Chereads / Bakit Siya Pa? / Chapter 3 - CHAPTER 2

Chapter 3 - CHAPTER 2

HAZEL'S POV

OMG! Ngayon ko lang napansin. Ang gwapo niya pala.

Napatulala ako sa kanya. Grabe hindi ko akalain na ang gwapo niya pala kahit kulot yung buhok niya. Hindi ko yun napansin kanina.

"Miss, Okay ka lang ba?" tanong niya ulit. Natauhan naman ako don.

"I'm fine, sa susunod kasi wag kang tumatakbo sa hallway ng wala kang mabanggang tao," sabi ko pabalik sa kanya. Hindi ko na maiwasang pagsungitan siya.

"Bakit miss, bawal na ba ang tumakbo dito sa hallway?" tanong niya. Napatingin naman ako sa kanya at tinaasan ng kilay. Tumayo naman ako sa pagkakaupo ko kanina at tumingin sa kanya.

"Pagsinabi kong oo may reklamo ka, at hindi ito sport center para tumakbo ka, at saka pwede ka namang maglakad," pagtataray ko sa kanya. Nagkasalubong naman ang dalawang kilay niya. Hindi ko na lang sya pinansin.

"Bakit sayo ba tong university para pagbawalan mo ko? Sayo ba tong daan? Sayo ba?" inis na sabi niya. Aba ang kapal din ng mukha ng lalaking to ah. Kalma Hazel.

Gwapo sana kaso ang sungit. Napabuntong hininga na lang ako at hindi na siya sinagot. Nasaan na ba ang phone ko? Yumuko naman ako at hinanap ang phone ko.

Nang mahanap ko na ang phone ko ay dinampot ko na yun at nilagay sa bulsa ko. Mamaya ko na lang titignan kong nasira o hindi. Maglalakad na sana ako palayo ng magsalita siya

"Okay sorry na miss, hindi ko naman talaga sinasadya. Nagmamadali lang talaga ako," Tumingin naman ako sa lalaki. Seryoso na ang mukha niya ngayon, wala ng inis na makikita. Sumeryoso na din ako.

"Okay, sorry din kung tinarayan kita," sabi ko. Pagkasabi ko non ay iniwan ko na siya at naglakad na lang ulit papunta sa classroom.

"Okay, parang na mumukhaan kita. Ikaw ba yung girl na nakaupo sa harapan diba? Classmate pala tayo?" tanong niya. Napahinto naman ako sa paglalakad at lumingon sa kanya, naglalakad na din sya papunta sakin.

"Yeah, why?" takang tanong ko.

"Ang galing mo pala sa History at Chemistry," sabi nya.

"Favorite ko kasi ang History lalo na ang history ng pilipinas," sabi ko at pinagpatuloy ang paglalakad, sumabay naman sya sakin. Paano niya nalaman na ma galing ako sa chemistry.

"Ahh, your name is Hazel, right?" tanong niya.

"Oo, Ma. Hazel Candelaria ang full name ko," pakilala ko.

"Ahm, Paano mo nga pala nalaman ang pangalan ko?" takang tanong ko.

Bakit gumaan bigla ang pakiramdam ko sa kanya? Hays. Wala lang siguro toh. Pakikisamahan ko na lang siya tutal classmate ko naman siya.

"Narinig kasi kitang nagpakilala kahapon sa Chemistry class. Ang galing mo nga eh, sasagot dapat ako kaso nauunahan niyo ko," sabi nya. Nanlaki naman ang mga mata ko.

Nandito siya kahapon? Bakit hindi ko man lang siya nakita o napansin?

"Kahapon? Akala ko hindi ka pumasok kahapon," nagtatakang tanong ko.

"Nandito ako kahapon, sa likod lang ako pumuwesto kaya akala niyo ngayon lang ako pumasok. Ang dadaldal kasi nung mga nasa likod, hindi ako makapagfocus sa lesson kaya lumipat na lang ako," paliwanag nya. Bigla naman siyang tumigil sa paglalakad kaya tumigil din ako at tumingin sa kanya.

"By the way... I'm Jerome Calliego. Nice to meet you, Hazel," pakilala niya sabay lahad ng kamay niya.

"Nice to meet you too, Jerome," sabi ko at nakipagshakehands sa kanya.

"So... Officially friends?" nakangiting tanong niya.

