Chereads / Bakit Siya Pa? / Chapter 6 - CHAPTER 5

Chapter 6 - CHAPTER 5

HAZEL'S POV

"Nasaan po sila ate Nellie?" tanong ko.

Excited na akong makita sila. Ilang taon na din kaming hindi nagkikita.

"Ang alam ko po yung dalawang pinsan niyo po ay pumunta sa kwarto mo and yung tito at tita niyo naman ay nasa master bedroom," sabi ni Nellie. Tumango-tango na lang ako.

"Sige, Salamat. Puntahan ko na lang sila," sabi ko.

"Sige po. Ma'am Hazel."

Lumabas na ako ng kitshen at pumunta na ako sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto ay nabigla ako ng bigla na lang akong yakapin ni Aaliyah.

"I miss you, coz," sabi ni Aaliyah na yakap parin ako ng mahigpit.

"I miss you too," sabi ko. Tumingin naman ako kay Aaron na patuloy parin ang paglalaro sa phone niya at naka headset pa.

Humiwalay na si Aaliyah sa pagkakayakap sa akin. Lumapit ako kay Aaron at kinuha ko ang phone niya at tinanggal ko din ang headset niya.

"Ate Hazel?! Akin na yan," sabi ni Aaron at pinipilit kunin ang phone niya.

"Hindi ko ibibigay to sayo. Hindi mo ako pinansin ng pumasok ako dito kaya hindi ko to ibibigay sayo," sabi ko at pumasok na ako sa walk-in closet nitong kwarto ko.

Nilagay ko muna sa isang tabi yung phone at headset ni Aaron. Nagpalit na ako ng gamit.

Lumabas na ako ng walk in closet ng nakapagpalit na ako . Nadatnan kong si Aaliyah na lang ang nandito.

"Oh, nasaan na si Aaron?" tanong ko. Tumingin naman sa akin si Aaliyah.

"Naku! coz. Lumabas na. Nagdadabog pa nga eh," sabi ni Aaliyah. Natawa naman ako. Yong talagang pinsan ko na yon, hindi pa rin nagbabago.

"HAHAHA, yung kapatid mo talagang yon hindi na nagbago. Tara na nga at pumunta sa kusina at ng makakain na," aya ko. Lumapot muna ako sa bag ko at kinuha ang invitation na binigay sa akin ni Clarence kanina. Dala ko rin yung phone at headset ni Aaron.

Lumabas na kami ng kwarto at pumunta na sa kusina. Nakita kong nandito na sila Mommy at Daddy, pati na rin sila Tita Rizel at Tito Gerald katabi si Aaron na nakasimangot. Hahahaha.

Lumapit ako kanila tita at tito para bumeso at yumakap sa kanila.

"Hey Tita Rizel and Tito Gerald. Namiss ko po kayo." sabi ko sabay yumakap at beso sa kanila.

"We miss you too, Hazel," sabi nila.

"Kaso may isang lalaki po diyan na hindi ata ako namimiss kaya hindi ko ito ibibigay sa kanya," sabi ko. Tumingin naman ako kay Aaron at pinakita sa kanya ang phone niya.

"Tss."

"Bahala ka. Sa akin na lang to," sabi ko at umupo na ako sa chair na katabi ni Mommy.

"Tama na nga yang asaran niyo. Kumain na lang tayo," sabi ni Daddy kaya tumigil na ako sa pang-aasar kay Aaron at nag simula na kaming magdasal.

Pagkatapos ay nag simula na kaming kumain.

Nasa kalagitnaan na kami ng pag kain ng may maalala ako.

"By the way Dad, here the invitation for the anniversary party ng Sevilla Company. Binabibigay na daw ni tito Charlie sabi Clarence," sabi ko at inabot na kay Daddy yung envelope na may lamang invitation.

Kinuha naman ni Daddy at binuksan.

"So last of this month pa pala to. Ang aga naman nilang mamigay ng invitation," sabi ni Daddy.

"Oo nga po eh," sabi ko. Pinagpatuloy ko na ulit yung pagkain ko.

Mayamaya ay tapos na kami kumain. Pumunta sila Mommy at Daddy sa living room kasama sila tita. Kami naman ni Aaliyah at Aaron at pumunta na sa kwarto ko.

Umupo ako sa kama at kaharap ang laptop ko ganon din si Aaliyah. Si Aaron naman ay tahimik na nakaupo katabi ang ate niya.

"So Aaron... Wala ka ba talagang balak kunin sa akin ang phone mo. Simple lang naman ang gagawin mo eh. Hug and kiss lang," sabi ko ng hindi titingin sa kanya.

