Chereads / My Two First Kiss / Chapter 19 - Chapter 18

Chapter 19 - Chapter 18

Maayos kaming nakapag discharge palabas ng hospital, napapatingin sila sa akin dahil sa bitbit kong unan.

Ngayon lang ba talaga sila nakakita ng nag uuwi ng unan galing sa hospital?

Pagsakay ko ng kotse ni Xi ay agad din niya itong pinaandar. Mabuti na lamang at nakasakay kami agad dahil kung hindi ay nabasa na kami ng ulan.

Nakaupo ako sa passenger seat at napatingin sa labas ng bintana, mabilis na nagsipulasan ang mga tao papasok sa hospital para makasilong.

"May bagyo ba?" tanong ko kay Xavier.

"Maybe?" sagot niya sa akin.

Malamang Gabriela di niya alam, ikaw nga di mo alam siya pa kaya.

Dahil sa katahimikan ay naisip kong magpatugtog gamit ang cellphone ko.

"Andiyan ka na naman ba't di ko maiwasan..." sabay ko sa kantang 'Nadarang'

"You really have a weird music preference." Dinig kong sabi niya na diretso ang tingin sa daan habang nagdadrive.

"'Yan ang in ngayon sa kabataan," paliwanag ko.

"You're playing it because it's in and not because you like it?"

"Hindi ganun' yon, palitan ko na nga lang."

Ayoko na magpaliwanag pa kaya pinindot ko ang playlist ko ng songs ni Ed Sheeran. Una tumugtog ang makasaysayang ' Thinking out loud'.

"So baby now, Take me into your loving arms, kiss me under the light of a thousand stars...Oh darling, place your head to my beating heart I'm thinking outloud. Then maybe we found love right where we are Oh baby we found love right where we are..." Feel na feel ko ang pagkanta ko kahit pa malakas ang ulan, wala akong pakeelam kung naririnig ni Xi ang boses ko.

"And we found love right where we are..." dinig kong kanta ni Xi.

Napalingon ako sa kanya, saglit siyang sumulyap sa akin at agad din binalik ang tingin sa daan.

"What? Am I not allowed to sing along?" takang tanong niya.

"Hindi naman, bawal magulat?"

"Akalain mo 'yun may boses ka pala," pag-amin ko.

"We all have unless you're mute."

Sabi ko nga di ba? Savage!

Nanahimik na lang ako at nakinig sa kanta hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay namin. Di pa rin tumutigil ang malakas na buhos ng ulan.

"Do you have an umbrella?" tanong niya sa akin.

"Wala ehh," sagot ko.

"I guess you have to run then," sabi niya.

You? Ano 'yun aalis na agad siya?Kahit pa naka kotse siya ang lakas ng ulan mamaya bumaha ma-stranded pa siya.

"Anong you? tayong dalawa ang tatakbo papunta sa bahay namin."

"Why?" Salubong ang kilay na tanong niya.

"Anong why? Bulag ka? Ang lakas ng ulan mamaya bumaha ma-stranded ka pa. 'Wag kang mag-alala wala akong balak sayo," paglilinaw ko sa kanya.

"Okay."

Ganun lang yun? Di na siya makikipagtalo?

Paglabas namin ng kotse niya ay nagmadali kaming tumakbo hanggang sa makarating kami sa harap ng pintuan.

"Hurry up! Open the door," Reklamo niya, pareho na kaming nababasa ng malakas na ulan.

"Asan na ba yun?" Panic na tanong ko. Habang hinahalughog ang bag ko.

"Give me your id," utos niya sa akin.

"Ha?" pun ng pagtatakang tanong ko.

"Don't ask, just give it."

Bakit galit agad to? haay..

Kinuha ko ang id ko at iniabot ko sa kanya. Pinanood ko ang ginagawa niya sa pinto gamit ang id ko. Ilang saglit lang ay nabuksan na niya ang pinto ng bahay namin. Agad kaming pumasok sa loob nito.

Pareho nang tumutulo ang tubig ulan mula sa damit namin pababa sa sahig.

"Saan mo natutunan yun Xi?" manghang tanong ko.

"It's the first time I did it," sagot niya.

Nakuha ko agad ang sinabi niya, napakagifted naman niya first time niyang gawin 'yun pero di siya nahirapan.

"Wow talented!"

"Actually robbers will get in here easily. You should upgrade your door lock," sabi niya habang winawagwag ang tubig sa kanyang buhok.

"Lagot sila kay Goofy 'pag ginawa nila yun," mayabang na sagot.

Walang anu-ano'y nagtago siya sa likod ko. Parehong nakapatong ang mga kamay niya sa likod ng balikat ko. Akala mo naman di siya makikita ehh ang laki-laki niya.

"Damn it! I totally forgot you have a dog," nag-aalalang sabi niya.

"H'wag mo nga murahin ang aso ko. Feeling ko wala siya rito at nasa kapit-bahay."

"That's good news." Napabuntong hininga siya at inalais ang nakapatong niyang mga kamay sa balikat ko.

"Ewan ko sayo, kalalaking tao takot sa aso," bulong ko.

"What did you say?" tanong niya.

"Wala sabi ko diyan ka lang, wag ka aalis."

Bago pa siya makasagot ay umakyat na ako sa kwarto ko. Kumuha ako ng tuwalya sa kabinet ko at pumasok din ako sa loob ng kwarto ni kuya at naghanap ng pajama na di niya na ginagamit. Pagkatapos ay bumaba na ako patungo sa sala kung saan ko iniwan si Xi pero di ko siya nadatnan doon.

