HAZEL'S POV
OMG! Bakit ako nagkakaganito? Bakit ako kinikilig sa sinabi nya kanina? At sa pag-akbay niya? Bakit ako kinakabahan ng ganito sa tuwing nagtatama ang mga tingin namin? At kapag nagdidikit ang mga balat namin? Talaga bang ganito kapag na love at first sight?
Hayss. Napailing na lang ako. Wala lang siguro yun.
Napatingin naman ako kay Amber. Mukhang bored na bored na siya.
"Sa online na lang tayo manoud ng movie," sabi ni Mia. Tumingin naman ako sa kanya.
"Sige sa kwarto ko na lang tayo manood," sabi ko.
"Sure," sabi nila. Tumayo na ako, nagsitayuan naman sila at sumabay sakin paakyat ng hagdaan.
Pumasok na kami, napatingin naman ako kay Amber na nanlaki ang mga mata na nilibot ang mga mata na nilibot ang buong kwarto ko.
"Sige na Amber, lapitan mo na ang gusto mong lapitan."
Naglakad na siya pa punta sa Wattpad Collection ko. Hahahaha sabi na eh. Pareho lang kami ni Amber mahilig din ako magbasa.
Halos mapuno na nga ang kwarto ko ng mga libro. Yung iba na nabasa ko na sa wattpad app, yung iba hindi pa pero nabilan ko na ng book. Nahmukha tuloy library tong kwarto ko sa dami ng books. Malaki naman tong kwarto ko.
"Grabe! Hazel kumpleto ka ng mga book ng mga author sa wattpad!" patiling sabi ni Amber at namili na ng libro.
"Ewan ko sayo," sabi ko. "Sige na Mia, iconnent ko mo na yung laptop sa TV."
Lumapit ako sa study table at kinuha ang libro ni Amber na kinuha ko sa kanya at binasa. Tumabi naman ako kay Amber na feel at home ang pagkakadapa sa kama ko habang nagbabasa. Hahahaahha grabe talaga ang pagkaadik ng babaeng to sa pagbabasa.
Maya maya ay na tapos na ako sa binabasa ko at nakakalahati na nila kath ang kanina pa nila pinapanood.
"Hazel sa guest room niyo na lang ako matutulog ha?" sabi ni Jerome na nakaupo sa gilid ng kama ko. Napatingin naman ako sa kanya.
"Sure. Why? Inaantok ka na ba?" I ask.
"Oo eh," sabi nya at tumayo na. Tumayo na rin ako.
"Sige, hatid na kita sa guest room."
"Okay," sabi nya at naglakad na kami palabas ng kwarto.
Napatingin naman ako sa suot kong relo. Its already 10pm na pala hindi ko napansin ang oras.
Nang makarating na kami ni Jerome sa tapat ng pinto ng guest room ay binuksan ko na at pumasok.
"So pa ano? Good night," Sabi ko. Ngumiti naman siya. Ngumiti naman ako sa kanya pabalik.
"Good night," sabi niya.
"Punta nako kanila Kath ha?" paalam ko.
"Sige," pagkasabi nya non ay lumabas nako ng guest room.
Pag balik ko ay sila Amber, Sav at Mia na lang ang gising. Tulog na si Kath kaya hindi ko na siya ginising.
"So sino sa inyo ang tatabi samin ni Kath? Kasya lang ang tatlo sa kama ko."
"Kami na lang ni Mia ang lilipat ng room," sabi ni sav.
"Okay, hatid ko na kayo. Inaantok na ko."
"Sige. Inaantok na rin ako eh," sabi ni Mia. Tumayo na sila at pinatay na nila ang TV.
"Wag mo muna iooff ang laptop may gagawin pa ko dyan."
"Okay," sabi ni mia. Lumabas na kami at hinatid sila sa isa pa naming guest room.
Nang makarating na kami ay hindi na ako pumasok.
"Sige na, good night," sabi ko.
"Good night," sabi nila at pumasok na sa loob.
Nag lakad na ako pabalik sa kwarto ko. Naabutan ko namn si Amber na nakaupo sa study table ko at nagbabasa. Itong babaeng to talaga.
Kinuha ko na lang ang laptop ko at umupo sa kama. Nanuod na lang ako sa youtube.
Maya maya ay nakaramdam na ako ng antok, sinara ko na ang laptop. Tumayo na ako at nilagay ko ang laptop sa study table.
Tinignan ko naman si Amber, gising parin siya at na kalahati na niya yung makapal na librong pinili niya.
Napatingin naman ako sa wall clock dito sa kwarto ko. Its already 11:30 pm.
"Amber hindi ka pa ba matutulog? Maaga pa tayo bukas," tanong ko.
