mo ah! Baka nakaka! Ah! Limutan mo na sa akin pa mga pictures mo."

Automatic akong napa-hinto sa sinabi niya.

Natawa siya sa reaksyon ko. Parang nang-aasar dahil napaka-makapangyarihan niya over me.

Katahimikan ang sumunod na namayani. Kinuha ko ulit yong basong iniinuman ko at uminom ulit. Nararamdaman ko ang pag-titig niya sa akin mula sa gilid. Ang awkward. Pero at the same time, hindi awkward dahil siya lang ang tao outside this house na nakakakita ng totoo kong mukha, 'yong walang disguise at pagkukunwareng ganap. And somehow, ang komportable ng feeling na may isang tao na hindi ako binibigyan ng special treatment maski alam niya kung sino ako. Yon na nga lang din ang tinitignan kong brighter side maski napapasama ako sa mga gulo niya; ang pag-trato niya sa akin na parang tropa niya lang, na parang hindi ako ang shining shimmering Erika Gonzales, na isa rin akong normal na teen ager na pwedeng gawin ang mga kalokohang ginagawa ng mga ordinaryong kabataan.

Siyempre, hindi ko 'yon pinapakita o sinasabi sa kaniya dahil baka akala niya, naeenjoy ko at mas lalo niya kong itulak sa pagpapaka-pariwara.

"M-may sasabihin ka ba? Iuutos? Kasi mag-aaral na 'ko, eh."

Tumingin na 'ko sa kaniya, at nahuli ko siyang naka-tingin sa akin habang naka-ngiti. Anong problema nito?

Parang natauhan siya bigla. "Ha? Wala. Ah, meron pala!"

"What?"

"Labas tayo?"

Nagulat ako. "Ha? Saan pupunta? Alas-seven na, oh. Di na ako papayagan ni Lolo."

Natahimik siya one second tas biglang humagalpak. Hindi ko na tatanungin kung bakit siya natawa. Ilang beses ko ba ie-explain, nasanay ako sa mga English numbers. English numbers. Okay?

Nong kumalma siya, sabi nya, "Sige, bukas na lang." Bumuntong hininga siya, tapos parang hindi mapakali. Mayamaya may kinuha siya sa bulsa niya. "Ito na lang." Inabot niya sa akin ang phone niya.

"A-anong?"

"Number mo," sabi niya nang naka-eye to eye sa akin.

Wait, wait, wait. Teka lang muna. Ayaw ko mag-assume ha. At wala akong experience sa mga ganito. Pero sa mga napapanood kong movies, kapag hiningi ng guy ang number ng girl, he's hitting on her right?

Pero naa-apply ba 'yon sa amin ni Dion. Sa sitwasyon namin? At wait, naisip ko 'yon? Yak!

"Para saan?"

Hindi man lang siya nag-isip at sinabing, "Para ma-text ka."

Nagsimula nang tumaas ang dalawa kong kilay. "At bakit mo ako. . . itetext?"

This time, lumihis na ang tingin niya sa akin. Mukhang nag-iisip na ng palusot (?) Napansin ko rin sa gilid niya ang pagpapa-tunog niya ng buto sa daliri.

"P-para. . ." Note the stutter. Never siyang nabulol o nautal pag may kinakausap. "Kahit malayo ka, mauutusan kita. Isang tawag lang, isang text lang."

Kahit suspicious, tinipa ko na ang number ko roon. Ayoko na rin kasi humaba pa ang usapan at baka makita pa kami ni Mommylola na nag-hihingian ng number pasikreto dito sa kusina at baka ano pa isipin ng mga matatanda. Ako na rin ang nag-lagay ng pangalan ko.

Ellie Cute

Bumalik ako sa pag-gawa ng mga assignment, hindi naman ako nag-antay ng text mula kay Dion. Mas gugustuhin ko pang 'wag siya mag-text kung may ipapagawa lang siyang kalokohan.

Pero ganon na lang ang pagka-taranta ko nang habang ginagawa ang binomial equation kong assignment sa math, tumunog ang phone ko. Unknown number ang nag-text.

Unknown

Gawa mo?

