Chereads / Ang Kabiyak ni Hudas / Chapter 40 - Ang Pagbabago

Chapter 40 - Ang Pagbabago

Ako'y nagising mula sa aking pagkatulog, nakita kong mapayapa na natutulog si Asher. Tinanaw ko lang ng maigi ang kanyang mukha. Wala akong masagot sa mga tanong niya kahapon. Tila ako pa rin ay hindi makapaniwala sa mga pangyayari. Malapit nang mag-iisang buwan at malapit na rin ang huling yugto ng proseso. Ang mga gawain na isinagawa ni Hudas para sa akin ay magbubunga sa loob ng aking katawan.

Inayos ko ang buhok na tumatago sa mukha ni Asher. Ako'y napangiti, ang kanyang mukha ay may dalang malakas na tampok. Kung siya'y mabubuhay bilang isang tao sa mundo ko, sigurado akong sisikat siya sa kanyang mukha at lalong-lalo na sa kanyang katalinuhan. Aalis na sana ako sa kama ngunit itinulak ako pabalik ni Asher. Ang kanyang dalawang kamay ay nakayap na sa aking beywang. Nakaramdam ako ng halik mula sa aking leeg.

"Magandang umaga."Pagbati niya sa akin sabay ngiti at hinalikan ang aking noo.

"Magandang umaga rin sa iyo, ginoo."Ani ko sa kanya. Siya'y nagulat sa aking inasal, at nagsimulang ngumiti na para bang nanunukso sa akin.

"Bakit?"Muli kong tanong sa kanya ngunit wala akong natanggap na sagot kundi halik lamang. Ako'y babangon na sana mula sa higaan ngunit pinigilan niya ako nang higpitan niya pa ang pagkayakap mula sa aking katawan.

"Manatili muna tayong ganito."Ani niya. Kami ay nanatiling nakahiga at nakatulog muli. Di ko namalayan na unting-unti na pala akong nahuhulog sa kanya kahit na iba ang nagmamay-ari sa akin. Hindi ko alam kung saan nagsimula ngunit alam kong may tumitibok ng mabilis ang akng damdamin habang kasama siya.

Nakarinig ako ng malakas na tunog ng kampana mula sa labas, ako'y nagising ngunit wala na si Asher sa aking tabi. Hinanap ko siya sa bawat sulok ng silid ngunit wala pa rin akong nakkita na pressensiya niya.

"Asher!"Tuloy-tuloy na tawag ko sa kanya ngunit wala akong sagot na natanggap.

Ako'y lumabas sa silid at pumunta sa ibaba. Nakita ko si Binibining Helen at si Madam Miranda na nakatayo sa sala na tila ay may hinihintay. Sila'y tumalikod ng mapansin nila ang aking pressensiya. Ako'y pumunta sa kanilang kinarorounan.

"Heleana, maghanda ka na sa iyong sarili."Ani ni Binibining Helen habang hinahawakan ang aking dalawang kamay na nakangiti.

"Bakit ho?"Tanong ko sa kanya na tila naguguluhan.

"Magkakaroon tayo ng celebrasyon."Sagot ni Madam Miranda. Ako'y yumuko at binitawan ang aking kamay sa pagkahawak ni Binibining Helen sa akin. Silay nagtaka sa aking kinikilos ngunt ako'y nagpatuloy na umatras at lumayo sa kanilang dalawa.

"Celebrasyon para sa saan?"Tanong ko ulit na tila hindi ko na alam kung anong nangyayari sa mundong ito. Si Madam Miranda at si Binibining Helen ay tumingin sa salamin na makikita sa aming gilid. Ako naman ay sumunod din sa kanilang tinitignan at tumingin nito. Laking gulat ko sa aking nakikita. Ang aking tiyan ay malaki na at may tumutulo na dugo sa aking mga binti. Ako'y nakatulala sa kanilang dalawa na ngumingiti na puno nang kasiyahan habang ako'y nahihilo at nagsisimulang dumilim ang aking mga paligid.

