"Holy Sheep!" sigaw ko habang nakataas sa ere ang walis tambong hawak ko.
"Nick?" tanong ni Xavier.
"Xavier? Ano ginagawa mo dito?" tanong niya pabalik.
Si Nick pala ang taong halos sirain na ang pinto namin sa sobrang lakas kumatok. Heto siya ngayon parang basing sisiw plus duguan siya. Literal na duguan siya at di ko 'yun kagagawan.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Dinadalaw ka?" Nakangiting sagot niya.
Anong katol ba hinithit nito?
"Okay ka lang ba?" Parang tanga lang na tanong ko, kitang-kita naman na di siya okay.
"Ano bang nangyari sayo?" Kunot noong tanong ko.
"Motorcycle accident, alam mo na malakas ang ulan ayun nadulas motor ko, Then Poof! it became coco-crunch!" Nakangising sagot niya sa akin
"Gusto mo dagdagan sugat mo?"
Naaksidente na nga siya nagawa pa niyang magbiro.
"How did you get here?" tanong sa kanya Xi.
"I have my ways," tugon naman nito.
"Ikaw bakit ka nandito?" Tanong ni Nick sa kanya.
"I was invited to stay."
"Nang kayo ng dalawa lang?" sigaw nito.
"Hoy! Alam ng kuya ko na nandito siya kaya wag ka mag-imagine ng kung ano," paglilinaw ko.
"Maligo ka muna bago ka makipag-away," sabi ko.
"Wala akong dalang damit," sabi ni Nick.
"Ako bahala, Xi samahan mo nga 'to papuntang CR."
Ibinalik ko sa gilid ng pinto ang hawak kong walis tambo. Iniwan ko silang dalawa, umakyat at pumasok sa kwarto ng kuya ko.
Kuya pahiram ulit ng damit ha.
Pagbalik ko ay naka upo si Xi sa mahabang sofa at salubong ang kilay.
Anong problema nito?
Nilapitan ko siya at napatingin siya sa akin.
"Tapos na ba maligo si Nick? pinahiram mo ba ng twalya. Puntahan ko siya dun ha." Tuloy-tuloy akong naglakad papunta sa CR,dala-dala ang damit at twalya na ipapahiram ko kay Nick
"Ha? Wait! Stop!" dinig kong sigaw niya nagpatuloy akong naglakad.
Ano bang meron?
Pagdating ko doon ay saktong namang bukas ng pinto ng CR ni Nick. Nanlaki ang mata ko nang tumambad sa mata ko ang walang suot na kahit na ano na si Nick. Bago ko pa makita ang pagkalalaki niya ay may tumakip sa mata ko at pinatalikod niyakap ako patalikod.
"Nick! I'll kill you!" Sigaw ni Xavier kay Nick.
"Sorry naman malay ko ba na nandito siya."
"Go back inside!" Utos niya rito.
"Heto na, highblood mo." Tila nang-aasar pang sabi ni Nick.
Inalis ni Xi ang pagkakatakip sa mata ko nang masigurong nakapasok na ulit sa CR si Nick.
"I told you to stop right." Nanatili lang akong nakatulala dahil sa nasaksihan.
Nakaupo ako sa sofa nakataas ang dalawang paa ko at yakap ang isang throw pillow. Si Xi naman ay tahaimik rin na nakaupo sa tabi ko.
"Okay ka lang?" Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya.
"Ikaw okay ka lang? Di ba dudugo ilong mo kasi nagtagalog ka?" tanong ko din sa kanya.
"Just answer me."
Impakto ka! paano ako magiging okay?
"You will get through it, you didn't see the whole thing right?"
Oo, di nagregister sa utak ko, pero may eyes di na virgin.
Marahan niyang tinapik ang tuktok ng ulo tila inaalo ko.
"I'm done!" bigla namang sulpot ni Nick.
Para talagang Kabute.
"Okay ka na? Gamutin na natin yang sugat mo," sabi ko at inayos ko ang pagkakaupo ko.
Winakli ko muna ang nanagyari kanina mas mahalagang magamot ang mga sugat ng kabuteng ito kesa sa nakita ko.
"Ano ba kasi naisip na pumunta dito at paano mo nalaman address namin?" tanong ko habang kumukuha ng bulak. Hinila ko siya at pinaupo sa gitna namin ni Xi.
"Hindi pwedeng si Xavier lang ang nakaka-alam ng bahay niyo dapat ako," parang batang sagot niya sa akin.
"Bakit ba kasi? Anong trip mo sa buhay?" nilagyan ko ng betadine ang bulak na hawak ko at dinampi sa sugat niya sa siko.
"I already told you I like you," nakangising sabi niya.
Diniinan ko ang pagdampi ng bulak na may alcohol sa sugat niya.
"Aray naman!" reklamo niya.
