Chapter 3
Dalawang araw ang lumipas pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang ang bola incident, at ang pagdala nya sa akin sa clinic na tingin ko ay isang buang na move. Ang OA lang. Sabi ko 'wag na, edi hindi na niya ko dinala. Pero ang ginawa niya? Pina-upo ako sa bleachers, naupo rin siya sa taas ko. Pagkatapos, hinilot 'yong ulo ko.
Natawa pa 'ko non. Sabi ko, "Laking Lola ka talaga, no?"
Ang sarap nong pag-hilot niya. Nawala yong hilo ko.
Inasar pa kami nila Jester at Rukawa. Tulad ng mga, "Nakanaks!" "Kumuha nga kayo ng kwarto!"
Mga salitang bago sa pandinig ko kaya tinanong ko si Dion, "Bakit kukuha tayo ng kwarto? Hindi naman tayo matutulog?"
Hindi ko alam kung bakit humagalpak si Dion pagka-tanong ko non. Weird niya. Tinanong ko rin sina Jester pero ang weird na naman ni Dion. Tinakpan niya yong bibig ng dalawa tapos sabi niya, "Pektus kayo sa 'kin pag sinabi niyo."
Linggo na ngayon. Pahinga ko na sana sa presence ni Dion pero pagka-baba na pagka-baba ko galing sa kwarto, nasa kusina siya, agresibong nagba-bati ng itlog gamit ang tinidor. Inutusan siguro ni Lola Fe tumulong mag-handa para sa agahan. Linggo kasi ngayon at walang pasok.
"Oh apo, wala ka bang gagawin ngayon?" tanong ni Lolo na nagbabasa ng diyaryo sa may kawayang sofa.
"Wala naman po, Lo. May ipagagawa ka po ba?"
Binaba niya ang diyaryo at sumimsim sa kape bago ako sagutin. "Pagkatapos mong kumain, mag-simba ka. Ayain mo si Alek para hindi ka na mamasahe."
Sa dinami-rami ng pwedeng kasama sa simbahan, si Dion pa talaga? Nag-aalala lang naman ako, baka masunog siya roon.
"Thama rin ako, Lo!" sabi ni Bobby, pinsan kong 10 years old. May problema siya sa pag-bigkas ng S dahil may bungi siya sa harap. Sama ang ibig niyang sabihin.
Tanging hiling ko at the moment ay sana payagan si Bobby para mag-lie low naman si Dion sa akin.
"Sige, apo. Mag-bihis-"
But then Mommylola cuts Lolo off. "Hindi pwede Bobby. Dalawa lang ang pwedeng sumakay sa motor. Mahuhuli kayo ng MMDA."
Argh. Si Mommylola naman, oh.
Napa-kamot sa ulo si Bobby tapos lumapit sa akin. "Ate, bilhan mo na lang ako jackthone. Marami tha thapat ng thimbahan eh!"
Lumapit ako sa tainga niya. "Ano ka ba, Bobby? 'Pag nahuli ka ng Papa mong naglalaro ng jackstone, lagot ka."
Sumimangot siya. Naawa tuloy ako. Alam ko at halata kong mahilig sa mga pambabaeng laro si Bobby. Nahuli ko nga siya last time na sa kwarto ko suot suot 'yong Hello Kitty glasses ko. Mukhang komportable naman siyang pinapakita 'yon dito sa bahay nina Lolo't Lola kaso strict kasi 'yong papa niya, tito ko.
"Sige, bibilhan na kita. 'Wag mo lang iuuwi sa inyo. Dito ka na lang mag-laro, ha?"
"Yehey. Thalamat ate Ellie!"
Sa pagsakay pa lang sa motor, hindi na kami nagkasundo ni Dion. Sabi niya, dapat nakadikit ako sa kaniya at umakap daw ako dahil mabilis daw siyang magpatakbo. Like, ano ako uto uto? Bat ko siya didikitan at yayakapin? Okay na nga ako nong nakaraang umangkas ako na naka-kapit lang sa uniform niya, eh.
