HAZEL'S POV
Pagdating sa campus ay pinark ko na agad ang kotse ko sa parking lot. Kinuha ko na ang mga gamit ko at bumaba na ng kotse.
Pagpasok ko sa Gate ng campus nakita ko na agad ang apat kong kaibigan. Sila Katherine, Amberlyn, Savina, at si Mia.
"Hi girls," bati ko sa kanila ng makalapit na ako sabay akbay ko kay Kath.
"Hi Hazel, tara na pasok na tayo," aya ni Amber na hindi naman nakatingin samin kundi sa hawak nyang libro na kanina niya pa ata binabasa dahil nasa kalahati na siya ng makapal na libro na hawak niya.
"Yeah, tara na at pumasok baka mapagalitan pa tayo ni Ma'am," sabi ni Savina na nagsisimula ng maglakad.
"Tss. Amber tigilan mo nga muna yang pagbabasa mo, madadapa ka niyan sa ginagawa mo eh," suway ni Kath kay Amber na nagbabasa parin.
"Akin na muna ito. Babasahin ko to mamaya pag-uwi at hindi ko ibibigay sayo hangga't hindi ko pa natatapos," sabi ko sabay kuha kay Amber ng librong binabasa niya at tinago.
"Hazel, ano ba? Akin na yan. Hindi ko pa yan tapos," maktol ni Amber.
"Wala ka nang nagagawa nasa loob na ng bag ko," sabi ko.
"Sige ipapahiram ko sayo yan. Basta pahihiramin mo rin ako ng mga books mo," sabi ni Amber.
"Ayoko nga, love ko ang mga books ko no," sabi ko.
"Tignan mo, ipapahiram ko na nga sayo yang akin, tapos ikaw ayaw mong magpahiram," naiinis na sabi ni Amber. Natawa naman ako.
"Sige, ipapahiram ko sayo ang book ko pagkatapos kong basahin to," sabi ko.
"Okay. Tss," bwesit na sabi ni Amber. Natatawang napailing na lang ako. Palagi namang talo yang si Amber sakin basta tungkol sa libro.
Wala naman syang nagawa at nakasimangot na sumabay na sa aming naglakad papunta sa classroom.
Ayaw kasi naming lima ang nalelate lalo na ngayong unang araw ng pasukan. Ayaw daw nila na magaya sa kaklase namin na nalate, sunod-sunod kasi ang tanong ng Prof namin noon. Parusa daw yon sa mga estudyanteng nalelate, sabi ni Prof. Lalo na at chemistry ang first subject namin ngayon, sigurado ako na hindi nila masasagot ang itatanong ng Prof namin ngayon kaya sila nagkakaganyan.
Habang naglalakad ay naririnig at nakikita ko pa yung mga tingin sa amin ng mga estudyante.
"OMG! Si Ms Candelaria ba yun? Ang ganda niya talaga at pati na rin si Ms Salvador," Girl 1.
"Oo nga girl, silang dalawa rin yung always na nasa top sa department nila. Nakakainggit silang dalawa, ang tatalino. Siguro nung umulan ng kagandahan at katalinuhan nasalo nila lahat," Girl 2.
Natawa ako ng mahina at napailing dahil sa narinig kong pag-uusapan nung dalawang babae.
By the way... I'm Ma Hazel Candelaria. I'm 19 years old and I'm 2nd year collage with a course of Business Management in Benjamin University. Halos lahat ay nasa akin na, mapagmahal na pamilya, maunawain at maasahang kaibigan, talino, magandang itsura, pera, kasikatan, at magagarang gamit. Pero may kulang parin. Ang matagpuan ang lalaking magpapaibig at mamahalin ako.
Well hindi naman sa walang nanliligaw sa akin, sa ganda kong to walang magkakandarapang lalaki. Kaso nga lang ay hindi ko sila mga type. So ayun kaya single parin ang lola niyo ngayon.
Nang makarating kami sa classroom ay umupo na kami sa mga puwesto namin.
Maya maya ay dumating na ang Prof namin sa Chemistry.
"Good morning, class. I'm Rose Anne Sandagon and I'm your Professor in Chemistry," pakilalang-bati ni Ma'am. Sabay-sabay naman kaming bumati sa kanya.
"Good Morning din po, Ma'am Sandagon," sabay sabay na sabi naming lahat.
"Okay class, let's start. Chemistry deals with what?" natahimik ang buong kwarto dahil sa tanong ni Ma'am. Mukhang walang gustong sumagot.