"Sure, friends," nakangiting sabi ko at nagsimula naulit kaming mag lakad papuntang room.

Nang makarating kami sa classroom ay pumasok na kami ni Jerome.

"Sige na, Hazel. Punta na ko sa upuan ko," paalam ni Jerome. Tumango naman ako.

"Sige," sabi ko. Umalis na siya at umupo sa upuan niya na nasa likod ni Amber. Umupo na din ako sa upuan ko katabi ni Kath. Tumingin naman sakin si Kath.

"Sino sya? Kilala mo?" tanong ni kath. Napatingin naman sa amin ni kath yung tatlo. Tumango naman ako.

"Oo," maikling sagot ko.

"Paano mo sya nakilala?" tanong ni Amber.

"Mahabang kwento," sabi ko at tumingin kay Jerome. Napansin kong tumingin din yung apat. Tumingin naman si Jerome sa amin at ngumiti kaya ngumiti din ako sa kanya pabalik.

Umayos na kaming Lima ng upo at tumingin sa harapan. Napatingin naman ako kanila Amber. Nanlaki namn ang mga mata nila at hindi makapagreact.

"OMG! Ang gwapo pala niya kahit kulot yung buhok niya. Nakakadagdag sa kagwapuhan niyo," sabi ni Savina.

"Oo nga eh," sabi ko.

Maya maya ay dumating na ang Prof namin.

"Good Afternoon, Class. I'm Derek Oro or Sir Derek na lang. And I'm your Professor in Accounting," pakilala ni Sir. Sabay sabay naman kaming tumayo at binati sya.

"Good Afternoon din po, Sir Derek," sabay sabay na bati namin.

"Okay, pleased be seated," sabi ni sir at umupo na kami.

"Okay, Let's start," sabi ni sir at nagsimula na nyang ikabit yung laptop niya sa projector.

Nang lumabas na sa projector screen yung presentation ni sir ay nagsimula na syang mag discuss about sa math of investment. Hay kaloka. Madugo toh ang daming problem solving ang tapat sagutan kaya hate ko talaga tong subject na toh eh.

Halos sa lahat ng problem solving na nakalagay sa board ay unti lang ang nasagutan namin. May iba na nagtatry sumagot pero hindi parin makuha ang tamang sagot. Si Jerome lang ata ang nakakasagot ng lahat ng problem solving sa board.

"OMG! Ang galing niya sa Accounting, hindi ko inexpect na ganyan pala sya kagaling," paghangang sabi ni Mia.

Oo nga naman, hindi ko rin inexpect na mas magaling pala sya sa accounting kaysa sakin---I mean hindi sa hindi ako magaling sa math. Paano ako magiging top student ng BM Department kung hindi ako magaling sa Accounting? Pero ngayon hindi ko lang maintindihan kung paano kunin ang tamang solution. Tss.

Napatingin naman ako kay Jerome, seryoso sya sa pagsosolve ng equation. Ang talino niya talaga, hindi magkakamaling pangatlo siya sa Top student ng BM Department at hindi ko inexpect na marami rin palang matatalino dito sa Emerald Section.

Biglang nagtama ang mga tingin namin. Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko.

Gosh! Ayan na naman! Bakit na naman ako kinakabahan ng ganito sa tuwing nagtatama ang mga tingin naming? Abnormal na ata tong puso ko pagdating sa kanya.

Napahawak ako sa tapat ng puso at umiling. 

Walang siguro yun. Ngumiti na lang ako sa kanya, ngumiti naman sya pabalik. Nag-iwas naman ako ng tingin at tumingin na lang sa harapan.

DISMISSAL...

Nililigpit ko na ang mga gamit ko ng may lumapit sa akin. Napaangat ako ng tingin. Si Jerome, tumayo naman ako.

"Oh! Jerome, ikaw pala," sabi ko ng nakangiti.

"Hatid na kita. Saan ka ba?" tanong niya.

"No, wag na I have a car naman," sabi ko.

"Ah ganon ba, Hatid na lang kita sa pinagparkingan mo ng car sa parking lot, nandon din naman ang car ko. So sabay na tayo?" sabi niya kaya wala din naman akong nagawa kundi ang tumango.

"Sure, pero yung mga kaibigan ko sasabay kasi sila sa akin papuntang parking," sabi ko tumingin naman ako kanila Amber na nakatingin samin. Ngumiti naman sila at tumingin sila kay Jerome.

