Pagdating ni Meghan sa balconahe, hindi niya inasahan na makita si Margaret. Hinanap ng kanyang mga mata ang ama ni Nick at si Merlie pero hindi niya nakita ang dalawa. Ayaw niya sanang pansinin ang babae, kaya lang ay magmukha naman siyang kontrabida sa love life ng dalawa. "Napansin mo ba kung saan nagpunta sina Dada pagkatapos kumain?" Tinanong niya si Margaret.
"Baka nagpunta sa garden," sumagot si Margaret. "Meghan sandal lang," tinawag niya ang pangalan ng babae nang tumalikod ito paalis.
Kanina pa niya iniwasan na magkaroon sila ni Margaret ng tsansang mag-usap dahil bitter siya sa nangyari at hindi niya kayang tanggapin na pagkalipas ng maraming taon ay si Margaret pa rin ang pinili ni Nick. "Bakit?"
"May problema ba tayo?" Sa simbahan pa lang kasi ay napansin na niyang kakaiba ang ipinukol na tingin ni Meghan sa kanya.
Kumunot ang noo ni Meghan sa naging tanong ng babae. Masyado ba siyang transparent at nahalata ni Margaret ang pagkainis niya rito? "Bakit mo naman naitanong?"
"Wala. Feeling ko lang, ayaw mo sa akin." Sagot ni Margaret.
"Eh kung ayaw ko sayo, may magagawa k aba?" Hindi na niya pinigilan ang kanyang sarili na tarayan si Margaret. Sa totoo lang, gusto niya itong kalmutin sa mukha!
"Tungkol pa rin ba ito sa bayabas…o may kinalaman ang nobyo ko?" Hindi siya nagbaba ng tingin at hinintay ang sagot ni Meghan habang nakataas ang isa niyang kilay.
Napakagat si Meghan sa kanyang labi nang marinig ang sinabi ni Margaret pero wagas din kung angkinin nito si Nick. Feeling pakakasalan? Ang kapal ng mukha! "Kailangan bang may dahilan kung bakit hindi kita gusto?" Hindi na niya hinintay na sumagot si Margaret dahil mas lalo lang siyang makaramdam ng inis. Nilisan niya ang balconahe at nang makasalubong niya si Nick sa may daanan, hindi niya ito pinansin.
Naisipan ni Meghan na dumaan sa may pool at baka naroon ang mga tawong hinanap niya. Maingat siyang naglakad dahil ayaw niyang masayang ang dalang sikwate at mabuti na lang talaga na sa pool area siya dumaan dahil naroon ang kanyang Dada at si Merlie. Seryosong nag-uusap ang dalawa na animo magsing-irog. Tumikhim muna siya upang makuha ang atensyon ng dalawa. "Da, kanina pa kita hinanap, nandito lang kayo." Sabi niya sa kanyang ama-amahan bago niya ito binigyan ng sikwate.
"Bakit hindi ka nakipagkwentuhan kina Margaret at Nick?" Nag-usisa si Merlie.
"Di bale na, ano naman ang pag-uusapan naming tatlo? Hayaan na lang natin silang langgamin doon sa balconahe!" Maingat siyang humigop ng mainit na sikwate pagkatapos ilabas ang saloobin tungkol kay Nick at Margaret.
"Bakit hindi mo aminin kay Nick ang totooo?" Suhestiyon ni Carlos kay Meghan.
"Na ano? Na may pagtingin ako sa kanya? Hindi ko pa kaya," sagot ni Meghan. Kung ganun lang siguro kadali, matagal na niyang ginawa 'yon.
"Kaysa naman ikaw lang ang magdusa," dagdag pa ni Carlos.
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla na lamang siyang naging emotional."Dada, you know that I love you right? At saka, nagpapasalamat ako sa pagkupkop ninyo sa akin."
"I know, para na rin kitang tunay na anak at alam mo 'yon. Masakit sa akin na nasasaktan ka dahil sa ginawa ni Nick, pero wala akong magagawa. Now, go to bed and rest, okay?" Nang tumango si Meghan at nagpaalam upang pumanhik na sa kanyang silid, sinundan niya it ng tingin. Parang kailan lang ay napakaliit pa nito at hindi siya nagsisi na pumayag siya sa kagustuhan ni Nicholas dati na kupkupin ito. Napakabait nitong bata. How he wished he could live longer! Tumingin siya sa gawi ni Merlie at ngumiti. "Kapag wala na ako, huwag mo silang pabayaan, Merlie."
Ngumiti lang si Merlie sa tinuran ni Carlos pero pati siya ay malungkot dahil sa kanyang nalaman. "Sabi nila kapag masamang damo ay matagal pang mamatay," pahayag ni Merlie upang gumaan naman ng konti ang pakiramdam ni Carlos.
Tumawa ng malakas si Carlos at pagkatapos ay inubos ang mainit na tsokalate na dinala ni Meghan kanina. "Sana nga, kasi ayoko pang iwanan ang dalawang bata."
"Hindi na sila mga bata, Carlos kaya ipanatag mo ang iyong kalooban, okey? Kilala ko si Nick at alam ko na hindi niya pababayaan si Meghan," sabi ni Merlie.
"Sana ay totoo ang lahat ng sinabi mo, Merlie." Tugon ni Carlos.
"Syempre, kaya relaks ka lang. Isa pa, narito pa naman ako, ang dating masamang damo." Idinaan na lang ni Merlie sa biro ang lahat at hindi siya tumigil hanggang sa tumawa si Carlos.
