Chereads / Ang Kabiyak ni Hudas / Chapter 36 - Ang Kuwento

Chapter 36 - Ang Kuwento

"Heleana, kamusta na ang kalagayan mo?"Agad na bungad sa akin ni Asher sa aking pagkagising.

"Anong nangyari?"Agad kong tanong sa kaniya.

"Ika'y biglang nawalan ng malay habang tayo'y nakayakap sa isa't-isa sa silid."Ani niya dahilan ako'y mabigla. Nagsimula akong napa-isip sa mga nangyari kanina.

"Heleana?"Tanong ni Asher dahilan ako'y mabalik sa aking katinuan. Ako'y lumabas ka agad sa aking silid at tinignan ang labas kung wala ba akong makikitang panauhin ngunit...mayroong mga taong nakapalibot sa akin.

"Heleana?"Tanong ni Manang Zelda sa akin. Pati siya ay naguguluhan sa aking mga inaaksiyon. "Mabuti na ba ang iyong kalagayan?"Tanong niya ulit, ako'y napaatras at hinawakan ang aking ulo dahil ito'y sumasakit sa di malamang rason.

"Heleana!"Sigaw ni Manang Zelda dahilan na mapukaw lahat ng attensyon sa amin. Agad kong nakita si Asher na tumatakbo patungo sa akin. Binuhat niya ako kaagad at pinunta patungo sa aking kwarto. Nang ibinaba niya ako sa aking kama ay siya'y umupo sa upuan malapit sa akin. Malapit na ang gabi ngunit hindi pa rin siya umaalis sa aking tabi.

"Hindi ka pa ba aalis?"Tanong ko sa kanya.

"Magbabantay ako."Sagot nito habang ibinabahala ang kanyang attensyon sa pagbabasa sa mga libro.

"Huwag kanang mabahala, si Hudas na ang magbabantay sa akin." Ani ko. Tumahimik ang silid, akala ko ay sasagot siya.

"Hindi mo ba ako naririnig?"Tanong ko sa kanya. Ako'y nainis sa kanyang inaaksiyon na para bang wala siyang naririnig o wala siyang nakikita sa kanyang harapan. "Ang sabi ko, si Hudas na ang magbabantay sa akin!"Sigaw ko sa kanya dahilan siya'y tumingin ng matalim sa akin at ibinaba ang kanyang libro.

"Maraming ginagawa na tungkulin si Hudas. Alam mo bang, dadating lang siya sa iyo kapag kayo'y gumagawa ng bunga sa inyong pagmamahalan?"Agad na sagot niya dahilan ako'y mawalan ng mga salita na aking sasabihin sana sa kanya. Siya'y tumayo sa kanyang kinatatayuan at agad na tumabi sa akin sa paghiga. Itinulak ko siya ngunit hindi makaya ng lakas ko ang pagkayakap niya sa aking katawan.

"Ano ba! Alam mo bang malaking sala ang ginagawa mo?!" Agad na tanong ko sa kanya dahilan siya'y mapatawa.

"Hindi mo alam ang mga kahulugan na iyong ibinubuga sa iyong bibig."Ani nito at mas yinakap pa ako ng mahigpit. Ako'y namula sa pagkakita ng kanyang mukha malapit sa akin.

"Kaakit-akit tignan hindi ba?"Tanong niya dahilan ako'y tumingin pababa sa kanyang dibdib.

"Ika'y isang pambihirang babae ngunit alam mo palang mahiya."Ani nito dahilan ako'y nakaramdam ng hindi pagkakomportable sa kanyang ginagawa. Ako'y tumahimik at tumingin sa ibang direksyon kung saan hindi kami magkatinginan. Ramdam ko ang kanyang mga kamay na nakabalot sa aking tiyan na bahagi.

"Hindi ka ba mapaparusahan ni Hudas sa iyong ginagawa?"Tanong ko sa kanya.

"Alam mo bang marami na siyang babaeng ginagalawan?"Tanong nito ulit.

"Oo, alam ko."Sagot ko sa kanya.

"Paano mo nalaman?"Agad na tanong niya dahilan ako'y nabigla sa kanyang tono dahil para itong nadismaya sa aking sinabi.

