Chereads / PHANTOM OF DESIRE / Chapter 8 - CHAPTER 4

Chapter 8 - CHAPTER 4

Nanlaki ang mga mata ni Meghan nang makita ang kanyang boss na papasok sa opisina at galit na galit. Bitbit ng lalaki ang sobreng naglalaman ng kanyang resignation letter. Mag-isang taon na siya bilang store supervisor ng YM Trading at wala siyang balak na magtagal pa.

"Hi Boss," ngumiti siya sa lalaki nang maupo ito sa kanyang harapan.

"Ano 'to? Bakit? May hindi k aba nagustuhan sa YM?" Sunod-sunod ang tanong na lumabas mula sa bibig ng General Manager.

"Gusto ko lang magpahinga muna," sumagot si Meghan.

"How about utilizing your vacation leave? Bakit kailangan pang mag-resign? Alam mo naman na mahihirapan akong kumuha ng kapalit mo ngayon," litanya ng GM.

"My decision is final, sir. Kung namrublema po kayo sa magiging kapalit ko ho, ipanataga nyo na lang ang iyong kalooban dahil magaling kaya si Drake." Inirekomenda niya ang isang kasamahang lalaki na nakitaan ni Meghan ng galing sa trabaho.

"Si Drake? Eh puro babae lang naman ang alam 'nun!" Tumaas ang boses ng GM.

"Sabagay, fuckboy nga ang isang 'yon pero magaling po siya sa kanyang trabaho. Kung ayaw nyo kay taong inirekomenda ko eh maghire na lang kayo ng bago, basta ako ay hindi na papasok rito sa lunes." Naintindihan niya naman kung bakit nagalit ang kanyang GM pero walang makapagpabago ng kanyang desisyon.

"Miss Tecson! Ganyan ba talaga kayong mayayaman? Walang pakialam sa work ethics? I'm sorry pero hindi ko matatanggap ang iyong resignation letter."

"Kung magkano man ang magiging danyos sa breach of contract, I will ask my attorney to handle it." Pahayag ni Meghan na mas lalong nagpatindi sa galit ng kanyang GM.

"Palibhasa mayaman ang pamilya mo," sabi ng lalaki.

Pinili ni Meghan na manahimik na lamang at hindi na pinatulan ang lalaki upang hindi na lumala ang sitwasyon. Nang umalis ang lalaki mula sa kanyang opisina, iniligpit niya ang kanyang mga gamit at pagsapit ng uwian ay kaagad na umalis.

Habang lulan ng kanyang sasakyan pauwi ng bahay, patuloy na nag-echo sa kanyang taynga ang balita galing kay Margaret. Ipinagmalaki ng hitad na babaeng 'yon ang singsing galing kay Nick! Nagngitngit ang kanyang damdamin dahil nagkamali siya ng akala na isa lang fling si Margaret para kay Nick!

Limang taon na ang nakalipas simula nang ihatid nila si Carlos Demakis sa huling hantungan nito at simula noon ay marami nang nangyari sa kani-kanilang mga buhay. Nang magtapos siya ng Business Management, ginusto ni Nick na sa Demakis Multifarm siya magtrabaho ngunit hindi pumayag si Meghan.

Ganun pa rin naman si Nick at kung may nagbago man sa lalaki, iyon ay ang pinagkaabalahan nito. Hindi na bumalik sa pagka-piloto ang lalaki at nanatili na lamang sa probinsya upang palaguin ang rancho na naiwan ni Carlos Demakis at sa loob lamang ng limang taon ay nagawa ni Nick na palaguin ang farm.

Ngunit sa nagdaang limang-taon ay may lalong umigting ang kanyang pagkakagusto sa lalaki. He was so near and yet so far. Ni hindi man lang niya kayang sabihin dito ang kanyang tunay na damdamin. Ikaw ba naman kasi ang masabihan ng mahal kita bilang kapatid, lalaban ka pa ba? Ang hirap kaya! At sa tuwing bumisita si Margaret sa malaking bahay ay wala siyang magawa kundi ang pakisamahan ang babae kahit na gustong-gusto niya itong itulak sa hagdanan!

Pagkatapos ay mabalitaan na lang niya na engaged na it okay Margaret? How dare him! she thought. Pero 'yon nga lang, hanggang imahinasyon lang siya na hindi magkatuluyan ang dalawa dahil nagpropose na nga si Nick, di ba?

Nang dumating siya sa bahay ay wala pa ang kotse ni Nick. Nasaan na kaya ang lalaki? Nag-date kaya sila ni Margaret? Habang hinintay ang pagdating ng lalaki ay hindi siya mapakali sa loob ng kanyang silid.

Malakas ang pagbuntonghininga ni Meghan habang nakatitig sa wallclock at nang marinig niya ang tunog ng sasakyan ni Nick, kaagad siyang bumangon at inayos ang sarili. She calculated the time and went outside to confront him! Mabilis ang mga hakbang ni Meghan habang papunta sa silid ni Nick. She knocked like there was an emergency somewhere and it took him longer than usual to open the fucking door!

