HAZEL'S POV
Si Tiffany. Ang dating kaibigan ni Kath na siniraan siya.
Sikat ang grupo ni Tiffany sa buong campus. May time na gusto ko din sumali sa kanila dati pero ng malaman ko na siniraan niya ang isa sa mga member niya or si Kath ay hindi na ako sumali.
Pinagkalat kasi ni Tiffany na inaagaw ni Kath ang boyfriend niya kaya sila naghiwalay pero alam ko na noon pa na may boyfriend na si Kath dahil naging schoolmate ko siya sa Senor High.
Sa aming apat nila Amber ay ako pa lang ang nakakaalam na may boyfriend si Kath at nangako ako kay Kath na wala akong pagsasabihan na kahit sino. At nung araw ding yun ay naging magkaibigan na kami ni Kath.
"Sorry, hindi kita napansin," sabi ko habang pinupunasan ko ang damit niya ng tissue.
"Wag mo nang punasan lalong kumakalat eh!" galit na sabi niya. Ang sama talaga ng ugali nang babaeng toh.
"Sorry talaga, hindi ko sinansadya," paghingi ko ulit ng paumanhin sa kanya habang pinupunasan parin ng tissue ang damit niya.
Tumingin ako sa kanya at mukhang naiinis na siya sa ginagawa kong pagpupunas ng damit niya. Bakit ba siya maiinis sa ginagawa ko tinatanggal ko lang naman ang mga pagkain na natapon sa kanya?
Lumapit siya sa kabilang table at kinuha ang juice. Humarap ulit siya sa akin at sinaboy ang juice sa mukha ko.
"Alam mo naiinis na ako sa ginagawa mo eh. Sabi ko wag munang punasan kasi lalaong kumakalat pero hindi mo parin itinigil. Yan ang bagay sayo, mukha ka ng basang sisiw. HHAHAHAHAHA," sabi niya habang tumatawa kasama ang alipores niya.
Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko na hindi siya patulan pero sumusobra na talaga siya.
"Alam mo Tiffany? Ang sama-sama ng ugali mo. Dati gustong gusto ko sumali sa grupo mo kasi ang akala ko mababait kayo yun pala akala ko lang yun. Kasi kabaliktaran nun ang ugali niyo," nang gigigil kong sabi sa kanya. Nakita ko sa mukha niya na lalo siyang nainis sa mga sinabi ko.
"Hindi sana kita papatulan sa ginawa mong pagsaboy ng juice sa akin kasi alam kong kasalanan ko din naman. Pero ang sahihin mo sa akin na basang sisiw, hindi na ata tama yun. Hindi mo kilala ang kinakalaban mo," dugtong ko ulit.
Nakita kong itataas na niya ang kamay niya para sampalin ako ng may humawak sa kamay niya. Napatingin naman kaming dalawa kung sino. Si Kath, nakalapit na pala sila dito.
"Tiffany, tumigil ka na? Kung dati kaya mong saktan ang iba ngayon hindi na kasi hindi ko hahayaan saktan mo ang mga tunay kong kaibigan. Dahil hindi ako katulad mo na ginagamit mo lang ang ibang tao para makuha mo ang gusto mo," sabi ni Kath. Tinanggal na ni Tiffany ang kamay niya na hawak ni Kath. Nanlilisik ang matang tinignan ako ni Tiffany.
"Hindi pa tayo tapos, gagantihan kita," banta ni Tiffany at padabog na umalis ng canteen. Akala mo natakot ako sayo, Tiffany. Baka sa akin ka matakot kaya kitang patalsikin sa school na to.
Tumingin naman ako kay Kath, tumingin din siya sa akin at ngumiti kaya ngumiti din ako sa kanya.
"Thank you Kath, sa pagtatanggol mo sa akin kay Tiffany," pasalamat ko kay Kath.
"Ano ka ba. Pangbawi ko na sayo yun dahil pinagtanggol mo din ako sa kanya noon," sabi niya. Tumango naman ako.
"Punta lang ako sa locker room, para makapagpalit na ako ng damit at maghilamos," paalam ko sa kanila. Tumango naman sila kaya naglakad na ako pala as ng canteen.
Paglabas ko ay nakasalubong ko si Jerome na papasok sana ng canteen ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Tumingin naman siya sa akin. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko ng magtama ang paningin namin.
Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Ano ba talagang mangyayari sa akin? Bigla-bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso ko kapag tumitingin siya sa akin at sa tuwing nagdidikit ang mga balat namin?
"Anong nangyari sayo? At bakit basang-basa ang damit mo," tanong ni Jerome.
"May babaeng sumaboy sa akin ng juice kaya basang basa ang damit ko," sagot ko.
"Sinong babae?" tanong ulit niya.
