Chereads / Ang Kabiyak ni Hudas / Chapter 41 - Ang Lagusan

Chapter 41 - Ang Lagusan

Ako'y lumakad ng mahina patungo sa pasilyo na may pinto pababa sa palasyo. Naalala ko ang mga sinabi sa akin noon ni Binibining Helen.

"Heleana." Ani niya. "Mayroong lagusan sa ibaba ng palasyong ito. Ito'y isang lagusan na ipupunta ka sa iyong nais na destinasyon, lalong-lalo na sa ibang mundo." Saad niya.

"Bakit mo ito sinasabi sa akin, Binibining Helen?"Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Nag-iiba ang sulat, ito'y parang hiwaga na hindi namin malaman kung ano ba ang ipinahihiwatig sa laman nito." Takot na sagot niya. "Ngunit maliban sa isa." Ani niya dahilan ako'y nakaramdam ng kaba sa hindi malamang rason.

"Sino ho iyong isa?"Agad kong tanong sa kanya. Siya ay nagsalita ngunit iba ang sagot niya sa aking mga katanungan.

"Heleana, huwag ka nang mag-aksaya ng panahon bago pa maging huli ang lahat." Ani niya habang hinahawakan ang aking. Ako'y tumango sa kanyang sinabi at ibinaba ang kanayang mga kamay na nakahawak sa akin. Ako'y papasok na sana sa loob ngunit ikinuha niya ulit ang aking kannag kamay.

"Hindi pa naman huli ang lahat, hindi ba?"Nagtatakang tanong niya sa akin. "Hindi ka pa naman ginalaw ng lubusan, hindi ba Heleana?"Tanong niya ulit sa akin, ngunit tila ito ay may emosyon na halong takot at kaba. Ako'y tumalikod na sa kanya at binuksan ang pinto dahil wala naman talaga akong masagot sa kanya. pati ako ay naguguluhan na din sa mga pangyayari. Nagsalita muli si Binibining Helen dahilan na ako ay mapahinto sa aking paglalakad.

"Ika'y nadadala na sa kanyang mga salita, Heleana. Ika'y nadadala sa kanyang mga laro. Huwag mong kalimutan na mas masahol pa siya sa demonyo." Pagbabanta niya sa akin. Ako'y pumunta agad sa aking silid at napasandal sa gilid habang ako'y nag-iisip ng malalim ng mga sagot sa likod ng kanyang mga katanungan.

Iyon ang mga salitang hindi ko makakalimutan noong araw bago pa man ako ay nawalan ng malay. Tama nga siya, ako'y nagsasayang na ng oras ngunit hindi pa naman huli ang lahat. Hindi ba?

Ako'y pumasok na sa pinto at tumungo sa ibaba, may pintong na ipupunta ka sa nais mong marating. Ang nais ko lamang ay mahanap muna ang ibang kandidato at iligtas sila. Napunta ako sa lugar na may mga kulungan. Nakakarinig akong may umiiyak at mayroong sumisigaw. Ako'y tumungo nito, nakita ko ang mga ibang kalahok na hinahati ang kanilang mga katawan. Ako'y napatakip sa aking bibig, tila ako'y hindi makapaniwala sa aking nakikita. May narinig akong lumalakad patungo sa aking kinarorounan. Dali-dali naman akong napatago sa aking sarili sa may gilid.

May dalawang panauhin na nakasuot ng kapa at nakatabon ang kanilang mga mukha. Nais kung makilala kung sino sila. Nakita ko si Yurika sa gilid, mukhang siya na ata ang isusunod nila. Hinawak ng isa sa dalawang panauhin ang mukha ni Yurika. Hindi matigil ni Yurika maiyak-iyak sa kanyang kalagayan. Ang kanyang buhay ay nanganganib, ang lahat ng buhay ng mga kandidato ay nanganganib. Ako'y naging bulag simula pa noong una.

"Sa totoo lang, umiba ang sulat sa bato." Ani ng panauhin. Ang mga mata ni Yurika ay nanlaki dahilan tumawa ito ng malakas.

"Hindi mo ba nakikita ang mga pangyayari? Tila tayo ay nilalaruan ng tadhana, Yurika! Huwag kang maging bulag." Ani ulit ng panauhin at tumawa pa ng mas malakas. Tumingin si Yurika sa kanya at lumuwa.

