Chereads / PHANTOM OF DESIRE / Chapter 5 - CHAPTER 9

Chapter 5 - CHAPTER 9

She had no idea how to attract Nick until she searched it on Google. She's ugly compared to the women he dated before. Number one problem niya ang kanyang height at malaking boobs at mahahabang legs. Kapag katabi niya ang mga kaibigang babae, para siyang poste ng kuryente!

First time ni Meghan na magpunta sa isang gay bar kaya kabado siya. Inayos niya ang maikling damit na suot bago lumapit sa security guard na nakabantay sa entrance ng bar. Nanginginig ang tuhod niya dahil hindi siya sigurado kung kakayanin ba niya ang palabas sa loob ng bar. Basi sa kanyang pagsasaliksik, masyadong malaswa ang mga male dancer pero ayaw niyang mag-comment unless mapanood niya ang naturang palabas.

Hindi kaya ma-expire sa galit si Nick mamaya? Napangiti siya.Sigurado siyang uusok ang bumbunan nito sa galit at manlisik ang mga mata sa eksasperasyon. She couldn't wait to see his reaction. Kumuha siya ng dalawang daan dahil big night daw kaya mahal ang entrance fee. Pag ibang araw, nasa one hundred fifty lang. Ibinigay niya ito sa gwardiyang naka-duty at binigyan siya ng ticket. Hihintayin na lang niya kung kailan pwede nang pumasok. Maaga pa ang gabi at mamaya pa magsimula ang palabas. Sikat ang naturang bar pagdating sa mga macho dancer. Papunta na siya sa waiting lounge nang biglang may humawak sa kanyang braso.

"Mabuti na lang at sinundan kita, kung hindi, baka kung ano-ano na ang napanood mo. Hindi mo ba alam na malalaswa ang palabas diyan?" galit na sabi ni Nick sa babae.

"Pupunta ba ako dito kung hindi ko alam? Of course, alam ko!" sumagot si Meghan. Nang tumingin siya sa mukha ng lalaki, halos mamula na ito sa galit. Nakakatawa itong tingnan pero pinigilan niya ang sarili. Kahit galit ito, sobrang gwapo pa rin ni Nick, bakit?

Ganito ka na ba ka desperada para sa lalaki, Meghan?" Muntik na niyang masakal ang babae dahil sa sobrang galit.

"Sort of. Look, Nick. Kung naiinggit ka, we can watch them together." Suhestiyon ni Meghan sa lalaki. Sinadya talaga niyang galitin pa ang lalaki para mapansin siya. It's an old trick, but it's working well.

Hindi makapaniwala si Nick sa narinig mula kay Meghan. Inimbita lang naman siya nito na sabayan sa panonood ng mga lalaking sumasayaw na hubad. My God! Gusto niyang pigain ang leeg nito hanggang sa maubos ang hininga at nang hindi na ito makapagsalita pa. Lately, puro walang kwentang salita ang lumabas sa bibig ng babae. Nilingon niya ang mataas na pila ng kababaehan sa counter.

"Let's go, kung gusto mong manood ng palabas, bukas pa ngayon ang SM Cinema." Hinila ni Nick si Meghan pero hindi ito natinag sa kinatatayuan nito.

"Nope, I'm not leaving here Nicholas!" Nagmamatigas si Meghan.

"Nakabili na ako ng ticket for your information – Nicholas!" nabitin ang iba pa niyang sasabihin dahil kinarga na siya ng lalaki palabas sa building kung nasaan ang bar.

"Gusto mo ba talagang mapariwara? Wala ka nang ginawang tama! Hindi ko na magawa ng maayos ang trabaho ko sa opisina sa kababantay sayo! Bakit ka ba nagkakaganito?" Sinermunan ni Nick ang babae.

"Bakit, sinabi ko bang bantayan mo ako? Matanda na po ako Nick at kaya ko na ang sarili ko!" rason ni Meghan.

"Talaga? Kung hindi kita sinundan kanina, malamang natuloy ka sa panonood ng mga hubad na lalaki!" Ilang taon din siyang nanirahan sa Cebu at dati pa sikat na ang naturang bar sa mga bakla at matrona. Bihira lang ang mga katulad ni Meghan na nagpupunta sa lugar na iyon.

"I'm old enough to be on my own! Nakalimutan mo na yata kung ilang taon na po ako kasi naging abala ka sa nobya mong plastic!" Walang pakialam si Meghan kung medyo bitter ang mga salitang lumabas mula sa kanyang bibig.

"As if makalimutan ko yang edad mo, eh, araw-araw mong pinaalala sa akin. Fyi, kahit singkwenta ka na, hindi pa rin kita papayagan na gumawa ng masama!"

