Chereads / PHANTOM OF DESIRE / Chapter 10 - CHAPTER 2

Chapter 10 - CHAPTER 2

Siguro ay naintindihan na dalawang matanda na may tensyong namagitan sa kanya at kay Nick kaya nauna na ang mga ito sa loob. "Kailan nga? Bakit hindi mo man lang nabanggit sa akin noong isang araw na tumawag ka sa akin?"

"Mamaya na natin pag-usapan ang bagay na 'yan. Pagod ako sa byahe at gusto kong makapagpahinga muna dahil magsisimba pa tayo, di ba?" Sabi ni Nick.

Tumaas ang isang kilay ni Meghan dahil sa inis. Simple lang kasi ang kanyang katanungan pero kinailangan pang ipagpaliban ni Nick ang pagsagot. "Nagtatanong lang naman ako kung kailan ka nagkanobya, mahirap bang sagutin yon?"

"A few months ago," sagot ni Nick.

Tumango si Meghan at hinayaan ang lalaki na tuluyang makapasok sa loob ng bahay upang magpahinga. Likas na mahilig sa mga babae si Nick at 'yon ang isa sa mga problema ng kanyang Dada. Nangamba ang matanda na baka hindi marunong magseryoso si Nick, ngunit para kay Meghan ay nag-enjoy lang ang binata. Mula sa pintuan ay sinundan niya ng tingin ang lalaki na paakyat sa second floor kung nasaan ang silid nito.

"So? Totoo talaga na may nobya na siya?" Kaagad na nagtanong si Merlie nang lumapit sa kanya si Meghan at nag-volunter na tumulong sa kusina.

"Just like the old times po," sagot ni Meghan. Kahit na bahagyang gumuho ang kanyang mundo matapos ianunsyo ni Nick na mayroon na itong nobya, nanatiling kampante si Meghan na magiging fling lang din ang babaeng 'yon katulad ng mga nauna nito.

"Sabi ko na nga ba at hindi pa rin siya nagtitino! Mabuti pa ay puntahan mo na lang si Nick dahil okay lang naman kami ditto sa kusina," sabi ni Merlie.

"Pagod daw po siya, kaya ditto na muna ako kasi wala naman akong gagawin." Sagot niya.

Memorable sa kanya ang okasyon dahil umuwi si Nick kaya gusto niyang may personal touch ang lahat ng handa para sa noche Buena. She owed him a lot! Una, kinupkop siya nito. Pinakain, binihisan at pinatira sa malaking bahay na parang isang tunay na Demakis.

She believed that they were soulmates and meant for each other! She waited for several years to muster the courage of owning up to her feelings for him and then he announced that he would introduce his girlfriend!

Pagsapit ng alas nuybe ay umalis na si Meghan mula sa kusina at umakyat papuntang silid upang maligo. Alas diyes ng gabi ang mesa at aalis sila ng maagas. Pagkatapos maligo, nahirapan siyang pumili ng damit na pwedeng suotin dahil ayaw niyang magmukhang muchacha sa harap ng nobya ni Nick. Hanggang sa mahagilap ng kanyang mata ang isang long-sleeve dress na kulay asul na hanggang tuhod lang ang haba.

Isinuot niya ang naturang damit at tiningnan ang sarili sa salamin. Perfect! Pinarisan niya ito ng high-heeled black shoes. Hinayaan na lamang niyang nakalugay ang kanyang mahabang buhok at bago lumabas ng silid ay naglagay muna siya ng manipis na make-up. Dati ay kuntento na siya sa lipstick lang pero kinailangan niyang maglagay ng blush-on at konting effect sa mata. Nang bumaba siya ay naroon na ang mag-ama kasama si Merlie na naghihintay sa kanya.

Sinalubong ni Carlos ang kanyang dalagita at inalalayan pababa ng hagdanan. "Wow, you look wonderful, iha!" Sabi ng matanda.

"Thanks, Dada." Mula pagkabata ay Dada na ang tawag niya kay Carlos at ngayong dalagita na siya, wala siyang balak na baguhin iyon. Simula nang maging ulila siya, ang lalaki na ang tumayo bilang kanyang ama at mahal na mahal niya ito.

"Nickos, sa tingin ko, magiging busy ka sa pagscreening ng mga manliligaw nitong dalagita natin. Tingnan mo, ang ganda niya!" Hindi maikakaila ni Carlos na sobra siyang proud kay Meghan dahil lumaki ito ng maayos at may mabuting puso.

Samantalang si Nicholas ay speechless kanina pa. Pagkababa pa lang ni Meghan sa hagdanan ay namangha na siya sa angkin nitong alindog at hindi siya hipokritong tao. Nabighani siya sa kagandahan ng kanyang kinakapatid at mali 'yon! Itatakwil siya ng kanyang ama kung hindi niya kontrolin ang kanyang damdamin. Nakayanan niya dati kaya walang dahilan na hindi niya kakayanin sa mga susunod na araw. Kung mababasa lang ni Meghan ang laman ng kanyang utak, hindi siya mapapatawad nito. "Yes, Dad." sagot niya.

"Promise me, iho. Kapag wala na ako sa mundong ito, hindi mo pababayaan si Meghan, ipangako mo. Bantayan mo siya at 'wag na 'wag mong hahayaang may manakit sa kanya, okey?" Panigurado ni Carlos at umuo naman si Nick.

Pagdating nila ng simbahan ay marami ng tao ang nakaupo kaya sa bandang dulo na sila nakapwesto. Biglang napatayo si Nick sa kanyang tabi at napansin niyang kinuha nito ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon nito. Nag-excuse ito sa kanya at lumabas ng simbahan upang sagutin ang tawag. Gusto niya sanang tanungin ang lalaki ang sino ang tumawag pero naunahan siya ng hiya.

