Inakala ni Meghan na palalampasin ni Nick ang ginawa niyang pag-alis upang manood ng mga macho dancer sa Navigator ngunit nagkamali siya. Kinaumagahan ay nakabalik na siya sa Tagbilaran at walang nangyari sa job interview. Nagalit sa inasal ng lalaki dahil kung ituring siya nito ay parang bata na walang alam.
"Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin," sabi ni Meghan at pabagsak na isinara ang pintuan sa mukha ni Meghan. Puputi na muna ang uwak bago niya ito kakausaping muli! Kumatok si Nick pero hindi niya ito pinagbuksan at nag-emote sa loob ng silid.
Imbes na suyuin siya ni Nick ay mas pinili nito ang trabaho pero bantay sarado na si Meghan. Kailangan na niyang magpaalam sa lalaki kung may gusto siyang puntahan at kailangan aprubado iyon ni Nick. At hindi siya pwedeng umalis ng bahay na hindi kasama si Merlie. Hindi niya maintindihan ang sobrang pagbabantay nito sa kanya, unless may gusto sa kanya ang lalaki, pero imposible naman yon. Lagi na lang siyang pinagalitan nito, singhal dito, singhal doon.
Naisipan ni Meghan na siguro ay kailangan na niyang ibahin ang kanyang istilo. One time - big time, 'ika nga, pero sana lang ay magtagumpay siya upang hindi naman masayang ang kanyang effort. Oo nga at galit pa rin siya kay Nick, pero ito pa rin naman ang itinibok ng kanyang puso. Hinding-hindi siya mapapanatag kung si Margaret ang mapapangasawa nito. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Emma, agad naman itong sumasagot sa kabilang linya.
"What's up, Meg? Bakit, napatawag ka? Ang aga-aga pa!"
"I need your help, Ems. Kailangan kong baguhin ang aking sarili para mas mapansin ako ng lalaking gusto kong maging asawa." Isinalaysay niya sa kaibigan ang lahat-lahat.
"Sino?" Nagtanong si Emma.
"Sino pa ba kundi si Nick?" Dati pa naman ay alam na ni Emma ang tungkol sa kanyang damdamin para kay Nick.
"Bakit siya? My God, he's too old for you, dear. Para kayong beauty and the beast niyan," ni-remind ni Emma si Meghan na hindi naman ganun ka-gwapo si Nicholas sa kanyang paningin, although may hitsura ito.
"Gwapo si Nicholas at hindi pa siya matanda. Thirty pa lang siya ngayong taon na ito," dinipensahan ni Meghan ang edad at hitsura ni Nick.
"Ah, thirty, matanda na nga para sayo. Haler, twenty-five ka pa lang!"
"I don't care. So, tutulungan mo ba ako o hindi?" naiinis siya kaibigan dahil nilait nito si Nick. Basta para sa kanya, si Nicholas ang pinakagwapo sa buong mundo. Greek-American ang ama ni Nick at sa pagkakaalam niya, dating beauty queen ang ina nito. Namana ni Nick ang mga magandang features ng dalawang magulang. Namana nito sa ina ang kayumangging balat at itim na buhok. Nakuha naman ni Nick sa ama ang asul na mata at ang height nito. Six-footer si Nick tulad ng ama nito. At balbon din .Overall, he's sexy and hot. Ang hindi lang niya gusto sa lalaki ang pagiging arogante nito sa kanya. Gusto siya nitong i-kontrol. Magpagawa na lang kaya siya ng remote control para sa sarili at ibigay kay Nick para hindi na ito mahihirapan sa pag-kontrol sa kanya. Napatawa siya sa naisip. Ano kaya ang magiging reaksyon nito kung sabihin niya rito ang naisip niya? Hindi kaya siya kakalbuhin? Seryoso pa naman ito sa pagiging guardian niya.
"Syempre, I'll help. Ang una nating gawin ay mag-shopping ng mga uso at seksing damit, game?" halatang na-excite na rin si Emma sa kanilang bagong project.
"Okay, sige, magbihis lang ako at dadaanan na lang kita sa apartment mo, bye." Agad niyang dinayal ang numero ni Nick nang mawala sa kabilang linya ang kaibigan.
"Nick, lalabas kami Merlie ha, you know, shopping." Pagsisinungaling niya sa lalaki.
"Sure, ingat kayo."
Iyon lang at ibinaba na ng lalaki ang telepono. Siguro busy ito sa office. Sa dami ba naman ng inasikaso ng lalaki. Agad niyang sinabihan si Merlie na aalis sila upang mag-shopping sa ICM. Magprotesta sana ito pero napa-oo rin niya. Syempre, may suhol. Isasama niya ito sa mall at papanoorin ng sine. Unlimited movies. Tuwang-tuwa naman ang matanda dahil mahilig ito sa mga pelikula, lalo na sa mga Hollywood movies. Mabilis siyang nag-shower at pagkatapos ay nagbihis ng skinny jeans na asul at puting blouse. Naglagay ng lipgloss at pulbo, then she's ready to go. Kia Sportage ang dinala niyang sasakyan dahil sigurado siyang kakailanganin niya ang malaking space for the shopping bags.
Inabot ng apat na oras ang pag-shopping nila ni Emma at halos maubos ang balance sa kanyang credit card. Sigurado siyang mag-aalburoto na naman si Nick kapag matanggap na nito ang billing statement niya.
Karamihan sa mga nabili nila ay mga cropped blouses, plunging ang necklines, maikling palda at mga shorts. May mga halter na jump-suit, two-piece bathing suits, pati t-back meron din. Bumili din sila ng mga bagong-uso na jeans, shorts overall, high-waist denim shorts at marami pang iba tulad ng mga seksing nighties. Ang iba ay see-through, na kadalasang isinusuot ng mga bagong kasal.
Palabas na sila nang mall nang hinila siya pabalik ni Emma. May nakalimutan daw ito sa loob kaya binigyan na lang niya ng pera si Merlie para kumain na lang muna at baka matatagalan sila sa loob. Dinala siya ng kaibigan sa isang ink shop. Na shock siya sa nakitang nakapaskil na available services ng naturang ink shop. May tattoo at body piercing.
"Magpatattoo ka? Pwede ba next time na lang? Hindi ka ba nagugutom?" tinanong niya si Emma pero hindi siya pinansin nito. Lumapit ito sa counter at nakikipag-usap sa babaeng naroon.
"Meg, sige na pumasok ka na doon. Ready na ang artist para sayo." Parang balewala lang ang pagkakasabi nito sa kanya.
"Bakit ako?" naguguluhan niyang tanong.
"Eh, ikaw ang magpatattoo. Parte iyon ng pagbabago mo. At sigurado akong papansinin ka na Nick niyan kapag nakita niya ang bago mong tattoo at belly ring."
"Ganun ba? Okey, pero teka, hindi ba masakit 'yon?" Nag-alinlangan si Meghan kasi kahit hindi pa siya nakapagpatattoo dati, batid niyang masakit 'yon.
"Don't worry, may mga numbing cream naman. Go now," sabi ni Emma.
Kinabahan si Meghan habang papasok sa isang silid. Di ba mga lalaki ang kadalasan na mga tattoo artist? Pero ang napasukan niya ay isang magandang babae na kampanteng naka-upo sa silyang naroon. Binigyan siya ng brochure para sa mga designs. Wala siyang napili.
Maybe she would just settle down with the belly ring?