Hindi ako ganun kaaga dumating sa office andun na ang mga katrabaho ko nang pakapasok ako sa department namin. Gaya nang nakauagalian nila ay nagkikwentuhan sila habang wala pang oras nang tarabaho.
"Magpapa-welcome party daw para kay Nick." Excited na bulungan nila.
Napailing na lang ako sa narinig at nagdirediretso papasok sa opisina namin ni Xi. Pagsok ko ay ay saka ko napansin na patay pa ang ilaw sa working area kay ako napasilip roon.
Himala, di siya pumapasok.
Paggising ko kaninang umaga ay wala na silang dalawa ni Nick sa bahay, ngayon naman ay di siya pumasok. Ano kaya ang nangyari dun? Dahil curious ay agad ko siyang tinext.
07: 38
Di ka papasok?
Friend kong Impakto
No, I'm quite busy.
Me
Okay.
Ano ba naman 'tong impakto na 'to di man lang nagsabi na aabsent. Napasimganot na lang ako, bigla na lamang sumulpot sa harapan ko si Nick.
"Ngumiti ka na nga," sabi niya.
"Bakit naman ako ngingiti?" Lalo akong bumusangot dahil wala ako sa mood.
"Kasi nakita mo na ako." Andun parin yung dazzling smile niya, napailing na lamang ako sa kanya.
"Lakas trip mo ahh, Humithit ka na naman ng katol noh?" bintang ko sa kanya.
"Albatross ang tinira ko, di na uso ang katol," sagot niya naman sa akin.
Natatawa ako sa sinabi niya pero ngumiti na lang ako at inirapan siya.
Abnormal talaga siya at loko-loko. Patokhang ko kaya 'to?
"Ayan nag-smile ka na din." Agad kong inalis ang ngiti sa labi ko at tumikhim.
"Ano ba sadya mo dito?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko.
"May welcome party para sa akin mamaya after office hours sumama ka," pagbibigay alam niya sa akin.
"At bakit ako sasama?" tanong ko.
"Kasi invited ka," di siguradong sagot niya.
"Ano ngayon?"
"Ang kulit mo, kikidnapin kita kapag hindi ka sumama!" pabirong banta niya.
"At ako pa ang makulit? 'Wag ka na mag-abalang kidnapin ako walang pantubos ang pamilya ko," sagot ko sa kanya.
"Then I will held you captive forever." Ayun na naman ang mga banat niya na di ko alam kung saan niya napulot.
"Walang Forever," kontra ko sa kanya.
"Di ka man lang kinilig sa sinabi ko?" di makapanilawang tanong niya.
"Kikiligin ba dapat ako? Sorry di mo kasi ako sinabihan agad." Inirapan ko na lamang siya.
Nasapo niya ang noo niya.
Parang bata ang cute niya. Ha! Anong cute? Di siya cute, wala akong naisip na ganun.
"Nagawa mo pang magpawelcome party nagpacheck-up ka na ba? Di ba naaksidente ka? Di ka ba nabalian ng buto?" sunod-sunod na tanong ko.
"Daming tanong, masyado kang concern. May crush ka sakin noh?" Pang-aasar niya. Sinamaan ko siya ng tingin para manahimik na.
"Animal lover kasi ako kaya concern ako."
"Ibig mo bang sabihin animal ako?"
"Tumpak! Buti nagets mo," sabi ko, kunwari'y namangha ako.
"Talaga?" tila masayang sabi niya.
Baliw na 'tong isang 'to.
"Since you're an animal lover and I'm an animal, That means you love me."
Nanlaki ang mata ko. I didn't see that coming. My words backfired on me.
"I love you too," kinikilig na sabi niya.
Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya, gusto ko siyang batuhin sa mga pinagsasasabi niya.
"Gago! Di ganun 'yun!" paglilinaw ko sinabi ko.
"Asus! Wala ng bawian." Sumilay na naman sa labi niya ang isang nakakalokong ngiti.
"Assumenro ka talaga kahit kailan." Iniran ko na lang siya.
"Ilalagay ko na sa reminders ko ang 1st monthsary natin."
