Chereads / Ang Kabiyak ni Hudas / Chapter 37 - Ang Bangugot

Chapter 37 - Ang Bangugot

Nang ako'y pinapasok ni Asher sa aking kalooban ay hindi ko mapigilan sumigaw at umungol sa aking nararamdaman. Ako'y nakaramdam ng pagkalibog sa aming ginagawa. Pawisan ang aming katawan at tanging malalim ng paghinga lamang ang aking naririnig. Siya'y tumingin sa aking mga mata, ang buwan ay lumiliwanag kagaya ng kanyang mga mata. Sa di malamang paraan, ayokong mahinto ang mga sandaling alaala kagaya ng alaala na aming ginagawa. Nang maabot na namin ang kahulian ay di ko mapigilan mapa-ungol ng malakas. Ako'y nakatulog sa pagod ng aking nararamdaman.

Nang ako'y magising ay may naramdaman akong may gumagapang sa aking ibabaw na bahagi dahilan ako'y nakaramdam ng hindi pagkakomportable. Hindi ko namalayan na unti-unti kong binubuka ang aking mga binti, mabibigat ang pawis na aking inilalabas sa aking katawan. Ako'y napasigaw sa sakit na aking nararamdaman. Kinumot ko ang aking higaan sa aking makakaya at pumikit. Hindi ko mapigilan ang sakit na aking nararamdaman. Aking binuklat muli ang aking mga mata at tumingin kung mayroon si Asher sa aking gilid.

Siya'y ngumiti sa akin habang tinatanaw akong nagdurusa,sa sakit na aking nararamdaman, ang kanyang mga mata ay naging kulay itim. Ako'y nanibago sa aking paligid, ako'y tumingin sa aking bobong, nakita ko muli ang guhit na may kakaibang hugis. Tumingin ako ulit sa aking ibaba, nakita ko si Asher na nasa gitna na ng aking mga binti. Ito'y ngumiti sa akin at tumingin sa aking katawan, nakaramdam ako na mayroong gustong lumabas sa loob ng aking tiyan. Ako'y napasigaw muli sa sakit na aking nararamdaman. Hindi ko alam kung kakayanin ko ito, mukhang ang aking buhay ay malapit na sa dulo.

Ako'y nagising sa aking bangungot. Nakita kong tulog na tulog si Asher sa aking gilid, nakaramdam ako ng masamang pakiramdam dahilan ako'y tumakbo kaagad sa palikuran. Ako'y sumuka, sabay nito ay ang pagdaloy ng dugo mula sa aking bibig. Aking inayos ang aking sarili at pagkatapos ay tumingin sa salamin. Ako'y namumutla, baka siguro sa bangungot na ayaw kong mabalikan. Ako'y bumalik muli sa higaan at nagsimulang humiga muli. Ako'y tumingin kay Asher, ito'y mapayapa na natutulog. Biglang ibinuklat ni Asher ang kanyang mga mata dahilan ako'y mabigla. Aalis na sana ako ngunit bigla niya akong yinakap at inihiga muli sa aming higaan.

"Bakit hindi mo ako ginising?"Ani niya at hinalikan ang aking noo.

"Ayokong gambalahin ang mapayapang natutulog."Sagot ko pabalik. Siya'y napatawa at tinanaw ako na para bang gusto akong inisin.

"Ano?"Nagtatakang tanong ko sa kanya ngunit hindi siya nagsalita.

"Tititigan mo lang ba ako hanggang gabi?"Tanong ko ulit sa kanya. Siya'y tumango bilang oo.

"Aba, aba! Huwag ka ngang magpanggap na hindi ka marunong magsalita!"Ani ko at hinawakan ang kanyang pisngi sa di malamang dahilan, ngunit inunahan niya rin ako ng halik sa aking labi. Ako'y nabigla sa kanyang inaksiyon, pati din siya hindi alam kung bakit niya ginawa iyon.