Ang impakto nilayasan na ata ako.

Sinilip ko sa bintana ang kotse niya para masigurado kung nilayasan nga ba niya ako, andun pa naman ito. Walang anu-ano'y lumabas siya mula rito. Tumakbo siya pabalik sa bahay namin at pumasok.

"Anyare? Anong ginawa mo dun?" Tanong ko sa kanya.

"I just get some stuff?" sagot niya sa akin, saka ko napasin na may hawak na siyang maliit na bag.

"Basang-basa ka na, maligo ka na. May CR dun malapit sa kusina." Sabi ko sa kanya at saka inabot ang towel at damit na hawak ko sa kanya.

"You too," sabi niya. Tinalikuran na niya ako at nagtungo sa CR.

Ako naman ay umakyat na rin patungo sa kwarto ko may sarili naman akong banyo roon. Pagkatapos ko maligo at makapagbihis ay bumaba na ulit ako sa sala.

Ang impakto di pa rin lumalabas ng CR kaya nagtungo sa labas ng pintuan nun para katukin siya.

"Xi! Kamusta diyan? Nalunod ka na sa inodoro?" pabiro kong tanong sabay katok sa pinto.

Bigla na lamang niyang binuksan ang pinto, Muntik na akong masubsob sa dibdib niya. Wala siyang suot kundi ang tuwalyang nakatapis sa bewang niya. Napalunok na lang ako.

Siyempre imagination ko lang yun.

Langya! Mga kalokohan ko talaga.

Binuksan niya ang pinto at tumambad sa akin ang Xi na nakasuot ng t-shirt at pajama.

Humakbang siya palabas ng CR at isinara iyon. Pinupunasan niya ang buhok niya gamit ang puting towel.

Para siyang si Jiang Chen ng A love so Beautiful, yung puso ko. Pero di ko type si Jiang Chen dahil Wu Bo Song pa din! Pero ang gwapo talaga ng impaktong ito.

"Don't stare at me like that and stop drooling." Napapailing na sabi niya sa akin sabay naglakad at nilagpasan ako.

Teka? Ano ba itsura ko? Tumulo ba talaga laway ko?

Napahawak ako sa gilid ng bibig ko.

Wala naman ahh. Nakakahiya ako, Gabby dalagang Pilipina ka 'wag malandi okay?

Sinundan ko na lang siya papuntang sala. Pagdating ko roon ay naka-upo na siya sa sofa at may kausap sa phone. Napalingon siya sa akin ng umupo ako sa dulo ng sofa.

Sino na naman kaya kausap nito?

"Okay bye," dinig kong sabi niya at binaba ang phone niya at nilagay sa side table.

"Sinong kausap mo?" pang-uusyoso ko.

"Migz, your brother," casual na sagot niya.

"Ahhh ... okay." Wala sa sariling sagot ko.

"Ha, Bakit mo kausap ang kuya ko?" tanong ko nang marealize kong kausap niya si kuya.

At bakit parang close ata sila.

"I told him that you're already home with mo so he don't have to worry. He  said that he won't be home tonight because of the flood." Kalmadong kwento niya.

"What?" Pasigaw na tanong ko dahil sa gulat.

Ibig sabihin kaming dalawa lang dito sa bahay ngayong gabi? Alam ko namang di attracted sa akin ang lalaking ito at wala siyang masamang gagawin. Pero nakakakaba pa rin kasi first time 'tong mangyayari sa akin.

"Should I be worried staying here with you?" tanong niya.

"Ha, bakit?" takang tanong ko.

"We both know what you're capable of when you're drunk." Naka-smirk na sabi niya.

Nakuha ko naman agad ang ibig niyang sabihin.

"Sira ulo! Kapal ng mukha mo. Kaya nga lasing di ba? Saka wala akong balak uminom at lalong wala akong balak gahasain ka! Assuming mo Xi! Sapakin kita diyan ehh," sigaw ko sa kanya.

"You're being so defensive Silang." Pigil ang tawang sabi niya.

"Ganun talaga para di ka mag-assume." Ismid ko sa kanya.

"You look like Pumba when you're mad." pang-aasar pa niya.

Ihalintulad ba naman ako sa baboy-ramo sa Lion King.

"You look like Timon when you smile." bawi ko sa kanya.

"Don't you like it when I smile," tanong niya.

"I don't like the reason behind your smile," inis na sagot ko sa kanya tsaka ko siya sinimangutan.

"You're the reason why I smile." seryosong sabi niya.

Gabriela! Don't take it seriously okay. Nantitrip lang 'yan' wag assuming okay.

"Utot mo Xi!" sigaw ko sa kanya.

"What?" kunot noong tanong niya.

"I didn't fart." Nagtatakang sabi niya.

Minsan slow din 'tong impaktong 'to ehh.

"Abnormal ka! Magtagalog ka na nga lang," iritang sabi ko.

"Sige."

Ewan ko talaga sa impaktong ito.

"Gusto mo manood ng movie?" tanong ko sa kanya.

"Sige, the weather is good for a Horror Movie."

"Yung totoo? Akala ko ba di ka adik ka sa horror movies?"

"I just like watching one, right now." sagot niya sa akin.

"Sige manood tayo ng RomCom," sabi ko naman.

"What?"

"What ka diyan, manood ka na lang." utos ko sa kanya.