Chereads / Ang Kabiyak ni Hudas / Chapter 39 - Ang Pagtatapat Ng Damdamin

Chapter 39 - Ang Pagtatapat Ng Damdamin

Ako'y naglakad patungo sa ilalim ng palasyo, ito ay mayroong bilangguan. Ang tanging ilaw ko lamang ay ang apoy na aking dinala. Mabaho ang amoy sa ilalim at ako ay naglakad pa ng ilang hakbang papunta sa ilalim. May malaking pinto sa gitna, ito'y bubuksan ko na sana ngunit may nagsalita.

"Anong gagawin mo?"

Ako'y tumalikod, ngunit walang katao-tao sa lugar na ito. Tila ako lang at mga daga na gumagapang sa sahig ang nag-iingay. Ako'y tumingin muli sa pinto at sinubukan itong buksan.

"Hindi diyaan ang daan."

Ako'y nabigla nang may narining akong salita malapit sa aking tenga at may humawak rin sa aking balikat. Tumindig ang aking mga balahibo. Ako'y bumalik sa aking daan ngunit mukhang nawala ako. Sinubukan kong buksan ang mga pinto sa pasilyo ngunit niisa walang bumukas. Ako'y tumingin sa aking likuran at tinignan ang mga pintong pinipilit kong buksan kanina. Ako'y nagulat sa aking nakita na may bumukas na isang pinto, dahil dito ako'y pumunta sa loob nito. Ito'y sumirado sa kanyang sarili.

Ako'y naglakad patungo sa gitna ng kwarto. Nakaramdam ako ng bigat na pressensya sa aking katawan. Para itong sumasakay sa aking likuran. May tumutulo na dugo mula sa taas ngunit wala akong nakita kung ano/sino ang gumagawa nito. Ako'y tumingin sa ibaba at nagulat sa aking nakita, ito ay kapareha ng guhit sa lumang kwarto ko. Agad akong tumakbo palabas ngunit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, ito'y humihila sa aking katawan na tila di ko makita kung ano ba talaga ang pumipigil sa akin mula sa aking pagtakbo. Ako'y hindi makahinga sa aking sinapi lalong-lalo na sa aking nakita.

Ang mga kandidato ay nakapabilog sa akin habang ang kanilang mga mukha ay nakatabon ng tela. May mga dugo sila sa kanilang baba. Hind ko alam kung anong klaseng pressensya ito ngunit alam kung hindi ito pakay ni Hudas para sa akin.

Ako'y nagising sa aking bangungot at huminga ng malalim. Napansin ko ang mabibigat na pawis na tumutulo mula sa aking katawan. Ako'y nag-ayos sa aking sarili at tumingin sa orasan, alas dose pa ng gabi. Ako'y lumabas at ikinuha ang aking kagamitan. Nasa harapan na ako sa pinto papunta sa ilalim ng palasyo. Bubuksan ko na sana ito ngunit kinuha ni Asher ang aking kamay at isinarado ito muli.

"Huwag mong ituloy ang iyong binabalak."Pagbabanta niya sa akin. Iba ang inaasal niya at alam kong hindi siya sang-ayon sa aking gagawin.

"Kailangan kong gawin ito."Ani ko sa kanya at binuksan muli ang pintuan ngunit isinara niya muli ito ng pagka-inis.

"Alam mo bang may ibang klase ng mga halimaw na lumalakad sa pasilyong ito?" Inis niyang tanong. Ako'y huminga ng malalim at sinagot siya.

"Ikaw lang naman ang panauhin na nakikita ko rito at lalong-lalo na, isa ka rin naman sa mga halimaw ngunit nakatago lang ang iyong anyo bilang isang normal na panauhin." Ani ko sa kanya. Nakita kong nagulat siya sa aking sinabi at napaatras. Hindi ko inaasahan na ganoon pala ang reaksiyon niya sa aking sasabihin, at hindi ko rin alam kung bakit yung ang mga salitang lumabas sa aking bibig. Ako'y naghintay sa kanyang sagot ngunit wala akong natanggap. Nanatili siyang nakatayo sa aking harapan habang nakayuko. Ako'y huminga at nagsimulang magsalita...