"Ma'am?" sabi ko sabay taas ng kamay.
"Yes, miss?" tanong ni Ma'am kung sino ako.
"Candelaria, Hazel po Ma'am," pakilala ko sa sarli ko.
"Okay, Ms Candelaria," nakangiting sabi ni Ma'am sa apelyido ko.
"Chemistry deals with the structure of substance and of the way that they react with other substance, Ma'am," sagot ko sa tanong nya kanina.
"Good. What is element?" tanong ulit ni Ma'am. Wala na namang mga balak sumagot. Tss. Ako na nga lang ulit.
"Substances that are composed of atoms of identical atomic number and that can be broken down by chemical means into any other substance, Ma'am," sagot ko.
"Now, give me two examples and its actions, any one in this class?" sabi ni ma'am. Mukhang nahahalata niya na ako palang ang sumasagot sa tanong niya.
"Ma'am?" nagtaas ng kamay si Kath.
Minsan mo lang yan sya makikitang magtaas ng kamay. Hindi sa sinasabi kong hindi matalino si Kath, hindi kasi siya masyadong nagrerecite. Pero lahat ng sagot niya suwak na suwak pagdating ng exam.
"Yes, miss?" tanong ni ma'am kay kath.
"Salvador, Katherine po, Ma'am," magalang na sabi ni Kath ng pangalan niya.
"Okay, Ms Salvador," sabi ni Ma'am.
"Mg for Magnesium, it is a metallic element that is nessesary for the proper functioning of muscles and nervous tissues. And Pb symbolizes Lead, it's metallic elements that forms several poisonous compound while chalcosis is the deposition of copper in the tissues of the eye," sagot ni Kath. Nang tumingin naman ako sa mga kaklase namin ay halata sa mga mukha nila ang pagkamangha.
"K is for what?" tanong ni ma'am.
"Ma'am?" nagtaas naman ng kamay si Amber.
"Yes, miss?" tawag ni Ma'am kay Amber.
"Falculan, Amberlyn po Ma'am."
"Ms Falculan."
"K for Potassium. It is a mineral element, the main base ion of intracellular fluid," sabi ni Amber at umupo na.
Akala ko puro lovestory at libro lang alam nito, may utak din pala. Sabagay may matutunan ka din naman sa mga libro na patunggol sa mga pag-ibig. Hindi naman kasi puro tungkol sa love ang laman ng isang libro na patungkol sa love may mga halo din naman ito na makakapagbibigay ng kaalamanan natin.
"Very good," nakangiting sabi ni Ma'am.
"Basic ng tanong ni maam hindi pa nila masagot. Collage na sila hindi parin nila alam ang periodic elements. Tss," bulong ni Amber kaya natawa naman kami.
After that naglecture pa ng naglecture si Ma'am about sa topic namin ngayon.
BREAKTIME...
Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay lumabas na ako kasama yung apat para maglunch.
"Grabe guys, ang dami nating nirecite, parang tayo lang ata ang may balak sumagot sa mga tanong ni Ma'am," sabi ko.
"Oo nga eh," Sabi ni Mia.
"Tara sa labas tayo kumain," aya ni Kath.
"Sa bagong bukas na restaurant ba tayo kakain yung malapit dito," sabi ni Amber.
"Oo yung kabubukas lang last week," sabi ni Kath.
"Oh, ikaw Hazel sama ka?" tanong sakin ni Mia.
"Oo kayong bahala, kahit saan naman ako," sabi ko saka sumabay sa kanila sa paglalakad palabas ng campus.
Nang makarating kami sa restaurant ay pumasok na kami at naghanap ng mauupuan. Siguro masarap talaga dito dahil ang daming tao buti may nahanap pa kami na upuan. Tinawag na ni Kath yung waiter at sya narin ang umorder.
Nang dumating na ang order namin ay kinain na namin yun. Infairness masarap nga ang mga pagkain nila dito.
"Wow, Grabe ang sarap ng mga pagkain nila dito," sabi ni Mia na sunod sunod ang subo. Tss. Parang hindi pinakain ng isang linggo kung kumain sya. Sa aming lima siya ang pinakamalakas kumain pero hindi naman siya tumataba.
"Grabe, Mia dahan dahan ang pagsubo mo baka mabulunan ka nyan sa ginagawa mo eh," suway ni Sav kay Mia.
