Chereads / Ang Kabiyak ni Hudas / Chapter 38 - Ang Pag-Iisang Dibdib

Chapter 38 - Ang Pag-Iisang Dibdib

Ako'y naglakad sa labas at umupo habang tinatanaw ang lawa. Ang aking lokasyon ay hindi masyadong malayo sa palasyo. Ngayon lang ako nakapunta dito, ang tanawin ay nakakapagbighani tignan. Hindi ka magsasawang babalik muli dito paulit-ulit. May naririnig akong lumalakad patungo sa akin. Ako'y tumalikod upang tignan kung sino ito.

"Heros."Ani ko. Siya'y yumuko, simbolo ng pagrerespeto.

"Heleana."Ani niya pabalik sa amin. Kami ay tumingin muli sa napakagandang tanawin sa aming harapan.

"Ako'y nabigla nang makita kita dito sa may lawa."Ani niya dahilan ako'y mapatingin sa kanya. "Hindi ka pa ba uuwi sa palasyo?"Tanong niya sa akin, ako'y yumuko at walang masagot sa kanyang mga katanungan. Muli kong ibinaling ang aking paningin sa magandang tanawin.

"Magtatakip-silim na, ngunit nandito ka pa rin?"Muling tanong niya sa akin ngunit wala pa rin akong masagot sa kanyang mga katanungan. "Hahanapin ka na."Ani niya at ipinakita niya ang kanyang kamay na nagpapahiwatig na nagsasayang na ako ng oras. Dali-dali naman akong lumakad patungo sa palasyo ngunit ako'y huminto nang wala akong naririnig na mga yapak na sumusunod sa akin si Heros. Ako'y bumalik muli sa kanyang kinarorounan, siya'y nagtaka kung bakit ako bumalik.

"Hindi ka rin ba babalik sa palasyo?"Agad kong tanong sa kanya dahilan siya'y nanibago sa aking inasal.

"May hihintayin ako dito."Ani nito. Medyo madilim na at walang kaingay-ingay ang paligid.

"Sigurado ka ba?"Agad kong tanong sa kanya.

"Kung takot ka, itong mga alitaptap ang magsisilbing gabay ng iyong daan."Ani niya habang inilalabas ang mga alitaptap sa kanyang mga kamay. Ako'y namangha sa aking nakikita, mas may igaganda pa pala ang tanawing ito, lalong-lalo na sa gabi.

"Mag-iingat ka."Muling ani nito, ako'y tumango sa kanyang sinabi at nagsimulang lumakad patungo sa palasyo. Nang malapit na ako sa palasyo ay may nakita akong tumatakbo sa aking gilid. Agad naman akong tumakbo sa bilis ng aking makakaya. Ako'y pumunta sa loob ng palasyo at isinara kaagad ang pinto.

"Naigagalak kong makita ka muli, Heleana." Bungad sa akin ni Binibining Helen.

"Binibini, ano po ang pakay niyo dito?"Tanong ko kaagad sa kanya dahil ako'y nabigla nang makita ko ang kanyang presensya sa palasyo. Siya'y tumungo sa akin at hinawakan ang aking mukha.

"Pawisan ka, hmmm...hindi kaya may humahabol sa iyo?"Tanong nito dahilan ako'y tumango.

"Sigurado akong alaga iyon ni Hudas."Ani niya at tumawa ngunit hindi siya nakakatulong sa pagkawala ng aking kaba. Siya'y huminto nang mapansin niyang hindi ako komportable sa kanyang inaasal.

"Patawad." Ani niya at bumalik na sa kanyang katinuang ugali.

Kami ay naglakad patungo sa isang kwarto. Ito'y nakapalibot ng mga rosas. Ang mga bintana ay bukas dahilan ako'y makaramdam ng ginaw. May inabot na inumin si Binibining Helen sa akin.

"Ano ho ito?"Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Isang inumin upang ika'y makatulog at hindi makaramdam ng sakit kapag ikaw ay gigising. mula sa inyong aasahing gawin."Ani niya.

Sinimulan ko itong inumin dahilan ako'y mahilo. Ako'y nakahiga na sa kama habang ako ay walang malay. Wala akong natatandaan na mga pangyayari na aking nadatnan kagabi. Lahat ito'y malabo kung iisipin. Ang tanging naalala ko lamang ay ang mga salitang binitawan ni Hudas.