"Hi Jerome pala ang name mo?" tanong ni kath.

"Yes, I am," sabi ni Jerome at umiwas ng tingin. Bakit kaya? Tumingin ulit siya kanila Kath ng magsalita ako.

"By the way... Jerome. This is Kath, Amber, Mia and Savina my bestfriends. And guys this is Jerome our new friend," pakilala ko sa kanila.

"Nice to meet you, Jerome," sabi nila Kath at nilahad nila ang mga kamay nila sa harapan ni Jerome. Ngumiti namn si Jerome.

"Nagagalak din akong makilala kayo," sabi ni Jerome at isa-isa niyang kinamayan sila kath.

"So tara na?" tanong ko.

"Oo," sabi nila. Nagsimula na kaming maglakad palabas ng classroom.

Kinuha ko namn ang cellphone ko at ini-on. Bumukas namn kaya mukhang hindi nasira ng bumagsak kanina. May unting basag lang sa screen.

*KRING KRING KRING*

Bigla namang tumunog yung phone nahawak ko. Buti na lang at binuksan ko.

Mommy calling...

"Mom?" tanong ko pagkasagot ko ng call.

(Where are you?)

"Nasa University pa po. Why?"

(Sasabihin ko lang na man sayo na, hindi kami makakauwi ng Daddy mo ng one week dahil sasamahan ko ang Daddy mo sa business trip niya sa US. Ngayon kasi ang flight namin papunta don kaya hindi na kami makakapagpaalam pa sayo kaya tinawagan na lang kita.)

"Ah ganon po ba? Ingat po kayo sa flight niyo ni Dad."

(Oo anak eh, hindi ka naman namin pwedeng isama dahil pumapasok ka.)

"Mom, wag niyo po ako alalahanin. Okay lang naman po sakin na umalis kayo ni Daddy eh para sa business din po yun."

(Oo na sige na, ikaw talaga hindi ka na nga bata,) sabi ni Mommy habang tumatawa.

"Eh sino po bang may sabi na bata pa ako?"

(Daddy mo.)

"Si Daddy talaga," natatawang sabi ko. Narinig kong natawa din si Mom sa kabilang linya.

(Sige na. Baka mahuli pa kami sa flight ng Daddy mo. I love you, anak.)

"I love you too, Mom," sabi ko.

(Bye, anak.)

"Bye po," sabi ko at pinaba na ang tawag. At tinago sa bulsa ang phone ko.

Napatingin naman ako kanila Jerome. Nasa parking lot na pala kami.

"Bakit na patawag ang Mommy mo?" tanong ni Kath.

"May business trip daw si daddy sa US at kasama raw siya," malungkot na sabi ko.

"Oh, bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Jerome, napatingin naman ako sa kanya.

"Malungkot lang ako dahil wala akong kasama sa bahay ng isang linggo," sabi ko.

"Eh, kung magsleep over kaya kami sa inyo, Hazel?" suggest naman ni Amber.

"Ano naman ang gagawin natin don?" tanong ko.

"Kahit ano," sabi ni Sav.

"Sige. Okay lang ba sa inyo?" tanong ko. Tinignan ko naman si Jerome.

"Ikaw, Jerome join ka?" tanong ni Mia.

"Oo, kaso hindi ko alam ang house nila, Hazel," sabi ni Jerome.

"Umuwi ka na lang muna sa inyo at magpaalam sa Mommy mo. At para makapagdala ka pa ng damit mo para diretso na tayo pasok bukas. I'll send you na lang the address. What your number ba?" sabi ko.

"Sige, where your phone? Ako na lang ang maglalagay ng number ko," sabi niya. Binigay ko naman sa kanya ang phone ko. Kinuha niya naman at sinimulan niya na ang pagtype ng number niya.

"Here," sabi nya, kinuha ko naman ang phone ko. "Ako na din ang nag save sa phone book mo."

"Sige, una na kami. Kita-kita na lang tayo sa bahay," paalam ko.

"Sige," sabi ni Jerome at nag lakad na papunta sa kotse niya. Pumasok na siya at pinaandar paalis.

"So guys, uuwi muna kayo at magpaalam kanila Tita," sabi ko kanila Amber.

"Oo, uwi muna kami. Kukuha pa kami ng mga damit na susuotin bukas pagpasok," sabi ni Amber.