Nakakunot ang noo ni Nick habang pinagbuksan si Meghan ng pintuan. "Are you crazy? It's twelve midnight for goodness sake, Meghan!" Tumaas ng bahagya ang boses ni Nick.

Hating-gabi na pala. Well, hindi niya alam at wala siyang pakialam. Tinaasan niya ito ng kilay ala maldita mode. However, her innocent eyes caught something and it shocked her to the max! Napalunok siya ng laway kahit hindi naman siya nauhaw.

Meghan tried to look away but Nick got a hold on her shoulders and she was too close to him while he was only in his boxer shorts! Klarong-klaro ang nakaumbok na parte sa harapan nito. Mabuti na lamang at hindi masyadong maliwanag sa pasilyo kaya kampante siyang hindi nito mapapansin ang kanyang reaksyon. Para siyang teenager na nagba-blush habang kaharap ang crush. Well, crush pa rin naman niya si Nick dati pa!

"So what? May gusto lang naman akong klaruhin sayo at hindi ito makapaghintay bukas!" pagtataray niya upang ikubli ang pagka-aligaga niya sa nakita.

"Hindi na ba pwedeng ipagpabukas mo na lang yan? Gusto ko nang magpahinga, pagod ako sa trabaho." Tumanggi si Nick na kausapin si Meghan at tumalikod ito pabalik sa loob ng kanyang silid.

"Oh no, it can't wait." Meghan insisted.

"Talaga? Bakit, ano ba 'yon? Itanong mo na para pareho na tayong makapagpahinga. Aba'y hatinggabi na, o." Naiinis na tiningnan ni Nicholas ang suot na relo.

"Ikakasal ka na ba talaga kay Margaret?" hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.

"Yes, the sooner the better. Matanda na ako kaya gusto ko nang magkaroon ng sariling pamilya. Sorry kung hindi kita nasabihan kaagad. Nawala sa isip ko," paliwanag ni Nick.

"Hindi pwede! Hindi ako papayag!" Tumaas ang boses ni Meghan na siyang ikinagalit ni Nick dahil para siyang isang bata na nagta-tantrums.

"Look, your opinion doesn't really matter this time. It's my personal decision, Meghan. Buhay ko ito kaya sana maintindihan mo ako." Dagdag pa ni Nick.

Without any further ado, he closed the door on her face and she was hurt by his callous action -physically and emotionally! Dahil sa malakas nitong pagsara sa pinto sa kanyang mukha, na out-balance tuloy siya at bumagsak sa sahig. Masakit sa puwet iyon!

Ano daw? Her opinion didn't matter? Kung ganun naman pala, hindi rin siya dapat pakialaman nito! Kung makialam kasi ang lalaki sa kanyang buhay, wagas! Eh di wow, siya na ang magaling! She promised herself to move on with her life, and she should stop considering Nick as her future boyfriend or husband. Hah! Makikita nito ang paghihiganti ng isang api sa pag-ibig!

Kinabukasan, maaga siyang gumising. It's her first day on her all-out war with Nicholas Demakis. Or mas tamang sabihin na hindi siya nakatulog ng buong magdamag. Ngunit imbes na magmukmok sa kaiiyak, nag-shopping si Meghan online. Mga bagong damit, sapatos at bag.Ano kaya ang magiging reaksyon ni Nick kapag dumating na ang SOA ng kanyang credit card?

Suot ang napakaikling maong shorts na pinarisan lang ng puting t-shirt ay pakanta-kanta pa siyang bumaba at nagtungo sa breakfast room.Nadatnan niya si Nick na uminom ng kape.

"Good morning, Nick!" masigla niyang binati ang lalaki na tila nagulat nang makita ako.

Kumunot ang noo ni Nick nang makita kung gaano kaikli ang suot ng babae. Isang pagkakamali lang ay makitaan na ito ng hindi dapat ipakita sa ibang tao. "May problema ka ba?" Tinanong niya si Meghan.

"Me?" Maarting itinuro ni Meghan ang kanyang sarili at umiling. "Wala naman, bakit mo naman itanong?" Gumanti si Meghan ng tanong at saka tinawag ang isang katulong upang ipagtimpla siya ng kape na may halong gatas.

"O, wala naman pala, eh. Bakit ganyan ang ayos mo?" Nainis si Nick sa inasal ni Meghan dahil umaga pa lang ay pinataas na nito ang kanyang BP.

Ikinibit lang ni Meghan ang kanyang balikat habang inismiran si Nick."Ano'ng meron sa outfit ko at pinag-iinitan mo? Nasa bahay lang naman tayo, ah." Paliwanag niya sa maarteng boses na mas lalong ikina

"Maski na! Bumalik ka sa itaas at magpalit ng damit!" utos ni Nick.

"Why should I?" Nagmatigas si Meghan na sundin si Nick at piniling ignorahin ang lalaki habang kumain ng agahan.

"Ano ba ang problema mo?" Tumaas ang boses ni Nick dahil hindi siya kumportable na makita ang kinakapatid sa ganung ayos na halos nakahubad na!

"Sabi na ngang wala, eh! Just mind your own business, Nick." She told him to let her be.

"Fine," sabi ni Nick at mabilis na tumayo at umalis.