"Walang masama sa mga ginagawa ko. Normal ito para sa mga babae. O talaga bang gusto mong manatili na lang akong virgin hanggang sa mamatay na ako? Nick naman, wala akong balak na sumunud sa mga yapak ni Queen Elizabeth I." Litanya ni Meghan na ikinagalit naman ng husto ni Nick.

"Kung uulitin mo pa ito, sinisiguro ko sayo na hindi ka na virgin sa susunod na linggo!" She disturbed him when she made such statements. "Meghan, hindi ako makapaniwala na willing kang magbayad para lang makakita ng mga hubad na lalaki! It's disgusting!" pagpatuloy ni Nick sa pag-lecture kay Megan habang nasa loob na sila ng sasakyan pabalik sa hotel.

"I don't think so. Kapag kasing-gwapo mo ang maghubad sa harap ko, I'm sure that I will enjoy it!" panunukso ni Meghan kay Nick. Nag-eenjoy siya kapag parang sasabog na si Nick sa galit. Imbes na matakot sa lalaki, mas lalo pa niyang ginatungan ang galit nito. "At saka, siguro mas maganda kapag ako ang huhubaran nila, what do you think?" dagdag pa niya.

Hindi sumagot si Nick dahil hindi niya lubos maisip na may ibang lalaki na lalapit kay Meghan. Bakit ba kasi nagpropose ito sa kanya na silang dalawa na lang ang magpakasal? Hindi ba nito alam ang epekto ng kanyang binitawang salita? Ilang taon siyang nagtimpi at nagpigil upang hindi pagnasahan ang babae dahil magkasama sila sa isang bubong at pangit tingnan 'yon! "Baka mapatay ko ang lalaking 'yon," sabi niya.

"Kawawa naman ang future husband ko kung ganun," sagot ni Meghan.

"Bata ka pa para isipin ang pag-aasawa," sabi ni Nick. Malakas ang pagbuntung-hininga ni Meghan, na ang ibig sabihin, sawa na itong makinig sa kanya. Pinaandar na lang niya ang sasakyan at tinahak ang daan patungo sa Quest Hotel kung saan sila naka check-in. "Bakit mo naman naisipang magpunta sa Navigator?"seryosong tinanong ni Nicholas si Meghan.

"Wala lang, just for fun, new experience ko na din yon. At saka, lahat ng mga kaibigan ko, nakapunta na doon pati si Emma." Alam ni Meghan na ayaw ni Nick kay Emma pero binanggit niya pa din ang pangalan ng babae.

"Emma? Hindi ko gusto ang pakikipagkaibigan mo sa bagong salta na babaeng yon. Bad influence siya sayo. I can't believe it na nakikipag-close ka sa isang babaeng haliparot!"

"Nicholas! Hindi haliparot ang kaibigan ko!" naiinis siya sa mga sinasabi ni Nick. Hindi nito kilala ng lubusan si Emma para husgahan ito. Haliparot agad kung maikli ang mga skirt at shorts? Hindi ba pwedeng sumabay lang sa uso? Kung magsusuot din siya ng maikling damit, haliparot na din siya, ganun?

"Ayoko nang pag-usapan pa natin ang babaeng yon, basta sundin mo ang sinasabi ko. Lumayo ka kay Emma," winarningan ni Nick si Meghan.

"Mabuti pa si Emma at magagawa niya lahat, hindi tulad ko na tila isang bilanggo!" Tumaas ang boses ni Meghan.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Bakit hindi mo ako maintindihan? Pinagbabawalan kita na gawin ang mga bagay na makakasama sayo!" tumaas na din ang boses ni Nick.

"May ulo bang malambot?" sinubukan niyang magbiro para kumalma si Nick pero no epek pa rin. Nakasimangot pa rin ang mukha at lumalabas na sa leeg ang mga ugat nito sa pagpipigil na masapak siya. Napabuntong-hininga siya ng malalim habang nakatingin sa labas ng sasakyan.

"Buti pa si Emma, expert na sa lalaki, samantalang ako, mamamatay sigurong virgin pa rin. Hanggang magazine lang ang nakita kong lalake na hubad at may suot pa yong briefs, ha." Oopps, sekreto lang dapat iyon, pero wala na eh, bigla na lang lumabas sa kanyang bibig.

"Ano? Dios mio, sa edad mong yan, dapat Readers Digest lang ang binabasa mo!" Dapat, itapon na rin niya ang mga magazine na naipon sa kanyang bookstand para wala itong masabi sa kanya.

"Hay naku, Nick, masyado ka lang makaluma. Nilalait mo pa si Derek eh pareho lang naman kayong, naiwan ng sibilisasyon." Tinutukoy niya ang isa nitong kaibigan na para na ring napag-iwanan ng panahon pagdating sa pakikipag-relasyon.

"Pwede ba, tumahimik ka na lang!" He warned her.