Chereads / PHANTOM OF DESIRE / Chapter 3 - CHAPTER 7

Chapter 3 - CHAPTER 7

He shouted at her!

Shocked pa rin si Meghan sa ginawang pagsigaw ni Nicholas sa kanya doon sa opisina nito. Aside from being shocked, she was also embarrassed! Hah! Makikita ng lalaking iyon. Darating din ang panahon na babangon ang mga api! Char, feeling api kaagad eh nabasted lang naman.

Pagkababa sa building ay sumakay siya kaagad ng taxi at nagpahatid sa bahay. Palpak ang unang araw ng kanyang mission. Pero di bale, may ibang pagkakataon pa naman. Bakit ba kagabi lang niya naisipan na ipaglaban ang kanyang feelings para sa lalaki? Limang taon ang kanyang sinayang at sa loob ng limang taon mas lalo lang niyang ipinaubaya kay Margaret ang lalaki.

Hinanap niya si Merlie at tinanong ito kung may alam ba tungkol sa pag-seduce ng isang lalaki. Nanlaki ang mga mata nito sa pagkagulat. Kagaya ni Nicholas, isa pa rin siyang bata sa paningin nito. Inakala ni Meghan na pagalitan siya ng matanda, ngunit kinabig siya nito upang maupo, at ibinahagi ni Merlie ang mga tips na nalaman upang i-seduce ang isang lalaki. Mali pala ang kanyang akala tungkol sa matanda na never been kissed at never been touched din ito.

"Wee, di nga? Naku, ginugudtym mo lang yata ako, eh!" Sabi ni Meghan nang umamin si Merlie na dati raw itong GRO dati.

Tinawanan lang ni Merlie ang reaksyon ni Meghan dahil maliban kay Carlos ay wala ng iba pang may alam tungkol sa kanyang nakaraan. "Bakit ba ayaw mong maniwala?"

"Ano kasi, eh, sobrang bait mo kaya." Sagot ni Meghan.

"Kapag GRO, hindi na mabait?"

"Hindi naman sa ganun, ah basta, so paano nga?" Patuloy na kinulit ni Meghan si Merlie na tulungan siya sa kanyang panliligaw sa lalaking nagpapatibok ng kanyang puso.

"Sabihin mo muna sa akin kung sino ang lalaking 'yon," nakipag-bargain naman si Merlie.

"Di bale na lang, i-google ko na lang mamaya." hindi niya pwedeng ipagtapat kay Merlie na si Nick ang natipohan niya at baka pagsabihan pa siyang malandi o di kaya ay babangon sa hukay si Carlos.

Pagkatapos nilang mag-usap ni Merlie, binuksan ni Meghan ang kanyang laptop at naghanap ng trabaho. Una niyang tiningnan ang Jobstreet at nang may nakita siyang mga bakante na sa tingin niya ay qualified naman siya, nagsumite kaagad siya ng kanyang resume.

Siguro ay more than one hundred resume ang naipasa niya online pero isang araw na ang nakalipas, wala man lang siyang natanggap kahit text message na lang galing sa mga kumpanyang inaplayan ng trabaho. She was slightly disappointed, but she should keep looking for a job because that's the only way she could leave the house without raising suspicion.

Sunod niyang sinubukan ay ang Mynimo. Tahimik siyang nanalangin na sana ay may makita na siyang trabaho. Pinili niya ang mga job posting na may nakalagay na 'urgent'. Pagkatapos niyang magsumite ng mga resume, naghanap siya ng dating site at nagparegister. Who knows? Baka foreigner ang kanyang magiging 'forever'.

"Oh my God!! Manang Merlie.....!" biglang napasigaw si Meghan sa kanyang kinaupuan.

Nang marinig niya ang malakas na pagsigaw ni Meghan sa sala, daling pinatay ni Merlie ang apoy at patakbong nagtungo sa kinaupuan ng dalaga. "Ano'ng nangyari?" nabahalang tinanong ni Merlie ang dalaga kung anong nangyari.