"Sa mga kuwento."Sagot ko sa kanya. Ako'y tumingon sa kanya muli. "Sa mga kuwento noong bata pa ako."

"Ano naman ang nilalaman ng kuwentong narinig mo?"Nagtatakang tanong niya. Ako'y ngumiti at tumingin sa itaas ng bobong.

"Ang kuwento ay tungkol sa batang babae na may masamang ugali, dahil sa kanyang masamang ugali na akit niya ang mga demonyo lalong-lalo na si Hudas-"Kuwento ko ngunit pinutolan ako ni Asher sa pagsasalita.

"Kaya pala nagkagusto si Hudas sa iyo."Palabirong ani nito. Agad ko naman siyang sinapak dahilan siya'y mahinto sa kanyang pagtawa.

"Nang naakit niya ang mga demonyo, nagkaroon siya ng kapangyarihan at siya'y parang naging reyna ni Hudas. Pagkalaki niya, akala niya nasa kanya lang ang lahat ng attensyon nila ngunit nagkamali siya...isa lang pala siyang paon sa kaligayahan at kapanyarihan ng kadiliman."Kuwento ko muli.

"Ang panget naman ng kuwento mo."Ani nito pabalik, ako'y nadismaya sa kanyang sagot.

"Hindi kaya!"Sagot ko pabalik sa kanya.

"Ang layo-layo ng kuwento mo sa sinabi ko."Ani nito dahilan ako'y mapatingin sa kanya.

"Ang ibig kong sabihin sa kaligayahan at kapangyarihan ay ang ibang babae. Pareho lang kaya iyon, pareho lang silang ginagamit."Ani ko sa kanya. Muli kaming natahimik at nanambalik sa aming hindi pagkakomportable sa isa't-isa.

"Naaalala ko ang mga salita na iyong sinabi kanina."Ani ko dahilan siya'y mapatingin muli sa akin.

"Alin doon?"Agad na tanong niya.

"Na ipapakilala mo ng lubosan ang iyong sarili sa akin."Ani ko at ngumiti. Siya'y napaisip muna bago magsalita.

"Magka-iba kami ng ina ni Heros, hindi rin kami nagkaka-unawaan paminsan-minsan. Siya'y mas matapang kesa sa akin. Ako'y mahilig magbasa ng libro at mahilig rin ako maglakbay. Hindi ako madaling mapalapit sa kalooban ng bawat isa na aking nakikilala, kahit na si Heros at ang aking ama."Ani niya ng malungkot.

"Bakit naman?"Tanong ko sa kanya.

"Dahil ako'y kakaiba sa kanilang lahat. Ibang-iba ako dahilan nang ako'y ibinabalewala nalang." Ani nito. Ang kanyang mga mata ay naging kulay abo muli. Siya'y umahon sa pagkahiga at tumingin sa akin.

"Naaawa ka rin sa akin kagaya ni ina." Ani niya sa akin. Alam kong siya'y natatakot at nangangamba. Ako'y umahon rin sa aking pagkahiga at yinakap siya.

"Huwag kang magbigay awa sa akin dahil lahat sila ay naamamatay."Ani nito dahilan ako'y mabigla sa kanyang sinabi, tinignan ko siya sa kanyang mga mata, wala siyang kabuhay-buhay. Hinawakan ko ang tagiliran ng kanyang mukha.

"Huwag kang mag-alala, hindi ako mawawala." Saad ko. Kami ay nagkatinginan sa isa't-isa, niisa sa amin hindi alam kung anong gagawin namin sa sumusunod na hakbang. Ang emosyon na aming nararamdaman ay nagdudulot sa isang sala na di namin inaasahan.

"Asher, mali ito." Pagpipigil ko sa kanyang inaasahang gagawin sa akin.

"Huwag kang mag-alala Heleana, magiging marahan ako sa iyo." Ani niya sabay halik sa aking mga labi.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat naming gawin, kung magpapatuloy ba kami o hindi. Naguguluhan na ang aking isipan sa mga pangyayari hindi naman namin ito inaasahang gawin, sapagkat kami ay nadala lamang sa aming emosyon. Hindi naman siguro maling magmahal ng iba, hindi ba?