Chereads / Bakit Siya Pa? / Chapter 5 - CHAPTER 4

Chapter 5 - CHAPTER 4

HAZEL'S POV

SATURDAY...

Nandito ako ngayon sa kwarto ko nakabihis na ako ng white blouse and high waisted jeans, naka ayos na rin ako. Hinihintay ko na lang dumating si Jerome.

Tumingin ako sa wristwatch na sout ko. 2:30 pm na. Umupo na muna ako sa vanity table at kinurl ang buhok ko.

ilang minuto ang nakalipas ay natapos na ako sa pag curl ng buhok ko.

*KNOCK KNOCK KNOCK*

Napatingin naman ako sa pinto ng may kumatok. Tumayo na ako at punta sa pinto at binuksan.

"Ma'am Hazel, Nasa baba na po si Sir Jerome. Hinihintay ka na po niya," sabi ni Nellie.

"Sige. Sabihin mo sa kanya, saglit lang," sabi ko. Tumango naman siya.

"Sige po, Ma'am," sabi niya at bumaba na.

Sinarado ko muna ang pinto. Kinuha ko na ang phone ko na nasa vanity table, tuminat kinuha ko na din ang sling bag ko na nasa kama.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na.

Nasa gitna pa lang ako ay nakita ko na siyang nakatingin sakin. Bumilis naman ang tibok ng puso ko.

Napahawak naman ako sa dibdib ko habang nakatingin sa kanya. Ang gwapo niya sa suot niyang blue polo shirt. 

Nang nasa last step nako ay lumapit na siya sakin.

"Tara na," sabi niya sabay lahad ng kamay niya. Tumango nalang ako at tinanggap ang kamay niya.

Naglakad na kami palabas ng bahay at pumunta sa pinag parkingan niya ng kotse niya. Pagkarating niya ay binuksan niya na ang pinto ng passenger seat.

"Thanks," sabi ko ng makapasok na ko. Sinarado na niya yung pinto ng passenger seat at umikot para pumasok sa driver seat.

"So saan ba talaga tayo kakain?" tanong ko. Nakita ko namang ngumiti sya.

"Secret nga," sabi nya.

"Hayss. Ewan ko sayo," sabi ko.

*KRING KRING KRING*

Napatingin naman ako sa sling bag ko. Binuksan ko at kinuha ang phone ko. Si Clarence. Sinagot ko naman agad. Clarence is my boy bestfriend.

"Clarence? Napatawag ka?"

(Namiss kasi kita, HAHAHAHA.)

"Baliw. Nasaan ka ba ng limang araw ha, Mr. Sevilla at hindi ka nagpapakita sakin?"

(Kasi nga kasama mo sila Kath. At saka hindi mo kaya ako pinansin nung time na hindi mo sila kasama.)

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Clarence.

"Ha? Hindi kita pinansin? Kailan naman yun?" naguguluhang tanong ko.

(Sa Library.)

"Ikaw ba yung tumabi sakin non?"

(Oo.)

"Eh, bakit hindi mo na lang ako kinausap non?"

(Eh, Paano busy ka sa binabasa mo. Kaya tumabi nalang ako sayo at ginawa ang assignment ko.)

"Para kang ewan Clarence. Bakit ka nga tumawag? Yung totoo."

(Gusto kasi kayong iinvited ni Dad. Sa Anniversary Party ng Company. Nandito nga ako sa bahay niyo, wala ka pala dito pati sila Tito Laurence. Ibibigay ko sana ang invitation na pinapabigay ni Dad.)

"Oo. Kailan ba yung party?."

(Last week pa naman nitong buwan.)

"Sige, pupunta kami. Tamang tama sa Tuesday na ang uwi nila Mommy galing states."

(Really? Sige uwi na lang ako. Sa Monday ko na lang ibigay sayo yung invitation.)

"Sige. Pupunta kami sa Anniversary Party ng company niyo."

(Okay. Yun lang naman ang sasabihin ko. Kaya ako tumawag. Bye)

"HAHAHAHA. Bye," natatawang binaba ko yung phone ko.