"Wag mo na lang alamin. Sige, punta lang akong locker room at nang makapag palit na ako. Lagkit na lagkit na ako," sabi ko. Tumango siya at pumasok na sa loob. Naglakad na ulit ako papuntang locker room.
Pagkarating ko din ay binuksan ko ang locker at kinuha ang extra uniform ko. Buti na lang at palagi akong may extra uniform dito sa locker. Kinuha ko din ang extra bimpo ko.
Pumunta na ako ng cr, binasa ko muna ang bimpo bago ako pumasok ng cubicle. Pinunasan ko ang leeg ko ng basang bimpo at nagalit na ng damit.
Lumabas na ako ng cubicle at humarap na ako sa salamin at naghilamos. Nang-okay na ako ay lumabas na ako ng cr at bumalik na sa canteen.
Hinanap ko na sila Kath at umupo sa vacant chair sa table nila. Nandito din sa table nila Kath nakiupo si Jerome.
"Hazel, sino yung babaeng muntik ka nang sampalin kanina?" tanong ni Sav. Napatingin naman ako sa kanya.
"Hindi mo siya kilala? Hindi ka taga-BU kapag hindi mo siya kilala," sabi ni Kath.
"Sino nga siya?" pamimilit ni Sav. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanila.
"Siya si Tiffany. Sikat ang grupo niya dito, last year pa. Dahil nasa kanya na lahat, maganda, sexy at lahat ng magugustuhan ng mga lalaki nasa kanya na. Pero hindi ko masasabing mabait siya dahil na ipakita na niya sa akin ang tunay na ugali niya," sabi ko.
"Meaning masama ang ugali niya ganon?" tanong ni Mia. Tumango ako.
"Oo masama talaga ang ugali niya. Yung kanina hindi yun ang una naming pagkikita dahil bago ko naging kaibigan si Kath noon ay kasali siya sa grupo nila Tiffany," sagot ko.
"Pagtinignan mo sila, akala mo ang bait nila pero hindi kabaligtaran yun ang ugali nila," sabi ni Kath.
"Bakit ka nga pala umalis sa grupo nila, Kath?" tanong ni Amber.
"Siniraan kasi ako ni Tiffany noon na inaagaw ko daw ang boyfriend niya kaya daw sila naghiwalay kahit hindi naman totoo. Dahil sa paninira niya sa akin ay lahat nakatingin sa akin at pinag-uusapan ako. Natigil lang yun ng nagsalita si Hazel, sinabi niya lahat ng totoo dahil schoolmates kami dati," sagot ni Kath sa tanong ni Amber. Tumango-tango naman sila Amber.
"Saglit lang guys. Kuha lang ako ng pagkain ko," sabi ko at tatayo na sana ng pigilan ako ni Jerome.
"Dito ka na lang, ako na kukuha ng pag kain mo," sabi niya at tumayo na siya. "Ano ba gusto mong kainin?" tanong niya.
"Kahit ano na lang," sabi ko at umalis na siya at pumunta na sa counter.
"Bakit ba kayo nag-away ni Tiffany?" tanong ni Mia.
"Nabangga ko kasi siya kanina, eh may dala pa naman akong pagkain kaya natapon yun sa uniform niya. Tapos tinulungan ko siyang punasan ang damit niya pero naiinis siya dahil pinunasan ko ang damit niya at bigla na lang niya akong sinabuyan ng juice. Sinabihan pa akong mukhang basang sisiw," kwento ko.
"Ang arte naman ng babaeng yun. Sarap isobsub sa toilet bowl," galit na sabi ni Sav. Natawa kami sa sinabi ni Sav. HAHAHAHAHAHAHA, naisip ko na din kaso baka ma guidance pa ko.
"Anong ginawa mo o sinabi mo sa kanya?" tanong naman ni Amber.
"Wala akong ginawa sa kanya, pero may sinabi ako sa kanya," sagot ko.
"Ano?" tanong nila.
"Na masama ang ugali niya, Na dati gusto kung sumali sa grupo nila kaso ng malaman ko ang totoong ugali niya ay hindi ko na itinuloy ang pag sali sa kanila," sabi ko. Tumango-tango na lang sila, siguro ay naubos na ang mga tanong nila.
"Here's your food," sabi ni Jerome at nilapag na niya ang pagkain. Umupo na siya sa inupuan niya kanina.
Ngumiti ako sa kanya. "Thank you," sabi ko. Tumango naman siya kaya nag simula na akong kumain.
AFTER 15 MINUTES...
Tumayo na ako ng tapos na akong kumain kaya nagsitayuan na din sila at sabay sabay kaming lumabas ng cafeteria. Pumunta na kami sa next class namin.
