Nakiramdam muna si Meghan bago pumasok sa inirekomendang hotel ni Merlie. Sabi ng matanda ay walking distance lang mula sa Quest Hotel ang kumpanyang mag-iinterview sa kanya. Medyo kinabahan siya kanina dahil first time niya sa Cebu, mabuti na lamang at mabait ang driver ng nasakyang taxi. Kung bakit kasi hindi siya mahilig bumiyahe dati.
Hindi nagsinungaling si Merlie na Malaki ang kaibahan ng Bohol at Cebu pagdating sa developments. Para siyang tanga na nakatingala sa mga nagtataasang mga building. Na-realize ni Meghan na andami niyang pwedeng gawin sana ngunit hindi niya nagawa dahil sa kagustuhang makasama si Nick araw-araw. Isa siyang dakilang tanga dahil sinayang niya ang kanyang kabataan para sa isang lalaki na wala namang gusto sa kanya kahit katiting man lang.
Pagpasok sa hotel ay agad siyang nagtungo sa front desk para sa kanyang room reservation. "Hi," binate niya ang receptionist na nasa front desk. "I have a room reserved under Meghan Tecson," sabi niya sa babae.
"Okay, sandali lang po." Sumagot ang receptionist habang tiningnan nito ang details na nasa computer, at pagkatapos ay tinawag nito ang isang attendant at pina-assist sa kanyang maleta.
"Thanks," sabi niya sa babae at ngumiti lang ito.
Pagpasok niya sa executive suite ng hotel, namangha si Meghan kung bakit mayroon itong dalawang kama gayung malinaw naman na mag-isa lang siyang nag check-in. Nainis siya sa kapalpakan ng staff ngunit hindi naman siya pinalaking bastos ni Carlos Demakis kaya sinubukan niya munang kumalma bago idinayal ang numero sa front desk. "Excuse me, miss pero bakit dalawang bed ang nasa silid ko?" Kaagad niyang tinanong ang babae.
"Your name and room number please?" Nagtanong ang babae.
"Meghan Tecson, at kararating ko lang actually." Sabi niya.
"Hmmm actually Ma'am, may na-receive kaming instruction kanina na baguhin ang set-up sa room mo." Nagpaliwanag ang taga counter.
"Hindi ko matandaan na ginawa ko 'yon," nagdahilan si Meghan. "Anyway, sige na lang. Salamat," sabi ni Meghan bago ibinaba ang telepono. Marami pa siyang kailangang gawin at mag-aksaya lang siya ng oras sa pakikipagtalo.
Pagkatapos niyang inayos ang dalang damit sa closet na naroon ay nag-shower siya para matanggal ang amoy alat mula sa kanyang balat. Kailangang fresh na fresh ang kanyang pakiramdam bago pupuntang Ayala Mall para mag-shopping to the maximum limit of her credit card.
Kasalukuyan siyang nagbihis nang tumunog ang telepono sa kanyang kwarto. Sino naman kaya ito? Dinampot niya ang awditibo at sinagot. "Yes?"
"Si Nick 'to, bumaba ka na at maghihintay ako rito sa lobby." Sabi ni Nick.
Ayaw nya sanang maniwala na si Nick nga ang kanyang kausap ngunit kilala niya ang boses ng lalaki. "Ano? Sinusundan mo ba ako?" Mahinang nagmura si Meghan nang hindi sumagot si Nick sa kabilang linya at iniwan lang siya sa ere. Wala naman sigurong masamang mangyayari kapag hindi niya ito pupuntahan sa lobby, di ba? Pwes, manigas siya dun sa kahihintay! Naiinis na humiga sa kama si Meghan at binuksan ang telebisyon upang manood ng palabas. Ngunit hanggang salita lang pala siya dahil pagkatapos ng ilang segundo simula nang tumawag ang lalaki ay nagkandarapa na siya sa pagbihis at bumaba.
Pagdating niya sa lobby ay nagpalinga-linga siya at hinanap ang lalaki. Nang mahagilap ito ng kanyang mga mata ay hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na humanga rito. Napakagwapo talaga ni Nicholas. Walang-wala sa kalingkingan nito ang kagwapuhan nina Tom Cruise o Brad Pitt. Kahit si Piolo Pascual o Jericho Rosales ay walang laban dito pagdating sa hitsura. Napabuntonghininga na lamang siya habang pinagmasdan mula sa malayo ang perfect boyfriend material para sa kanya.
Imbes na lumapit sa kinaupuan ng lalaki ay hinintay niyang mapansin siya nito. Nang mangyari iyon ay tumayo na ito sa kinauupuan at lumapit sa kanya.
"Let's go," sabi ni Nick.
"Saan?" Sa isip niya, baka yayain siya nitong kumain o manood ng sine eh di parang date na rin yon.
"Shopping. I know what you're thinking, missy." He said.
Hinawakan ni Nick ang isa niyang kamay at sabay na silang lumabas mula sa hotel. Gusto sana siyang magreklamo kaya lang once in lifetime opportunity na maka holding hands while walking si Nick.
Ngunit ang hhww na nangyari ay hindi man lang nagtagal ng more than five minutes dahil nakarating na kaagad sila sa Ayala. Ang planong mag-enjoy while shopping ay hindi natuloy dahil pati sa pagpili ng istilo at tabas ng damit ay may opinion si Nick hanggang sa wala siyang napili kundi jeans lang at walking shoes. Gusto sana niyang bumili ng mga nauusong damit kasi di hamak naman na mas bongga ang fashion sa Cebu kaysa sa Bohol.
Kapwa sila napagod sa ginawang pag-shopping. Pagod ngunit hindi nag-enjoy. Ang saklap. Kung bakit ba kasi sumunod pa ito sa kanya. Nang makabalik na sila sa hotel ay dumirecho na sila sa restaurant na naroon at kumain ng dinner. Habang kumakain, tinanong niya ang lalaki kung bakit biglaan ang pagpunta nito ng Cebu. "Umamin ka nga sa akin, sinusundan mo ba ako?" Sa totoo lang ay hindi nakakatuwa ang ginawa ng lalaki.
Umiling si Nick dahil nunca na aaminin niya kay Meghan na tama ang hinala nito. "I have a business meeting somewhere near Ayala," nagsinungaling siya.
"Talaga? Hmmm, sa tingin ko, sinundan mo talaga ako, eh. Aminin mo na kasi," panggu-gudtym niya kay Nick.
"Tumigil ka! Wala akong planong makipaglokohan sayo," sabi ni Nick na parang natatawa o naiinis.
"Whatever. By the way, sa susunod na araw pa ang job interview kaya kung okey lang sayo, may titingnan lang ako. Mag-isa," mabuti na iyong magkaintindihan sila.
"No way. Meghan, if you must know, maraming kriminal ang palaboy-laboy ngayon. Delikado maglakad ng mag-isa lalo na sa gabi." Sabi ni Nick.
"Hmmm, eh di samahan mo na lang ako. Tutal, ikaw naman ang sumira sa schedule ko today. Ni hindi nga ako nakabili ng mga gusto kong bilhin. Sana next time na mag-shopping ako, wag ka na lang sumama please. Hayaan mo na ako, okey?"
"Saan ka ba pupunta mamaya?" Nagtanong si Nick.
"Sa gay bar," sumagot si Meghan at pinigilan niya ang kanyang sarili na matawa dahil sa reaksyon ng lalaki.
"You're kidding," he said.
Umangat ang kilay ni Meghan nang ipinahiwatig ni Nick na hindi ito naniwala sa kanyang sinabi na pupunta siya sa gaybar. "Why do you think so?" Meghan asked.