"No, I'll stay here with you." Nanatiling nakatitig ang mga mata niya sa akin.
Nakatingin lang ako sa kanya di ko inasahan na sasabihin niya iyon.
"May pasok ka pa mamaya at anong oras na, andito naman si kuya para samahan ako." I reminded him.
"I'm going to file a leave," sagot niya, ayaw niya talagang umuwi na.
"Bakit?" tanong ko pa rin.
"Like I said, I'm staying here with you besides your brother already agreed to it."
Napagawi naman ang tingin ko sa kuya ko.
"Kailangan ko talaga ng magbabantay sayo. May project kaming tinatapos and my team needs me there."paliwanag niya.
Sinimangutan ko si kuya.
"Hindi mo na ako mahal kuya." Pag-iinarte ko.
"Anong 'di mahal pinagsasabi mo, h'wag ka na magtampo babawi ako sa'yo pagkatapos ng project namin," paliwanag niya.
"Ano pa nga ba, sabi mo yan ahh." Wala na akong magagawa kundi ang hayaan siyan umalis.
"Pagaling ka na, balita ko di masarap pagkain dito."
"Hala! ilipat nyo ko ng ospital kung ganun," O.A. na utos ko sa kanila.
"Naku Gabriela, dali mo talaga utuhin." Nasapo ng kuya ko ang noo niya.
"Mauna na ako, dadaan ako mamaya after ng trabaho." Paalam ni Kuya.
"Pasalubong!" sigaw ko bago siya makaalis, tinanguan naman niya ako.
"Ikaw na bahala sa kapatid ko pag pasensyahan mo na lang at 'yung usapan natin," bilin niya kay Xavier.
Anong usapan naman kaya 'yun?
Tinapik niya ito sa balikat tsaka umalis. Naiwan kami ni Xavier sa loob ng kwartong iyon, Dahil sa katahimikan ay nagsalita na ako.
"Magpapaiwan ka talaga?" tanong ko kay Xavier.
"Don't you want me to?" tanong niya.
Bakit ba lagi niyang binabalik sakin ang tanong.
"Hindi naman sa ganun, paano na ang trabaho mo?"
"I can manage it, you know how I work right."
"Okay, sabi mo ehh." Di na ako nagpatalo pa sa kanya.
"Are you really okay ?" paniniguro niya.
"Yup, thank you sa pagdala sakin dito."
"Why thank me? I'm the reason why you had an allergy attack. I'm sorry about that." he sound and look like he's really sorry.
"Wag ka na ngang magdrama diyan Sir okay lang yun," I assured him.
"You called me Sir again," pailing-iling na sabi niya.
"Sorry di lang talaga ako sanay na tawagin kang Xi," sabi ko.
"We need to fix that, I'll give you a punishment everytime you call me sir outside the office and when we are alone," sabi niya ng nakataas ang isang kilay.
"Ano naman? Di pa ako magaling may parusa na agad?" protesta ko.
"It's easy"he smiled sheepishly.
"Ehh?"
"Mimic vitas," pigil ang tawa na sabi niya, napapanganga ako sa narinig.
"'Yung totoo, 'yun talaga ang punishment." Paniniguro ko baka naman kasi nagbibiro lang siya.
"Yes." Pigil ang tawa niya.
Sira ulo din 'to ehh, para akong baliw pag ginawa ko yun. Baka bigla nila akong ilipat sa mental.
"Okay," pag sang-ayon ko na lang.
Sumilay ang napakalaking ngiti sa labi niya, napangiwi na lang ako sa naging reaksyon niya.
"Speaking of vitas, nasaaan palayung phone ko?" Tanong ko sa kanya.
"Oh shit! I think we left it at the restaurant." Nataranta siya nang mapagtantong di nga niya nadala ang phone ko.
"Hala! Baka may atakihin sa puso dahil sa ringing tone,"
Napatingin sa akin si Xi na naka-kunot ang noo. Base sa itsura niya kulang na lang sabihin niya 'Seriously? Yan talaga naisip mo?'
"Bakit ganyan ka makatingin?" Pagmamaang-maangan ko sa naging reaksyon niya, napailing na lamang siya.
"Is it okay If I leave? We need to get your phone."
Nagtanong pa siya eh parang atat na siyang lumayas. Nasaan na yung sinabi niya kanina na"I'll stay here with you." Tsk! Paasa din to ehh.
"Okay lang ako, sanay naman akong iniiwan," Hugot ko, asa naman akong na gets niya yun.
"Are you sure?" Paniniguro niya, tinanguan ko na lang siya.
"Di ako kakain ng chocolate habang wala ka, mahal ko pa ang buhay ko. Kaya 'wag kang mag-alala." Medyo may pagka sarcastic ang pagkakasabi ko dahil medyo inis ako.