"Okay sige, kita na lang tayo sa bahay," paalam ko.

"Bye," paalam nila at sumakay na sa mga kotse nila.

Pumasok na rin ako sa kotse ko. Kinuha ko naman ang phone ko at tinawagan si manang.

(Oh, Hija. Napatawag ka?) bungad ni manang.

"Umalis na po ba sila Mommy?"

(Ah, Oo kaaalis lang.)

"Ah. Manang, ano po pala ang lulutuin niyo ngayon?"

(Kaldereta, Hija. Bakit may ipapaluto ka ba?)

"Ahm. Wala naman po. Magluto nalang po kayo ng kahit na ano."

(Bakit? Anong meron?)

"Dyan po kasi matutulog sila Kath kaya sigurado po akong kukulangin yung Kaldereta, lalo na at gustong gusto nila ang mga luto mo."

(Oh siya sige, at magluluto na ako.)

"Sige po, Manang," paalam ko at binaba ko na ang tawag. Nilagay ko namn sa dashboard ang phone ko.

Pinaandar ko na ang kotse ko paalis ng parking lot.

Nang makarating na ako sa tapat ng mansion ay pinagbuksan ako ng gate ng maid namin. Nang maipark ko na ang kotse sa garahe ay bumaba na ako at pumasok na ng maindoor.

"Good Evening, Ma'am Hazel."

"Good Evening, pakisabihan na lang ako kung dumating na sila Kath, nasa kwarto lang ako," sabi ko.

"Opo, Ma'am."

Naglakad na ako paakyat ng hagdan at pumasok sa kwarto ko. Nagpalit na ako ng damit at umupo muna sa study table ko dito sa kwarto. Kinuha ko na ang cell phone ko at hinanap ko ang pangalan ni Jerome at itinext ang address ng bahay.

Kinuha ko muna ang bag ko at hinahap ang libro na binabasa ni Amber kahapon. Mag babasa muna ako tutal wala pa naman sila

Maya maya ay sinarado ko na ang libro ng bandang nasa kalahati na ako. Manipis lang naman ang libro kaya, mabilis kong na kalahati ang libro.

Kinuha ko na lang ang phone ko at binuksan ang Facebook ko at messanger. May bagong gc na kami kagagawa lang kahapon at unti pa lang ang nakakasali kaya hindi pa masyadong maingay.

Si Amber ang nagsali sa akin, kasali na din dito sila kath kaya pumunta ako sa info ng gc at ikinilick ang members. Pinag-aadd ko lahat ng kasali sa gc kahit hindi ko pa kilala. Nakita kong kasali na rin pala dito si Jerome kaya iniadd ko sya. Ang gwapo ng profile niya.

*KNOCK KNOCK*

Napatingin naman ako sa pinto ng biglang may kumatok. Nilapag ko muna sa study table ang phone ko. Tumayo na ako at binuksan ang pinto.

"Ma'am, nasa baba na po sila Ma'am Kath," sabi ni Nellie, isa sa mga maids namin.

"Sige salamat, bababa na lang ako."

"Sige po," sabi nya at bumaba na.

Sinarado ko muna ang pinto at kinuha ang phone ko.

After that bumaba na rin ako at nakita kong nandito na nga sila Kath, pero wala pa si Jerome.

"Wala pa ba si Jerome, Hazel?" tanong ni Sav.

"Wala pa eh," sabi ko. "Tara samahan niyo muna ako sa kitchen, tulungan na lang natin si Manang Esther sa pagluluto ng dinner," aya ko.

"Sige. Tulungan na lang natin si Manang, namiss ko na ang mga luto niya," sabi ni Kath. Tss. Napailing nalang ako. Si Kath talaga.

Naglakad na kami papunta sa kitchen. Nakita naming nilalagyan na nila ng plate ang dining table. Lumapit naman ako kay Manang na nagsasalin na ng mga niluto niya sa isang bowl.

"Ako na po dyan, Manang," sabi ko.

"Wag na, yung kanin na lang ang isalin mo."

"Sige po," sabi ko at kumuha ng isa pang bowl. Lumapit na ako sa rice cooker at sinalin ang kanin.

Nang mailagay na namin sa dining table lahat ng niluto ni Manang ay biglang tumunog ang doorbell.

"Ate Nellie, ikaw na nga ang magbukas ng pinto. Baka yung bisita ko na ang dumating."