"Who's Clarence?" tanong ni Jerome. Tumingin naman ako sa kanya na nakatingin sa daan.

"Si Clarence. Bestfriend ko since highschool," sabi ko. Tumango naman si Jerome.

"So... Bakit daw siya napatawag?" tanong ni Jerome.

"Ini-invite kami ng Daddy niya na punta sa Anniversary Party ng Company nila."

Tumango na lang siya at pinagpatuloy na ang pagdadrive.

"Nandito na tayo," sabi nya at bumaba na sya para umikot at buksan ang pinto sa side ko.

"Thanks," sabi ko pagkababa ko ng kotse.

Bumaba na ako at sabay kaming pumasok sa restaurant.

Si Jerome na ang umorder ng kakainin namin.

Maya-maya ay dumating na ang order namin. Nagsimula na din kaming kumain.

"Bakit ka nga pala nag-aya na lumabas?" tanong ko hababg ni lalagyan ng pagkain ang kutsara ko at saka sinubo.

"Gusto kasi kitang maka sabay na kumain at saka wala na din akong ka sabay kumain ngayon," sabi nya.

"Bakit ka naman walang kasabay?" tanong ko.

"Ako na lang kasi mag-isa dito sa pilipinas. Si Mommy pumunta na sa states kahapon kasama ang kuya at ate ko. Doon na kasi sila nakatira. Kaya ako na lang ang mag-isa dito," sabi nya. Napatango-tango ako.

"Ahh, yung father mo, nasaan siya? Nandito ba siya?" tanong ko. Hindi nya kasi nababanggit yung father nya.

Napatingin naman ako sa kanya. Napatigil siya sa pagnguya ng kakasubo palang niyang pagkain at tumingin sakin. Ngumiti ako sa kanya.

"Ahm... Ano kasi..."

"Okay lang naman kung hindi mo sabihin. Personal life mo yan kaya hindi kita pipilitin kung ayaw mong sabihin," sabi ko. Pinagpatuloy ko na ulit ang pagkain ko.

"Wag na lang natin pag-usapan yung tungkol kay Daddy," sabi nya at pinagpatuloy na din nya ang pagkain.

"Okay. Iba na lang."

"Ako naman ang magtatanong sayo, kung pwede sayo?"

"Sure. Ano ba yun?"

"Matagal mo na bang kaibigan sila Kath?"

"Oo. Last year lang kami naging magkaibigan. Bakit mo pala natanong?"

Bakit kaya niya natanong?

"Wala lang."

Tumango-tango na lang ako.

Maya maya ay tapos na kaming kumain, tinawag na ni Jerome yung waiter para bayaran ang mga kinain namin.

Nang mabayaran na niya ay tumayo na kami parehas at lumabas ng resto.

Sumakay na kami ng kotse. Nagseatbelt na ako at kinuha ang phone ko.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko sa kanya at tinago na ang phone ko.

"Saan mo ba gusto?"

"Sa park," maikling sabi ko.

"Bakit gusto mong punta doon?"

"Yun kasi ang favorite place naming lima."

"Sige doon na lang tayo."

Nagseatbelt na siya at pinaandar ang kotse.

AFTER 15 MINUTES...

Nakarating na kami ni Jerome sa favorite place namin nila Kath.

Inihinto na ni Jerome ang kotse at bumaba na kami. Naglakad-lakad na kami hanggang sa makarating kami sa Bay walk.

Umupo kami sa may bench at nagkwentuhan.

"Bakit hindi ka pala sumama sa Mommy mo sa states?" tanong ko. Tumingin naman siya sakin.

"Ayoko kasi sa states. Wala akong kaibigan dun, kapag nandito ako kasama ko ang mga kaibigan ko kahit wala sila Mommy. Pinapadalan naman nila ako ng allowance, at saka kailangan kasi nila dun imanage ang company na iniwan ni Daddy," sabi niya. Napapatango naman ako. Kaya pala hindi siya sumama sa states.