"Is it my imagination or you really sound like you don't want me to leave?" Medyo naningkit ang mata niya na tila di ako pinaniniwalaan.
Kelan pa natuto ang impaktong to magpa-cute? Hindi ako aamin na 'yun nga ang gusto ko. No retreat! no surrender!
"May tutuli ka lang kaya yun ang dating sayo, assuming nito." Singhal ko sa kanya.
"What a lame excuse," he smirked.
"Ang tagal mo namang lumayas, tsupi! baka may inatake na sa puso dahil sa cellphone ko." Pagtataboy ko sa kanya.
Nagaalangan man, ay tumayo na siya mula sa kinauupuan niya.
"Don't miss me that much," nang-aasar pang sabi niya bago lumabas ng pinto ng kwarto.
"Kapal! Lumayas ka na nga!" inis na sigaw ko sa kanya.
Nang makalabas siya ay naiwan akong mag-isa sa loob at ang tanging ingay na naririnig ko ay ang tunog ng aircon.
Tumayo ako at nagpunta sa CR bitbit ang IV ko, nagpalit ng damit na dala ng kuya.
Gosh! Ang hirap pala nito di na talaga ako kakain ng chocolate.
Paglabas ko ng CR ay andun na naman an nakakabinging katahimikan.
"Langya! Ang tahimik ang creepy. Paano kung namatay na pala 'yung unang nag-stay sa kwarto na 'to, mamaya multuhin ako." Pananakot ko sa sarili ko.
Iginala ko ang tingin ko sa buong paligid, para hanapin ang remote control ng TV. Nasa side table lang pala ng higaan ko. Kinuha ko iyon at pinindot upang buksan ang T.V.
Napasigaw ako dahil saktong pag -sindi ng TV ay pinakita ang nakakatakot na mukha ni Sadako.
Holy Sheep! Kung di ako namatay dahil sa allergy ko. Dahil sa atake sa puso ako mamamatay dahil sa gulat kahit wala akong sakit na ganun.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
Langya!
Dinig ko ang pagbukas ng pintoig, siguro ay narinig nila ang sigaw ko.
"Okay lang ako, nagulat lang ako kay sadako," paliwanag ko ng di nililingon kung sino man ang nasa pinto.
"Gabby Dear!" Masiglang tawag sakin ng taong iyon, napatingin ako sa pinto dahil isang tao lang ang tumatawag sa akin nun.
Gusto kong ibato ang hawak kong remote sa mukha ni Nick na ngayon ay naglalakad papalapit sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"Ako dapat ang nagtatanong niyan, what happened? Why are you here?"
"Pake mo ba." Pagtataray ko sa kanya.
"Of course I care, Isn't it obvious that I like you?"
Wow! Napaka-vocal naman nitong lalaking to. As if naman maniniwala ako sa malanding ito.
"Okay na ako, kaya lumayas ka na!" Pagtataboy ko sa kanya.
Di ko pa rin alam kung paano niya nalaman na nandito ako, pero ganun naman talaga siya bigla na lang sumusulpot parang kabute.
"No." Tipid niyang tanggi.
Out of reflex naibato ko sa kanya ang hawak kong remote. Di man lang niya iyon iniwasan kaya sapul ang ilong niya.
Dinig na dinig ko ang malakas na pagtama nun sa ilong niya.
Kelan pa ako naging mapanakit?
Ayoko lang naman na lumapit siya sa akin. Natatakot ako sa sarili ko dahil baka landiin niya na naman ako at bumigay ako, marupok ako.
Nanlaki ang mata ko dahil namula iyon at parang nagalusan pa, napahawak lamang siya sa ilong niya.
"Ang sakit nun ahh!" Reklamo niya saka napatingin sa akin. Iniwas ko ang tingin sa kanya at binalik iyon sa TV.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?"
"Ano ba ginawa sa Hospital? Obviously dinadalaw ka," sabi niya.
"We are not even friends para dalawin mo ako, saka paano mo nalaman nandito ako?" tanong ko sa kanya.
"I don't want to be your friend," sagot niya sa una kong tanong.
"I called your phone and a guy answered it, he told me na naiwan ang phone sa restaurant. Nasabi lang naman niya na yung may-ari ng phone ay sinugod sa Hospital. I asked for the Hospital kung saan ka sinugod. That's why I'm here." paliwanag niya.
Ang haba ng sinabi niya.
"Bakit mo naman ako tinawagan?"
Inalis na niya ang pagkakahawak sa ilong niya na namumula dahil sa pagbato ko sa kanya.
"Dahil gusto ko na ang boses ko ang una mong marinig pag-gising mo tuwing umaga." He's smiling while saying it.