"Hindi pa ako inaantok," sabi ni Amber na hindi man lang tumingin sakin.
Naglakad na lang ulit ako pabalik sa kama at umupo sa tabi ni kath na tulog na tulog. Tss.
Napangiti naman ako sa naisip ko.
"Sige, pag hindi ka humiga dito at natulog. Hindi ko pahihiramin sayo yang libro na binabasa mo."
"Sige na, matutulog na," sabi ni Amber.
Natawa naman ako sa itsura niya ng humarap na siya dito at pinatay niya muna ang ilaw ng kwarto bago siya naglakad papunta sa kinaroroonan namin ni kath. Hahahahahahaha.
"Bakit ka tumatawa dyan?" sabi nya at umupo na sya sa tabi ko.
"Eh paanong hindi ako matatawa? Yung itsura mo kasi eh parang pinagsakluban ng langit at lupa," natatawang sabi ko.
"Ewan ko sayo," masungit na sabi ni Amber at humiga na.
Humiga na lang din ako at ipinikit ang mga mata ko.
KINABUKASAN...
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Napatingin naman ako sa magkabilang gilid ko, tulog pa si Amber.
Bumangon na ako at pumasok sa cr para maligo. Nang matapos na ako sa pagligo ay nag ayos na ako ng sarili.
"Amber!? Gumising ka na dyan!" sigaw ko sabay kalabit kay Amber.
Bumangon naman siya at tumingin sakin.
"Anong oras na ba?" tanong ni Amber. Napatingin naman ako sa wrist watch ko.
"7am na," sabi ko.
"Okay," sabi nya at pumasok na siya sa cr.
Nang na kapag-ayos na ako ay kinuha ko na ang gamit ko at lumabas na ng kwarto.
Bumaba na ako at dumiretso na sa kusina. Nakita kong kumakain na sila kath, sav, mia at Jerome, at mukhang kami na lang ni Amber ang hinihintay nila.
"Good morning, Ma'am Hazel," bati ni Nillie.
"Good morning," bati ko.
"Good morning, Hazel," bati nila.
"Good morning."
"Gising na ba si Amber, Hazel?" tanong ni kath.
"Oo, naliligo at nag aayos na sa kwarto," sabi ko. Lumapit naman ako sa refrigerator. Kinuha ko ang fresh milk at nagsalin sa baso.
Nang makasalin na ako sa baso ay uminom na ako. Umupo na ako sa tabi ni kath at nagsimula ng kumain. Umupo na rin si Amber na kakapunta pa lang dito sa kusina.
Nang maka tapos na kami sa pagkain ng breakfast ay lumabas na kami at pumasok sa kotse. Pinaandar na namin ang kotse papuntang campus.
After that nandito na kami ngayon sa classroom at naglelecture na ang Prof namin. Hayss. Naloloka na ako. Yung tipong nagfofocus ka naman sa lecture pero walang pumapasok sa utak mo. Hayss. Ewan.
Nagsulat na lang ako ng nagsulat ng mga lecture, sa bahay ko na lang iintindihin at pag aaralan.
BREAKTIME...
"Guys, Hindi na pala ako sasabay sa inyo. Pupunta na lang akong library," sabi ko.
"Bakit?" tanong ni Sav.
"Wala naman tayong assignment ah," sabi ni Mia.
"Wala nga. Hindi naman lahat ng pumupunta sa library may assignment na dapat hanapin. Hindi ba pwedeng gusto ko lang pumunta don at magbasa?" sabi ko.
"Sige, sabi mo eh," sabi ni Mia at naglakad na sila papunta sa direksyon kung nasaan ang cafeteria.
Naglakad narin ako papunta sa library. Nang makapunta na ako sa nag sign muna ako.
Namili na ako ng babasahin ko at umupo sa vacant chair dito sa library.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ng maramdaman kong may tumabi sakin. Hindi na ako nag abala pang tignan sya dahil abala ako sa pagbabasa. Hindi ko na lang pinansin at pinagpatuloy ang pagbabasa.
Maya maya ay naramdaman kong umalis na ang tumabi sakin. Napatingin naman ako sa relo ko. Malapit na palang matapos ang breaktime.
Tumayo na ako at ibinalik ang librong kinuha ko sa dating pinaglalagyan. Lumabas na ako ng library at pumunta sa next class ko.
Nang makarating ako sa classroom ay umupo na ako sa upuan ko at niyuko ko ang ulo ko. Naramdaman ko namang may kumalabit sakin kaya napaangat naman ako ng ulo. Tumingin ako kanila Kath.
"Bakit?" tanong ko.
"Anong nangyari sayo? Kanina ka pa tahimik ah," tanong ni Kath.
"Wala lang ako sa mood, kaya ako ganto," sabi ko.