"Opo, Ma'am Hazel," sabi nya at lumabas na ng kusina.

"So guys, magsiupo na kayo. Nandiyan na yata si Jerome," sabi ko, umupo naman sila.

"Sa wakas, makakatikim na ulit ako ng luto ni Manang Esther." sabi ni Kath.

"Ikaw talaga Kath, nako buti nga tinwagan ko kanina si Manang kaya nakapagluto siya agad. Kayo pa ba eh parang mga anak na tayo niyan ni Manang."

"Tama, Hija. Parang mga anak ko na nga kayo," sabi ni Manang.

"Mapaparami yata ang kain natin ngayon. Luto ni manang Esther eh," biro ni Mia.

"Kayo talaga mga Hija. Oh siya, magsikain na kayo," sabi ni Manang.

"Sumabay ka na rin po sa amin, Manang Esther," Sabi ni Amber. Tumango na lang si Manang at umupo.

"Opss, wag muna may hinihintay pa tayo. Wait bakit ang tagal naman nun. Puntahan ko lang guys ha?" sabi ko. Tumayo na ako at lumabas ng kusina.

Paglabas ko ng maindoor ay huminto ako at nakita kong pinapark na ni Jerome ang kotse niya sa garahe.

Buti nalang at malaki ang garahe namin. Nagkasya ang pitong sasakyan.

Bumaba na si Jerome at tumingin sakin. Ngumiti naman ako, ngumiti rin sya sakin pabalik. Naglakad na siya papalapit sakin.

"Sorry kung natagalan muntik na kasi akong maligaw," sabi nya ng nakalapit na sya sakin

"Okay lang, kararating lang din naman nila kath. Kumain ka na ba?"

"Nope."

"Halika, sumabay ka na sa amin nila Kath mag dinner," aya ko.

"Sure."

Naglakad na kami papuntang kitchen at umupo na.

"So let's eat na," sabi ni Sav.

"Baka nakakalimutan mo, Sav. Nandito si Manang, anong dapat nating gawin bago kumain?" tanong ko.

"Magdasal muna," sabi ni Sav. Tumango naman ako at nagsimula ng magdasal.

Pagkatapos magdasal ay kumain na kami.

"Grabe ang sarap talaga ng luto mo, Manang," sabi ni Amber.

"Oo nga po, ito na ata ang pinakamasap na luto na natikman ko," sabi ni Jerome. Napatingin naman ako sa kanya.

"Talaga ba? Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ni Manang kay Jerome.

"Jerome po," pakilala ni Jerome.

"Ah, Salamat Jerome dahil na sarapan ka sa mga luto ko. Ako nga pala si Manang Esther, ako ang mayor doma ng mansion ng mga Candelaria," pa kilala ni Manang.

"Walang anuman po, talagang masarap ang luto niyo, Manang Esther," Sabi ni Jerome. Tumango na lang si Manang.

"Oh siya, ipagpatuloy niyo na ang pag kain niyo," sabi ni Manang at pinagpatuloy na ang pagkain.

After namin kumain ay nandito na kami sa sala. Gusto daw ni Mia at Sav na manuod ng movie. Si Jerome naman ay tinitignan ang buong sala at yung mga pictures namin nila Mommy.

Umupo na lang ako sa tabi ni Kath at sumandal sa sofa.

"So may napili na kayong movie?" tanong ni Kath.

"Wala pa eh. May bago ba kayong movie, Hazel?" tanong ni mia.

"Wala pa eh."

"Ang cute mo pala ng bata ka pa?" sabi ni Jerome, napatingin naman ako sa kanya. Umupo na din sya sa tabi ko.

Ako cute?

Napahawak naman ako sa dalawang pisngi ko. Ang init na ng pisngi ko. Nag-iwas naman ako ng tingin.

Naramdaman ko naman ang isang kamay niya na umakbay siya sakin. Iba talaga ang pakiramdam ko kay Jerome kapag nakikita at kasama ko siya. Parang may mga kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko kapag nagtatama ang mga tingin namin at kapag nagdidikit yung mga balat namin. 

OMG! Bakit ako nagkakaganito? Bakit ako kinikilig sa sinabi nya kanina? At sa pag-akbay niya? Bakit ako kinakabahan ng ganito sa tuwing nagtatama ang mga tingin namin? At kapag nagdidikit ang mga balat namin? Talaga bang ganito kapag na love at first sight?