Chereads / IN PAPA BEAR'S ARMS (MSV) / Chapter 4 - CHAPTER FOUR

Chapter 4 - CHAPTER FOUR

Napa-hatchoo si Chi-chi when something hairy caught her nose. Inis na hinawakan niya ang ilong. Pinilit niyang ayusin ang pagkakahiga. She wanted to sleep...to have more sleep. Ngunit bigla namang 'yung tenga niya ang nangati. Tinakpan niya ang tenga. Then the intolerable feeling of itchyness went back to her nose. Hinagilap ng kamay niya ang unan, planning to cover up her head. Pero natigilan siya ng wala siyang mahagilap kahit isa.

Sumunod na naramdaman niya ay ang paggapang ng kung ano sa hita niya. In an instant, she thought it was a snake. A snake??!! Napahintatakutang napabalikwas siya at napabangon. Ang lakas ng sigaw niya. Only to see the two baby bears laughing like little devils in front of her. Hawak ng batang lalaki ang isang balahibo ng manok samantalang isang sintas ng sapatos naman ang hawak ng batang babae.

"Damn it! Get out of my sight!" pagtataboy niya sa mga ito. She hated to know that those little bears interrupted her sleep and played with her! Konti na lang at masasakal na talaga niya ang mga bata!

"You should be the one leaving this place. You aren't welcome here." Sagot ng atribidang batang babae.

"Aba't, sumasagot ka pa?" she hissed. Kumukulo talaga ang dugo niya sa mga bata.

"Of course, we have mouths. A witch like you will never be allowed to stay here. So you'd better be out of our house before daddy comes back!" anang batang lalaki.

"Witch? Sa ganda kong ito, tinawag mo akong witch? You are just like your father! You've got no taste in women!"

"Duh! If you'd just seen our mom, i bet you would never have the guts to say that."

"Like duh! Then you're mom is a blind pathetic girl who was poisoned by your beastly father!"

"You really are a witch to say that. You talk bad." anang batang babae. Tila nandidiring pinagmasdan pa siya nito.

A witch? She tried to picture herself in her mind. Kahit naman walang suot na make-up ay likas ng maganda ang kanyang mala-anghel na mukha. Even with the oversized t-shirt she was wearing, bulag lang ang magsasabing hindi siya sexy sa suot niyang iyon. Then she saw her reflection from the t.v. screen.

Her long and naturally curly hair was tossed like it was some weird wig of a crazy old woman that is usually found in the streets. Then she noticed her fingernails—they were painted black. Napatingin siya sa kanyang tenga—andaming hikaw. Well, peke naman talaga ang mga hikaw niyang iyon, she just wore them to despise Hajii on their wedding day.

Her eyes still had the dark eyeliner she used to wear to make her round eyes look small, ngunit ngayon ay nakakalat ang mga iyon sa palibot ng kanyang mga mata. Noon pa man ay pangarap na niyang maging singkit, just like her mom. Too bad she got her eyes from her abuelo.

"How dare you talk to me like that! Hindi ba kayo tinuruan ng daddy niyo kung paano gumalang sa mas nakakatanda sa inyo?" napapahiyang tumalikod siya. Trying to hide the redness of her face.

"Yeah right, you are some old witch." Sabad ng boses na iyon mula sa likuran niya. Gulat na napalingon siya. There she saw the brute in his white sando and short pants. He looked handsomely refreshing.

"Shin and Shan, you say sorry to this "old woman"."

Bagama't ayaw sumunod ay napipilitang nagsorry pa rin sa kanya ang dalawang bata. Pagkatapos ay ibinato sa kanya ang mga hawak nilang balahibo ng manok at sintas ng sapatos sabay takbo palabas ng bahay. She even heard their tiny giggles. Na ikinainis niya ng bonggang bongga!

"Sino ang old woman? Kagabi ka pang walanghiya ka! I'm only twenty five for pete's sake!" galit na binalingan niya ang lalaki.

