Chereads / My Two First Kiss / Chapter 18 - Chapter 17

Chapter 18 - Chapter 17

Nasaan na ba ang ringtones ko sa mga panahong ganito? 

Di ko maiwasan ang di mapakali habang nagkakatitgan sina Nick at Xavier, ayaw kong maging referee nila. Mabuti na lamang at may kumatok sa pinto, si nurse Carlo pala iyon.

"Goodmorning ma'am, kamusta na po?" tanong niya sa akin ng makalapit sa hinihigaan ko.

"Goodmorning din, okay lang naman ako," nakangiting bati ko sa kanya.

"Mabuti naman po ma'am i-check ko lang po ang vital signs niyo."

"Ok po."

"Mga sir excuse me po," paalam niya sa dalawang kasama ko.

Nag-give way naman ang dalawa para sakanya. Ginawa ng nurse ang mga dapat niyang gawin  saka nagpaalam na lalabas na.

"Thank you," pagpapasalamat ko sa kanya nginitian naman niya ako.

Nang umalis si nurse Carlo ay dumako naman sa akin ang tingin nilang dalawa.

"Anong problema niyo?" tanong ko sa kanila.

Kumunot ang noo dahil sa mga tingin nila. Ano bang problema nila at ganito sila makatingin.

"Bakit lalaki ang naka-assign na nurse sayo?" tanong ni Nick.

"Aba malay ko, problema mo dun?"

"I don't like the way he smiles at you," pag-susungit ni Nick, pati ba naman pag ngiti ng nurse big deal sa kanya.

"Ang cute kaya niya," sabi ko.

"Tsk!" biglang react ni Xavier.

Nadako ang tingin ko kay Xavier na halata na rin ang inis dahil sa naka-kunot niyang noo..

"When will the two of you stop acting like lovers?" inis na tanong ni Xi.

"Hindi kami lovers," paglilinaw ko sa kanya.

"But soon we will be," dugtong ni Nick sa sinabi ko at ngumiti sa akin.

"Sira ulo! Lumayas ka na nga!" Pagtataboy ko sa kanya.

"Bakit ako lang pinapalayas mo? Bakit siya hindi?" Tanong niya sabay turo kay Xi.

"Because we are friends? And you and I are not?" Nakangiwing sagot ko sa tanong niya.

"So you're friends?" tanong ni Nick sabay turo sa aming dalawa ni Xi.

"Yup!" Patango-tangong sagot ko sa kanya.

Tumayo si Nick at inilagay sa side table ko ang kanina niya pa binabalatang mansanas. Tsaka lumapit kay Xavier.

"Xavier the friend, take care of my soon to be girlfriend." Tila nanunuyang bilin ni Nick kay Xavier.

Tsaka binalik ang tingin sa akin at kumindat na siya namang nagpakunot ng noo ko.

Haay ewan! Hirap makipagtalo sa kanya.

"See you soon Gabby dear." Nakangiting paalam niya saka tuluyang umalis.

Nanahimik na naman kami nang umalis si Nick.

"Sorry na," basag ko sa katahimikan.

"For what?" tanong niya.

"Ah basta sorry."

Asa namang di niya pa alam kung bakit ako nagso-sorry.

"Okay, but I'm still pissed," sabi niya.

"No you're not," sagot ko.

Paano ko nasabi? Kasi nag-English pa rin siya.

"Yes, I am."

"But you don't hate me right? We are still friends right?"paninigurado ko.

"Yes we're friends." Hindi siya nakangiti pero wala na ang kunot sa noo niya.

Friends, bakit ganun nalulungkot ako tuwing sinasabi niya yun. Ano bang iniisip ko? I need some distraction. 

"Wala ka bang pasalubong sa akin bukod sa phone ko?" tanong ko sa kanya.

Kinuha niya ang upuan na kinuupuan ni Nick kanina at siya naman ang umupo doon.

"I got some chocolates."

"Sira ulo! Ewan ko sayo!" inis na sabi ko. Humiga ako at tinalikuran ko siya.

"I'm just kidding..."

"Talk to the hand," sabi ko sabay angat ng isang kamay ko, saka iniharap sa kanya ang palad ko.

"Hello hand, do you want some food? You're owner is kinda pissed. I bought her food but she turned her back on me."

Ay impakto! kinausap nga ang kamay ko.

Nangawit na ako kaya ibinaba ko na ang kamay ko.

"Hand!" Hindi pa siya tapos sa sinasabi niya ay muli ko siyang hinarap. 

"Give back your hand," parang batang sabi niya with matching pout ng lips.

Hala! Ang cute ng impaktong ito.

"Sira ulo ka! Wag ka ngang ganyan! Di bagay sayo. Asan na ang pagkain ko?" natatawang sabi ko.

