Chereads / PHANTOM OF DESIRE / Chapter 7 - CHAPTER 1

Chapter 7 - CHAPTER 1

Alas singko pa lang ng umaga ay gising na si Meghan o mas tamang sabihin na hindi siya nakatulog ng maayos dahil sa kanyang pananabik na makitang muli si Nick. Limang taon na din ang nakalipas simula nang umalis ito para sa kanyang trabaho. Isang piloto ang lalaki at subsob ito sa trabaho maski na hindi nito kailangan ang pera. Sa loob ng limang taon ay tanging sa videocalls lang niya nakita ang lalaki at nakausap.

"Good morning, Manang Merlie. Kumusta?" Masigla niyang binati ang ginang na matagal ng nanilbihan sa bahay ng mga Demakis. Noong una nga ay inakala niyang may relasyon si Manang Merlie at ang kanyang Dada Carlos.

Hindi na siya nagtaka pa kung bakit maagang gumising si Meghan dahil kilala niya ito at batid niyang ang dahilan ng excitement ng babae ay ang pag-uwi ng kinakapatid nito si Nick. Noon pa man ay nahalata na niyang may lihim na pagtingin ang babae sa lalaking itinuring nito bilang kapatid."Heto pula pa rin ang hasang," biniro niya ang babae. "Maupo ka doon at ipagtimpla kita ng gatas."

"Ngeh, huwag na po ang gatas, Manang Merlie. Kape na lang ho," sagot ni Meghan.

"Bawal sa bata ang magkape," umiling si Merlie.

"Hindi na po ako bata, bente na kaya ako." Hindi niya nagustuhan ang pagturing ni Merlie sa kanya bilang bata dahil dalaga na siya.

"Para kay Carlos at Nick ay isa ka pa ring bata, gusto mo bang magalit sila sa akin?" Sa tingin ni Merlie ay mahihirapan si Nick na kontrolin ang dalaga balang araw. Likas itong may matigas na ulo at may pagka-rebelde. Gayunpaman, mabait na bata si Meghan at mahal na mahal ito ng kanyang amo at itinuring na tunay niyang anak.

"Sige na nga, gatas na lang. Pero pakilagyan mo naman kahit konting coffee para may kulay naman," pakiusap niya kay Merlie.

"Masusunod Madam," sagt ni Merlie habang kinuha mula sa cupboard ang paboritong tasa ni Meghan. Kulay pink ito at nakasulat sa mismong tasa ang pangalan ng babae. Napailing na lamang siya habang nagsalin ng mainit na tubig galing sa heater. "Tinapay, ayaw mo?" Tinanong niya si Meghan nang mailapag niya ang inumin nito sa mesa.

"Hmmm sige po, gusto ko yong wheat bread na may nutella." Pahayag na Meghan at kaagad na tumalima si Merlie upang ihanda ang ni-request ng kanyang alaga.

Pagkatapos niyang ubusin ang gatas at sandwich na inihanda ni Merlie, lumabas siya ng bahay, at nakita niya ang ama ni Nick na humigop ng kape habang nagbasa ng newspaper sa gilid ng pool. Nilapitan niya ito at niyakap mula sa likuran. "Ang aga mo naman, Da." Sabi ni Meghan.

Tumawa si Carlos sa sinabi ng babae dahil lagi naman siyang gumising ng maaga. "What about you? Bakit gising ka na?" Tinanong niya si Meghan. "By the way, tumawag si Nick kanina, hindi na raw siya matutuloy sa pag-uwi."

Hinintay ni Meghan na ngumiti ang matandang lalaki at bawiin ang sinabi nito, na biro lang ang lahat, at hindi totoo na ma-postphone ang pag-uwi ni Nick. Sobra na niyang na-miss ang lalaki at kahit lagi niya itong nakausap sa pamamagitan ng videocall, hindi pa rin sapat 'yon! ��You're kidding," sabi niya.

"Am I? Hmmm, tama ka." Sabi ni Carlos at umilag sa mga kurot ng babae.

"Ang sama-sama mo, Dada!" Tila nagtampo na sabi ni Meghan.