"Bagalan mo na lang ang pag-drive. Hindi ka naman hahabulin ng kamatayan my friend, Didi. At gusto mo lang atang yakapin kita, eh. Ikaw talaga, my friend."
Nanlukot ang mukha niya. Parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "B-bat naman kita gugustuhing yakapin? Ikaw na nga lang iniisip. Ano, ganiyan ka na? Walang sisihan pag may nabalian ng spinal cord mamaya ha."
Okay, ayaw kong gumawa ng kasalanan bago kami pumuntang simbahan kaya nilunok ko na lang ang inis at kaartehan ko at ginawa ang sinasabi niya. Dumikit at niyakap siya...
Sa jacket. Sa bulsa ng jacket niya lang ako naka-kapit. Hindi naman mahirap iwasang dumikit yong balat namin sa isat isa dahil payat naman siya.
Pagdating namin sa simbahan, nakakabwisit. Mukha nang pugad ng ibon yong buhok ko sa sobrang bilis niyang magpatakbo. Naiwan pa ata kaluluwa ko sa may daan.
"Mukha kang ewan," sabay tinawanan pa 'ko.
Hindi ko na tinangkang makipag-sagutan sa kaniya dahil alam kong walang patutunguhan ang usapan pag siya ang kausap.
Naka-kuha kami ng pwesto sa may harap. Hindi kami nag-iimikan. Tapos mayamaya bumulong siya, "'Wag mo sabihing first time mo ring mag-simba? Ganon ba ka-boring ang buhay mo bilang Erika Gonzales?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Kung makapag-salita ka naman Didi, akala mo church boy na tambay sa simbahan. Hindi ka pa ata magsisimba kung hindi kita inaya, eh. At saka don't call me Erika dito. Baka may makarinig pa sa 'yo."
Pero seriously, tinamaan ako sa sinabi niya. I've never been to a church since like, first communion ko pa ata. Hindi kami pinapalabas ni Mommy, eh.
And then katahimikan ulit. Seryoso siyang nakikinig sa mga sermon ni father. Ako naman, halos walang maintindihan dahil nag-eecho sa bawat sulok ng simbahan 'yong speaker. Ang naririnig ko lang "Awuwuwuuw Muwuwuwu." Parang ganoong sound. Lagot, sabi pa naman ni Lolo pagagawan niya kami ni Dion ng reflection paper sa natutunan namin dito. Jusko po.
Trying hard akong maintindihan ang mga sermon ni father hanggang sa may mga nag-marcha mula sa likod ng church. May hawak silang parang lagayan ng mga altar breads.
"Mga nagte-training ba 'yan para maging priests?"
"Ewan ko."
Tamo? Wala ring alam.
Buti pa ako alam ko kung ano sila. Sakristan. Pinagmasdan ko sila. Isa lang ang pumasok sa isip ko:
Bakit ang popogi nila?
Requirement ba 'yon? Lahat sila good-looking at parang mga bagong ligo.
Pero sa lahat, may isa lang na kumuha talaga ng atensyon ko. Hindi naman nag-slow mo yong paligid. Sa mga baliw lamg nangyayare yon. Paano magso-slowmo sa real life pag nakakita ka ng pogi? Ha? Paki-explain nga.
Basta mala-Leonardo DiCaprio 'yong looks niya. Alam mo 'yon, parang angel. Parang hindi ka magsasawang titigan. Kahit naka-poker face, parang naka-ngiti 'yong mga mata niya. Dagdag mo pang tumutulong siya rito sa church. For sure maka-Diyos siya. Mukha ring kaedad namin. Lord, may ganito palang ka-perfect na nilalang? Jusko po, hindi ko na matanggal 'yong mga mata ko sa kaniya. Umayos ka, Ellie. Wag kang ganiyan!
"Si Arcega 'yon, ah." Habang pinapasingkit 'yong mata at may tinatanaw sa may altar.
"Arcega? Sino?" Tanong ko. Baka si ano kasi yong tinutukoy niya.
"Wala."
Wala talagang kwenta kausap. Pinagmasdan ko na lang 'yong mala-DiCaprio na sakristan. Hays, may dahilan na ako para sipagin mag-simba.