"You're not pissed anymore?" parang sira na tanong niya. 

"Wala akong panahon para maasar, lalo na at gutom na ako."

Tumayo siya at ipinatong sa kama ko ang bed table, inilabas ang pagkain sa loob ng isang paperbag tsaka ipinatong doon.

"Saan mo binili to?" tanong ko sa kanya sabay turo sa mga pagkain.

"Don't ask, just eat."

"Ikaw? Kumain ka na ba?" tanong ko.

"I'm going to eat those apples." Sabay turo sa mga apple na nakapatong sa side table.

"Sigurado ka yan lang kakainin mo?" tanong ko.

"I've already eaten along the way," paliwanag niya.

"Okay." Di na ako nakipag-talo sa kanya dahil kanina pa nagwawala ang mga sawa sa tiyan ko.

Maya't maya akong napapatingin sa kanya habang kumakain habang siya ay busy sa pagkain ng apples at panonood sa tv. Nakalimutan ko na nanonood nga pala ako ng The Ring kanina bago dumating si Nick. Tinapos ko na lamang ang pagkain ko. 

"Fan ka ng horror movies?" bigla kong tanong.

"Iyong nag-trespass dito kanina takot sa horror." 

"You mean Nick? That's why you we're laughing when I came in?" tanong niya.

"Hindi, dahil sa apples kaya kosiya pinagtatawanan, di siya marunong magbalat niyan."

Tumango lamang siya, alam ko na ang ibig sabihin nun di siya interesado. Impakto na nga, suplado pa.

"Okay, sabi ko nga tatahimik na lang ako," napipilitang sabi ko. Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Sorry I'm kinda pissed when we suddenly talk about him."

"Sorry din, pero bakit? Di ba sabi niya bestfriends kayo dati."

"When we were in grade school," tipid na sagot niya.

"Bakit di na kayo friends?" pang-uusyoso ko.

"Why are you interested?" tanong niya pabalik.

"H'wag mo sagutin kung ayaw mo, tsk!" singhal ko.

"When we reached high school we became rivals for honors. He was supposed to be the valedictorian, but things didn't happen because my family intervene."

Ay may ganoon pa lang history ang dalawa sayang naman bestfriends turned to rivals,turned strangers.

"That's why I wanted to take the company with my skills and not because of my family."

Kaya pala walang nakaka-alam na anak siya ng CEO bukod sa akin at kay Nigel.

"Ehh matagal na 'yun 'di ba pwedeng kalimutan na lang 'yun? Tatanda niyo na ehh, wala naman na kayo dapat pagtalunan pa." Napailing na lang siya sa sinabi ko.

"Why are we  talking about him again?"

"Ahh... dahil sa movies?"

"Speaking of movies, what's your favorite?"

"Madami."

"Tss, Have you watch 5 centimeters per second?" tanong ko sa kanya.

"I don't know if you're into animation," patango-tangong sabi niya.

Akalain mo yun, napanood niya yun?

"Hahaha, The ending epic," Nakangising sagot ko.

"So you've already watch it," natatawang sabi niya.

"Sinabihan ko na siya kanina na panoorin niya," nakangising sabi ko.

"Savage!" Natatawang sagot niya sa akin.

"Ang bait ko kaya," pagkontra ko sa kanya.

"Yeah right."

Tumayo siya para iligpit ang pinagkainan ko.

"Sanay ka mag-linis noh?" pansin ko sa ginagawa niya.

"Perks of living alone?" naka-ngiwing sagot niya habang tinatapon sa basurahan ang pinagkainan ko.

"Xi, baka isipin mo inaalila kita." 

"Nah, I should take care of you."

"Ano? Kasi nakokonsensya ka kasi nakakain ako ng chocolate dahil sayo?" Bumalik siya sa pagkakaupo niya. 

"No, I'm taking care of you because I want to," banat niya, habang nakatitig sa akin.

"Asus, kikiligin na ba ako?" sarcastic na tanong ko.

"Aren't you?"

Sira ulo talaga ang impaktong ito. Kung di niya pinagdiinan na friends kami siguro kanina pa ako nangisay dito.

"Ewan ko sayo." I blurted. Buti na lang di uso sakin ang mamula kapag kinikilig.

"Xi,pwede favor?" 

"Favor?" tanong niya pabalik .

"Pwede 'wag ka na masyado mag-english pag tayo lang dalawa? Nakakanose-bleed."

"Silang, it's my way of intimidating people," paliwanag niya. 

"Di ko na kailangan ma-intimidate sayo. Matagal na ako na-intimidate sayo."

"Okay, pagbibigyan kita," sabi niya.

Holy Sheep! Nagtagalog na siya ng di galit! Kukunin na ba ako Lord?