"Oo masarap talaga ang pagkain dito kaya halos araw araw dinudumog sila, kaya hindi sila nawawalan ng costumer," sabi ni Kath.
Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagbayad ng bill ng pagkain namin at lumabas na ng restaurant.
Pagbalik namin sa Campus ay pumunta na kami sa next class namin.
DISMISSAL...
Naglalakad na kami nila Kath papuntang parking lot ng maisipan kong tumambay sa park. Kaya napatigil ako sa paglalakad, Napatingin naman sakin sila kath.
"Oh, napatigil ka dyan?" tanong ni Amber.
"Gala muna tayo, ayoko pang umuwi. Maaga pa naman," sabi ko.
"Sige, Saan ba?" tanong ni Mia.
"Saan pa ba? Edi sa favorite place natin. Ano guys sama kayo?" tanong ko.
"Sige, tara na. Namiss ko na rin pumunta don," aya ni kath.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang parking lot. Pagdating sa parking lot ay hindi namin alam kung kaninong kotse ang gagamitin namin.
"Kaninong kotse ang gagamitin?" tanong ni Sav.
"Yung akin na lang tutal ako naman ang nagyaya. Hatid ko na lang kayo dito mamaya para maiuwi niyo yung kotse niyo," sabi ko.
"Okay, sabi mo eh," pagkasabi ni Mia non ay sumakay na kami sa kotse. Pagkasakay ko sa driver seat ay pinaandar ko na yun.
Pagkarating namin sa Park ay pinark ko na ang kotse at bumaba na kami.
"Namiss ko tong place na to. Matagal na rin tayong hindi nakakapunta dito dahil busy tayo sa vacation natin," sabi ni Amber.
"Oo nga eh," pagsang ayon ko sa sinabi ni Amber. Masyado kasi kaming busy lalo na noong last semester namin kaya ngayon na lang kami ulit na kapunta dito.
"Tara punta na tayo doon sa food court," sabi ni Sav. Sumang ayon naman kaming lahat.
Pagpunta namin sa food court ay si Mia na ang umorder ng mga pagkain namin. Habang inaantay namin ang order namin ay nagkuwentohan muna kami.
Maya maya ay dumating na ang order namin at sinimulan na naming kainin.
"Guys, namiss ko talaga toh," sabi ko.
"Ang alin? Yang kinakain mo?" nagugulohang tanong ni Mia.
"Tss. Ano ka ba? Hindi ito yung magkakasama tayong lima sa paborito nating Park," sagot ko.
"Ah, akala ko kung ano. Sabagay namiss ko din tong bonding natin," sabi ni Mia .
"Yeah. Actually namiss ko na rin pumunta dito kasama kayo. Buti nga nag-aya ka na pumunta dito, Hazel," sabi ni Kath sabay tingin sakin.
"Yeah, nakakamiss ditong kumain. Ang dabest ang seafood nila dito," sabi ko.
"Ahh, mag-ikot ikot muna tayo mamaya pagkatapos kumain," sabi ni Savina.
"Sure," I said at pinagpatuloy na namin ang pagkain.
Nang matapos na kaming kumain ay lumabas na kami sa food court at nagsimula na kaming mag ikot-ikot sa park.
Nang nag-aya na silang umuwi ay pumanta na kami sa pinagparkingan ko ng kotse. Nang makasakay na kaming lahat ay pinaandar ko na ang sasakyan papuntang campus.
"Bye guys. See you tomorrow," sabi ko nang makarating na kami sa parking lot ng campus.
"Sige bye, Hazel. Thanks sa pag-aya sa Park," sabi ni Mia at bumaba na sila sa kotse ko.
"Welcome, basta kayo guys," sabi ko.
"Bye," paalam nila at sumakay na sila sa mga kotse nila. Pinaandar ko ang kotse ko paalis ng parking lot.
Pagkadating ko sa mansion ay naabutan ko sila Mommy at Daddy sa sala na nanonod ng movie.
"Good evening, Mommy and Daddy," bati ko sa kanilang dalawa sabay beso.
"Good evening din sayo anak. How's your first day in class?" tanong ni Mommy.
"Okay lang naman po Mom," sabi ko.
"Good. Kumain ka na ba?" Mommy ask me.
"Opo Mom kasama ko sila Kath. Akyat lang po ako sa taas para makapagpalit ng damit, bababa din po ako agad pagkatapos," sabi ko. Tumango naman si Mommy, kinuha ko na ang bag ko sa sofa at umakyat na sa hagdan.
Pagdating ko sa kwarto ay agad na dumiretso ako sa bathroom at nagshower. Pagkatapos kong magshower ay nagbihis na ako. Lumabas na ako at nakinood kanila Mommy.
"Ahm Mom, Dad. May sa sabihin po ako. Kung pwede lang po?" panimula ko. Napatingin naman sila Daddy sakin.
"What is it, Sweetie?" Daddy ask me.
"Kung pwede po ba ako magpatayo ng cafe malapit sa University. Kung pwede po sana?" I ask.
"Bakit mo naman gustong magpatayo ng cafe, Anak?" tanong ni Mommy.
"Ahm, kasi po gusto ko maging katulad ni Daddy. Gusto ko rin po kasing mag-business para pagkatapos ko sa college matulungan ko si Daddy sa company," nakangiting sabi ko, napangiti naman silang dalawa ni Daddy sa sinabi ko.
"Hahhaha, anak nga talaga kita. Okay sige, maghahanap ako ng property na malapit sa school mo," nakangiting sabi ni Daddy.
"Ikaw talaga kaya mahal na mahal ka namin ng Mommy mo eh," sabi ni Dad sabay gulo ng buhok. Inayos ko din naman agad yung buhok kong ginulo ni Dad.
"I love you Mommy and Daddy. And thank you Dad dahil pinayagan mo ko sa gusto ko."
"Welcome, Sweetie. Ikaw lang naman ang anak namin ng mommy mo kaya lahat ibibigay namin sayo," nakangiting sabi ni Daddy, napangiti naman ako don at tumango. Pinagpatuloy na namin ang panood ng movie.
Nang matapos na ang movie ay umakyat na kami nila Mommy.
"Good night, Anak," sabi nila Daddy at hinalikan nila ako sa noo.
"Good night din po, Mom and Dad," sabi ko. Tumango naman sila at pumasok na sa kwarto nila.
Nang makapasok na sila ay pumasok na din ako sa kwarto ko para pumunta sa terrace at pinagmasdan ang kalangitan na maraming bituin.
Nang dinalaw na ako ng antok ay pumasok na ako. Sinarado ko na ang glass door ng terrace, humiga na ako sa kama at natulog.
KINABUKASAN...
Habang nagkaklase ay tahimik lang akong nakikinig sa Prof. namin habang nagsusulat ako ng mga lecture sa History. History ang favorite subject ko dahil sa magandang kultura at paggalang sa mga babae nong panahon pa ng kastila.
Ang problema nga lang dito ay ang mga nakakairitang kaklase ko sa likod ko na kanina pa nag iingay. Hindi na ako makapagfocus sa lesson. Tss.
"Pwede ba kayong dalawang lalaki sa likod wag kayong maingay. Tss," bugnot na sabi ko napatingin naman sila Amber sakin.
"Ahm, Excuse me. Kung hindi kayo makikinig sa lesson ni Sir wag na lang kayong pumasok sa subject niya," mataray na sabi ni Amber na sa mahinang tono sapat lang para marinig nong dalawang kaklase namin sa likod.
"Palibhasa mga walang pakielam sa kasaysayan, kaya nakuhang magdaldal. Tss," sabi ko at pinagpatuloy na lang ang pagsusulat at pakikinig.
"Eh, sa anong mapapala ko dyan sa kasaysayan eh nong sinaunang panahon pa yan. At bakit pa ba yan ang tinuturo dito? Nakakawalang ganang pumasok kapag may History subjects," sabi nong isang lalaki na halatang walang interes sa History at ganon din yun kadaldal niya.
"Edi wag kang pumasok. Hindi ka naman pinipilit ng Prof natin para pumasok ka sa class niya at hindi na kasalanan ng Prof kung bumagsak ka sa subject niya," malamig kong sabi.
"Alam niyo dapat nga ay pinahahalagahan niyo ang kasaysayan kaysa baliwalain. Dapat nga ay ipag malaki natin ang mga bayani natin na nagbuwis at nakipaglaban sa mga kastila non para lang mabigyan ng kalayaan itong bansa natin. Simple lang naman ang pinapahiwatig ng History subject sa atin kaya pinag-aaralin natin ang kasaysayan. Pahalagahan natin yung sakripisyo ng mga bayani natin at huwag baliwalain. Pero kayo hindi niyo magawang ipagmalaki sila, buti nga at hindi tayo ang nakaranas ng mga ganon at dapat pa nga tayong magpasalamat sa kanila dahil hindi na ganon ang pamumuhay ng pilipino ngayon kaysa noon," sabat nung lalaking katabi nila na kulot yung buhok.