"Ah ganon ba?" tanong ni Mia.
Napaisip naman ako kung ano ang magandang gawin mamaya ng dismissal. Ahh alam ko na.
"Guys, gusto niyo bang pumunta ng mall mamayang dismissal?" tanong ko sa kanila.
"Oh, bakit ka naman biglang nag-aya dyan?" tanong sakin ni mia.
"Ano game ba kayo?"I asked.
"Game kami dyan," sabi nila Kath. Napangiti naman ako.
DISMISSAL...
Nililigpit ko na ang mga gamit ko ng lumapit na sakin yung apat. Nung matapos ko ng mailigpit ko na lahat ng gamit ko ay tumago na ako at tumingin kanila Amber.
"So tara na?" tanong ko.
"Yeah, Saan ba tayo?" tanong ni Amber.
"Kahit saan. Kayong bahala," sabi ko at naglakad na pala as ng classroom.
"Ikaw na kath ang magdrive ha," sabi ko kay kath. Tumangi naman siya.
"Sure," sabi ni Kath.
Nang makaratung na kami sa parking lot ay sumakay na kami sa kotse ni Kath. Pagkasakay ni Kath ay pinaandar na niya yung kotse.
Bumaba na kami ng kotse ng makaratung na kami sa mall.
"Guys, punta tayo sa NBS. May bibilin lang ako dun," sabi ni Amber pagpasok na Pagpasok namin ng mall. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga tong babaeng toh.
"Kahit kailan ka talaga Amber. Masyado ka nang naaadict sa mga libro," sabi ko. Napatingin naman sakin si Amber at inirapan ako. Tignan mo tong babaeng to. Hayss.
"Eh bakit ba? Eh sa gusto kong magbasa eh. At least may libangan ako at hindi bored," sabi ni Amber at nauna ng mag lakad sa amin at dumiretso sa NBS.
"Pagkatapos natin sa NBS manoud na lang tayo ng sine," suggest ni Sav. Tumangi nalang kami at nag lakad na papuntang NBS.
Pagkarating namin dun ay nakita namin si Amber na marami ng dalang libro. Hinayaan na lang namin sya.
Naghiwa-hiwalay muna kami at nag ikot-ikot kung sakaling may gusto kaming bilin.
Kumuha na lang ako ng mga school supplies na maaari kong gamitin kong kailangan na namin.
Nang matapos na ako sa paiikot at pag kuha ng school supplies ay pumunta na ako sa counter at binayaran.
Lumabas na ako ng nbs at pumunta sa Starbucks. Umorder na ako at umupo sa table na malapit sa entrance nitong Starbucks.
Kinuha ko na lang ang phon ko at itinext ko na lang sila kath na dito na lang nila ako puntahan.
Pagkatext ko kanila kath ay binuksan ko naman ang Facebook ko. Marami na pala akong notification. Inaccept na pala nung iba yung friend request ko.
Napatingin naman ako sa entrance ng may pumasok. Sila Amber, napatingin naman sila sa direksyon ko at ngumiti. Tinago ko na ang phone ko sa bulsa ko.
"Manonood na ba tayo?" tanong ko sa kanila.
"Oo, tara na," sabi ni Sav.
Tumayo na ako at kinuha ko na ang mga pinamili ko kanina. Lumabas na kami ng Starbucks at nag-elevator na papunta sa 4th floor kung nasaan ang sinehan.
Pumila na kami para bumili ng ticket at pumasok na sa sinehan.
AFTER ONE AND INIHALF HOURS...
Lumabas na kami ng matapos na namin ang movie. Sumakay na kami ng elevator at pinindot ang floor ng parking lot.
"Ang ganda talaga ng pinanood natin nakakaiyak," Sabi ni sav.
"Oo nga, pati ako na iyak eh," sabi ko. Grabe talaga yung pelikulang yun nakakaiyak.
Pag labas namin ng elevator ay nilagay muna namin ang mga pinamili namin sa trunk ng kotse ni kath.
Pumasok na kami sa kotse at pinaandar na ni kath pabalik sa Campus dahil nandun pa ang mga kotse namin.
Maya maya ay nakarating na kami sa campus. Bumaba na kami ng kotse ni kath at kinuha ang mga pinamili namin sa trunk ng kotse ni kath.
Pagdating sa bahay ay nilagay ko muna sa living room ang mga pinamili ko. Napatingin naman ako sa relo ko. 7:30 na pala.
Pumunta na ako sa kitchen para makapagdinner.
Pagkatapos Kong kumain ay pumunta ako sa sala at kinuha ang mga school supplies na binili ko kanina at umakyat na ako pa punta sa kwarto.