Ipinakita ni Meghan sa matanda ang mensahe na kanyang natanggap mula sa isang kumpanya sa Cebu. "Tingnan mo, pinapupunta ako para sa interview!" Bakas sa kanyang boses ang sobrang excitement. Malakas ang kanyang loob na matanggap siya sa trabaho. Para ano pa at papupuntahin siya ng Cebu kung hindi naman siya tatanggapin? Nonsense naman yata 'yon!

"Nagpaalam ka na ba kay Nick?" Tinanong ni Merlie si Meghan.

"Why should I? I'm old enough to decide on my own!" pagmamaldita ni Meghan.

"Don't you dare tell that ogre where I'm going," utos niya kay Merlie bago siya nagpaalam dito upang mag-empake na ng kanyang mga dadalhin patungong Cebu.

Napailing na lang si Merlie na bumalik sa kusina. Hindi niya alam ang dahilan ng tensyon sa pagitan ng dalawa. Ganunpaman, hindi niya pwedeng isekreto kay Nick ang plano ni Meghan. Lumapit siya sa kinalagyan ng telepono at idinayal ang numero ng opisina ni Nick.

"Ano daw? Ano'ng gagawin niya sa Cebu?" tumaas ang boses ni Nicholas habang kausap si Merlie sa telepono.

"Job interview daw ho," sumagot si Merlie.

"Are you sure? Sige, papunta na ako diyan." Saad ni Nick.

Nang maibaba ang telepono ay agad na umalis ng opisina si Nicholas. Sinipat niya ang oras sa kanyang suot na Rolex. Mag-aalas dos pa lang ng hapon. Kung ganun, may ilang minuto pa siyang natitira upang madatnan ang dalaga sa bahay. Sa pagkakaalam niya, alas tres y medya aalis ang fastcraft patungong Cebu. Kung tama ang kanyang hinala, anytime from now ay aalis na si Meghan patungong pier.

Mabilis ang ginawa niyang pagmamaneho sa dalang sasakyan. Pagdating niya sa bahay ay siya ring paglabas ni Meghan na ipinagmaneho ng kanilang driver. Bumaba siya at kaagad na hinarangan ang papaalis na dalaga. Ni hindi man lang nito binuksan ang bintana ng sasakyan kaya kinakailangan pa niyang katukin ito.

Pinagbuksan nga siya ng dalaga ngunit hindi naman siya tiningnan nito na parang isang estrangherong namamalimos.

"You! Hanggang kailan ka ba ganyan? My God Meghan, you are impossible!" napatiimbagang siya sa pagtitimpi dahil sa totoo lang ay gusto niya itong parusahan.

"Don't worry, Nick. Kapag mabuti ang patutunguhan ng job interview bukas, baka matagalan pa bago ako makabalik dito sa bahay. Eh di, masaya ka. You should be grateful dahil sa wakas ay mawawala na ako sa buhay mo. Hindi ba at 'yon naman ang gusto mo?" Tinarayan ni Meghan sa Nick.

Nagkrus ang kilay ni Nick nang marinig ang tinuran ng dalaga. At kailan pa ito natutong sagut-sagutin siya ng ganun? Napaka-walang modo! "Hindi ka ba marunong mag-isip? It's your first time to visit Cebu at gabi ka pa darating doon. You're so fearless, Madame!"

"I know, right? As I've said, don't worry. Kasi may susundo naman sa akin," nagsinungaling siya.

"Who?" Nick asked.

Imbes na sagutin siya ay isinara nito ang bintana at pinaharurot paalis ang sasakyan. Wala siyang magawa kundi sundan ito ng tanaw. Nag-alinlangan si Nick kung susundan ba ito o hahayaan na lang? Nag-aalala siya para sa dalaga. Pero ano ang gagawin niya? Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang sekretaryang si Jill.