Kinabukasan paalis na sana si Nick bitbit ang kanyang DSLR camera nang may biglang sumigaw mula sa itaas. It was Meghan's voice and he wondered what's wrong. Patakbo niyang inakyat ang hagdanan upang marating agad ang ikalawang palapag. Una niyang pinuntahan ang silid nito pero wala doon ang babae. Habang nasa pasilyo ng ikalawang palapag, narinig niya ang malakas na pag-iyak nito, sa loob ng silid ng kanyang ama.
But why?
Mabilis niyang pinuntahan ang babae upang tingnan kung bakit ito umiyak. Itinulak niya ang pintuan at nanlaka ang kanyang dalawang mata nang makita si Meghan na nakayakap sa amang nakahiga pa rin.
Tinawag niya ang pangalan ng kanyang ama ngunit hindi ito sumagot. Then, he noticed his father's chest. Hindi siya makagalaw sa kanyang kinatayuan at muling tinawag ang ama. "No...!" Sumigaw si Nick at nilapitan niya ang dalawa. "He can't die," sabi ni Nick sa gumaralgal na boses habang yakap-yakap siya ni Meghan.
"Nick...wala na si Dada." mangiyak-ngiyak na sabi ni Meghan. "Wala na siya, iniwan na niya ako, iniwan na niya tayo." Humagulhol si Meghan. "Tawagan mo ang kanyang doctor," inutusan ng babae si Nick na tawagin ang doktor ni Carlos.
Tumango si Nick ngunit bago pa man niya matawagan ang naturang doktor, may narinig siyang ambulansya sa labas ng bahay. "Meg, hindi ba nabanggit ni Daddy ang tungkol sa kanyang sakit?" Tinanong niya ang babae dahil ito ang palaging kasama ng kanyang ama maliban kay Merlie.
"Wala. Ni hindi ko man lang napansin na may dinaramdam siya, Nick. Ano ang gagawin natin?" Sumakay na rin siya sa ambulansya at nangako si Nick na sumunod sa kanila.
She appeared to be strong but deep inside, it felt like she was cut into tiny pieces as she watched the man who saved her. Carlos Demakis loved her dearly and she couldn't accept that he's unconscious inside the ambulance!
Pagdating nila sa hospital, kaagad na dinala si Carlos sa emergency room kaya lang, pagkalipas ng ilang minute, inanunsyo ng doctor na wala na talaga ang matanda. Kusang dumaloy ang luha sa kanyang mga mata at naghinagpis na umiyak sa pagkawala ng isang taong napaka-importante sa kanyang buhay. Pero nang dumating si Nick, hindi siya natuwa at mas lalong nainis sa lalaki.
"Nasaan si Daddy?" Nagtanong ang lalaki.
"Nasa loob ng ER, pero Nick, kailangan mo pa talagang bitbiton dito ang babaeng 'yon?" Inisnob niya si Margaret at tila natakot naman ang hitad at dumistansya sa kanila ni Nick.
"Walang kasalanan si Margaret, may usapan kaming mamamasyal sana, alangan naman kung hindi ko siya pupuntahan sa meeting place namin?" Kagabi pa niya napansin na mainit ang dugo ni Meghan sa kanyang nobya at hindi niya alam kung bakit nagkaganun ang babae. Sinubukan naman ni Margaret na maging mabait kay Meghan, ngunit ang kanyang kinakapatid ang ayaw makipag-close sa kanyang nobya.
"Whatever!" Wala siyang panahon upang makinig sa mga kasinungalingan ni Nick. Emergency ang nangyari tapos nagawa pa nitong sunduin ang babae? Wow, siya na ang perpektong boyfriend sa mundong ibabaw!
"Meghan, what's wrong with you? Kagabi ka pa nagkaganyan!" Pinuna na ni Nick ang inasal ng babae dahil hindi na ito nakakatuwa.
Without Carlos, she has no one else. Oo nga at nandiyan si Nick, pero busy din naman ito. Sooner or later ay mag-aasawa na rin ang lalaki. Tapos, maiiwan siyang mag-isa. No, she couldn't allow it because it's too lonely to be alone! "Ngayong wala na si Dada, kailangan ko na bang umalis mula sa bahay at buhay mo?" Tinanong ni Meghan si Nick.
"Meghan, ano ba ang pinagsasabi mo?" Nagulat si Nick sa itinanong ng babae.
"Sagutin mo muna ang tanong ko," pakiusap ni Meghan kay Nick.
Napatiimbagang si Nicholas sa inasal ng babae. Ano ba talaga ang pinagpuputok ng butsi nito? Kailangan niyang sundan ang ambulansya at wala siyang panahon upang makipagtuos sa babae. "Hindi ngayon ang tamang oras upang pag-usapan natin ang bagay na 'yan. Pero kung sakali man, walang magbabago sa ating dalawa at sa bahay ka pa rin titira. Satisfied ka na ba sagot ko? Tara na, at puntahan natin si Daddy!"
Napahiya si Meghan sa kanyang inasal kaya nagbaba siya ng tingin habang sumunod kay Nick papasok sa ER. "I'm sorry," humingi siya ng paumanhin kay Nick.
Sandaling tumigil sa paglalakad si Nick at hinarap ang babae. "It's okay, naintindihan ko naman kung bakit nagkaganyan ka. Pero Meg, hindi lang naman si Dada ang nagmamahal sayo. Mahal kita, mahal ka namin ni Merlie," sabi ni Nick.
"Mahal mo ako? Bilang ano, Nick?"
"Bilang kapatid," sagot ni Nick.