Chereads / PHANTOM OF DESIRE / Chapter 2 - CHAPTER 6

Chapter 2 - CHAPTER 6

Matiyaga siyang naghintay sa pag-uwi ni Nick at inabangan talaga niya ito sa may gate. Nang margining ni Meghan na paparating na ang sasakyan ng lalaki, siya na mismo ang nagbukas ng gate at pinasakay siya ng lalaki hanggang sa kanilang garahe.

"May kailangan ka ba sa akin? Magkano?" nag-assume ni Nick na malaking halaga ang kailangan ng dalawa at napailing na lang siya habang inisip kung ano na naman kaya ang balak nito. Last time kasi na humingi ito ng malaking halaga ay ipinamigay lang nito sa mga taong mahihirap.

Tiningnan niya ng masama ang lalaki habang pinatay nito ang makina ng sasakyan. "Hindi pera ang kailangan ko Nick," sabi niya.

Bahagyang kinabahan si Nick sa ekpresyon ni Meghan dahil masama ang kutob niya. "Kung hindi pera ay ano?" tinanong niya ang babae.

Huminga muna siya ng malalim upang kumuha ng sapat na lakas upang masabi sa lalaki ang gusto niyang iparating dito. Hindi siya pwedeng magkamali dahil natakot siya na baka pagtawanan lang siya ni Nick. "Marry me, Nick." Sa wakas ay nasabi rin niya ang kanyang sadya sa lalaki.

Nick blinked his eyes several times and gave Meghan a death stare. Kaagad niyang hinipo ang noo ng babae dahil baka nilagnat lang ito at nagdeliryo. "Wala ka namang lagnat, ano'ng problema mo?" Puno ng pagtataka ang boses ni Nick kung ano ang nangyari sa babae.

Nainis si Meghan sa naging reaksyon ni Nick dahil inakala nitong nabaliw na siya o nagdeliryo dahil sa mataas na lagnat. Tinampal niya ang kamay nito na nasa kanyang noo at tiningnan ito ng masama. "Seryoso ako, Nick." Sabi ni Meghan.

Malakas na tumawa si Nick at binuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan at bumaba, pagkatapos ay pinagbuksan din niya ang babae. "Halika na at sa loob na tayo mag-usap," Pahayag ni Nick.

"I like you and I want to spend my life with you, Nick." Deklara ni Meghan.

Sandaling napapikit si Nick at napakagat sa kanyang labi at pagkatapos ay napailing ng husto. "Naririnig mo ba ang sinabi mo, Meghan?" Pinigilan ni Nick ang kanyang sarili na huwag sigawan ang babae dahil baka may makarinig sa kanila.

Pabagsak na isinara ni Meghan ang pintuan ng kanyang sasakyan at saka hinarap ang lalaki. "Ano'ng akala mo sa akin, Nick? Na nahihibang lang ako?"

"Alam mong bawal!" Tumaas ang boses ni Nick. