Chereads / Ang Kabiyak ni Hudas / Chapter 35 - Ang Pagtataka

Chapter 35 - Ang Pagtataka

Ramdam ko pa rin ang sakit na aking nadarama sa aking katawan. Ito'y dulot sa nangyari sa akin noong nakalipas na gabi. Ako'y bumangon at pumunta kaagad sa palikuran. Tinignan ko ang sugat na nanggagaling sa tama ng saksak ni Asher. Sumakit ang aking ulo dahilan ako'y muntikan na matumba, mabuti nalang nakahawak ako sa may hugasan. Ako'y bumalik muli sa aking higaan at humiga.

"Ba't ko nga ba niligtas ang babae?"

Naguguluhan na ang aking isipan sa mga nangyayari. Unti-unti ng nawawala ang aking memorya simula nang mapunta ako sa mundong ito. Nalimutan ko na ang mundo ko kung saan ako'y nangagaling. Ako'y tumingin sa bintana, tinanaw ko lang ito hanggang ako'y makatulog muli.

May narinig akong bosses dahilan ako'y nagising sa aking pagkatulog. Alas tres pa nang hapon, hindi ko pa ginagalaw ang aking tanghalian kahit ang aking agahan. Mukhang pumasok sila sa aking silid nang hindi ako ginigising o ginagambala.

Pagkatapos kong kumain ay agad akong nag-ayos sa aking sarili at lumabas. Ako'y pumunta sa hardin at tinignan ang mga bulaklak. Ito'y maganda pa rin tignan. Mukhang inaalagaan talaga nila ang hardin.

"Heleana."May tumawag sa akin sa aking likuran. Agad naman akong napalingon nito.

"Kamusta na ang iyong karamdaman?"Agad na tanong ni Manang Zelda.

"Mabuti naman po. Medyo mahapdi lang ang aking sugat."Ani ko sa kanya. Siya'y huminga ng malalim.

"Sana'y naging mas responsable pa akong mag-alaga sa iyo." Sabi niya na may pagkabigo. Aking hinawakan ang kanyang kamay at ngumiti.

"Manang Zelda, maraming salamat ho ngunit...hindi na po ako bata para alagaan niyo pa. Dadagdagan ko lang ho ang bigat ng trabaho niyo dito sa lugar na ito." Ani ko sabay tawa.

"Kahit na! Para na kitang anak. Kahit na palagi mong sinasabi na nasa mabuting kalagayan ka, alam kong malungkot ka lalo na dito."Saad niya sa akin sabay turo sa aking puso. "Huwag kang mag-alala, kung may problema ka man pwede mong sabihin sa akin."Ani nito sabay yakap sa akin.

"Opo, sasabihin ko po kung mayroon man akong problema."Saad ko at yinakap siya pabalik.

Ako'y pabalik na sana sa aking kwarto ngunit ako'y nakita ni Asher. Dahan-dahan akong lumakad paatras at agad na tumakbo palayo sa kanya. Siya'y sumunod sa aking pagtakbo habang naguguluhan sa aking inaaksiyon. Pati ako ay naguguluhan din sa aking inaaksiyon, hindi ko nga alam kung saan tutungo ang aking mga paa. Nang mapunta ako sa lugar na maraming silid, ako'y pumunta agad sa may kanan sa ika-pitong kwarto.

Rinig ko na ang mga yapak sa labas na sunod-sunod binubuksan ang mga silid. Ako'y nagtago sa may kabinet at itinikom ang aking mga bibig. Bumukas na ang pintuan, alam kong alam niya na kung saan ako nagtatago. Narinig kong may itinutulak siya na upuan. Ako'y pumikit at huminga ng malalim.

"Ako'y nagtataka na sa iyong mga kinikilos."Saad nito ngunit hindi ako sumagot.

"Akala ko ba gusto mo akong lubos na makilala."Saad ulit nito. Siya'y napahinga ng malalim at agad na nagsalita.

"Sigurado akong alam mo na ang mundong ito ay hinahati sa mga grupo, may mga makapangyarihan na panauhin at may mga nakakaawa naman na mga panauhin. Hindi sila nagkakasundo dahil ang mundong ito ay may sumpa, at ang sumpang itinalaga dito sa mundo ko ay isang parusang walang katapusan." Ani nito at biglaang tumawa.

Agad akong napaisip sa kanyang sinabi...

'May sulosyon naman lahat ng bagay.'

"May sulosyon nga ang lahat ng bagay ngunit...ano naman ang kapalit?"Agad na tanong niya.

'Hindi ko alam.'

"Ang babaeng nakita mo kagabi ay may malaking kasalanan na nagawa sa amin, lalong-lalo na sa akin. Sa totoo lang, dala-dala rin niya ang bigat ng sala ng kanyang pamilya. Kilala ko siya noon...siya'y tagapagsilbi sa amin ngunit may nagawa siyang malaking kasalanan sa aming angkan kaya siya'y pinarusahan." Ani nito, hindi ko alam kung ano ang tunay niyang nararamdaman. Ang bawat salita niyang inilalabas sa kanyang bibig ay may galit at lungkot.

"Hindi ka pa ba lalabas diyaan?"Tanong nito ulit. Ako'y huminga at nagsimulang ipinakita ang aking sarili.

"Malapit na ang pagkikita ninyo muli. Sana'y hindi mo dinidikit ang iyong buhay sa mga panganib." Saad nito. Siya'y lumakad patungo sa akin dahilan ako'y mabigla sa kanyang inaaksiyon.

"Pangako, ipapakilala ko sa iyo ang aking buong katauhan at kung sino talaga ako." Saad niya habang hinahawakan ang aking ulo. Ako'y napatingin sa kanya, nawala ang kaba na aking nararamdaman sa aking katawan. Sa hindi malamang rason ay agad ko siyang yinakap at nagsimulang tumulo ang aking mga luha. Yinakap niya ako pabalik at tinapik ang likod ko.

Nang kami ay bumalik na sa aming mabuting kalagayan ay agad na kaming bumalik sa may sala ng palasyo, ito'y tahimik. Lahat ay nakakapagpanibago. Ang mga ilaw ay patay-sindi. Parang may mali na nangyayari, kanina'y parang normal lang. Kami ay pumunta sa may hardin ngunit walang katao-tao, pati na rin sa may kusina at pasilyo.

"Nasaan sila?"Tanong ko.

"Hindi ko rin alam."Ani ni Asher pabalik sa akin.

Pati siya ay nagtataka.

May narinig kaming may gumagapang sa itaas. Agad akong tumingin sa direksiyon nito, ito'y isang ahas!

Ito'y kumagat sa paa ko dahilan ako'y natumba sa aking kinatatayuan, dumilim ang aking paligid ngunit ang mga mata ni Asher ang kumikinang sa aking paningin. Ito'y naging abo na nangagahulugan na siya'y natatakot.