Wala naman akong ibang pinagbigyan ng number. Bukod kay Chin na naka-save naman na rin dito. Kaya alam ko na kung sino.

To unknown

Mapungay ba to?

Ay putek. Bakit mapungay? Sa isip ko lang siya tinatawag na mapungay. Ellie naman!

Bago pa ako makapag-explain, nag-reply na siya.

Unknown

Oo. Eh ikaw, si Cute ka ba?

Luh? Anong irereply ko d'yan? At alam niyang Mapungay ang tawag ko sa kaniya sa isip? Mind reader?

To unknown

Ah. Oh bakit?

Unknown

La lang. Gawa mo?

To unknown

Gawa assignment sa Math.

Nilapag ko muna ang phone ko sa taas ng CPU at bumalik sa paggawa ng math pero napasapo ako sa noo nang hindi ko na masundan ang solution ko. Jusko naman. Napaka-haba pa naman nito. Uulit na naman. Si Mapungay kasi, eh!

Tumunog ang phone ko.

Unknown

Bakit aral na aral ka? Mayaman naman pamilya mo.

Wow, ganon ang mindset niya? Pero may point.

To unknown

Wala ka na ron. :P

Unknown

Alam ko kung baket.

To unknown

Bakit?

Unknown

Para sa future natin.

Bigla akong nakapos ng hininga sa reply niya. What the heck boy? Anong ibig niyang sabihin? Anong future? Anong namin? What? Ngayon lang aki nakipag-text sa isang lalaki bukod sa kuya ko. Anong ibig nyang sabihin, Lord?

Bago pa ako makapag-text sa kuya ko kung anong ibig sabihin ng para sa future natin, may natanggap ulit akong text mula sa number ni Dion.

Unknown

Natin. Ng mga kabataan.

Nanliit ang mata ko. Hindi ko alam ano irereply, o anong pinaka-appropriate na reaction. Ah ok? Ahhhhh? Ah, akala ko kung ano? Ay, ang witty?

Wala akong naisip kaya hindi ko na lang siya ni-reply-an. Bahala siya d'yan. Lakas ng trip. Sinave ko number niya. Pangalan - Mapungay

Excited ako kinabukasan dahil ichecheck ang mga quizzes at sa English pa lang, hindi ang 27/30 ko ang nagpa-gulat sa akin kundi ang score ni Mapungay. 10/30. Dumating ang AP time at checking, 8/20 siya. At music, 25/30 ako at siya 15/30, pasado na sana. Kaso naalala ni Sir Paus ang pag-cutting namin ni Dion nong CAT class kung saan teacher din namin siya. Kaya, minus 5 kaming dalawa.

Tapos na 'ko sa frustration blues ko sa pag-sabit niya sa akin, kaya tinanggap ko na lang ang minus 5 wholeheartedly.

Lumipas ang ilang araw na walang pinagawa sa akin si Dion. Hindi rin siya namamansin. Weird.

Dumating ang Friday, ibig sabihin PE na naman, pinaka-paborito kong subject dahil sabay magp-PE ang Class A at Class B, section ni Yohan.

Pinapunta ang section namin sa oval. Running ang topic naming ngayon sa PE kaya malamang, 'yon din ang practical namin.

"Ellie girl! Alam mo bang forte ng school ang triathlon? Marami tayong magagaling na triathletes!" sabi ni Chin na tinangu-tanguan ko. "At kilala mo kung sino ang ace player?"

"Sino?" tanong ko maski alam ko naman talagang si Yohan 'yon. Sinabi na kaya niya sa akin bago pa dumating si Yohan.

"Edi si Yohan ko. Ahck!"

Parang nasasakal palagi si Chin kapag kinikilig kay Yohan at hindi lang 'yon, himala nga at hindi siya nang-yug-

"Ahck! Nand'yan na Class B omygosh!"

"A-ray! Chin-Naman-Eh! A-ray!"

Halos magising ang natutulog ko pang kaluluwa sa ginawang pangyu-yugyog ni Chin. Jusko po. Saka lang siya tumigil nang dumating na si Sir Paus.