Ilang sandali pa ang lumipas bago nakabalik sa kanilang hanay ang lalaki. Ngunit hindi na ito nag-iisa. At ang kasama ni Nicholas ay walang iba kundi si Margaret! Pakiramdam ni Meghan ay nakalunok siya ng hilaw na ampalaya habang nakatitig sa dalawang taong magkahawak-kamay.

"Hi Meg, merry christmas." Binati ni Margaret ang dating kaklase sa elementarya.

"Merry Christmas din," matabang na sumagot si Meghan kay Margaret. Gusto niyang tanungin si Nick kung bakit si Margaret pa? Sa dami ng mga babaeng nakasalamuha nito sa kanyang trabaho bilang piloto, bakit si Margaret pa ang napusuan nito? Wala siyang karapatang magselos ngunit nainis siya sa hitsura ni Margaret na animo'y waging-wagi kay Nick. Dati pa man ay kontrabida na ito sa kanyang buhay! Nag hi at hello din ang babae sa future father in-law nito. At ang pinakamasaklap, naupo si Nicholas sa pwesto kung saan pumagitna siya sa dalawang babae.

During the entire mass, wala sa sermon ng pari ang atensyon ni Meghan. Paano ba naman kasi, panay ang pagpisil-pisil ni Nick sa kamay ni Margaret. Nakakabad-trip tingnan! Sana'y hindi na lang sila nagsimba at nag-date na lang!

Pagkatapos ng misa, dumirecho na silang lahat sa bahay para sa noche buena. And of course, Margaret tagged along with them as expected. Kanina, habang papunta silang simbahan ay siya ang katabi ni Nick sa front seat. Ngunit sa pag-eksena ni Margaret, sigurado si Meghan na ang nobya ni Nick ang magiging katabi nito. And she was damned right!

"Is there something wrong? Kanina ka pa yata walang kibo diyan," nagtanong si Nick.

Napansin siguro ng lalaki na wala siya sa mood pero sino ba naman siya upang mag-inarte? "Nope, I'm okay, masakit lang itong mga paa ko." Meghan reasoned out and used the high-heeled shoes as her excuse.

"Alright, next time, don't wear high heels," Nick advised.

Ilang minuto lang at nakarating na sila sa bahay. Gaya ng inasal ni Nick sa simbahan, masyado itong touching sa kamay ng babae. Gusto niyang lapitan si Margaret at itulak ito palayo pero hanggan imahinasyon lang siya dahil hindi siya ganun kasama.

Habang nasa hapag-kainan, pinilit ni Meghan ang kanyang sarili na huwag magpa-apekto sa ka-sweetan ng dalawa sa kanyang harapan. Animo bagong kasal na nagsusubuan. Argh, how disgusting!"How sweet naman, the two of you." puna ni Megan kay Nick at Margaret nang hindi na niya matiis ang dalawa.

"But of course," Nicholas replied and winked at Meghan, then he smiled at Margaret.

Meghan bit her lips as she tried not to cry. Ang pinakahihintay niyang okasyon, kung kailan ay makasama niya si Nick, ay naging isang bangungot lamang. Nang mga oras na 'yon, ramdam ni Meghan kung gaano kasakit mainlab sa maling tao!

"Iha, don't mind them. Ganyan talaga ang lovebirds." paalala naman ni Carlos kay Meghan.

"It's okay, I don't mind at all." Nagsinungaling siya upang isalba ang sariling pride. At lahat ng kanyang hinanakit ay kanyang ibinuhos sa pagkain at dinedma na lamang ang dalawang nag-iibigan. Kain lang siya ng kain hanggang sa nahirapan na siyang huminga dahil sa sobrang kabusugan.

Naiwan siyang mag-isa sa hapag-kainan ngunit wala pa siyang balak na umalis. Dapat sana ay masaya siya dahil umuwi si Nick ngunit para na ring sinaksak siya nito nung ipinakilala ng lalaki si Margaret bilang nobya nito. Of all people, si Margaret pa talaga! Naubusan na ba ito ng babae eh alam naman ng lalaki na galit pa rin siya kay Margaret!

"Meghan, what's wrong with you? Are you depressed?"

Nagulat si Meghan nang bumalik sa hapag si Nick at mag-isa lang ito. Bumuntong-hininga si Meghan at tumitig sa lalaki. "Depressed? Siguro nga," sumagot siya.

"Bakit naman?" Nagtanong si Nick.

"Hanggang ngayon kasi ay hindi niya pa rin ako kayang piliin," sumagot si Meghan. Gusto niyang sabihin kay Nick na siya ang lalaking tinukoy niya ngunit paano? Magagalit lang ito sa kanya at baka masira lang ang kanilang relasyon.

"Sino ang lalaking 'yon at malilintikan siya akin!" Nagagalit na sabi ni Nick ngunit inignora ito ni Meghan at tumayo ang babae. "Hindi pa tayo tapos mag-usap! Sino siya Meghan?"

Inirapan ni Meghan si Nick at nagsalin ng hot chocolate sa tatlong tasa at inilagay sa tray. "Wala ka na doon, Nick. Mag-focus ka na lang kay Margaret at pupuntahan ko lang si Dada," sagot ni Meghan at mabilis na naglakad paalis sa kusina.

Kanina pa niya napansin na medyo nag-alburuto ang dalaga at lalaki pala ang dahilan. Sinundan niya ito at pinigilan ito sa braso. "Sino nga ang lalaking tinutukoy mo?"

"Wala. Doon ka na lang kay Margaret, okay?" Naiinis na sabi ni Meghan kay Nick at iniwan ang lalaki.