"Ilan kayong magkakapatid?" tanong ko ulit kay Jerome.

God! Nagiging chismosa nako. Sabagay gusto ko lang naman malaman ang tungkol sa kanya.

"Tatlo kaming magkakapatid, dalawang lalaki at isang babae. At ako ang bunso."

"Nakaka-inggit ka naman may kuya at ate ka, may malalapitan ka kapag wala ang parents niyo. Ako wala," malungkot na sabi ko.

Ngumiti naman siya sakin na para bang sinasabi na 'Okay lang yan'.

"Sabagay kapag may kapatid naman ako hindi na sa akin nakatuon ang atensyon nila Mommy at Daddy. Hindi ko na din makukuha ang mga gusto," nakangiting sabi ko.

"HAHAHAHAHA, Oo nga naman hindi mo nakukuha lahat kapag may kapatid ka. Dibale Nandito naman kaming mga kaibigan mo pwede mo kaming lapitan kapag kailangan mo ng tulong... anytime," natatawang sabi nya. Napatingin naman ako sa kanya na tumatawa parin. Bakit nag slow motion yung paligid ng tumawa siya?

Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa tawa niya.

God! Ano ba talaga ang nangyayari sakin? Bakit nag-slow motion siya sa paningin ko? Simula ng dumating ang lalaking to. Palagi na lang bumibilis ang tibok ng puso kapag nandiyan sya.

"Hoy! Anong nangyari sayo? Natulala ka na dyan," natatawang sabi nya.

Natauhan naman ako ng kinalabit ako ni Jerome. Natulala na pala ako dahil sa tawa nya. Umiwas na ako ng tingin.

"Kumakain ka ba ng street foods?" tanong ni Jerome kaya tumingin ako sa kanya.

"Oo," mailing sagot ko. Tumayo na siya kaya tumayo na din ako.

"Tara doon tayo?" sabi nya sabay turo doon sa mga nagtitinda ng Street foods.

"Sige," sabi ko. Hinila na niya ako papunta doon sa mga nagtitinda ng Street food.

Pagkarating namin doon ay namili kami ng kakainin namin.

"Ito na lang ang kainin natin," turo niya sa pusit na may harina na parang tempura.

"Ano bang tawag dyan?" tanong ko.

"Ang tawag dito hija, calamares," sabi ni Manong. Tumango-tango na lang ako.

Kumuha na ako ng stick at nagtusok na. Kumuha na rin si Jerome. Sinawsaw ko na sa suka at saka sinubo.

"Hmm... Ang sarap," nakangiting sabi ko.

"Halatang ngayon ka pa lang nakatikim nito Hija ha." sabi ni Manong.

"Opo ngayon pa lang ako nakatikim nito. Masarap pala," sabi ko, ngumiti lang yung Manong sakin.

Maya-maya ay tapos na kaming kumain. Nag lakad-lakad ulit kami ni Jerome papunta sa kotse niya.

Napatingin naman ako sa wristwatch na suot ko. 6:30pm na pala. Hindi na namin napansin yung oras.

Sumakay na ako sa kotse. Nang makasakay na si Jerome ay pinaandar na niya ang kotse.

Pagdating sa mansion ay bumaba na ako ng kotse.

"Salamat ha," sabi ko.

"Wala yun. Magkaibigan tayo diba?"

Tumango na lang ako. "Hindi ka na ba muna papasok sa loob?" tanong ko at nagdoorbell na.

"Hindi na gabi na rin."

"Okay. Ikaw ang bahala."

Nang bumukas na yung gate. Bago ako pumasok sa gate ay tumingin ako ulit kay Jerome. Nakangiti siya habang naka sandal siya sa kotse niya.

"Bye. Ingat ka pag-uwi ha. Thanks again," sabi ko.

Tumango na siya at kumaway sakin.

"See you in Monday, Hazel," sabi nya bago pumasok sa kotse niya.

Pumasok na din ako ng gate at sinarado. Pumunta na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit.