Inexplain ni Sir Paus na magkakaroon kami ng fitness test. At isa sa test na 'yon ay 600 meters run sa girls at 800 meters naman sa boys. Tigfa-five daw tapos pabilisan makarating doon. At may premyo daw ang mga mananalo, Choco Mucho.

Actually, 'di pa ako nakaka-tikim non, tinanong ko si Chin kung ano 'yon at parang naka-gawa ako ng kasalanan dahil hindi ko alam ang Choco Mucho. Tinignan ako ni Chin habang nanlalaki ang mata, "Alien ka ba, girl?!"

"Uhh-Joke lang siyempre! Alam ko 'yon. Sobrang sikat non, eh." Kasi kung hindi sikat, hindi magiging ganito ang reaksyon ni Chin. At ayaw kong magpaka-ignorante at baka isipin pa niya brattinela ako. "Kaya gagalingan ko. Dahil fave ko Choco Mucho!"

"Sige girl, sa 'yo na lang ako aasa."

Determinado akong tumango at tinaas pa ang kamao ko. Makakaasa talaga sa akin si Chin dahil nga muli, magaling akong tumakbo. Wink.

Nag-simula ang fitness test. Nagulat ako dahil akala ko, section lang naming ang magla-laban. Pero pinag-halo pala. Meron kaming makaka-laban mula sa Class B!

Natapos ang huling set, nag-tawag ulit si Sir Paus ng lima, "Dion Valdez, Chito Marasigan, Juanito Cruz, Kiko Lacerna, at ang matinding kalaban. . . Yohan Arcega."

Nagtitili ang mga certified Yohanatics para i-cheer si Yohan. Ako naman, chini-cheer ko lang siya sa isip. Napa-kamot sa batok dahil sa hiya si Yohan. Grabe, ang cute niya!

Humilera na sila sa respective lanes sa track oval. Kulang ang isang lane. Wait, nasaan si Mapungay?

"Nasaan si Valdez?" tanong ni Sir Paus, yong boses niya, napapaos.

Walang sumagot sa mga kaklase namin. Lahat sila, sa akin nakatingin na para bang bestfriend ko si Dion at kailangan alam ko lahat ng galaw niya.

"Baka nag-cutting na naman, Sir. Nandito pa po siya kanina, eh." Sabi ko na lang na para bang ang pagca-cutting ang pinaka-normal na ginagawa ni Dion.

Pero seryoso. Nandito pa siya kanina. Hindi ko lang naramdaman ang presensya niya dahil ang behave niya. Naninibago talaga ako. Hindi siya nangungulit, nanti-trip, o nangu-utos ng kung ano-anong kabalbalan. Ilang araw nang ganon mula nong checking ng quizzes. Hindi ko na nga lang pinansin dahil baka pag ginawa ko, baka maka-alala na naman.

Grabe si Yohan, at mas grabe ang sobrang bouncy niyang hair. Habang tumatakbo siya, tumatalon mga buhok niya. Hay jusko po. Sobrang pogi.

Syempre, automatic nanalo si Yohan sa set nila at siya ang na-bigyan ng Choco Mucho. Nag-maktol pa ang mga kasabay niya dahil ang unfair daw para sa kanilang hindi naman ka-level ni Yohan. Wala namang pake si Sir Paus at tinawanan lang sila.

"Okay next sa girls. . . Ellie Magnayon, Chin Ann Hafalla, Kelly Padilla, Maris Yboa, Chanel Gadingan. . ."

"Yes!" Tatalon talon kami ni Chin at nag-apir dahil sa magka-set kami.

Humilera na rin kami. Katabi ko sana si Chin sa kaliwa at sa kaliwa nya si Chanel. Pero ang dami niyang arte. Magpalit daw kami. Ayaw niya raw sa katabi niya. Nagpumilit siya kaya nagpalit na lang kami. Hindi ko alam kung anong problema niya kay Chanel na ang bait bait naman.

Game face na game face ako. Nang marinig ang go sa ready, set, go ni Sir Paus, sumanib na sa akin si The Flash at walang kapawis pawis na lumipad papunta sa finish line. At ako ang nauna. Yehey!

Pangalawa si Chanel, pangatlo at pang-apat yong dalawang taga Class B at panghuli si. . . Chin.