"Advance mag-isip?" sarcastic na tanong ko.
"Ibig sabihin magiging tayo talaga?"
Holy Sheep naman! Namis-interpret na naman niya ang sinabi ko. 'Wag na lang kaya ako mag-salita? Pero baka isipin niya silence means yes.
"Kapag di ka tumahimik, di ako pupunta sa welcome party mo!" Sigaw ko sa kanya, wala ana akong ibang maisip na sasabihin sa kaya. Wala na akong mamagagawa kundi ang mapilitang pumunta sa welcome party niya.
"Ayun oh, sabi mo yan ha! pupunta ka," tuwang-tuwang sabi niya.
"Oo na, Oo na , manahimik ka na at lumayas sa harapan ko," pagtataboy ko sa kanya.
Wala talo ako ngayon sa kanya.
***
Habang nag-lalunch kami ni Donna ay nakabusangot siya sa akin.
"Huy bakla! Anong meron ang haba ng mukha mo?" takang tanong ko.
"May di ka sinasabi sa akin,"kunwariy nagtatampong sabi niya.
Haay kaibigan ko nga talaga siya.
"Wala ahh," pagmamaang-maangan ko.
"Sige wag ka mag-kwento, F.O na tayo," banta niya sa akin.
Bihira magbanta si Donna nang ganito ibig sabihin ay seryoso na siya.
"Bakla naman ehh," panunuyo ko. Sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Ano ba kasing gusto mong malaman?" tanong ko sa kanya.
"Lahat."
Wala na akong nagawa kundi ang magkwento sa kanya. Makalipas ang ilang sandali...
"Talaga?"Kinikilig na tili ni Donna.
"Ayan ka na naman sa tili mo ehh," sita ko sa knaya.
"Di mo man lang sinabi na na-ospital ka,"reklamo niya.
"Sorry naman, saglit lang naman 'yun."
"Nakalimutan mo kasi may Daddy Xavier ka na nag-aalaga sa'yo." Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.
"Anong Daddy? Kadiri ka bakla."
"May bonus ka pang Papa Nick."
Inarapan ko siya, para siyang bulateng binuhusan ng asin ng dahil sa kilig. Di ko na sinabi ang tungkol sa katawan ni Nick na nakita ko, baka magmukha na siyang sinilya elektrika.
"Paano kung ligawan ka ng dalawang yun?" Napangiwi ako sa sinabi niya.
"Okay ka lang? Malabo na type ako ng boss ko at si Nick sadyang malandi lang talaga."
Those guys are too handsome for me, baka mabugbog pa ako ng mga fans nila kapag nagkataon.
"Paano nga kung ligawan ka nila?" tanong niya pa din.
"Sa tingin mo sa itsura ko at ugali kong 'to papatulan nila ako?"
"Malay mo? Maganda ka naman beh, kulang lang sa ayos," sabi ni Donna.
"Sige, paniwalain mo sarili mo."
"Kung ako sa'yo lalandi na ako."
"Puro ka kalokohan, kahit hindi ikaw ako malandi ka na talaga," saad ko.
"Tatanda ka talagang dalaga sa ginagawa mo," pananakot niya sa akin.
"Kelangan talaga lumandi?" tanong ko.
"Slight leng nemen," pabebeng sabi niya.
"Ewan ko sayo," naasiwang sabi ko.
"Lumandi ka panigurado magkakajowa ka," pangungumbinsi niya sa akin.
Mayroon palang ganung rules? Ibig sabihin lahat ng may jowa naglandi muna?
"Haay, una na ako sa'yo matatapos na lunchbreak," paalam ko para makaiwas sa pangungulit niya.
***
Pagpasok ko sa office ay andun na si Nick. Oo nga pala, di pa tapos ang turn-over namin. Muntik ko na makalimutan. Habang tinuturuan ko siya ay sumisingit siya ng mga tanong na di related sa trabaho.
"Bakit dito ka nagtrabaho?" tanong niya sa akin.
"Kasi may hiring?" sagot ko sa kanya.
Yun talaga dahilan, I was desperately looking for a job and tada! Nakita ko sa website na hiring sila. Natanggap naman ako kahit di related ang course ko. Nakapasa ako sa exams nila at interview. Luck is on my side nung time na yun.
