Chereads / My Two First Kiss / Chapter 20 - Chapter 19

Chapter 20 - Chapter 19

Ang balak ko talaga ay papanoorin si Xi ng Romcom para kiligin naman siya kahit papaano. Pero di ko alam kung anong movie ang dinownload ni Donna.

Pero okay na din to libre download aangal pa ba ako?

Flashdrive lang talaga balak kong kunin sa kwarto kaso napansin kong basa pa rin ang buhok ko kaya kinuha ko na rin ang hair dryer sa drawer ko. Ayokong sipunin, kaya ko naman mag multi-task nag-papatuyo ng buhok habang nanonood ng movie.

Bumaba na ako sa sala dala ang flash drive at hair dryer. Umupo ako sa sofa at isinaksak ko ang hair dryer sa outlet.

"What are you doing?" tanong sa akin ni Xi.

"Nagpapatuyo ng buhok?" Sarcastic na sagot ko sa kanya  habang tinututok ang hair dryer sa buhok ko.

"Let me help you." Alok niya sa akin saka siya lumapit sa tabi ko.

"Marunong ka ba?" tanong ko sa kanya.

"I won't learn if you won't let me try." Kinuha niya ang hair dryer sa kamay ko.

Ano ako Guinea pig?

"Sit on the floor," utos niya.

"Kapag nasunog buhok ko kakalbuhin kita!" banta ko sa kanya habang umuupo sa sahig.

Di ko makita ang ginagawa niya ngayon.

"Why is this on the max level?" tanong niya.

"Para matuyo agad buhok ko," di siguradong sagot ko sa kanya.

"I'll lower the heat, okay."

"Ikaw bahala."

"Tell me if it's too hot."

"Okay."

Naramdaman ko ang paghawak niya sa ilang hibla ng buhok ko at pinadaanan ng hair dryer. Hindi ko alam kung anong nagyayari sa akin pero bawat galaw ng kamay niya sa buhok ko ay kumakabog ang dibdib ko kahit wala naman talaga akong dibdib. Gusto kong batukan ang sarili ko. Bakit ba ako kinikilig. Hindi naman ito ang first time na may magblow dry ng buhok ko. Siyempre pag nagpapagupit ako laging ginagawa yun. Pero kinikilig ako ngayon.

Di niya ba alam ang sweetng ginagawa niya.

Ay! Impakto ka Xavier Villafranco.

Di ko namalayan na tapos na pala siya sa pag-blowdry ng buhok ko.

"Want me to tie your hair?"

"Ha?"

Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kamay niya. Hihimatayin ata ako sa ginagawa niya. Buti na lang talaga at nakatalikod ako sa kanya di niya makikita pamumula ng mukha ko.

Ipinusod niya ito sa tuktok ng ulo ko. Para tuloy may malaking donut sa ulo ko.

"Give me your hand," utos niya.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

Hindi naman siguro niya ako inaalok ng kasal noh?

"Give me the hair tie in your hand."

Ahh... Yun pala ang tinutukoy niya. Hay naku Gabriela!.

Tinanggal ko ang panali na nakasuot sa kamay ko at inabot sa kanya.

"It's done, now you should pay me," bigla niyang sabi nang maitali niya ang buhok ko.

"Hala siya, nag volunteer tapos magpapabayad." Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig.

"Magkano ba? Discount ha, friendship discount."

"I want juice and popcorn," nakangiting sabi niya sa akin.

"Utusan ba naman ako sa sarili naming bahay." sinimangutan ko siya.

"That's the only payment I will accept." 

"K, fine!" sagot ko sa kanya tsaka ako tumayo at naglakad papuntang kusina. Ilang minuto ang lumipas at sumonod siya papuntang kusina. Di ko alam paano niya nalaman na may popcorn kami sa bahay. Kumuha ako ng isang pack ng Jolly time popcorn at pinasok sa loob ng microwave. Habang hinihintay na maluto ang pop corn sa microwave ay kumuha naman ako ng pitsel at sachet ng juice para timplahin. Habang ginagawa ko iyon ay parang ewan na pinapanood ako ni Xi. Siguro naawa sa akin ang impakto kaya tinulungan niya ako, siya ang nagdala ng pitchel ng juice at dalawang baso sa sala. Ako naman ang nagdala ng bowl ng popcorn, ipinatong namin yun sa center table. Di ko namalayan na sinwitch na niya ang tv at nag-play ng movie. 

"Hoy! Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Playing a movie." tingin niya siya akin.

"Anong movie?" tanong ko sa kanya.

"Just watch,"nakangising sagot niya. 

"I hate you," sabi ko sa kanya saka padabog na umupo sa sofa. Napagawi ang tingin niya sa akin. "No you don't," sabi niya saka ibinalik ang tingin sa TV.

Bwisit na Impakto na 'to.

Along with the Gods ang pinanood namin in fairness maganda siya. Di ko magawang alisin ang mata ko sa TV kahit pa kumakain ako ng popcorn at umiinom ng juice.

" I think someone's enjoying the movie," dinig kong kumento ni Xi.

"Kasalanan mo, kaya manahimik ka diyan," asik ko sa kanya na hindi inaalis ang mata sa TV.

Nagpatuloy lang kami sa panonood hanggang sa teary-eyed na ako. Sinisinghot ko na ang sipon ko para di tumulo. Kadiri na kung kadiri pinunas ko ang sipon sa laylayan ng T-shirt ko. Ganun pa din ang itsura ko hanggang sa matapos ang movie.Iyak ako ng iyak samantalang si Xi ay pinagtatawan ako. 

