Dahil sa inasal ni Meghan ay nawalan siya ng ganang kumain at minabuti ni Nick na umalis na lang kaysa makipagsagutan sa babae. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit biglang nagbago ang babae. Unang beses pa lang niyang nakita ito sa ganung ayos at hindi siya pabor sa inasal ng babae.
On his way to the office, he couldn't help but remember Meghan. What has gotten into her? Hindi siya immune sa angking kagandahan ng babae at ilang beses na siyang muntikang bumigay mula sa pagpipigil. Hindi siya hipokritong tao. Lalaki siya. At hindi naman niya kaano-ano si Meghan kung tutuusin. But common decency dictated him to stop thinking about Meghan because he's already engaged with Margaret!
Pagdating ni Nick sa opisina ay laman pa rin si Meghan ng kanyang isipan. Bakit hindi niya makalimutan ang mapang-akit nitong tingin kanina habang uminum ng gatas? Kagabi, nang pinuntahan siya ni Meghan upang komprontahin sa estado nila ni Margaret, gusto niya sanang isipin na may pagtingin din ito sa kanya. Kung hindi lang niya alam na mainit ang dugo ni Meghan kay Margaret…
Magkasing-edad lang sina Meghan at Margaret ngunit mas mature mag-isip ang kanyang nobya. Hindi kagaya ni Meghan na nalulong sa panonood ng Korean drama at palipat-lipat ng trabaho, seryoso si Margaret sa pagiging guro ng mga special children. Mahaba rin ang pasensya ni Margaret kumpara kay Meghan. Pero teka, bakit ikinumpara niya ang dalawang babae? Napailing si Nick at pilit na iwinaksi sa kanyang isipan ang mga ito.
Nabanggit ni Manang Merlie dati na mahilig si Meghan sa mga lalaking tsinito at 'yong may mga dimples. Hindi naintindihan ni Nick ang kanyang sarili kung bakit ikinalungkot niya ang katotohanang hindi siya tsinito. Wala rin siyang mga dimples. Ay meron pala. Sa kanyang puwet.
Pinilit ni Nick na huwag nang isipin si Meghan upang matapos niya ang mga gawain sa opisina. Hindi na niya inabala ang kanyang sekretarya na si Jill at idinayal ang numero ni Jonathan, ang top performer ng Demakis Multifarm pagdating sa sales. "Jo, ano'ng nangyari sa salescall mo kanina?" Hindi siya katulad ng ibang presidente ng kumpanya na maghintay lang ng reports mula sa mga department managers. Hands-on siya pagdating sa negosyo, at kilala niya ang lahat ng mga tauhan nila.
"Okay lang, sir. Pipirma na sila ng kontrata na tayo ang magsusupply sa kanila ng karneng baka. Exclusive for five years," ibinalita ni Jonathan ang magandang resulta ng kanyang pag-sales call sa Kinamot Restaurant.
"Keep up the good work, Jo!" sabi ni Nick bago niya ibinaba ang telepono. Hindi lang karneng baka ang kaya nilang i-supply kundi pati na rin ng manok at baboy ngunit mas popular lang ang kanilang beef dahil grassfeed ang lahat ng kanilang mga hayup at organic pa.
Buong umaga ay abala si Nick. Meeting ditto, meeting doon kaya hindi na niya napansin pa ang oras. It was quarter to twelve when Margaret suddenly showed up. "Wala ka bang pasok?" Hindi niya ipinahalata sa babae na nainis siya sa ginawa nito. Sa lahat kasi ng ayaw niya ay yong bigla na lang susulpot sa opisina.
"Hello, darling. It's time to eat your lunch!" Pagkasabi ay nilapitan ni Margaret ang kanyang nobyo at humalik sa pisngi ng lalaki. "Bumili na ako ng makakain mo upang hindi ka na lalabas pa," dagdag pa ni Margaret.
"Hindi ka na sana nag-abala pa, may restaurant naman kabilang kanto." Tugon ni Nick pero nainis siya sa ginawa ng babae dahil hindi na siya bata upang dalhan ng lunchbox. "Look, Maggie, di ba pinagsabihan na kita dati pa? Ayokong nagdadala ka ng pagkain dito sa opisina," sabi ni Nick.
Na-offend si Margaret sa sinabi ng binata pero ngumiti pa rin siya at yumakap sa lalaki. "I missed you," sabi niya.
"Teka, wala ka bang pasok?" Inulit ni Nick ang kanyang tanong nang pumasok ito sa opisna.
"Nag file ako ng half-day leave for my monthly appointment with Doctor Chua. And since, malapit lang naman dito yong clinic kaya naisipan kong dalhan na lang kita ng lunch." Margaret explained.
"Thank you, Maggie, pero hindi naman ako kumakain ng lunch." Usually ay hindi, pero kanina pa siya nagugutom, kaya lang ay ayaw niyang makasanayan ni Margaret na puntahan siya sa opisina.
"I know. But just in case na magutom ka, may makakain ka na dito sa loob. Or ipamigay mo na lang sa staff." Sumagot si Margaret ngunit nagtaka siya kung bakit parang may nagbago kay Nick. Pakiramdama niya kasi ay mas gugustuhin ng lalaki na wala siya sa harapan nito. May iba na kaya ito? Pero kasama naman niya ang lalaki kagabi at malambing naman ito. You're overthinking, Margaret! Pinagalitan niya ang kanyang sarili.
