Chereads / IN PAPA BEAR'S ARMS (MSV) / Chapter 6 - CHAPTER SIX

Chapter 6 - CHAPTER SIX

Hindi makapaniwala si Nick sa naabutan. Chi-chi was practically killing his children! Bigla ang pagsulak ng dugo sa ulo niya ng makitang sinasakal ng dalaga ang mga anak. His twins are his life. Hindi niya kailanman mapapayagan ang sinuman na masaktan ang mga anak. Mga anak. Kahit pa kasing ganda at kasing sexy ito ni Chi-chi! That little witch.

He sighed. Ano na ngayon ang gagawin niya? Obviously, nasaktan si Chi-chi sa mga nasabi niya. At siguradong ayaw ng makita ng kambal ang dalaga. Damn! He shouldn't have let the woman stay in the first place!

"Are you okay?" he worriedly held his twins.

"I'm fine daddy." Shin dramatically answered.

"I don't wanna see that woman ever again!" galit na sabi ni Shan.

"I hate her! She almost killed us!" segunda ni Shin.

"I know. Come on, let's go back to your rooms." Ang tanging nasabi ni Nick.

Chi-chi is nowhere in sight. Nagtatakang hinanap ni Nick ang dalaga, ngunit wala ito sa loob ng bahay. Where is she? He sighed.

Tinungo niya ang banyo. Baka naroon ito. He was about to go pass through Shan's room when he heard Shin's giggle. Nagtatakang sumilip siya sa pinto.

"You're plan is so great!" ani Shin.

"Of course, I know it would work. See? The witch is probably out by the woods now. Kakainin siya ng mahiwagang bear and she'll never come back again!" Shan giggled.

"But, don't you think that what we did was wrong?" parehong natigilan ang mga bata.

"I somehow felt guilty. She tried her best not to hurt us." Pagkunwa'y sabi ni Shan.

"Yeah, you should really feel guilty of what you did."

Gulat na napalingon ang kambal sa pinto. At mas lalong nagulat ang kambal ng makita ang galit na mukha ng ama.

"What you did was wrong. Ganyan ba ang itinuro ko sa inyo?" lumapit si Nick sa kambal.

"D-daddy." Biglang napaiyak ang dalawa.

"It's alright honey, daddy's not angry. I'm just disappointed of what you did." Niyakap niya ang mga anak.

"I'm sorry daddy." Humihikbing saad ni Shin.

"Hindi kayo sa akin dapat na humingi ng sorry."

Natigilan ang kambal. Pagkunwa'y sabay na napayuko.

Malungkot na napahawak si Chi-chi sa tiyan. Gutom na siya. Hindi naman siya nakakain ng breakfast kanina dahil sa inis sa mga panlalait ng kambal sa luto niya. She sighed. Wala na siyang mapupuntahan ngayon.

Malungkot na napaupo siya sa isang bato malapit sa waterfall—kung saan siya unang nagising at tumayo bago niya natagpuan ang bahay ni Nick. Back to square one. Iisipin na lang niyang isa siyang cast away at walang ibang kasama sa lugar na iyon. Kunwari ay wala siyang nakitang bahay na may nakatirang isang mayabang na Papa Bear at makukulit na baby bears.

Siguro naman ay may iba pang nakatira sa lugar na iyon at hindi lang ang pamilya Bears na yun. Hindi siya susuko! Inis na tumayo siya. Ngunit para lang pala muling mapaupo. Bigla ang pagsakit ng paa niya. Noon lang niya napansin ang namamaga niyang kanang sakong. Marahil ay dahil iyon sa pagbagsak niya ng tumalon siya mula sa waterfall.

Napaiyak siya. Ano'ng klaseng buhay meron siya? Desperadang napahiga siya. Hindi na niya napigilan ang sariling sumigaw dahil sa sobrang inis. Parang baliw na nagkaka-kawag siya sa lupa. Ilang ulit pa siyang sumigaw. Mas lalo siyang napaiyak.

"The witch has gone crazy, how sad."

Ang komentong iyon ang ngpatigil sa pagnguyngoy ni Chi-chi. Gulat na napatingala siya sa lalaking nakangisi. Si Nick!

"What are you doing here?" galit na baling niya rito. Umayos siya ng upo.

"I was looking for woods when I heard some witch's scream." Amused na sabi nito.

"Shut up!" pasimple niyang pinunasan ang luha.

"Ano'ng ginagawa mo rito? It's past lunch time. Hindi pa ako kumakain. Shouldn't you be cooking for lunch now?"

Awang ang labing napalingon siya rito. Naka-upo na rin ito sa tabi niya. He wasn't looking but she bet he's smiling. Napalabi siya.

"You practically shoved me away from your home." Umirap siya.

"I didn't."