"Ano bang klaseng dahilan yun Gabby dear," di makapaniwalang sabi niya.
"May iba pa ba talaga dapat na dahilan?"
"Kung di ka matalino at madiskarte wala kang karapatan mag-inarte. Kung may hiring grab the opportunity," litanya ko sa kanya.
"Kahit di ka masaya, basta may trabaho ka? Ano ba tinapos mo?" tanong niya.
"'Wag mo sabihing hindi mo alam, stalker kita di ba?" pang-aasar ko.
"I'm no stalker, I like you that's why I wanted to know everything about you," paliwanag niya.
"Kung may gusto kang malaman, tanong mo kay Google alam niya lahat."
"Alam mo hindi mo pa ako kinausap ng matino," reklamo niya habang salubong ang kilay.
"Ganun talaga, malaki atraso mo sa akin ehh. Buti nga kinakausap pa kita," paliwanag ko sa kanya.
"Sorry." He sound apologetic.
"Akala ko ba no regrets?" Pangingwestiyon ko sa kanya.
"I still don't regret kissing you, what I regret is how I made you feel, 'di mo kasi makalimutan."
"Forgive but never forget," sabi ko na lamang.
"Tama na kwentuhan, times up na tayo," paalala ko sa kanya.
"Di ba pwedeng tumambay dito?" pakiusap niya.
"Alam ko isa ka sa anak ng mga big boses, pero employee ka pa rin at junior kita. Pinapasweldo ka pa rin kaya magtrabaho ka," penenermon ko sa kanya.
"Wala naman si Xavier."
"Sige mag-stay ka di ako pupunta sa welcome party mo," pagbabanta ko.
"Sabi ko nga aalis na ako, see you later Gabby dear!" Naka ngiting paalam niya saka lumabas.
Napailing na lang ako sa kanya.
Yun lang pala katapat niya.
***
Napaka-unusual naman ng venue ng welcome party ni Nick. Nilagaw ata ako ng taxi na sinakyan ko. Sana pala sumabay na ako kanina, nagpahuli kasi ako para pagdating ko kainan na. Kung minamalas ka nga naman, ako lang ata talaga walang contacts ng office mates ko. Nag post ako sa Facebook ng status: Feeling lost.
Abala ako sa pagkalikot ng phone ko habang naglalakad at napansin kong wala halos akong nakakasalubong na tao. Tinignan ko ang phone ko baka may maligaw na message sa akin. Nagpalinga-linga ako sa paligid baka makita ko kung Saab ako pupunta, hanggang sa maramdaman kong may sumusunod sa akin.
Holy Sheep! Ayoko mahold-up!
Sa nerbyos ko, mabilis akong naglakad papasok sa bawat kantong makita ko. Tinawagan ko si Donna, nagring lamang iyon at di niya sinasagot. Dinial ko din ang number ng kuya ko baka sakaling di siya busy, ngunit ganun din ang nangyari.
Bahala na nga!
Dinial ko ang number ni Xavier, nag-ring iyon at sa wakas may sumagot din ng tawag ko.
"I'm kind of busy, I'll call you back," mabilis niyang sabi saka pinutol ang tawag, nanlumo ako sa ginawa niya. Di man lang ako pinagsalita, may sumusunod pa rin sa akin. Lumakas ng kabog ng dibdib ko dala ng takot at nerbyos ko at pagod sa kakalakad. Di nga ako namatay dahil sa chocolate, mukhang mamatay naman ako dahil sa Hold-up.
Asan na ba ako?
At least kung mamatay man ako gusto ko makita nila ang bangkay ko. Suot ko pa naman ang ID ko kaya may identification pa din ako.
Friend kong Impakto
What do you need?
Me
I think I'm lost and someone's following me.
Mabilis kong reply, nag-ring ang phone ko at agad ko iyong sinagot.
"Where are you?" tanong niya na nasa kabilang linya. Magsasalita na sana ako nang biglang may humawak sa balikat ko.
Goodbye Earth!
< End of Chapter 21>