"Patawarin mo ako ulit sa aking gagawin, ngunit maipapangako ko sa iyo...na magiging marahan ako, Heleana."

Nang ako'y magising ay parang ang bigat-bigat ng aking katawan dahilan ako'y di makatayo. Pinilit kong tumayo ngunit hindi ko pa rin kaya. Ako'y nanatiling nakahiga sa kama mag-isa. Ang sikat ng araw sa silid ay nakakasilaw sa mata. Sa kalaunan, may narinig akong katok mula sa pinto sa aking silid dahilan ako'y daling-dali tumakip sa aking katawan. Ito'y bumukas at bumungad sa akin si Binibing Helen at si Manang Zelda.

"Magandang umaga, Heleana."Bungad sa akin ni Helen.

"Magandang umaga sa iyo binibini at sa iyo rin Manang Zelda."Bungad ko pabalik sa kanila.

"Magandang umaga."Ani ni Manang Zelda at inilagay ang aking pagkain sa may maliit na lamesa. Tumungo si Binibing Helen sa aking kinarorounan at may ipinakita na gamot.

"Inumin mo ito, Heleana." Ani niya, sabay ang pagkuha sa aking kanang kamay at inilagay ang gamot doon. "Gamot ito na makakapagpagaan ng iyong nararamdaman."

"Iinumin ko ho ito, maraming salamat."Ani ko sa kanya habang nakangiti.

Ako'y inalalayan papunta sa upuan dahil ako'y hindi medyo makalakad. Nagsimula na akong kumain at uminom sa aking itinalagang gamot na aking dapat inumin. Umunang lumabas si Manang Zelda kay Binibining Helen sa silid. Kaming dalawa lamang ang magkasama sa iisang kwarto at hindi pa rin ako komportable sa kanya.

"Heleana."Tawag niya sa akin dahilan ako'y mapatingin sa kanya sa likuran. "Napaisip ka na bang namatay ka na simula pa nung una?" Agad na tanong niya habang nakangiti. Ako'y nabigla sa kanyang sinabi kaya ako'y hindi nakasagot sa kanyang tanong, tila ito'y mahirap sagutin.

"Patawad kung nabigla kita sa tanong ko."Ani niya habang nakayuko. "Alam mo bang, wala talagang buhay na nabubuhay sa mundong ito?"Tanong niya. Mas lumala ang kaba ko sa kanyang tanong. Siya'y tumingin muli sa akin at biglang nabigla sa kanyang nakita sa dahilan na tumutulo na pala ang aking luha sa kanyang harapan.

"Patawad, siguro ay iba lang ang pagkaintindi mo sa aking katanungan. Isa iyong bugtong kumbaga."Pagbibigay rason niya sa akin. Pinunasan ko ang aking mga mata na tila hindi ko alam kung bakit ito tumutulo. Parang may nakatagong mga salita sa kanyang katanungan. Para itong palaisipan kumbaga.

"Mabuti na ba ang iyong karamdaman?"Tanong niya muli. Ako'y tumango sa kanyang tanong. Siya'y napatayo at hinawakan ang aking dalawang kamay ng marahan.

"Makakaya na kaya ng katawan mong maglakad?"Tanong niya ulit.

Ako'y napatingin sa aking mga paa at tumingin muli kay Binibining Helen, inilahad niya muli ang kanyang dalawang kamay at inalalayan akong tumayo. Ako'y nagsimula sa kaunting paglakad, hinay-hinay kaming lumakad palabas sa silid. Si Binibining Helen ay natuwa sa aking resulta. Ako naman ay ngumiti, habang ako'y nakangiti ay nakita ko bigla si Asher sa di kalayuan na nakatingin sa akin. Ang aming mga mata ay nagtagpo ngunit siya'y yumuko at agad na umalis sa kanyang kinaruruonan ng mapansin ni Binibining Helen na may tinatanaw ako.

"Heleana."Tawag niya sa akin dahilan ako'y mabalik sa aking katinuan.

"Ho?"Agad kong tanong sa kanya. Siya'y tumingin sa aking mga mata ng maigi at tumingin sa aking likuran.

Wala na siya...

Tumingin muli si Binibining Helen sa akin ngunit iba na ang pressensya ng kanyang mukha. Ako'y nagtaka kung bakit siya'y natahimik. Nang kami ay nakarating sa aming kwarto ay may sinabi si Binibining Helen sa akin na nagsanhi sa aking pagtataka buong araw.