"Tila ako ang laruan na nilalaruan niyo!"Sigaw nito ng buong tapang. Si Yurika ay sinampal ng buong lakas ng panauhin. Pinigilan ko ang aking sarili sumigaw at mag-ingay. Ang mukha ni Yurika ay may pasa na dahil sa lakas ng sampal na ginawa ng panauhin.

"Huwag mong gagawin ulit ang ginawa mo kanina dahil...Isang malaking parusa ang ihaharap mo sa akin sa kinabukasan."Ani ng panauhin. Ito'y tumalikod at nagsimulang lumakad paalis sa lugar na puno ng galit ngunit ang isang panauhin ay nanatili. Ang mga halimaw ay umalis rin nang itinaas ng panauhin ang kanyang kaliwang kamay. Ito'y pumunta kay Yurika at itinanggal ang mga posas sa kanyang mga kamay.

"Bakit mo ako tinutulungan?"Tanong ni Yurika ngunit walang sagot na lumalabas sa bibig ng panauhin.

"Heros!"Muling sigaw ni Yurika na umiiyak na.

Ako'y nagulat sa kanyang tinawag at mas nagulat pa nang may tumulak sa akin sa may likuran ko. Nakita kong may dala-dala itong kutsilyo at ngayon ay nasa leeg ko na. Si Yurika at Heros ay pumunta sa aking kinarorounan.

"Sino ka?"tanong ng panauhin na nakakapit sa aking likurang bahagi. Ito ay isang pamilyar na boses na akin nang narinig noon. Aking ibinaba ang aking kapa at ipinakita ang aking mukha sa kanila.

"Heleana?"Agad na bungad sa akin ni Janine. Ako ay nagsimulang umiyak ng nakita ko muli ang kanilang mga mukha at narinig ko muli ang kanilang mga boses.

"Heleana, ikaw ba talaga iyan?"Agad na tanong ni Yurika sa akin at yinakap ako. Yinakap ko sila ng mahigpit pabalik.

"Ako to, si Heleana." Ani ko habang di ko mapigilan ang luha na tumutulo sa aking mga mata at ngumiti. Nakita ko ang tingin ni Heros sa akin na tila bang gulat na gulat sa kanyang nakikita. Ako'y pumunta kay Heros at nagsimulang mag-tanong.

"Ano ba talaga ang nangyayari sa mundong ito?"Tanong ko sa kanya na puno ng pagtataka. Siya'y lumapit sa akin at inilapit ang kanyang bibig sa aking kanang tenga.

"Wala na akong oras magpaliwanag Heleana at alam mo na rin kung bakit hindi ko na kayang magpaliwanag pa. Ang alam ko lang, kailangan niyo ng tumakas dahil paparating na siya."Ani nito at ibinalik ang kanyang sarili na tumingin kina Yurika at Janine.

"Alam niyo na ang gagawin niyo, kailangan niyong tumakas at lalong-lalo na, kailangan niyong magtago muna."Ani nito at nagsimulang lumakad.

"Bilis, dito ang daan."Saad niya at itinuro ang isang lagusan. Ibinigay niya ang apoy kay Janine at isang tabak naman kay Yurika.

"Pagkarating niyo sa dulo ay bubungad sa inyo si Manang Zelda." Saad niya sa amin. Kami ay tumango sa kanyang sinabi.

"Mag-ingat kayo at lalong-lalo ka na, Heleana. Hindi pa dito magtatapos ang lahat."Ani niya ulit. Ako naman ay tumango sa kanyang sinabi at nagsimulang lumakad. Isinara na ni Heros ang lagusan pero bago pa man niya ito lubusang isinara sumigaw muna siya ng...

"Ang mga alitaptap ang gabay!"

Nagsimula kaming tumakbo at sinunod ang mga alitaptap, narinig ko rin sa di kalayuan na may humahabol na rin sa amin. Maraming daan ngunit alam namin na gagabayan kami ni Heros kahit na ang buhay niya ang nakataya.

Salamat, hanggang sa muli nating pagkikita kaibigan.

-Heleana