"Hindi ka na talaga mabiro," sagot ni Carlos.

"Alam mo naman kasi na namimiss ko na siya ng husto, tapos sasabihin mo sa akin na hindi siya matutuloy sa pag-uwi," pahayag ni Meghan.

"Sa tingin ko ay higit pa sa crush ang nararamdaman mo para kay Nick," sabi ni Carlos. Noon pa man ay ipinagtapat na ni Meghan sa kanya ang tunay nitong damdamin para sa kanyang anak.

"Crush lang, Dada." Nagsinungaling siya sa matanda. Dati ay crush lang talaga niya si Nick, pero habang tumatagal, nagging bukambibig na niya ang pangalan nito hanggang sa umibig na siya rito ng palihim.

"Mabuti kung ganun, kasi kilala mo naman si Nick. Hindi ka papatusin 'nun," sagot ni Carlos.

Tumango lang si Meghan kahit masakit para sa kanya ang sinabi ng matanda. "Maliligo na muna ako, Dada." Nagpaalam siya sa lalaki at mabilis na tumalikod at bumalik sa loob ng bahay. Alam niya sa kanyang sarili na wala siyang mapapala kay Nick, kaya lang, hindi naman pwedeng turuan ang puso ng isang tao kung sino ang mamahalin nito.

Imbes na magpasalon si Meghan para magpaganda ay nagmukmok lang siya sa loob ng kanyang silid at hinintay ang pagdating ng lalaki. Nasa second floor ng bahay ang kanyang silid pero kapag naupo siya sa gilid ng binta ay tanaw niya ang gate at kung sinuman ang darating at aalis.

Bisperas ng Pasko at mag-aalas syete na ay hindi pa dumating si Nick. Unti-unti ay nawalan siya ng pag-asa na makarating ito makapag-celebrate ng pasko kasama nila. Panay ang pagbuntonghininga ni Meghan habang nag-aabang sa may binta at nang mapansin niya si Merlie na tumakbo papunta sa gate, alam niyang si Nick ang dumating. Hindi siya umalis sa kanyang kinaupuan at matiyagang naghintay ngunit nang bumaba ang lalaki mula sa kanyang sasakyan, nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita at patakbong bumaba.

"Nick!" Malakas niyang tinawag ang pangalan ng lalaki kahit nasa malayo pa siya. Ngumiti ang lalaki at sapat na 'yon upang magbunyi ang kanyang puso. "I miss you!" Niyakap niya ang lalaki at wala siyang pakialam kung nakatingin si Manang Merlie at ang Dada niya.

Nagulat si Nick nang bigla siyang yakapin ni Meghan at nanlaki ang kanyang mga mata. Noong una ay ayaw niya kay Meghan dahil likas na itong pasaway. However, he had no choice kasi iilan lang naman ang mga bata sa bago niyang tirahan. Tanging si Margaret at Meghan lamang ang lagi niyang naging kasama at hinding-hindi niya makalimutan ang nangyari noong nagkasabunutan ang dalawang babae dahil lamang sa isang bayabas. Graduating na siya sa highschool noon at nasa grade two pa yata ang dalawang babae pero sila ang lagi niyang kasabay pauwi galing sa paaralan.

"Oy ang laki ng bayabas o! Parang ang sarap kainin!" sabi ni Nick habang pauwi sila galing eskwela.

"Gusto mong kumain ng bayabas, Nick?" Tinanong ni Meghan ang lalaki nang marining niya ang paghanga nito sa malaking bayabas. Noon pa lang ay crush na niya si Nick, kaya lang ay crush din ito ni Margaret!

"Okay lang, Meghan kasi nag-iisa lang naman 'yan. Hindi kasya sa ating tatlo," tumanggi si Nick dahil nakakahiya naman kun siya lang ang kakain ng bayabas, paano naman ang dalawang batang babae?

