Kami ay tumakbo patungo sa gubat, si Janine ay nasa likuran ko habang si Yurika naman ang nasa harapan ko. Ako ang tumitingin sa aming gilid kung mayroon bang nakasunod sa amin. Malapit na ang gabi, kailangan na namin magpasilong at magtago sa mga halimaw na lumalakbay sa gubat. Delikado kapag kami ay tutungo agad sa lagusan ng kabilang mundo.
"Heleana." Tawag sa akin ni Yurika. Ako naman ay lumingon sa kanya. May inilagay siyang parang bandana sa aking leeg.
"Sayo nalang ito, malamig kasi at mas nakakabuti ito sa iyong kalagayan lalong-lalo na sa iyong magiging anak." Ani niya at ngumiti.
"Salamat, Yurika."Pagpapasalamat ko sa kanyang kabutihang gawa. Nakita kong may inilabas na pagkain si Janine sa kanyang dala-dalang supot.
"Kumain na kayo upang hindi kayo magutom at magkasakit ng tiyan."Pag-papaalala niya sa amin."Pag sumikat na ang araw ay tutungo na tayo kaagad sa lagusan."
Kami ay natapos nang kumain at agad na pumunta sa aming ginawa na kanlungan. Si Janine ay nanatili sa may dulo ng labasan, si Yurika ay nasa gitna habang ako naman ay nasa pinakadulo sa gilid ng kanlungan. Kami ay nakahiga na ngunit alerto pa rin sa maaring mangyari sa amin.
"Naisip niyo na ba kung ano ang mangyayari sa atin sa kinabukasan?"Tanong ni Yurika sa amin. Kami ay napaisip, siguro ay ang aming mga buhay ay manganganib at siguro rin na magiging ligtas kami ngunit hindi naman talaga natin malalaman kung ano talaga ang nais na mangyayari sa kinabukasan, hindi ba?
"Hindi ko alam, hindi natin alam. Ngunit alam kong, dapat tayo maging handa kung ano man ang maaring mangyari sa atin sa kinabukasan upang mabawasan ang ating kaba at takot na ating nararamdaman sa ngayon."Sagot ni janine.
"Tama ka."Pagsang-ayon ni Yurika.
"Pag nakalabas na ba tayo sa lagusan, hindi na rin ba mangaganganib ang ating mga buhay?"Agad na tanong ko sa kanila. Tumahimik sila, tila sila'y nag-iisip ng malalim. Ako'y tumawa ng mahina habang sila'y nakatitig sa akin.
"Tanong ko lang iyon, masyado naman kayong seryoso."Ani ko sa kanila sabay ngiti. Nakita kong mas lumala ang kanilang kaba at takot. Sana'y hindi ko nalang itinanong iyon.
"Ang alam ko lang ay magsisilbi kami sa iyo, Heleana."Ani ni Janine.
"Ihinto na nga natin ang ating pag-uusap. Maaga pa tayo bukas."Pagpapaalala ni Yurika.
Kami ay nagsitulogan na pagkatapos naming mag-usap. Ako'y hindi makatulog sa kaiisip ng mga bagay-bagay. Tinignan ko kung gising pa ba si Janine ngunit mahimbing na ang tulog nito. Gagambalain ko na sana siya ngunit hindi na lang dahil siya ang pinakapagod sa aming tatlo. Ako'y lumabas sa aming kanlungan upang magpahangin at maghanap ng maihian.
Ako'y lumakad patungo sa puno na malapit sa aming kanlungan, nang matapos ko na ang aking ginagawa ay ako'y tumayo kaagad at tumungo sa aming kanlungan ngunit ang mga puno na lamang ang aking tanging na nakikita sa aking mga paligid. Ako'y naglakad ng maliit na hakbang ngunit hindi ko pa rin nakikita ang aming kanlungan. Ako'y tumingin-tingin sa paligid, ito'y madilim at tahimik. Ang buwan ang natatangi kong ilaw sa aking daan. Ako'y napasandal sa puno ng makaramdam ako ng sakit sa aking tiyan.
"Nandito ka lang pala."Ani ng boses na narinig ko sa aking likuran. Ako'y tumingin nito ngunit wala akong nakitang panauhin. Ako'y tumingin muli sa aking harapan na nagdulot ng matinding pagkagulat dahil bumungad si Asher sa aking harapan.