"Wow. May record breaker tayo. Si Chanel ang pinaka-mabilis sa girls for the past years. At ngayon, na-beat siya ni. . ."

Tumingin sa akin si Sir na parang inaantay akong magpakilala. Inabot niya rin sa akin ang dalawnag choco mucho. Probably dahil may na-beat akong record.

"Ellie po sir. Ellie Magnayon po."

Kanya kanyang reaksyon ang mga classmates ko. Karamihan, pumalakpak, cinongratulate ako. The rest, yong mga kaklase kong mean girls na makakapal ang blush on, nandoon iniirapan ako habang cinocomfort si Chanel. Anong problema nila? May issue ba 'to?

Hindi ko na namalayan ang ilang araw na masasamang tingin sa akin nila Valerie, grupo ng mga mean girls sa klase ko. Sila 'yong mga mahahaba ang mga kuko, cracked yong mga nail polish. Naka-rebond. May mga loom bands, at maiksi ang mga blouse at palda ng uniform.

Hindi ko na namalayan dahil ang tanging napapansin ko ay ang mga tingin ni Yohan sa akin. Oo na, ang feeling ko na. Ang haba na ng buhok ko maski kasing-iksi lang ng kay Minzy. Pero totoo, ilang beses kong nahuli ng tingin si Yohan na nakatingin din sa akin. Tapos pag titingin ako, iiwas siya.

Syempre kinekwento ko 'yon kay Chin. Pagdating kay Yohan, magkasundo kami. Walang agawan na nagaganap. Parang sanay na rin kasi si Chin na marami talagang nagkaka-crush kay Yo at kapag may nagka-crush pa na mas marami, achievement yon para sa mga "yohanatics" dahil lumalaki ang fanbase nila. Lol.

"Ano ka ba girl. Sa akin tumitingin si Yohan ko. Asyumera ka!" natatawang sabi ni Chin.

Umayos naman ako ng upo at binalatan ang pagkain ko. "Tignan mo ha. Wag ka papahalata. Ayan na sa harap natin siya. Obserbahan mo kung saan siya titingin."

Kumakain ako ng Lemon Square Cheesecake at nakayuko. Pasimple lang ang pag-gala ng mata ko para madaanan si Yohan. Ganon din yata ang ginagawa ni Chin dahil bigla siyang natigil sa pag-kain ng fried cookies.

"Omygosh."

Napatingin ako kay Chin. "Bakit?"

"Nakatingin siya giiiirl!" Titingin na sana ako kay Yohan pero may pahabol si Chin, "Sa pagkain niya. Hay nako. Wala tayong pag-asa kay Yohan girl. Okay? Once na nagka-crush ka kay Yohan, wala ka nang chance. Ni hindi nga siya naga-accept ng kahit sinong girls sa FB niya, ih."

"Talaga?'"

Parang nacurious ako sa sinabi ni Chin. Hindi lang pala parang dahil pagkauwi ko, deretso ako sa PC ko at nag-online sa FB. At unang ginawa ko, in-add si Yohan. Wala namang mawawala 'di ba? Experiment lang kumbaga.

Hanggang gabi ay hinayaan kong naka-on lang yong PC ko. Wala pa ring accept. Eh bakit siya tingin ng tingin?

Nabasa ko sa isang blog na How Could I Know When My Crush Likes Me Back?

Ang pinaka-una roon,

1. When you make an eye contact with him and you caught him also looking at you.

Totoo kaya yon? Kinikilig na ko grabe! Pero ayoko umasa. Ang dami kayang mas magagandang girls sa paligid niya na mas maganda sa hitsura kong nakikita niya (makapal kilay, may nerdy glass, at mala-dora ang buhok)

Sa pag-iisip ko, halos lumabas ang puso ko sa kaba ng biglang tumunog ang PC ko. Notification sa FB. Hindi ako umaasang confirmation yon mula kay Yohan pero nang makita ko na yong screen, kulang na lang mag-lupasay ako sa sahig at tumalon sa bintana dahil sa mixed emotions na naramdaman ko.

Yohan Arcega accepted your friend request.