"Sus, sandali lang at kukunin ko, wait ka lang, okay?" Nilapitan ni Meghan ang puno ng bayabas at pilit na kinuha ang hinog na bayabas. Muntik na niyang mahawakan ang bayabas nang biglang pumasok sa eksena si Margaret at ito ang pumitas sa hinog na prutas. Halos maiyak na si Meghan nang tinanggap ni Nick ang prutas at ngumiti pa ito kay Margaret!

"Meghan!" Nagulat si Nick nang biglang sugurin ni Meghan si Margaret at sinuntok ang isang mata nito. Bumagsak sa lupa si Margaret at hindi pa rin tumigil si Meghan sa pag-atake kay Margaret kaya pumagitna na siya at pinatigil ang babae. Ang resulta, hindi lang si Margaret and nagkaroon ng black-eye, kundi pati na rin siya.

"Ako dapat ang nagbigay sayo ng bayabas, Nick!" Galit pa rin si Meghan at inirapan ng husto si Nick.

"Tama na! Si Margaret o ikaw, pareho pa rin naman 'yon! Magiging apple ba ang bayabas kapag galing sayo? Look what you have done to us! Paano ako makakapasok sa school bukas kung ganito ang hitsura ko?"

"I'm sorry, Nick. Hindi ko naman sinasadya, nagselos lang kasi ako kay Margaret." Umamin si Meghan sa totoong naramdaman na ikinagulat naman ni Nick.

"At bakit ka naman magseselos? Crush mo ba ako?" Nagtanong si Nick.

"Oo! Crush kita at gusto ko na ako ang magiging girlfriend mo," sagot ni Meghan pero tahimik lang si Nick at hindi siya sinagot kaya mas lalo lang siyang nainis kay Margaret. "Hoy Margaret, ahas ba 'yang nasa likod mo?" Pasimple niyang tinanong si Margaret dahil alam niyang takot ito sa ahas. Pero ang impaktang babae, ginamit pa ang sitwasyon upang magpakarga kay Nick. Sa sobrang inis ay binilisan ni Meghan ang kanyang paglalakad at iniwanan ang dalawang pasakit sa kanyang buhay.

"Hoy Meghan, antayin mo naman kami!" Tumawag si Nick.

"Hmmmp! Bahala kayo dyan! Tamaan sana kayo ng kidlat!" Nagagalit na sumagot si Meghan at tuluyan na itong tumakbo pauwi sa kanilang bahay.

Naputol ang kanyang pagmuni-muni nang may biglang dumampi ang mga labi ni Meghan sa kanyang pisngi at nang tingnan niya ito, ngumiti lang ang babae. Medyo nailang siya sa ginawa ng babae dahil sa tingin niya ay hindi ito tama at nakatingin sa kanila ang kanyang ama at si Merlie. Huminga siya ng malalim at pilit na kinontrol ang sarili dahil hindi siya pwedeng maapektuhan sa ginawa ng babae.

Nicholas stared at the young woman with careful admiration. "I missed you too. Pero andito na ako ngayon, promise, babawi ako. Okay?" Nag-file siya ng indefinite leave mula sa opisina dahil gusto niyang makasama ng matagal-tagal ang kanyang ama at kinakapatid.

"Really? I'm glad." Meghan smiled at Nick.

"Welcome back, iho. Ngayong nandito ka, sigurado akong super duper fun ang ating pasko!" Excited na wika ni Carlos.

Natawa si Nicholas sa kanyang ama. Maliwanag pa sa sikat ng araw na nahawa ito sa kakikayan ni Meghan. Tiningnan niya ang babae ngunit deadma lang ito. Whatever the case, he's happy that she became part of their family.

"Tama kayo, Papa. Hmmm Pa? May ipakilala ako sayo, mamaya." Sabi ni Nick habang papasok na sila sa bahay.

"Sino?" Nagtanong si Carlos.

Tiningnan muna ni Nick si Meghan bago siya sumagot. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, ayaw niyang saktan ang babae kaya lang ay napasubo na siya. "Nobya ko po," sagot niya.

Sandali siyang tumigil sa paglalakad at nilingon ang lalaki. Hindi makapaniwala si Meghan sa kanyang narinig at tinanong si Nick. "May nobya ka na? Kailan pa?"