"What's with the look?" takang tanong niya.

"Wala na, nag-english ka na ulit." I sounded disappointed.

"Ha?" Bakas ang pagtataka sa mukha niya.

"Kalimutan mo na nga lang 'yung favor na hiningi ko," sabi ko sa kanya.

"Weird," sabi niya.

"I know."

Para kaming mga ewan. I'm so bored  kalahating araw na akong nandito. Gusto ko na umuwi.

"You look bored now, not in the mood to watch? " Sabi ni Xavier.

Di ko alam pero wiling-wili siyang manood ng mga palabas sa T.V. Kaya tinulugan ko na lang siya.

Naalimpungatan ako saka ko nakitang nag-uusap ang doctor na naka assign sa akin at si Xavier sa may pintuan. Napansin naman ako agad ni Xi at saka siya lumapit sa akin.

"Anong meron?" tanong ko sa kanya habang kinukusot ko ang mga mata ko gamit ang likod ng palad ng isa kong kamay.

"They said that you will be discharged today."

"Talaga?" masayang sabi ko.

"Yes," tipid niyang sagot.

"Alam na ba ni kuya?" tanong ko sa kanya.

"I'm going to give him a call."

"Okay."

Lumabas siya ng kwarto para tawagan si kuya, hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang gawin 'yun. Ilang segundo pa ay pumasok naman si nurse Carlo.

"Hello maam," nakangiting bati niya sa akin.

"Balita ko ma didischarge na po kayo."

"Ganun na nga," nakangiting sabi ko.

"Nasaan na yung boyfriend niyo?" tanong niya sa akin.

"Sinong boyfriend? Hala baka multo yung nakita mo," pananakot ko sa kanya.

"Kung 'yung supladong lalaking nagdala sakin dito ang tinutukoy mo. Di ko 'yun boyfriend, 'di ko abot standard nu'n," sabi ko na lang kahit di ko naman talaga alam ang standard ni Xi.

"Weh? Ang cute nyo kaya ma'am."

Bolerong nurse spotted.

"Sabi din ng kuya ko," sagot ko sa kanya. Napangiwi na lang siya sa sagot ko.

"Tatanggalin ko na lang po itong nakakabit sa kamay niyo maam," sabi niya.

Ginawa naman niya iyon. Pagkaalis ng karayom ay nilagyan niya ng band aid ang pinagtanggalan nito.

"Pero ma'am tingin ko crush ka nu'n." Tukoy niya kay Xi.

"Kuya nurse 'wag mo akong paasahin sa kanya. Secret 'to pero ako talaga ang may crush dun," bulong ko sa kanya. Napatawa na lang siya sa sinabi ko saka naman pumasok ulit si Xi sa loob ng kwarto. Binigyan naman ako ng makahulugang tingin ni nurse Carlos.

" Sige Maam, una na ako ingat po sa pag-uwi." paalam niya sa akin saka kumindat.

Di ko na malayan na nakalapit na si Xi sa akin at mariing nakatitig sa akin habang nakasalubong ang dalawang kilay.

"Bakit may kindat pang nalalaman yun?" tanong niya.

Holy Sheep! Bakit nagtagalog siya? Galit na naman ba 'to?

"Bakit ka nagagalit?"

"No I'm not," deny niya.

"Oh, yes you are."

"Tss!" Dinig ko mula sa kanya.

Nakulitan na ata sa akin.

"Nakausap mo na ba si kuya? Darating daw ba siya?"Pagiiba ko ng usapan.

"No, I told him I'll be sending you home."

"Ha? paano yung bill," tanong ko.

"Don't worry, it's been settled."

"Ehh?"

Gusto ko siyang tanungin bakit? Sigurado akong siya ang nagbayad ng bill ko. Malamang nakonsensya na naman siya. Pero di ba parang abuso yun?

"You have a health card right? I used it," pag bibigay alam niya sa akin.

Ayy, bwisit! Langya naman ehh. Assume pa Gabriela!

Napangiwi na lang ako dahil sa disapointment.

"Get ready, we are leaving this place," utos niya sa akin.

Wala akong dalang gamit bukod sa dinala ni kuya. Pero may binitbit ako, ang unan at first aid kit mula sa hospital, sa pagkakaalam ko pwede ko iyong iuwi.

"Why are you carrying that?" tanong niya na tila nahihiya dahil sa bitbit ko.

"Freebies? Saka di naman nila ako pinigilan at bayad ko naman 'to ahh."

"Let's hurry up," sabi niya saka  binilisan ang paglalakad.

Nakakahiya ba talaga ang pagbitbit ko nito? Bahala na iisipin ko na lang bayad ko 'to dahil yun naman ang totoo.

< End of Chapter 17>