MONDAY...

Dumaan muna ako ng locker room para kuni ang mga gamit ko. Pagkatapos kung kunin ang gamit ko ay pumunta na ako ng classroom.

Umupo na ako sa upuan ko ng makaratin na ato ng classroom.

Maya - maya ay dumating na din si Ma'am Sandagon at nagsimula ng magturo. Hindi ako makapag concentrate sa lesson dahil parang lumilipad ang utak ko.

Hanggang sa mga sumunod na subject ay lutang ako. Haiyy.

BREATIME...

Naglalakad na kami nila Kath papunta ng cafeteria.

"HAZEL?!" Napalingon naman ako sa sumigaw ng pangalan ko.

Si Clarence pala. Tumatakbo siya papunta sa direksyon ko. Nang makalapit na siya ay bigla na lang niya ako niyakap ng mahigpit. Haiyy. Itong lalaki talagang toh. Hindi pa ri nagbabago.

"Grabe Clarence makasigaw at makayap wagas ha. Parang sa sampung taon tayong hindi nagkita," sarkastikong sabi ko. Humiwalay na din sya sa akin ng sabihin ko yun.

"Eh sa namiss kita eh. At saka hindi tayo nagkita ng Saturday kasi umalis ka," sabi niya.

"Ay ganon siya lang namiss mo. Clarence, kami hindi?" nagtatampong sabi ni Mia.

"Syempre namiss ko din kayo, guys," sabi ni Clarence sabay akbay kay Mia. Tinanggal naman ni Mia ang braso ni Clarence na nakaakbay sa kanya.

"Tara na nga. Punta na tayo sa canteen, nagugutom na ko?" aya ni Sav.

Pumunta na kami ng canteen at Umupo sa round table na pang-animan. Tatayo na sana ako para kumuha ng pagkain pero pinigilan ako ni Clarence.

"Ako na ang kukuha ng pagkain niyo," sabi niya.

Magsasalita pa sana ako pero tumayo na siya at nag lakad papuntang counter.

"Hanga talaga ako dyan kay Clarence. Napaka-gentleman hindi katulad ng ibang lalaki na sa sabihin mo pa sa kanila ang gusto mo," sabi ni Amber na nakatingin sa direksyin ni Clarence.

"Oo nga eh. Maswerte ang babaeng magiging girlfriend niyan. Pasalamat nga ako na siya ang naging kaibigan ko eh. Ang bait-bait niya," sabi ko.

"Sana lahat ng lalaki katulad niya. Hindi yung mga lalaki na ginagawa na lang laruan tayong mga babae," sabi ni Amber kaya napatingin kami sa kanya.

"Lalim ng hugot mo, Amber," sabat naman ni Mia. Natawa na lang ako. Oo nga naman sana lahat katulad na lang ni Clarence.

"Hay naku gutom lang yan si Amber kaya kung ano na lang ang pinagsasabi," sabi naman ni Sav.

Maya-maya ay dumating na si Clarence na may dalang dalawang tray.

"Here. Ito na ang pagkain niyo. Wait lang ha? Kunin ko pa yung iba," sabi nya at pumunta ulit sa counter at kinuha yung dalawa pang tray.

Nilapag na niya at umupo na siya. I isa isa na niya yung pag kain na binila niya at nilapag sa mga harapan namin.

"Thank you," sabi ko. Nagpasalamat din sila kath kay Clarence.

Tumango na lang siya at kumain na din ng pag kain niya. Kinain ko na din yung pag kain na binigay niya.

Napatingin naman ako kay Clarence ng may maalala ako.

"Clarence? Yung invitation pala na ibibigay mo sakin. Nasan na?" tanong ko. Tumingin naman sya sakin.

"Wait kunin ko lang sa bag ko," sabi nya at binuksan ang bag pack na dala niya kanina. "Here. Nakalagay na dyan kung saan gaganapin yung event."

Ibinigay na niya sa akin yung envelope na may lamang invitation pati sila Kath ay binigyan niya.