Pagkarating sa classroom ay Umupo na kami sa upuan namin dahil malapit ng dumating ang Prof namin.
Napatingin naman ako kay Jerome ng kalabitin niya ako.
"Yes?" tanong ko sa kanya.
"May gagawin ka ba mamayang dismissal?" tanong niya.
Napaisip naman ako kung may gagawin ba ako mamaya ng biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko. Kinuha ko naman at nakita kong may message si Aaliyah.
Binasa ko na ang text ni Aaliyah.
Coz, may dinner daw mamaya sabi ni Tito Laurence sa mansion ng mga Sevilla. Gusto daw kasi ni Tito na pag-usapan ang business niyo at ng mga Sevilla kaya sasabay kami ni Aaron sayo mamayang dismissal niyo dahil hindi ko naman alam ang address ng mga Sevilla.
Pagkatapos kong basahin at replayan si Aaliyah ay binalik ko na sa bulsa ko ang cellphone ko. Dahil dumating na rin ang Prof namin.
Tumingin ako kay Jerome. "Bakit mo naman natanong?" tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.
"Magpapaturo sana ako sayo kung paano mag piano? Gustong-gusto ko kasi ng matuto kung paano mag piano simula pa magkabata." sabi nya.
"Sige tuturuan kita pero sa Saturday pa or bukas kita matuturuan dahil may dinner kami sa bahay ng kaibigan ni Dad," sabi ko.
"Okay lang. Hindi naman ako nagmamadali eh, kahit kung kailan ka lang free time."
"Sige," sabi ko at nakinig na sa Prof namin.
DISMISSAL...
"Class dismissed," sabi ni Prof at lumabas na ng classroom.
Iniligpit ko na ang mga gamit ko at tumayo na. Nag lakad na ako pala as ng classroom.
"Hazel?" tawag ni Jerome sa akin kaya lumingon ako sa kanya.
"Oh bakit?"
"Basta tuturuan mo ako ha?" sabi niya. Napangiti naman ako.
"Oo Mr VP," sabi ko at nag lakad na papuntang locker room.
Nang ma ilagay ko na ang mga gamit ko sa locker ko at pumunta na ako sa gate ng University dahil nakita kong naghihintay na sa akin ang dalawa kong pinsan.
Pagkalapit ko sa kanila ay inilahad ko ang kamay ko sa harapan ni Aaliyah para kunin ang susi ng kotse.
Ibinigay niya ang susi at pumasok na kotse. Nag seatbelt na ako pati si Aaliyah na nakaupo sa passenger seat. Pinaandar ko na ang kotse.
"Coz, sino ba yung mga Sevilla? At bakit alam mo kung nasaan ang mansion nila? Diba business partner lang naman sila ni Tito?" sunod-Sunod na tanong ni Aaliyah.
"Kaibigan kasi ni Dad si Tito Charlie Sevilla ang may-ari ng Sevilla Company. Kaibigan ko din ang anak na lalaki ng Sevilla na si Clarence kaya alam ko kung saan sila nakatira. Ayoko pa naman makita ang kapatid ni Clarence. Hindi kasi kami close non nakakabwesit ang babaeng yun," paliwanag ko.
"Ha? Bakit naman hindi kayo close ng kapatid ni Clarence?" tanong ni Aaliyah.
"Ewan ko din," sabi ko at pinagpatuloy na ang pagdadrive.
*KRING KRING KRING*
Inihinto ko muna ang kotse sa tabi at saka ko ikinonect ang phone ko sa Bluetooth earphone ko para nakakapaggdrive ako habang kinakausap yung tumatawag.
Inilagay ko na sa tainga ko yung earphone at sinagot yung tawag. Pinagpatuloy ko na ang pagdadrive dahil malapit na kami sa bahay nila Clarence.
"Hello, Sino toh?" tanong ko sa kausap ko sa kabilang linya.
(Hayy naku! Hazel, hindi mo tinignan yung caller ID noh?)
"Clarence?"
(Oo ako toh. Ano ba kasi ng ginagawa mo?)
"Nagdadrive kasi ako papunta sa inyo"
(Kaya naman pala. Nasaan na ba kayo?)
"Nasa guard house na nang subdivision niyo"
(Malapit na pala kayo.)
"Nandiyan na ba sila Daddy?"
(Wala pa dito sila Tito Laurence.)
"Sige, ibababa ko na ang tawag. Bye."
(Bye,) sabi niya at binaba na ang tawag.
Bunusina na ako ng nasa tapat na ako ng gate nila Clarence. Pinagbuksan naman ako agad dahil kilala na nila ang kotse ko. Pinaandar ko na papasok ang kotse po at pinark sa katabing kotse ni Clarence.