"Whatever." He said. Naglakad ito patungo sa kusina. Sumunod si Chi-chi rito. Bigla siyang nakaramdam ng gutom. She sat down on one of the chairs in the dining table. Napansin niyang malinis na ang kusina. Wala na rin ang puro putik niyang mga yapak sa sahig at tiyak niyang malinis na rin ang banyo at mga kwarto nila. Napangisi siya. Pagkunwa'y biglang nagkalambong ang kanyang mga mata.

She remembered Yaya Mani. Lagi nitong sinusundan ang bawat galaw niya. She'll mess up everything but Yaya Mani will clean it all. She never told Yaya Mani how much she loved her. Itinuring na din niya itong pangalawang ina dahil ito na ang nag-alaga sa kanya simula ng mamatay ang mga magulang niya, kagaya ni Mang Estong na itinuturing niyang parang ama. Sa lahat ng tao sa buong mundo, sina Yaya Mani at Mang Estong lang ang pinagmalasakitan niya. Ang dalawang iyon lamang ang nakakaalam ng nakatagong kabaitan niya. She sighed. Somehow she missed home.

"Don't sit there like a princess waiting to be served for breakfast. May atraso ka pa sakin." Putol nito sa pagmumuni-muni niya. Funny, but she had been talking and have been arguing with this man for many hours now but she still doesn't know his name. Mabuti pa 'yung dalawang bata, alam niyang sina Shin at Shan ang mga iyon.

Sinimagutan niya ito.

"I cleaned the house, dahil imbes na maglinis ay tinulugan mo lang iyon kagabi. I can't stand mess you know."

"That's nice." She complimented.

"Yeah, but it would be nicer if you'd cook breakfast now. Gutom na kami ng mga bata." anito sabay naglabas ng apron at ibinigay iyon sa kanya.

"What?" nagtatakang pinagmasdan niya ang apron sa harap niya.

"Naisip ko lang, since you emotionally black mailed me last night. I can't really let you go wandering in this forest alone."

"W-why thanks!" napalundag ang puso niya. Something's fishy. Naniningkit ang matang inantay niya ang "but" sa sasabihin nito.

"But of course, hindi ka isang bakasyunista sa bahay na ito. I will be your boss. I'm taking you in ONLY if you'll agree to be my girl friday and be my children's nanny."

"W-whaaaaaat??!"

************

Hindi lubos maisip ni Chi-chi na darating ang araw na siya naman ang magsisilbi sa iba. She was the princess! The boss! How dare he call her a girl friday and a nanny? Oh dammit! And a nanny to those little bears? She'll be damned if she'd agree on that crazy idea!

"It's no way I'm gonna take that apron and cook for breakfast!" tumayo siya.

"Okay then, feel free to leave this house. Huwag mo sanang isipin na hindi ko ninais na tulungan ang isang "nangangailangang" tulad mo."

Natigilan siya. Kitang kita niya ang ngisi ng mokong! He's trying to throw her out of the house. And he'll win if she'd leave the house. Urgh! What should i do now?

"Now what? Mamili ka, ang magluto o magutom sa labas?"

"Mas gugustuhin ko pang magpakagutom sa labas kesa ipagluto ka at ang kambal mong baby bears!"

"Baby bears?" amused na tanong nito.

"Whatever. Basta, I'm leaving and I promise to visit you every night, kapag multo na ako!" nagmartsa siya palabas ng kusina. Sumunod naman si Nick.

"If that's the case, say hello to the monstrous bears for me. Siguradong gutom na ang mga iyon. Naku, pag gabi pa naman eh grabe, nakakatakot sila." Iiling-iling na sabi nito.

"Hindi ba't kausap ko na ngayon ang hari ng mga nakakakilabot na bears sa gubat na ito?" nakataas ang kilay na baling niya rito.

"Oh well, I rest my case. I guess I'll just have to pray for your safety."

"Hoy, wag mo nga ako takutin!" asik ni Chi-chi. He's playing with her.

"Hindi kita tinatakot 'no. At hindi hoy ang pangalan ko. It's Nick."

"Okay fine Nick, wag mo ako takutin dahil hamak na mas nakakakilabot ka at yang kambal mong bears!! Kayo ang isinumpa at hindi ang lugar na 'to!"

Ang tumataginting na halakhak ni Nick ang pumuno sa buong kabahayan.