Pumila kami para kumain ng ostia. Hindi ko alam kung kinakabahan ako o ano. Pinanood ko yong mga na sa kabilang pila, yong iba pinapasubo kay father, yong iba kinukuha nila 'yong tinapay. Hala. Anong pinagkaiba non? Alin 'yong gagawin ko?
Nilingon ko si Dion para tanungin sana kaso may isang babae sa pagitan namin kaya nahiya ako.
Bahala na.
Turn ko na. Inaabangan ko si father kung paano niya iaabot sa akin. Base ba sa hitsura?
Nilapit na niya. Medyo malayo sa kamay ko. Ah, baka isusubo. Okay.
Dudum.
Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang nakagat ko. Hala hala hala hala hala. Hintuturo ni father nakagat ko! Hala!
"Sorry po father. Sorry po!" Pinagsalikop ko pa ang kamay ko at yumuko. Nakakahiya grabe! Natawa lang si father.
Hanggang sa motor, tanong nang tanong si Didi kung bakit daw ako sorry nang sorry kay father. Syempre, hindi ko sinabi no. Wala akong pagsasabihan. Kahit kailan.
Pagkauwi, sinalubong ako ni Bobby. Hinahanap 'yong jackstone niya. Omyghad. Nawala sa isip ko! Hala, baka mag-tampo si Bobby. Nako namaaaan.
"Athan na ate? Magja-jackthone na 'ko."
"Ah, eh... Kasi Bobby ano..."
Hays, kasi naman 'yong poging sakristan na 'yon, eh. Nakalimutan ko tuloy bumili sa labas ng simbahan.
"Nakalimuthan mo athe?!"
Aamin na lang ako. "O-"
Pero biglang humarang sa akin si Dion tapos may inilabas sa bulsa ng jacket niya.
"TENEEEEN!"
Wait, jackstone?
"Yipee! Thalamat kuya Alek! The beth ka!" Siyang siya na sabi ni Bobby at tatalon talong pumunta sa living room para laruin 'yong jackstone.
Kinindatan ako ni Dion gamit ang mapungay niyang mata. Bagay na sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, parang may kung ano akong naramdaman.
Ay sabi na nga. Pinagawa kami ni Lolo ng reflection paper tungkol sa mga natutunan namin sa church. May naintindihan naman akong isang linya ni father.
First love doesn't always last.
"'Yan lang natutunan mo?" bulong ni Dion sa tabi ko na napakarami nang naisulat sa papel niya.
Minsan naiisip ko, masipag naman pala 'to gumawa. Bakit sa school, laging tulog, naka-tambay sa canteen, library, o kaya nag-oover d bakod?
At isa pang pinagtataka ko, paano siya napunta sa Class A?
I mean, oo, ako rin kahina-hinala dahil hindi naman ganon kataas ang grades ko. Pero dahil 'yon sa artfolio na sinubmit ko sa school kaya napunta ako sa star section. Pero itong si Mapungay, anong factor? May hidden talent din ba siya?
Masubukan nga.
"Hmm, kung nakinig ka talaga... bukod sa mga naisulat mo na, ano pang natutunan mo sa church kanina?"
Humalukipkip lang siya at sumandal sa sofa, 'di ako tinapunan ng tingin. "Ito isulat mo, narinig ko 'to kanina kay Father, eh."
Yes, may kakaunting bait din naman pala 'to.
"Sige sige."
"Ang mga bata ay dapat inaalagaan. Dapat hindi inuutusan sa bahay."
Nagtaka ako. "Sinabi talaga ni father 'yon?"
Tumango siya. Okay, mukhang seryoso naman siya. Saka may iba iba naman tayong pananaw di ba? Baka 'yon ang pananaw ni father. Tama. Sinulat ko 'yon.
Pinagpatuloy niya ang pag-dictate ng ilalagay ko sa papel. "Napagtanto kong tama ang sinabi ni father. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Kaya dapat nakahiga lang sila at hindi pinaghuhugas ng pinggan."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Seryoso ka ba? Inuuto mo na naman ata 'ko, eh?"