Bumaba na kami ng kotse, kinuha ko muna ang gamit ko at nag lakad na papunta sa maindoor at nakita kong nandoon si Clarence na nakatanaw sa amin.
"Grabe coz, ang ganda ng mansion nila Clarence," manghang sabi ni Aaliyah. Napatingin naman ako kay Aaron na kanina pa tahimik.
"Tahimik mo ata ngayon, Aaron ha?" tanong ko kay Aaron, Napatingin naman siya sa akin.
"Wala Ate Hazel," sabi niya.
"Hey Hazel, miss mo na ba ako?" sabi ni Clarence. Bumeso naman ako sa kanya.
"Baliw ka ba? Kakakita lang natin nung Monday eh," sabi ko. Pumasok na kami sa bahay nila.
"Eh baka na miss mo na ako agad at saka dalawang araw na ang nakalipas," sabi niya.
"So anong connection ng dalawang araw ang nakalipas sa pagkamiss ko sayo. At kung may mamiss ako yung mga pinsan ko yun," pabirong sabi ko.
"Para namang hindi tayo mag kaibigan niyan. Grabe ka kung mang-asar, Hazel. At yan ang namiss ko sayo," sabi niya.
"By the way Clarence... Aaliyah and Aaron my cousin. Coz, Aaron... Si Clarence, BBF ko," pa kilala ko sa kanila.
"Ha? BBF?" naguguluhang tanong ni Aaliyah. Natawa naman ako.
"I mean Boy Best Friend." sabi ko. Tumango-tango na lang si Aaliyah.
"Nice too meet you Aaliyah and Aaron," sabi ni Clarence at nila had ang kamay niya. Tinanggap naman ni Aaliyah yun.
"Nice to meet you too, Clarence," sabi ni Aaliyah at sunod namang nakikamay kay Clarence ay si Aaron.
"Me too, Kuya Clarence," sabi ni Aaron.
"Tara sa kwarto ko muna kayo. Wala pa naman sila Tito Laurence," aya ni Clarence.
"Sige, ayaw ko munang makita yung kapatid mo," sabi ko at naunang umakyat sa hagdan.
"Bakit ba ayaw na ayaw mo kay Nathalie?" tanong ni Clarence.
"Ewan ko ba kung bakit ayaw ko dun sa kapatid mo," sabi ko. Binuksan na ni Clarence yung pinto ng kwarto niya.
"Wow, may PlayStation ka pala, Kuya Clarence." sabi ni Aaron at lumapit doon sa PlayStation na nakabukas.
"Yup, nilalaro kasi namin ni Hazel yan kapag nandito siya," sabi ni Clarence.
"Naglalaro kayo kanina ng kapatid mo?" tanong ko kay Clarence.
"Oo, pero pinagalitan ni Mom dahil nakitang hindi niya ginawa yung homework niya."
"Ah okay. Yan may kalaro ka na, adik din yang pinsan ko sa mga ganyan," sabi ko.
"Eh ikaw anong lalaruin mo?"
"Magwawattpad na lang ako dito sa laptop ko." sabi ko.
"Ikaw ang bahala," sabi niya at nilapitan na si Aaron.
Umupo na ako sa kama ni Clarence, kinuha sa bag ko yung laptop ko at binuksan.
Maya-maya ay biglang namatay ang laptop ko. Tss. Ngayon pa nalowbat ang laptop ko.
Sinarado ko na lang ang laptop ko at binalik sa bag ko. Hindi ko pa naman dala ang charger.
*KNOCK KNOCK KNOCK*
Napatingin kaming lahat ng may biglang kumatok sa pinto. Tumayo na ako at ako na ang nag bukas.
"Good evening po, Ma'am Hazel. Nasa baba na po ang parents mo. At nakaready na din po ang dinner, pina baba na po kayo ni Sir Charlie," sabi ng isa sa mga kasambahay nila Clarence.
"Sige, susunod kami," sabi ko. Pasok ulit ako sa loob ng kwarto ni Clarence at kinuha ang mga gamit ko.
"Guys, magdidinner na daw," sabi ko. Niligpit na nila Clarence yung PlayStation at tumayo na din si Aaliyah at Sinarado ang binabasang libro.
Sabay-sabay na kaming apat na lumabas ng kwarto at bumaba diretso sa kitchen.
Lumapit ako kanila Daddy at Mommy para bumeso, pati na rin kanila Tito Gerald at Tita Rizel. Ganun din ang ginawa nila Aaliyah at Aaron bago umupo.
Ang malas ko naman bakit ba sa dinami-dami ng pwedeng itabi sa akin eh, si Nathalie pa.
Bakit ba lahat na lang ng malas ngayon pang araw sinabay-sabay na dumating? Una nakaharap ko si Tiffany at ngayon katabi ko si Nathalie. Haiyy bahala na.