"Whatever." Sinubukan niya ulit tumayo, but to no avail. Muli siyang napaupo. Napapikit siya sa sobrang sakit. Bakit ba ngayon lang niya naramdaman ang sakit niyon? Bakit hindi na lang kahapon o kagabi? Damn!

"Are you alright?" mabilis siyang dinaluhan ni Nick.

"Don't touch me!" pumiksi siya.

"What's wrong?" walang paki-alam na sinuri ni Nick ang mga paa ni Chi-chi. Nakita nito ang namamagang sakong niya.

"Ouch! Wag mo sabi akong hawakan e!"

"Don't move. Kung ayaw mong mas lalong lumala ang pamamaga ng paa mo."

"Ano bang pakialam mo kung mas lalong mamaga yan? E diba nga yan naman ang gusto mo? Ang mawala ako? Edi magsaya ka na! Siguradong hindi na ako—"

"Shut up! Wag ka na ngang maarte. Ikaw na itong tinutulungan ikaw pa itong mareklamo. I'm taking you home."

I'm taking you home. Chi-chi was moved. Home? Bakit pakiramdam niya ay bigla siyang nakaramdam ng kung anong init mula sa kanyang puso ng marinig iyon mula kay Nick? Napailing siya. He was just guilty. Tama, guilty lang ang osong ito kaya siya tinutulungan ngayon!

"I'm not coming. Just leave me alone!" itinulak niya ito.

"Masyado kang maarte!" napasigaw si Chi-chi ng bigla siyang binuhat ni Nick.

"Put me down you brute! Put me down!" nagpupumiglas na sigaw niya.

"I said I'm taking you home. Ayokong dalawin ng multo gabi-gabi kaya iuuwi kita at gagamutin ko yang paa mo. So you'd better stop moving or else..."

"Or else what?"

"Ihuhulog kita."

"Walanghiya ka talaga!"

"Ayaw mong tumigil? Ihuhulog talaga kita!"

Napipi si Chi-chi. Walang nagawa kundi ang sumunod kay Nick.

"Why are you doing this? I mean, siguradong ayaw na akong makita ng mga bata."

"Why? Dahil sinakal mo sila?"

"Well, baka lang natrauma sila." ang tanging nasabi niya. Bakit kaya hindi niya magawang sabihin rito na pakana ng mga bata ang nangyari sa banyo? Mas gugustuhin pa ba niyang pag-isipan siya nito ng masama kesa ang malaman nito ang kalokohan ng kambal?

"Bakit, totoo bang sinakal mo sila?"

"It doesn't matter whether I really did that or not. Tapos na iyon. Tutal naman ay nahusgahan mo na ako, just let it be."

Nagulat si Nick. Napatingin siya kay Chi-chi na hindi magawang makatingin ng diretso sa kanya. Bakit hindi nito kayang ibuko ang kalokohan ng mga anak niya? He was pleased. So, hindi talaga ito masama. Napangiti si Nick.

Katahimikan.

"Where's your wife?" biglang natanong ni Chi-chi. She couldn't stand the silence. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. Lalo na't buhat buhat siya ni Nick.

Napatingin si Nick sa kanya.

"I don't have a wife."

Gulat na napatitig si Chi-chi rito. "She's dead? Oh, I'm sorry to have brought that up. I didn't know." Nagyuko siya ng ulo.

"It's ok. Matagal na iyon." Bigla ang pagdilim ng anyo ni Nick. At hindi iyon nakaligas sa matalas na mga mata ni Chi-chi. Kaya hindi na niya itinuloy ang pag-usisa sa dahilan ng kamatayan ng asawa nito.

"Bakit naman sa dinami-dami ng pwedeng pagpatayuan ng bahay eh dito pa sa cursed forest ninyo naisipang tumira?" sa halip ay tanong niya.

"This place isn't cursed in the first place. Tao lang ang gumagawa ng kwento para takutin ang mga sarili nila. At tsaka sira-ulo lang ang maniniwalang may nakatirang mahiwagang oso sa lugar na ito." Natatawang sabi ni Nick.

"So, ano'ng gusto mong palabasin? Na sira-ulo ako?" napasimangot siya.

"Naniwala kang may oso talaga sa lugar na ito?" mas lalong lumakas ang tawa nito.

"Pwede ba, huwag mo akong pagtawanan!" galit na tinampal niya ang braso nito. "Oh well, mukha namang hindi lang kwentong barbero ang tungkol sa mga mahiwagang oso."

"Bakit, may nakita kang oso?"

"Oo, isang malaki at mayabang na Papa Bear, kasama ang dalawang makukulit at kasing sama ng ugali niyang baby bears!"

"E di ang gwapo pala ng Papa Bear na sinasabi mo?" napangisi ito.

"Ang kapal talaga ng mukha mo!" walang patid na tawa ang isinagot ni Nick rito. Sa unang pagkakataon ay nakitawa rin si Chi-chi.