"Anong tinatawa mo diyan?" inis na tanong ko sa kanya.

"You look ugly when you cry," walang prenong sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

Grabe naman makapanget 'to.

"Ewan ko sayo, ikaw na ang gwapo," sagot ko sa kanya.

"Thank you," sabi naman niya, napamaang ako sa sinabi niya.

"Sarcasm yun, ano ka ba Xi," pagpapaintindi ko sa kanya.

"I know, but don't deny I'm good looking," naniningkit ang matang sabi niya sa akin.

"Ewan ko sayo, narcissistic."

Nag-smirk siya kaya naman binato ko siya ng throw pillow, nagababakasakali akong maalog ang utak niya at mabawasan ang self confidence. Nasangga naman niya iyon at niyakap, tinaasan niya ako ng kilay.

"Want another one?" tanong niya sa ain na parang walang nangyari.

"Sige lang." Sumandal na lamang ako sa sofa.

Akala ko ay ganung genre pa rin ang panonoorin namin ngunit nagkamali pala ako.

"Bwisit ka Xi! 'Pag ako binangungot asahan mo mapupunta ka sa Asylum kapag nagparamdam ako sa'yo." Pagbabanta ko sa kanya.

Korean horror movie ang pinanood namin bwisit talaga ang impakto na to. Nanonood ako ng Horror movie pero tuwing may araw pa. Panay ang takip ko sa mata at tili ko tuwing nagugulat ako. Pinagtatawanan naman ako ni Xi tuwing nangyayari 'yun. 

"Sige tumawa ka, kabagin ka sana," inis na sabi ko sa kanya. Patuloy ako sa pagtili hanggang sa matapos yung movie. 

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya nang bigla siyang tumayo.

"CR, wanna join?" tanong niya.

"Sasama ako," agad na sagot ko, agad na nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa akin. Saka ko lang narealize ang sinabi ko.

"Sira ulo! Sa labas lang ako ng pinto," paglilinaw ko.

"Scaredy cat," mahinang kumento niya.

"Abnormal ka kasi, bakit mo kasi ako pinapanood nu'n," paninisi ko sa kanya saka ko siya inirapan. Naglakad na siya papuntang C.R. At ako naman ay sumunod sa kanya nakabantay sa pinto .

"Hoy magsalita ka naman!" sigaw ko sa kanya.

"Stop being a coward Silang," Natatawang sabi niya mula sa loob.

"Duwag talaga ako,"

"As far as I know Silang is a brave woman."

"Wala pang horror movies noon, malay mo ba kung matakot din so Gabriela Silang kapag nakapanood siya ng horror."

"Tss!" Dinig kong sabi niya.

Bigla na lamang umalingawngaw ang napakamalakas na kulog. Kasabay nu'n ang pagpatay ng ilaw at pagsigaw ko. Halos wala akong maaninag sa dilim, lumakas ang tibok ng dibdib nag bigla na lamang may kumatok sa pinto.

Holy Sheep! Feeling ko talaga nasa horror movie na ako.

"Silang are you okay?" Tanong ni Xi.

Di ako makapag-salita dahil kinakabahan ako. Kung totoong na stranded ang kuya ko sino naman kaya itong kumakatok sa pinto ng bahay at kulang na lang ay sirain iyon.

Dinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo, at naaininag ko si Xi na lumabas mula rito.

"May kumakatok sa labas," Mahinang sabi ko sa kanya.

"Open the door then."

Gusto na siyang batukan, wala ba siyang takot sa kahit ano?

"Sira ulo ka ba? Sabi mo di uuwi si kuya ngayon. Sino naman ang kakatok sa pinto ng ganitong oras?" Inis na sabi ko.

"Paano kung masamang tao pala yun?" dagdag ko pa.

"We will never know unless we check." Kung talagang masamang tao ang nasa labas ng pinto namin tiyak na una siyang mamatay.

"Sira ulo ka talaga."

"I'm here nothing bad will happen to you, I'll protect you."

Bigla akong kinilig sa sinabi niya, buti na din at walang ilaw di niya makikita ang mukha ko. Mukha siguro akong timang ngayon.

Takot na nga, nagawa ko pang kiligin. What's wrong with me?

"Let's go find out who's the person behind the door."

"Basta ikaw magbukas ha," sabi ko.

Nagtago ako sa likod niya at nakahawak sa laylayan ng T-shirt niya. Siyempre para kung may dalang kutsilyo kung sino man yung nasa pinto si Xi unang masakasaksak.

Ang sama ko rin talaga. 

Nangangapa kaming nagpunta sa sala at nagtungo sa pintuan. Patuloy pa din sa pagkatok ang taong 'yun gayun din ang malakas na pagbuhos ng ulan, pagkulog at pagkidlat. Bimitaw ako sa pagkakapit sa kanya at pumwesto sa tabi niya. Naanig namin ni Xi ang isa't isa tuwing kumikidlat. Mahina siyang nagbilang hanggang tatlo. Bago pa matapos ang pagbibilang niya ay hinablot ko ang walis tambo sa gilid ng pinto. 

Pagbukas niya ng pinto ay pumasok sa pinto ang isang tao.

"Where are you?" tanong ng taong  'yun.

Di ko napigilang ang sarili kong hatawin ng walis tambo kung sino man 'yun. Bahala na, self defense ang ginagawa ko. Bigla na lang sumindi ang ilaw at nakita ko ang isang lalaki na sinasangga ng kamay ang walis tambo na ipinapalo ko sa kanya upang di tamaan ang kanyang katwan. Na istatwa ako sa pagpalo ng tambo nang makita ko kung sino ang hinahataw ko.