"Magsalita ka pa, ibubuhos ko sa sugat mo 'tong alcohol," banta ko sa kanya.
"Ang bayolente mo naman."
"Buti alam mo!"pagsusungit ko.
"Ang cute mo pag nagtataray ka."
Di ko malaman kung pinagti-tripan ana naman niya ako o ano kaya tumayo na lang ako.
"Xi, ikaw na bahala diyan sa ex-bestfriend mo baka mabugbog ko pa."
"Okay."
"Saan ka pupunta Gabby dear?" tanong ni Nick.
"Sa kusina, kukuha kutsilyo panaksak sayo."
"Grabe siya oh." Lumabe siya sa akin na parang bata.
"Kape ang kukunin ko, para sa lamay mo advance ako mag-isip ehh." Pigil naman ang tawa ni Xi sa sinabi ko.
"I want one too," sabi niya.
"Sige Xi."
"Gusto ko din Gabby-dear," pakiusap rin ni Nick
"Bahala ka sa buhay mo!"
Nagtungo na ako sa kusina at nagpakulo ng tubig at nagtimpla ng kape.
Bakit ba iba ang pakiramdam ko tuwing kasama ko ang dalawang yun.
***
Pagbalik ko sa sala ay ipinatong ko sa center table ang tray na may lamang kape at cup noodles. Inabot ko kay Xi ang kape at kay Nick ang cup noodles.
"Thanks," pagpapasalamat ni Xi.
"Mahal mo talaga ako," sabi naman ni Nick.
"Gusto mo maligo ng kape?" Nakataas ang isang kilay na tanong kay Nick.
"Di na, naligo na ako ehh," tanggi niya.
Tinabihan ko sa pag-upo si Xi.
"Bakit diyan ka umupo Gabby dear? lipat ka dito sa tabi ko." Parang batang sabi ni Nick.
Diretso lang ang tingin ko sa hawak kong kape.
"Ikaw na kabute ka, 'wag ka magpa-cute para kang tanga," sabi ko ako humigok ng kape.
"Bakit, crush mo na ako noh?"
Muntik ko na maibuga ang kape sa bibig ko.
"Are you okay?" tanong sa akin ni Xi.
"Painumin mo ng yang ex-bestfriend mo ng kape para kabahan naman," sabi ko sa kanya.
"Huh?" tanong ni Xi na tila di naintindihan ang sinabi ko.
" Wala..."
"Okay lang ba na magkatabi kayo matulog? Iisa lang kasi spare na kwarto namin," tanong ko.
"I don't mind sleeping here on the sofa," sambit ni Xi.
"Sigurado ka?" tanong ko sa kanya.
"Di ba pwedeng tabi na lang tayo Gabby-dear?" Nakasimangot na tanong ni Nick.
"Wanna die now?" Banta ni Xavier kay Nick.
"Sabi ko nga kakain na lang ako ng noodles," nagpatuloy sa pagkain si Nick.
***
Pagkatapos ng ilang sandali ay natapos na din kumain si Nick at ubos na din ang kape na iinom namin ni Xi. Itinuro ko kung saan ang kwarto na tutulugan ni Nick.
"Ayaw mo talagang tabi tayo Gabby dear?" pangngulit niya sa akin.
"Ewan! Matulog ka na lang diyan," sigaw ko sa kanya.
Isinara ko ang pinto ng kwarto niya nang makapasok siya siya sa loob. Bumalik ako sa sala at nakitang nanonood na naman si Xi ng bagong movie. Dinaanan ko siya at pumanhik sa kwarto ko may kinuha, saka bumaba ulit sa sala.
" Matulog ka na," sabi ko, sabay upo sa tabi niya may dala akong unan at kumot para sa kanya.
" Can't I need to make sure Nick is asleep before I go to sleep. Someone might sneak in your room."
"Wala naman sigurong gagawa nun?"
"Just do it," utos niya.
"Ang controlling mo," sabi ko sa kanya.
"I'm just protecting you."
"From Nick?" tanong ko.
"Not him."
"Huh? Ehh kanino?" kunot noong tanong ko sa kanya.
Tinitigan niya ako sa mata. May kakaiba sa titig niyang iyon na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
Ba-dump...Ba-dump...Ba-dump...
"Just sleep." Bawi niya nang tingin.
"Ehh?" Napangiwi na lang ako.
Ano kaya yun?
Tumayo ako iniwan ang dala kong unan at kumot.
"Goodnight," Mahinang sabi niya.
"Good morning," tugon ko saka ako umakyat sa kwarto ko para matulog.
Ginawa ko ang sinabi ni Xi nilock ko ang pinto tulad nang sinabi niya sa ako nahiga sa kama. Biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon mula sa side table ko at nakita ko ang message ni Xavier at binasa iyon
Friend kong Impakto
From me...
Ano daw? Anong trip nito? Bala ka diyan tulog na ako.
< End of Chapter 20>