"So last week of this month pa pala to?" tanong ni Kath.

"Oo, pero binabibigay na yan ni Dad," sabi ni Clarence. Tumango-tango na lang sila Kath.

"Pupunta ba kayo?" tanong ni Clarence.

"Oo, kahit kasi tumanggi kami eh pipilitin parin kami nila Daddy," sabi ni Kath.

"Sige. Asahan ko kayo dun ha?"

"Oo, naman pupunta kami dun," sabi nila Amber. Ngumiti na lang si Clarence sa kanila.

Tinago ko na ang invitation sa bag ko at pinagpatuloy na ang pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay nag paalam na samin si Clarence dahil magka-iba kami ng section. Kami naman nila kath ay bumalik na sa classroom.

Pagkarating namin ay umupo na kami sa upuan namin.

Maya-maya ay wala pa rin yung Prof namin.

"Guys, wala daw si Sir Derek ngayon. Kagagaling lang naming Professor Office, sabi ng ibang Prof wala daw siya," sabi ng isang classmate namin. Tuwang-tuwa naman yung iba. Tumayo na sila ng akmang lalabas na sila ng magsalita ulit yung classmate namin.

"Pero may gagawin tayo. Kailangan na daw nating magbotohan para sa class officers natin."

Nawala naman ang tuwa sa mga classmate ko ng marinig yun. Nakangusong bumalik na ulit sila sa upuan nila. Hahahaha kala niyo makakagala kayo.

Nagsimula na silang mag-illuminate at magbotohan para sa Class President.

Nang sa Class Vice-President na ay tumingin kami kay Sav ng bigla siyang nagtaas ng kamay.

"Yes?"

"I illuminate Jerome Calliego for Vice President," nakangiting sabi ni Sav na nakatingin pa kay Jerome. Nilagay naman nung classmate ko yung pangalan ni Jerome sa white board.

Nagtaas na din yung isa ko pang classmate at nag-luminate ng ipanglalaban kay Jerome. Nang wala ng ilalaban ay nagsimula na kami mataas ng kamay para bumuto.

Si Jerome ang may pinakamaraming boto kaya siya na ang Vice-president.

Nang matapos ang botuhan ay pumunta sa harapan ang mga class officers at nangako na gagawin nila ang lahat.

Pagkatapos ay dumating na ang Prof namin para sa next subject.

DISMISSAL...

Lumabas na kami nila Kath ng classroom para pumunta sa locker room at ilagay ang mga gamit namin.

"Hazel?!" lumingon naman ako ng may tumawag sakin. Si Jerome pala.

"Hey Mr. Vice President. Congrats pala sayo sasakit ang ulo mo kapag wala ang President," natatawa ng sabi ko.

"Ito kasi ng si Sav eh. Inilluminate ako as VP eh ayoko ko nga eh. Pero okay na rin yun," sabi nya. Tumango na lang ako.

"Sige na pupunta na ako sa looker room. Ilalagay ko tong mga gamit ko," sabi ko.

"Sige, see you tomorrow," sabi nya.

"See you." Tumalikod na ako sa kanya at nag lakad na papunta ng looker room.

Pagkauwi ko sa mansion ay nagulat ako ng may mga bagahe sa sala.

Bakit ang daminng bagahe dito? Ang alam ko dalawang bagahe lang ang dala nila Mommy at Daddy.

Pumunta ako ng kusina at naabutan ko si Nellie na tinulungan si Manang. Napatingin naman sa akin si Nellie.

"Good evening, Ma'am Hazel," bati ni Nellie.

"Bakit ang daming bagahe sa sala? Ang alam ko dalawang bagahe lang ang dala nila Mommy. At saka bukas pa ang balik nila."

"Dumating na po kasi ang Mommy at Daddy mo, kasama ang tita at tito niyo po kasama ang dalawa po nilang anak kagaling states."

OMG! Dumating na sila Mommy at Daddy kasama sila Tita Rizel at Tito Gerald, pati na rin ang mga pinsan ko.