"Ngunit kahit na halimaw ka, dapat tulungan mo akong makatakas dito." Pagmamaka-awa ko sa kanya habang inaalis ang kanyang kamay sa pinto. Ako'y tumingin muli sa kanya ngunit ako'y nagulat sa aking nakikita. Ang kanyang kanang mata ay naging kulay abo habang ang kabila naman ay naging kulay itim. Alam kung galit siya na kinakabahan, ngunit kung magiging kulay itim ang dalawa niyang mata ay sigurado akong mapapanganib ang buhay ko.

Ako'y umatras at tumakbo patungo sa loob ng aking kwarto. Isinarado ko ang mga pinto pati ang mga bintana. Ako'y humiga kaagad sa aking higaan at nakatabon na ang aking buong katawan sa pamamagitan ng kumot. Ako'y nakaramdam ng pagkakaiba, ako'y tumingin sa itaas ng aking dingding at sa gilid. Maling kwarto ang pinuntahan ko.

Ako'y pumunta muli sa labas at hinay-hinay na lumalakad sa pasilyo. May naring akong lumalakad sa pasilyo dahilan ako'y nagtago sa isang kabinet. Ito'y hindi tao kundi isang aso. Ako'y nagulat ng may tumulak sa akin sa may likuran habang nakatakip ang aking bibig. Ako'y nabigla nang malaman kung sino ito.

"Nasaan ako?"Tanong ko sa kanya.

"Sa silid na pinagmamay-ari ko."Ani ni Asher. Ito'y nakapalibot ng mga bintana at mga aklatan na mayroong lamesa at higaan. Nakaramdam ako ng malamig na hangin ng bumukas ang bintana. Ito'y agad na isinirado niya. Hindi pa rin nawawala ang mga kulay mula sa kanyang mga mata. Inilahad niya ang kanyang kumot at itinabon ito sa aking katawan. Kami ay umupo malapit sa bintana habang nakatingin sa buwan.

"Alam mo ba ang..."Ani niya ngunit inihinto niya ang nais niyang sasabihin. Ako'y nagtaka kung ano ito.

"Ang alin?"Tanong ko sa kanya ngunit siya'y nanatili pa ring nakayuko. Hinawakan ko ang gilid ng kanyang mukha at ngumiti ng magtama ang aming mga mata. "Pwede mong sabihin sa akin ang nararamdaman mo o kahit na ang ninanais mong sabihin mula sa akin."Ani ko sa kanya. Ang kanyang dalawang mata ay naging kulay abo, nawala ang galit na nararamdaman niya mula sa akin. Siya'y tumingin mula sa buwan at iniiwasan ang mga posibleng paraan na magtama ang aming mga mata.

"Alam mo ba ang alamat ng Sol at Luna?"Tanong niya sa akin. Ako'y napaisip sa kanyang tanong.

"Ang Araw at ang Buwan."Sagot ko sa kanya at ibinaling ang aking attensyon sa buwan.

"Kahit anong pilit nila sa kanilang sarili para sa isa't-isa, hind pa rin sila tumutugma. Sa katapusan, palagi nilang sinasaktan ang kanilang mga sarili ngunit ang dulot rin naman ng sakit na nararamdaman nila ay ang bunga rin sa kanilang pagmamahalan."Ani niya dahilan ako'y napatulala sa kanyang kuwento. Sa totoo lang hindi ko maintindihan ang kanyang nais isaad sa akin ngunit para sa akin, kung ako ay tatanongn kung ano ang naiintindihan ko sa kanyang mga salita ay

'Kahit anumang sakit ang nararamdaman niyo sa isa't-isa, may magbubunga pa rin itong nararamdaman na nagsanhi ng pagmamahalan niyo sa isa't-isa.

"Ang ating mga mundo ay hindi sumasang-ayon, Heleana."Ani niya dahilan ako'y nagtataka sa kanyang sinabi. "Patawad." Ani niya muli na puno ng kalungkutan. Ang kanyang mga mata ay sumisilaw kagaya ng silaw ng buwan. Ito'y maganda tiganan ngunit may kadliman itong bumabalot sa kanyang katauhan.Di ko namalayan na ang bilis na pala ng nangyayari sa amin, pati ako ay naguguluhan na din sa aking sarili.

"Pagmamahal ng isang kabiyak ang nararamdaman ko sa iyo, Heleana." Ani ni Asher dahilan nang ako'y mas nagulat pa sa kanyang sinabi.