Nang magising ako, hindi pamilyar ang silid sa aking paningin. May mga panauhin na nakapalibot sa akin. Ako'y tumingin sa aking kalagayan, ako'y nakatali na sa pissi habang nakahiga. Pinilit kong tanggalin ito ngunit ito'y hindi mawala. Nakabuka ang aking mga paa, ibababa ko na sana ito ngunit may malakas na puwersang pumipigil sa akin sa aking nais. May naramdaman akong lumalabas sa aking tiyan. Ako'y napasigaw sa sakit ng aking nararamdaman. Ito'y kagaya ng sakit na aking nararamdaman noong ako'y binabangungot ngunit mukha itong totoong nangyayari sa akin. Ang aking mga mabibigat na pawis ay tumutulo na din. Di ko maiwasan sumigaw sa hapdi at sakit na aking nadarama at hindi ko rin maiwasan na mapatulo sa aking luha na pinipigilan. May nakita akong lalake na nakamaskara na nasa tabihan ko, ako'y tumingin nito na puno ng pagtataka. Napansin kong hinahawakan niya ang aking kamay ng mahigpit at tiyan habang nakatingin sa aking labasan. Siya'y nakamaskara dahilan na di ko malaman kung sino ba talaga siya. Siya'y tumingin sa akin dahilan ako'y nagulat nang magtama ang aming mga mata. Ito'y puno ng galit dahil ito ay kulay itim. Ang mga mata lang ng panauhin ang nakita ko, ito ay kapareho ng panauhin na nakilala ko.

"Huwag kang mag-alala, Heleana. Magiging mabuti ang kalagayan mo."Ani nito na tila bang ang lamig na walang kabuhay-buhay niyang sinabi mula sa akin. Lahat ay naging malabo ng ako'y napunta na sa kahulihan ng yugto. Parang ako'y mawawalan na ata ng buhay.

Ako'y nagising mula sa aking panaginip na parang totoo, nakita kong nag-aalala si Asher habang ginigising ako. Ang kanyang noo ay puno ng pawis na tila bang puno ng kaba ang kanyang nadarama. Hinawakan ko ang noo niya at pinunasan ang mga pawis na tumutulo sa kanyang mukha. Nagulat ako nang higpitan niya ang aking kamay sa pagkahawak.

"Ika'y isang buwan na natutulog at sa loob rin ng isang buwan, ikaw ay nagdudusa sa mainit na temperatura na inilalabas ng katawan mo."Ani niya dahilan ako'y nagulat. Kitang-kita sa kanyang mga mukha ang puno ng pag-alala at pagod, pati na rin si Manang Zelda na umaalalay sa kanya.

"Paanong-"Tanong ko ngunit ako'y inunahan ni Asher.

"Hindi pa magaling ang iyong karamdaman, kailangan mong magpahinga pa, Heleana."Ani niya at humalik sa aking noo. Ako'y tatayo na sana ngunit nakaramdam akong may gumalaw sa loob ng aking tiyan.

"Ah!"Sigaw ko sa sakit na aking nadarama. Hinawakan ko ang aking tiyan at nagulat sa aking nakikita. Ito'y lumalaki na, kagaya sa aking panagnip. Ito'y hinawakan ni Asher at tumingin sa akin.

"Nagbunga na ang inyong pagmamahalan, Heleana."Ani niya na tila bang ibang Asher ang kinakausap ko ngayon. Nawala na ang kanyang karisma sa aking mga mata. Tila ako'y nanibago sa lahat. Ako'y inalayan ni Asher pabalik sa aking kama at isinigurado na mabuti na ang aking kalagayan.

"Manang Zelda, alagaan mo muna si Heleana habang wala ako sa tabi niya."Saad ni Asher. Si Manang Zelda ay tumango na tila ito'y natatakot. Nang mawala si Asher ay agad na pumunta si Manang Zelda sa akin at nagsimulang magsalita.

"Heleana, may dapat kang malaman." Saad niya na tila hindi na niya kayang itago pa sa kanyang sarili ang mga salitang nais niyang sabihin.

Nang sinabi niya ang mga salitang iyon, alam kong huli na ako sa lahat. Ngayon, kailangan kong tulongan ang mga panauhin na nasasakop sa mundong ito at lalong-lalo na, ang buhay ko. Maraming nagbago, pati na rin ang mga damdamin.