Pagkarating ko sa kwarto ay nilagay ko muna sa gilid ang mga paper bag at nag shower na ko. Pagkatapos ko ay nagbihis na ako at humiga sa kama.
Bago matulog ay kinuha ko ang phone ko, pag ka-check ko ng Facebook ko tinignan yung notifications, bigla akong kinabahan.
OMG! Inaccept na ni Jerome yung friend request ko.
Pumunta ako sa profile niya at tinignan lahat ng photos niya. Ang gwapo niya talaga. EWAN KO! Di naman talaga ako mahilig sa gwapo eh, pero nung na kilala ko yung lalaking to? Haysss, sya palang yung unang lalaking nasasabihan ko ng gwapo bukod kay Daddy. Hahahahah
Ang gwapo niya kahit kulot siya. Hhahahahaha. Well gwapo talaga siya, hindi sa sinasabi ko na may crush ako sa kanya. Malay niyo magkaroon nga. Hhahahahahahaha.
Pagtingin ko sa chat head si.....
Bakit na naman ako kinakabahan?
Hindi ko pa nakikita yung message niya kinakabahan na ako. Ano ba talagang nangyayari sakin.
Pag-click ko....
Jerome: Hi Hazel. Pwede bang magtanong?.
Nagtype na ako at nireplayan siya.
Me: Hello. Sure, Ano ba yun?
Jerome: May gagawin ka ba this weekend?
Me: Wala naman. Why?
Jerome: Let's eat together. This Saturday, 3pm susunduin kita.
Me: Sure, Saan ba?
Jerome: Secret. Goodnight.
Me: Okay. Goodnight.
Ini-off ko na ang phone ko sabay lagay sa cabinet.
Ipinikit ko na ang mga mata ko at natulog na.
KINABUKASAN...
SOMEONE'S POV
Nakangiti ako habang nakatingin sa Engagement ring na hawak ko. Matagal ko ng pinag-isipan to.
Huminga ako ng malalim at kinuha ang phone ko.
Tatawagan ko na lang si Kath. Naka dalawang ring bago niya sagutin.
(Hello Love? Kamusta ka na dyan?)
"Okay naman pero iba pa rin kapag kasama kita. Namimiss na nga kita eh."
(I miss you too, love)
"Hayaan mo malapit na rin akong bumalik dyan. Malapit na tayo magkasama ulit."
(Kamusta na company niyo? Okay na ba?)
"Medyo okay na."
(Ah okay, next month na pala birthday ko no. Sayang wala ka dito. Masaya sana kung nandito ka,) malungkot na sabi ni Kath.
"Sige, kapag okay na. Susubukan kong umuwi sa birthday mo."
(Sabi mo yan.)
"Kamusta ka naman dyan."
(Ito may mga kasama araw-araw ang mga friends ko.)
"Sila Tiffany." Natahimik ang kabilang linya. Alam kong sila Hazel ang tinutukoy niyang friends na kasama niya araw-araw. Sinadya ko talagang banggitin yun. "Love, natahimik ka."
(Hindi sila Tiffany. Matagal ko nang kinalimutan na naging kaibigan ko sila, simula ng siniraan nila ako.)
"Ah ganun ba? Sino naman ang mga friends na tinutukoy mo?"
(Ipakikilala ko sila sayo kapag umuwi ka na dito. Mababait sila hindi katulad nila Tiffany.)
"Sige, gusto ko sila makilala mukhang masaya sila kasama."
(By the way... musta na study mo? Nag-in prove naman ba?) natatawa ng tanong ni kath. Natawa na lang din ako. Kahit kailan talaga toh si Kath.
"Hindi ka maniniwala, matataas na ngayon grades ko no." Simula ng dito ako nag-aaral sa America eh mas sinipagan ko ang pag-aaral ko para maging proud siya sa akin.
(Weh di nga,) hindi makapaniwalang sabi ni Kath.
"Pakita ko pa sayo pabalik ko dyan."
(Sige na, Love. Ibababa ko na papasok na ako.)
"Okay, Ingat ka dyan. I love you Kath."
(I love you too. Bye.) pagkasabi ni kath nun ay binaba ko na ang tawag.
I miss you so much, Kath. One year na kaming hindi nagkikita. Ayoko sana malayo sa kanya kaso kailang dito muna ako mag-aral sa states dahil kailan daw ni daddy asikasuhin ang company na malapit ng malugi. Kaya dito na ako nag first year.
Ngayon pwede okay na lahat nakaahon na ang company, kaya pwede na akong bumalik ng pilipinas.
Balak ko na sanang mag propose sa kanya sa birthday niya.
Inaasikaso ko na ang pag-alis ko papuntang pilipinas.
Malapit na tayong magkasama ulit, Kath. Malapit na.