Tinapunan niya 'ko ng mapungay niyang mata. "Nagmamalasakit lang ako. Tas ganyan pa sasabihin mo?"
Siniyasat ko siya ng ilang saglit. Mukhang seryoso naman siya talaga.
Pero hindi kaya magalit si Lolo pag nabasa niya 'to? Palitan ko na lang. "Thank you na lang. Gagawa na lang ako ng sarili ko," sabi ko pagkatapos pumilas ulit ng bagong papel.
"Oh, tapos na ba kayo riyan? Akin na babasahin ko na." Hala, si lolo nandyan na. Jusko po.
"Hindi pa po-"
"Oho, tapos na! Ito ho gawa naming dalawa." Bago pa man ako maka-angal, nai-abot na ni Dion ang papel namin kay Lolo. Patay. Sana naman okay kay Lolo 'yong mga sinabi ni Dion.
At hindi!
Hindi okay!
Kainis. Pinagalitan ako ni Lolo! Kainis talaga 'yong Mapungay na 'yon. Talagang pinapahamak ako even in the simpliest way he could think of. Argh. Pero si Lolo, being not so magagalitin, tinawanan din ako pagkatapos kong sabihin na "Si Dion po nag-bigay ng mga isasagot ko d'yan. Wala po kasi akong maintindihan sa simbahan. Nag-eecho po kasi yong sound."
--
Kinabukasan, pagka-upo na pagka-upo ko sa classroom, naka-dungaw sa labas ng bintana ang seatmate slash friendship kong mabait. Naka-earphones tapos akala mo nasa music video ng Silent Sanctuary.
Alam niyo bang inagaw niya lang 'yong upuan na 'yon? Ako dapat ang naka-upo roon, eh. Long story at ayoko nang ibalik. Manunumbalik lang 'yong inis ko.
Napag-desisyunan kong 'wag na lang muna siyang pansinin. Kasi kapag kausap ko siya, may nangyayaring masama sa akin.
"Ahckk! Omygosh, Ellie girl. Dumating na si Yohan ko galing Manila! Nandyan na raw siya ngayon! Class B! Ahckk!" Full of enthusiasm at parang sinasakal na hiyaw ni Chin.
"Yohan? You mean 'yong crush mo at crush ng buong girl population dito sa school?" Pang-aasar ko.
Tumango tango siya habang ngumunguya ng adobo.
Sa dinami-rami rami ng kwento ni Chin about Yohan, ito ang mga natatandaan ko: Super pogi daw at sporty si Yohan. Star triathlete daw hindi lang ng school, kundi ng buong Baguio. At kaya hindi pa pumasok last week dahil may national contest daw ng triathlon sa Manila. Meron pa nga raw itong fandom name. YOHANATICS. Lol.
"For sure, maiinlove ka rin, girl. Ahckk!. Ayan na siya, ayan na siya. 1...2...3..."
As if a cue, halos mabasag na ang eardrums ko sa mga hiyaw dito sa canteen. Jusko naman. Ganito na ba mga kabataan ngayon? Willing maubusan ng vocal chords para lang makahiyaw sa isang lalaki? Bakit kaya hindi na lang sila mag-focus sa pag-aaral? Para din naman sa kinabukasan nila 'yon. May mapapala ba sila kung magdedevote sila ng time at feelings para sa isang lalaki? Naaawa tuloy ako sa pambansang bayani natin. Sinayang ng mga kabataang 'to ang tiwala niya sa atin. Nasaan na ang Kabataan ang pag-asa ng bayan? Napunta na sa pagfafangirl sa mga pogi? Jusko naman...
Jus-ko na-man. Bakit po nakakakita ako ng anghel ngayon? Na-food poison ba 'ko sa kinakain kong Chicken Curry at 'di ko namalayang natigok na 'ko? Sinusundo na ba 'ko ng anghel? Infairness, kamukha ni Leonardo DiCaprio ang angel na 'to. Take me, my angel. Take me.
"Miss, taken na ba?"
Juskopo, kausap niya 'ko!
"Taken? Ako? No no! NBSB ako. No Boys Since Birth. Never been kissed, never been hugged, never been in love. Strict ang parents ko, eh! Ikaw?"