"Patawad."Ani niya at biglang umalis sa higaan at nagsimulang sumuot sa kanyang mga damit. Ako'y nanatiling nakatulala habang hawak ang aking labi.

"Hihintayin kita sa hapagkainan."Ani niya at humalik sa aking noo. Agad siyang lumakad patungo sa pinto at tumingin muli sa akin. Yumuko muna siya sa akin bago niya isinara ang pinto.

Hinawakan ko ang aking ulo at sabay na napaisip...

'Ang bilis naman ata ng mga pangyayari.'

Ako'y sumunod kay Asher patungo sa hapagkainan. Nasa harapan ko siyang kumakain habang ang nasa dulo ko ay si Madam Miranda. Ako'y nagtaka kung saan tumungo si Heros, hindi ko na masyado siyang nakikita sa palasyo.

"Heleana."Ani ni Madam Miranda, agad naman akong tumingin sa kanya.

"Ho?"Tanong ko sa kanya. Huminga ng malalim si Madam Miranda bago siya nagsimulang magsalita.

"Mamayang gabi na ang dalaw, nakahanda ka na ba?"Tanong nito. Ako'y tumingin muna kay Asher bago ako sumagot.

"Handa na ho ako."Sagot ko pabalik sa kanya, siya'y guminhawa ng magaan habang ako naman ay puno ng kaba kung ano ang maaring mangyari sa akin. Isang linggo na pala ang nakalipas nang kami ay nag-iisang dibdib ni Hudas. Hindi mawala sa aking isipan ang nangyari sa amin ni Asher kagabi, tila ito'y bumabalik parati sa aking isipan.

"Asher."Tawag ni Madam Miranda sa kanya dahilan siya'y napatigil sa pagkain. "Saan ka nga ba nanggaling kagabi? Hinanap ka ni Heros sa iyong kwarto ngunit wala ka roon."Ani ulit niya. Nabigla si Asher sa sinabi ni Madam Miranda, tila hindi siya makapaniwala at makasagot sa kanyang katanungan. Pati ako ay parang binuhusan ng yelo sa aking buong katawan. Magsasalita na sana si Asher ngunit inunahan siya ni Madam Miranda.

"Kung hindi mo kaya aminin hiyoh, huwag nalang. Huwag mong ipuwersa ang sarili mo kung hindi mo kaya."Ani ni Madam Miranda dahilan nang mapuno ang silid ng mabigat na tensyon sa pagitan sa dalawa. Tumayo si Asher at dahan-dahan na lumakad patungo sa labas ngunit kinuha ni Madam Miranda ang kanyang kaliwang kamay.

"Hindi ka pa tapos sa pagkain."Ani ni Madam Miranda. "At hindi pa ako tapos sa aking sasabihin."

"Alam ko."Tipid na ani nito dahilan mabigla si Madam Miranda sa kanyang inaksiyon, lalong-lalo na ang kulay sa kanyang mga mata na naging kulay itim kagaya sa aking nakita sa aking bangungot.

"Alam mo rin bang, paparusahan ka?"Tanong ni Asher kay Madam Miranda. Walang lumalabas na mga salita sa bunganga ni Madam Miranda. Parang natatakot siyang labanan si Asher, kahit ako ay naninibago sa mga pangyayari. Nanumbalik na ang kulay sa kanyang mga mata, ito'y naging kayumanggi muli. Pati siya'y naguguluhan sa kanyang inaksiyon.

"Patawad."Ani nito at dali-daling lumabas.

Si Madam Miranda ay tumayo na rin at humingi ng paumanhin sa akin. Tanging ako lang ang nananatiling mag-isa sa hapagkainan.

"Akala ko ba gusto mo akong lubos na makilala."

Ikaw ay isang misteryo na gustong-gusto kong malaman. Isang misteryo magandang malaman, ngunit kahit unti-unti mo itong nalalaman, marami pa rin itong sikretong nakabaon at nakatago na pilit mong gustong buksan ngunit ayaw mabukas.

Asher, ikaw ay isang misteryo na walang kasagutan.