"Fine," sabi niya. Hindi parin ako tumingin sa kanya, ng maramdaman ko na nasa harap ko na siya ay saka ko lang siya tinignan. Tinaasan ko siya ng kilay.

"I miss you, Ate Hazel. Sorry kung hindi kita napansin kanina," sabi niya at niyakap niya na ako. Humiwalay na siya at bumeso sa akin.

"Hindi ka pa ba nasanay sa akin? Alam mo namang hindi ako nagkaroon ng kapatid kaya sayo ako naglalambing eh. Pati na rin sa ate mo," sabi ko at binalingan ng tingin si Aaliyah na tumingin din sa amin at ngumiti.

"Alam mo Ate Hazel? Ikaw ata ang pinakamalambing na pinsan na kilala ko. Kahit si Ate Aaliyah hindi niya nagagawa yon sakin. Ikaw lang talaga," sabi ni Aaron. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Sige na mag laro ka na ng nilalaro mo kanina. Alam kong kanina mo pa gustong kunin yang phone mo," sabi ko. Tumango na lang siya at dito na sa tabi ko umupo.

KINABUKASAN...

Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako ng kusina. Kukunin ko na sana ang car key ko na nasa drawer ng TV ng may ibang kamay na kumuha non.

"Hatid ka na namin ni Aaron, coz," sabi ni Aaliyah. Tumingin naman ako kay Aaron na nakatingin sa akin at nakangiti.

"Ikaw ang may gusto na ihatid ako no?" tanong ko kay Aaron.

"Oo, para makabawi naman ako sayo. At kami na din ni Ate Aaliyah ang magsusundo sayo kapag dismissal niyo na," sabi niya habang kinakamot niya ang ulo niya.

"Kayong bahala, basta siguraduhin niyo lang na susunduin niyo ko. Kung hindi malilintikan kayong dalawa sakin," sabi ko at naglakad na palabas ng bahay.

Binuksan ko na ang passenger seat at pumasok n ako sa loob. Si Aaliyah ang upo sa driver seat at sa backseat naman si Aaron.

Binuksan na ni Nellie ang gate. Pinaandar na ni Aaliyah ang kotse papunta sa campus.

"Bakit pala kayo pumunta dito sa pilipinas? Wala ba kayong pasok?" tanong ko sa kanila.

"Next month pa ang pasok namin, Ate Hazel. Sinabi namin ni Ate Aaliyah kanila Mommy last week na dito na lang muna kami ng isang buwan, wala naman kaming gagawin sa states," sabi ni Aaron. Tumango-tango na lang ako.

"So dapat last week ang punta niyo dito?" tanong ko ulit.

"Oo, dapat paalis na kami non kaso dumating si Tito Laurence kasama ang Mommy mo, kaya hindi na kami umalis non. Sabi may business trip daw siya doon at sasabay na lang daw kami pabalik dito kapag tapos na niya asikasuhin ang business niyo," Si Aaliyah na ang sumagot ng tanong ko. Tumango na lang ako at nanahimik na.

Nang makarating na kami ng campus ay pinarada muna ni Aaliyah yung kotse sa tapat ng gate at sabay na kaming tatlo bumaba ng kotse.

Napansin ko na nakatingin lahat ng estudyante sa dalawang pinsan ko. Grabe talaga ang karisma nitong dalawang to.

Tumabi naman sa akin sila Aaliyah at Aaron.

"Lakas ng karisma niyong dalawa ha. Lahat ng estudyante dito nakatingin na inyo. HAHAHAHA," natatawang bulong ko sa kanilang dalawa.

"May lahi kaya tayong magaganda at gwapo," sabi ni Aaron.

"Alam ko kaya nga ang gaganda at ang gagwapo natin eh," I said. "So... Paano pasok na ako. Kita na lang tayo mamayang dismissal at siguraduhin niyo lang na susunduin niyo ko," sabi ko at naglakad na papasok ng gate.

"Sige, Ate Hazel. See you later," sabi ni Aaron. Kumaway na lang ako.

Dumiretso muna akong locker room para kunin ang mga books ko na nasa locker ko.

Pagkatapos ay pumunta na ako ng classroom.

Napatingin naman ako sa relo na suot ko. May 20 minutes pang natitira bago dumating ang prof namin.

Pumunta sa harap ang class president namin.

"So, guys. Napagdesisyonan na naming mga officers na baguhin ang sitting arrangement natin," Sabi ni Krishianel. Class President namin.

"Gagawin na lang naming alphabetical ang arrengement natin. Okay lang ba sa inyo?" tanong ni Krishianel.