Napatingin naman ako sa katabi nila ng bigla itong nagsalita, mukhang seryosong seryoso talaga sya sa pakikinig dahil sa haba niyang sagot. Hindi ko makita yong mukha niya dahil medyo malayo sya at nakayuko pa. Mukhang naiinis na din sya sa mga katabi niyang kanina pa nagdadaldalan.
Ngayon ko lang sya nakita siguro sya ata yung hindi pumasok kahapon. Ang tahimik niya, maganda na siguro yon at least hindi sya nahawa sa kadaldalan ng mga katabi nya. Umayos na ako ng upo at itinutok ko na lang ang atensyon ko sa harapan at nakinig.
BREAKTIME...
Nandito kami ngayon sa cafeteria, dito na namin naisipang kumain dahil tinatamad kaming maglakad papunta don sa resto.
"Guys napansin niyo ba Yong lalaking nasa kabilang table. Ngayon ko lang sya nakita---I mean nakikita ko na siya last year dito pero kahapon absent ata sya," sabi ko sabay turo don sa lalaking kulot yung buhok na ang haba ng pagkakasagot kanina. Hindi ko parin makita yung mukha niya nakatalikod kasi sya sa pwesto namin. Napatingin naman doon sila Amber.
"Oo nga napansin ko rin yan, wala nga sya kahapon," sabi ni Savina.
"Matalino siguro sya ang haba kasi ng sinabi niya kanina," sabi ni Mia.
"Siguro nga," sabi ni Amber.
"Guys tapos na ba kayo kumain?" tanong ko kanila Amber.
"Malapit na kami matapos," sagot ni Mia sa tanong ko.
"Okay, mag iikot ikot lang ako sa labas," sabi ko sabay tayo.
"Sige," sabi nila at lumabas na ako ng canteen.
Naglakad lakad ako hanggang sa mapunta ako sa Garden. Umupo ako sa may bench at pinagmasdan ko ang mga bulaklak.
Napatigil ako sa pagtitig sa mga bulaklak ng mag vibrate yung phone ko. Si Kath tumatawag, sinagot ko naman agad.
"Hello Kath, tapos na kayong kumain?" tanong ko.
(Oo, nasaan ka ba? Tara na punta na tayo sa next class natin. Ayokong malate don.)
"Sige, pupunta ko na lang ako sa next class natin, wag niyo na kong hintayin dyan."
(Sige, punta na kami sa room.)
"Sige, bye."
(Bye,) pagkasabi non ni Kath ay binaba ko na yung tawag.
Tumayo na ako sa pagkakaupo ko kanina sa bench at naglakad na paalis ng garden.
Naglalakad ako sa corridor ng ma isipan kong ilabas ang phone ko at naglaro ng Temple Run. Malayo-layo pa naman ang room namin.
Habang naglalakad at tutok na tutok ako sa paglalaro sa phone ko ng biglang may nagmamadaling lalaki ang bumanga sa akin papunta sa direksyon kund saan ako papunta. Sa sobrang lakas ng pagkakabangga sakin ay nabitawan ko yung phone ko at napaupo ako sa sahig.
OUCH! Ang sakit ng balakang ko. Grabe naman tong si Kuya masyadong nagmamadali. Wala namang humahabol sa kanya. Tss, nakakainis naman talaga oh, ang sakit talaga.
"Ang sakit, bakit ba kasi kailangan pang tumakbo. Pwede namang maglakad?" reklamo ko sabay hawak sa bandang tagiliran ko na medyo masakit. Mukhang hindi ako makakalakad nito ng maayos pagkatayo ko.
"Ahm Miss, Okay ka lang ba?" tanong nong lalaking nakabangga sakin. Napatingin naman ako sa kanya. Siya yung lalaking kulot kanina. Bumilis yung tibok ng puso ko ng magtama ang mga mata namin.
Bakit bigla akong kinabahan? Ito ang unang beses na maramdaman kong tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa isang lalaki. Yun ba ang sinasabi nilang LOVE AT FIRST SIGHT?
Napatingi ako sa lalaki. OMG! Ngayon ko langnapansin. Ang gwapo niya pala.