Pick-up line ng kabuteng ito.
"The last time I check blocked ang number mo sa phone ko," sabi ko sa kanya.
"Pwede naman akong bumili ng madaming sim."
Okay, talo na ako.
Inirapan ko na lamang siya na tila ikinatuwa pa niya.
"Lumayas ka na nga bago ko isaksak sayo itong nakaturok sa akin," banta ko sa kanya.
"You're really violent," saad niya.
"Isn't it evident?"
"I'm used to it," umupo siya sa bakanteng upuan na kinauupuan kanina ni Xavier.
"Don't act like we are friends."
"I don't want be friends, kelangan ba paulit-ulit?"
"Ewan ang kulit mo," sabi ko.
"I know," sagot naman niya.
Alam mo naman pala.
"You hungry? May dala akong apples," Kaswal niyang tanong.
"Wala bang lason yan?" tanong ko.
"Nasa Hospital tayo so kahit may lason di ka mamatay."
"Sira ulo." I smiled, nagawa pa niyang mag-joke.
Loko talaga siya, it's a fact.
Binalik ko ulit ang tingin sa T.V. at pinagpatuloy ang panonood ng The Ring, habang siya busy sa pagbabalat ng apples.
"Bakit di ka nanonood?" tanong ko nang mapansin kong di siya nakatingin sa T.V.
"Ano ba pinapanood mo?" tanong niya.
"Si Sadako."
"Ahhhh.... Geh kaya mo yan." Binalik niya ang tiningin sa mansanas.
Wait bakit ganun?
"Takot ka ba sa horror movies?" natatawang tanong ko.
"I'm not scared, I just feel uneasy watching horror movies."
"Ganun din yun,"natatawang sabi ko.
"Anong problema mo?" bakas ang medyo pagkainis sa boses niya.
"Wala," pagmamaang-maangan ko.
"Eh anong genre pinapanood mo?"
"X-rated" Naka-ngising sagot niya.
"Gago!" Sigaw ko sa kanya.
Siya naman ngayon ang natawa, kaya binato ko siya ng unan. Agad naman niya yung sinangga ng kamay niya.
"Ang hilig mo mambato." Reklamo niya.
"Ang tino ng tanong ko, tapos hahaluan mo ng kalokohan," naiinis na sabi ko.
"Sinagot ko lang naman ang tanong mo," natatawa pa ring sagot niya.
"Tsk! Bukod sa favorite mo ano pa?" Pinandilatan ko siya ng mata para sunagot siya ng maayos.
"Romcom," tipid niyang sagot.
"Talaga? Nanonood ka nu'n? Ano favorite mo?"
Saglit siyang napaisip.
"My sassy girl Korean Version," sabi niya.
"In fairness maganda yun, watch Windstruck prequel niya yun." suhestiyon ko sa kanya.
"Okay, nanonood ka rin ba ng RomCom."
"Yup, I appreciate any genre. Romance, Romcom, Tragic, Fantasy, Sci-Fi, Horror, Mystery, Action, Animated, True to life, Family drama, documentary. Name-it all except for your favorite and the likes of it."
"You watch, animated movies?"
"Yup, mapa Disney, pixar, dreamworks, illumination kahit ano pa yan basta may time ako."
"What's your favorite Animated movie then?" tanong niya.
"Five centimeters per second, its a Japanese animated movie," sabi ko.
"Okay." Halata sa boses niya na di niya alam ang movie na yun.
"Try mo panoodin," suggest ko ulit.
"I'll try."
Matino din naman pala siyang kausap minsan.
Napatingin ako sa mansanas na kanina pa niya binabalatan. Natawa ko dahil ang kapal ng pagkakabalat niya nun, na halos wala ng matirang laman.
"Anong problema mo?" pansin niya sa akin.
"Wala akong problema, ikaw meron di ka marunong magbalat ng mansanas." Natatawa pa din sabi ko.
"Ikaw na lang kaya magbalat nito?" reklamo niya, na inaabot sakin ang mansanas.
Tinawanan ko lang siya at nakitawa na rin siya sa akin. Habang tumatawa kami ay bumukas ang pinto.
"Gab! I got your phone!" nakangiting bati ni Xi.
Napalingon ako sa kinaroroonan niya. Nakita kong napalingon din si Nick sa kanya. Nawala ang ngiti sa labi niya nang makita si Nick.
"Uy Xavier ikaw pala yan? Ano ginagawa mo dito?" tanong ni Nick.
"I'm supposed to be the one asking you that question".Seryosong sagot ni Xi sa kanya.
Lumapit sa amin si Xi at inabot sa akin ang phone ko.
There was silence between the three of us.
< End of Chapter 16>