Umo-oo na lang kaming lahat. Nagsimula na siyang magtawag ng pangalan at nagsimula na ding magsilipatan ang mga classmate namin na tinatawag niya.

"Calliego, Jerome," tawag ni Krishianel sa pangalan ni Jerome at lumipat na sa tinurong upuan.

"Candelaria, Ma. Hazel," tawag sa akin at tinuro ang upuan sa tabi ni Jerome. Umupo naman agad ako.

Pinagpatuloy na ni Krishianel ang pagtatawag at paglipat sa mga kaklase namin.

Buti na lang at matalino sa math ang katabi ko. May magtuturo na sa akin.

Nang matapos na si Krishianel sa pagpapalipat ng sitting arrangement ay saktong pagpasok ng Prof. namin sa History.

"Sinong may alam dito tungkol sa mga states ng Luzon, Visayas, Mindanao?" tanong ni Sir. Nagtaas agad ako ng kamay.

"Yes, Ms. Candelaria. Ano-ano ang mga states ng Luzon?" Ulit ni Sir ng tanong.

"Sa Luzon, nandiyan ang Kingdom of Maynila, Kingdom of Tondo and Caboloan," sagot ko.

"Very good. How about in Visayas?" Tanong ni Sir. Nagsalita agad ako.

"In Visayas, nandiyan ang Kedatnan of Madja-as, Kedatnan of Dapitan and Rajahnate of Cebu," sagot ko at umupo na.

"Very good, Ms. Candelaria."

"Nice one, ang galing mo doon," Sabi ni Jerome. Tumingin naman ako sa kanya.

"Basta History, magaling ako. Wag lang ang Math, sasabog ang utak ko doon." sabi ko. Natawa naman siya.

"How about in Mindanao? Sino ang nakakaalam maliban kay Ms. Candelaria?" tanong ni Sir.

Grabe si Sir, sasagot ako eh.

"Sir?" tawag ni Jerome kay Sir habang nakataas ang kamay.

"Yes, Mr. Calliego."

"In Mindanao, nandiyan ang Rajahnate of Butuan, Sultanate of Sulu, Sultanate of Maguindanao and Sultanate of Lanao," sagot ni Jerome at umupo na.

"Very good, Mr. Calliego."

"Magaling ka din pala sa History. Hanga na talaga ako sayo, Mr VP," pang-aasar ko.

"Ako pa, matalino kaya ako," paghangang puri niya sa sarili niya.

"Ang hangin mo," sabi ko sa kanya. Tumingin siya ng masama sa akin. "Bakit tama naman ako ah? Puring-puri mo kasi ang sarili mo," sabi ko at nagfocus na ako sa lesson namin at hindi na siya pinansin.

BREAKTIME...

Nandito kami nila Kath sa cafeteria at kumakain na kami ng lunch namin.

"Hazel, narinig ko sa katabi ko na may naghatid daw sayo na magandang babae at gwapong lalaki. Sino ba yung naghatid sayo?" tanong ni Kath. Napatigin naman ako sa kanilang apat.

"Mga pinsan ko yon galing states," sabi ko at pinagpatuloy na ang pagkain.

"Anong ginagawa nila dito? Wala ba silang pasok," tanong naman ni Amber.

"Ang sabi nila magbabakasyon daw sila dito. And next month pa daw ang pasok nila," sagot ko. Tumango-tango na lang sila.

"Punta tayo sa Musical room mamaya pagkatapos nating kumain," aya ni Kath.

"Sige," sabi ko.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami ng Musical room.

Pagkarating namin doon ay namili na kami ng mga instrument na tutugtugin namin.

Pumuwesto na ako sa harap ng piano dahil dun naman talaga ako magaling at sa gitara. Si Kath naman ay sa violin at si Amber naman ay kinuha ang gitara. Sila Sav at Mia lang ang hindi marunong gumamit ng instrument sa aming lima pero mahilig sila kumanta.

Punta si Amber sa kabilang sulok ng Musical room at tinawag sila Sav at Mia para magkantahan sila don.

Kaming dalawa naman ni Kath ay nagsimula ng tumugtog ng Canon in D. Sa akin ang piano version at sa kanya naman ang violin version.

JEROME'S POV

Naglalakad na ako papunta sa library nang may narinig akong tumutog sa floor kung na saan ang Musical room kaya doon na lang ako pumunta.

Ang ganda kasi ng music na tinutugtog nang kung sino man ang nagpiplay ng piano at violin. Ang ganda ng combination ng dalawang instrument kapag sabay nilang tinugtog at ang sarap pakinggan ng Canon in D kapag pinagsasabay nila.