"Alright, I'll eat it, later. Pagkatapos nitong ginawa ko, okey? Hindi ka ba pa ba late sa appointment mo?" He hoped na makuha ni Margaret ang gusto niyang sabihin. Tumingin ito sa suot na relo at nagpaalam na kaagad.
Nakonsensya si Nick sa ginawang pagtaboy sa kanyang fiancee ngunit ano naman ang pag-uusapan nilang dalawa sa loob ng opisina. Marami pa siyang gagawin. Napabuntong-hininga si Nick habang idinayal ang numero sa bahay. "Si Meghan ba, andyan?" Tinanong niya si Merlie nang sumagot ito sa kabilang linya.
"May ginagawa pa siya, Nick." Sagot ni Merlie.
"Ano?" Kumunot ang kanyang noo habang hinintay si Merlie na sumagot.
"Ewan ko basta nabanggit niya sa akin na balak niyang magtrabaho sa Cebu," sabi ni Merlie.
"Nahihibang na ba siya? Bakit kailangan pa niyang pumunta doon eh marami namang job opportunities dito o magtayo siya ng sarili niyang business, sabihin mo sa kanya na kakausapin ko siya ngayon din!." Inutusan ni Nick si Merlie na tawagin si Meghan.
"Ayaw niya daw," sabi ni Merlie.
"What?" Nagsilabasan ang ugat sa kanyang leeg nang marinig ang sagot ni Merlie.
"Tawagan mo na lang sa kanyang cellphone, at may tatapusin pa ako rito." Sabi ni Merlie at ibinaba na ang telepono.
Matapos ibaba ni Merlie ang landline, sinubukan ni Nick na tawagan si Meghan sa cellphone nito. Ilang beses niya itong tinawagan pero hindi sinagot ng babae. Nakailang ring na ang cellphone nito bago sumagot si Meghan. Tumikhim muna si Nick bago nagsalita matapos niyang marinig ang boses ni Meghan sa kabilang linya. "Nasaan ka ba? Bakit ang tagal mong sumagot?"
"Busy ako ngayon, Nick. Bakit?" Nagtanong si Meghan.
"Busy saan? Alam kong nag-resign ka na sa pinagtrabahuan mo!" Singhal ni Nick sa babae.
"Kaya nga busy dahil naghahanap ako ngayon ng mapapasukan, ano ba ang problema mo? Sige na, bye na at may kailangan pa akong i-submit." Sabi ni Meghan.
"Sandali lang, sabihin mo kay Merlie na dyan ako kakain ng lunch." Bilin ni Nick bago niya ibinaba ang telepono.
Pagkatapos nilang mag-usap ni Meghan, saka lang siya nagtaka kung bakit sinabi niyang sa bahay magla-lunch. Lumabas siya ng opisina at nagpaalam kay Jill na aalis na muna siya.
"Nasaan si Meghan?" Kaagad na tinanong ni Nick si Merlie nang hindi niya nakita ang babae.
"Kanina pa nagkukulong sa kanyang silid, busy daw." Sagot naman ni Merlie.
"Pupuntahan ko lang saglit," nagpaalam siya kay Merlie bago pumanhik sa itaas. Busy daw? Eh bakit hanggang sa pasilyo ay narinig niya ang rock music mula sa silid ng babae? Kumatok siya. "Meghan? Si Nick 'to!" Hindi niya alam kung narinig ba siya ng babae, pero bahagya nitong inadjust ang volume ng kanyang speaker kaya sinubukan niyang katukin uli. Nang bumukas ang pinto, pawis na pawis ang babae na tila ba galing ito sa pag-ehersisyo. "Akala ko ba ay busy ka?"
"Nick! What's up?" Nagtaka si Meghan kung bakit biglang sumulpot si Nick sa bahay gayung oras ng trabaho. "Kanina, pero libre na ako ngayon, bakit? May kailangan ka ba sa akin?"
"Bumaba ka na at sabay na tayong kakain," sabi ni Nick.
"Okay, shower lang ako saglit." Sagot ni Meghan na nakangiti. Sa totoo lang ay naguluhan pa rin siya sa kanyang damdamin para sa lalaki. Halata naman kasi na walang ka amor-amor sa kanya si Nick. Kung bakit ba kasi sa lalaki pa tumibok ang kanyang inosenteng puso?
Ngunit, hahayaan na lang ba niya itong mapunta sa ibang babae? Wala siyang ibang nais kundi ang maging maligaya ang lalaki. Pero paano naman siya? Makakaya ba niyang maging malungkot habangbuhay? Paano kung sa kanya naman pala maging maligaya si Nick? Napakaduwag naman niya kung hindi niya susubukang ipaalam sa lalaki ang kanyang feelings.
Win or lose, she decided to let him know. Kung matalo man siya sa sugal na gagawin, at least she tried. Kaysa naman hihintayin niyang magbago ang feelings nito para sa kanya, di ba? Habang nasa shower ay may nabuo na siyang plano kung paano kakausapin ang lalaki tungkol sa tunay na saloobin ng kanyang puso. Ipapakita niya sa lalaki na hindi uurong sa laban ang isang Meghan Tecson, at para siyang si Gabriella Silang nang itinaas niya ang kanyang kamay para sa isang labanan!