"Anong-"Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang yinakap niya ako ng mahigpit. Walang salita na lumalabas sa aming dalawa. Yinakap ko rin siya pabalik ng mahigpit ngunit iba ang aking nararamdaman sa aking damdamin at iba rin ang nasa aking isipan. Nang kami ay matapos sa aming pagkayakap, kami ay nagkatingin sa isat-isa. Walang salita na lumalabas sa aming dalawa kaya ako'y umuna na nagsalita.
"Kamusta ka?"Tanong ko sa kanya. Ang kanyang mga mata ay bumilog, hindi niya pa rin ako makayang sagutin. Ikinuha ko ang kanyang kamay at nagsimulang magsalita muli.
"Asher, natatandaan mo pa ba ang mga sinabi mo sa akin noon?"Tanong ko sa kanya at agad na tumingin sa buwan. Narinig kong huminga ng malalim si Asher. Ramdam kong nakatitig pa rin siya sa akin.
"Patawad ngunit ako'y makalimutin na, Heleana."Pagbibigay dahilan niya sa akin. Ako naman ay natawa sa kanyang sinabi.
"Anong nakakatawa?"Naguguluhan niyang tanong sa akin.
"Sana'y magkaroon pa tayo ng oras para sa ating dalawa."Ani ko sa kanya at huminga ng malalim.
"Pwede ka namang manatili dito panghabang-buhay."Saad niya, ang kanyang boses ay puno ng lungkot. Ako'y tumingin ng maigi sa kanya. Pati siya ay hindi makaiwas sa aking mga tingin.
"Alam kong alam mo na."Nakayuko kong ani sa kanya.
"May sulosyon pa naman lahat hindi ba?"Tanong nito sa akin. Ibinaling ko ang aking ulo na sumisimbolo ng hindi pagsang-ayon sa kanyang katanungan. Wala ng sulosyon sa aking pagkasapit, ibig kong sabihin ay sa amin. WALA NA.
"Patawad."Tipid na ani niya. Kami ay binalot muli ng katahimikan at kadiliman.
"Asher."Tawag ko muli sa kanya ngunit ito'y hindi nakikinig sa bawat salita na aking sinasabi, tila ito'y naging bingi. Ako'y tumingin sa kanya at agad na hinawak ang kanyang mga kamay ng mahigpit.
"Asher!"Sigaw ko sa kanya upang mabalik ang kanyang konsensiya.
"Alam kong alam mo na ang nais kong ipahiwatig."Ani ko sa kanya ngunit wala pa rin siyang sinasagot sa aking mga sinasabi.
"Ito lang ang alam kong paraan, Asher. Malaking sala ang ipapataw sa akin, lalo na sa iyo. Noon pa man, alam kong ikaw si Hudas." Ani ko ulit sa kanya dahilan siya'y mabigla sa aking sinabi.
"Asher Hades Cremetia."Tawag ko sa kanyang buong pangalan dahilan nang mas lalo pa siyang mabigla sa aking sinabi.
"Mahal kita, Asher."Saad ko sa kanya habang hinahawakan ang mga gilid ng kanyang mukha. "Mahal na mahal, ngunit...lalala lamang ang sumpa sa iyong kalagayan lalong-lalo na-"Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang sumigaw siya sa aking harapan.
"Tama na, Heleana!" Sigaw niya sa akin, habang ibinababa ang aking mga kamay na nakahawak sa kanyang mukha.
"May paraan pa." Determinadong ani nito sa akin.
"Nangako kang tutulongan mo ako."Seryosong ani ko sa kanya. Wala siyang masagot sa aking sinabi. "Asher, ang sabi mo noon ay-"Ani ko ngunit pinutol niya ulit ang aking nais na sasabihin.
"Noon iyon, Heleana. Hindi na ngayon."Ani niya habang hinahawak ang kanyang ulo.
"Iba-"Hindi siya nakasalita, tumingin siya sa aming paligid. Ibinaling ko rin ang tingin ko sa aming paligid, tila ito'y lumiliwanag na dahil sa sikat ng araw. Ibig sabihin ay mas madali makikita ang lagusan.
"Malapit na maging umaga, Asher."Ani ko sa kanya at tumalikod ngunit hinawak niya kaagad ang aking kanang kamay.
"Asher-"Hindi na ako makasalita pa dahil hindi ko din naman alam ang nais kong sabihin sa kanya.
"Kukunin kita muli, Heleana."Ani nito.