Pagkarating ko sa tapat ng Musical room ay marahan kong binuksan ang pinto. Pagkabukas ko ay narinig ko na ng malakas ang piano at violin kaya pumasok na ako at marahan ko ding sinara ang pinto.

Saka ko lang napansin na si Kath pala yung naririnig kong nagvaviolin at si Hazel ang nagpipiano. Ang galing nilang dalawa.

Bakit nagslow motion ang paligid ng tumingin ako kay kanina habang nagpipiano siya? Ang galing niya.

Napansin ko din na nasa kabilang dulo yung tatlo. Umupo ako sa chair na nakita ko at pinanuod ko silang tumugtog.

Maya-maya ay tumigil na silang lahat dahil malapit na ang next class namin. Tumayo na si Hazel sa pagkakaupo sa piano pati na rin sila Amber at tinabi na nila ang mga instrument na ginamit nila.

Nanlaki naman ang mga mata nilang lima ng makita nila ako dito sa kinaroroonan ko.

"Jerome? Kanina ka pa ba dito?" tanong ni Hazel. Tumango naman ako.

"Oo kanina ko pa kayo pinapanuod ni Kath. Ang galing niyo palang magpiano at magviolin," sabi ko. Tumango naman sila.

"Oo, pero hindi ako marunong magviolin. Piano at guitar lang ako marunong," Sabi ni Hazel.

"Ako ang marunong magviolin at magpiano. Si Amber naman ay marunong sa drums at guitar," sabi ni Kath. Tumingin nmman ako kay Amber na tumango lang sa akin.

"Wow! Ang galing niyo naman pwede na kayong maging banda. Tara na pasok na tayo sa next class natin. Baka malate na tayo," aya ko sa kanila at nagsimula nang maglakad papuntang classroom.

DISMISSAL...

HAZEL'S POV

Niligpit ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng classroom. Hindi ko na hintay sila Kath at dumeretso na ako papunta sa locker room at niligay ko na ang mga gamit ko.

Pagkalagay ko ng gamit ko ay pumunta na ako sa gate. Lagot talaga sa akin yung dalawang yun kapag hindi nila ako sinundo.

Umupo muna ako sa waiting shed at kinuha ang cellphone ko.

Napatigil naman ako sa paglalaro sa cellphone ko ng may humintong kotse sa harap ko. Akala ko sila Aaliyah na pero hindi, si Jerome pala.

"Bakit nandito ka? Hindi ka pa ba uuwi?" tanong niya habang nasa loob siya ng kotse niya.

"Hindi ko kasi dala ang kotse ko kasi hiniram ng pinsan ko. Kaya nandito ako," sabi ko. Tumango naman siya.

"Gusto ihatid nalang kita sa inyo?" alok niya. Umiling naman ako.

"No wag na. Uuwi din naman ako maya-maya," sabi ko.

"Sige, see you tomorrow," paalam niya.

"See you," sabi ko.Pinaandar na niya ang kotse niya at umalis na. Malalagot talaga sa akin yung dalawang yun.

Maya-maya ay dumating na sila Aaliyah. Pasok na ako sa back seat dahil nasa passenger seat si Aaron. Napatingin naman ako sa mga paper bag na nandito sa backseat. Kaya naman pala?

"Nag-shopping ba kayo kaya hindi niyo agad ako nasundo?" tanong ko sa kanila.

"Sorry coz, gusto ko kasing bumili ng mga girly stuffs," sagot ni Aaliyah.

Nanahimik na lang ako, wala din naman akong magagawa eh at least na sundo naman nila ako.

Pagkarating sa mansion ay bumaba na ako ng kotse at pumasok na sa loob. Nakita ko sila Mommy na nasa sala.

Bumeso ako kanila Mommy, Daddy, Tita, at Tito. Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwaryo at nagpalit ng damit.

KINABUKASAN...

Pumasok na kami nila Kath sa cafeteria dahil breaktime na. Dumeretso na ako sa counter para um-order na pagkain at inumin ko.

Pagkabayad ko ay kinuha ko na ang tray ng pagkaing inorder ko at hinanap ko na kung saan puwesto sila Kath.

Nang mahanap ko na sila Kath ay naglakad na ako papalapit sa kanila ng biglang may nabangga ako at natapon ang pagkaing dala ko sa damit niya.

"What the hell did you do?" galit na sabi nang babaeng natapunan ko. Napatingin naman ako sa kanya.

Nagulat ako nang makilala ko kung sino ang babaeng natapunan ko.

Si Tiffany. Ang dating kaibigan ni Kath na siniraan siya.