Hindi ko alam kung sabaw ako o ano, pero parang may dumaang uwak pagkasabi ko ng mga 'yon. Parang nag-loading din si Angel sa mga sinabi ko.
Later on, nakarinig na 'ko ng mga tawanan at naramdaman ko ring sinisiko ako ni Chin.
"Girl, di 'ko alam ganiyan ka pala ka-lutang." Awkward na natatawang bulong niya sa akin. "Yohan koooo, panis ata nakain niyang curry pag-pasensyahan mo na, ha? 'Di pa taken 'yang seat hihi, kunin mo lang!"
Wait what? Ano 'yong mga pinagsasabi ko? At wait, ito si Yohan? At wait ulit, bakit parang pamilyar siya?
Tama. Sa church. Siya 'yong God-like na sakristan. Ibig sabihin, hindi lang siya good-looking at maka-Diyos, athlete din siya at famous? Napa-takip ako sa bibig at napayuko. Nakakahiya, jusko!
"Salamat," sabi lang ni Yohan, mukhang walang pake sa mga pinagsasabi kong kahihiyan (buti naman), at kinuha 'yong bakanteng upuan.
Nabalisa ako. "Tara na, Chin. Wag mo na ubusin 'yang adobo mo. Hindi naman masarap." Tumayo na ako at nag-martsa palabas ng canteen.
Nakakahiya na grabe. Pinagbubulungan na 'ko sa canteen. Siguradong usap-usapan na 'ko mamaya ng mga Yohanatics sa Friendster at FB. Mamaya may mag-abang na sa aking mga obsessed fans.
Jusko naman. Sa dinami-rami ng pwedeng maging crush, don pa sa marami akong kaagaw.
"Ellie girl! Wait!"
Pagkarating namin sa classroom, wala nang preno ang bibig ni Chin sa pagku-kwento tungkol kay Yohan. Sa dinami-rami ng sinabi niya, isa lang ang 'di ko malimutan.
"BFF ko 'yong kambal ni Yohan, si Yonah." Biglang nag-iba 'yong mood ni Chin nong binaggit niya si Yonah.
So tinanong ko, "Dito rin ba siya nag-aaral?"
At ang sagot ni Chin, "Oo, kaso hindi siya naka-enroll ngayon. Na sa ospital kasi siya. Tinangka niya mag-s-suicide."
--
January 2021 - Ellie's Wedding Day
Someone's POV
"So, anong feeling na maikasal sa first love mo, Ellie girl? Taray!"
Unti unti nang nagsisi-alis ang mga pormal na visitors, kaya kaming magkakaibigan, nag-tipon dito sa isang table.
"Dream come true. . ." Sagot ni Ellie kay Chin.
Niyugyog naman siya ni Chin sa balikat. "Ackk! Sana all!"
Kawawa talaga ang nobyo ng babaeng 'to, bugbog sarado. Speaking of nobyo, ang sama ng tingin sa kanya ng nobyo niya. "Anong sana all? Bakit, 'di ba kita pakakasalan?"
"Pakakasalan mo 'ko?" Tumuro si Chin sa sarili.
"May choice ba 'ko?!"
Nagsi-tawanan kaming lahat maliban kay Chin, pinag-sasabunot kasi 'yong nobyo nya. Kawawa talaga. Battered nobyo since 2010.
"Aso't pusa kayo nong 16 tayo. Maski ngayong 27 na tayo, aso't puso pa rin kayo." Naiiling na sabi ni Ellie.
"Tss. . . Parang kayo ng ASAWA mo hindi aso't pusa ah." sagot naman ng nobyo ni Chin.
Napa-irap na lang si Ellie pero hinawakan ng asawa niya ang kamay niya. Tapos mayamaya, hinalikan siya sa pisngi. Nag-uyawan ang lahat.
Ako, napa-tingin sa isa naming kaibigan na kanina pa hindi umiimik.
Pangiti ngiti lang siya sa gilid. Pinagmamasdan ang bawat ngiti ni Ellie. Mga ngiti ni Ellie na sa kanya lang naka-laan dati.
Dati.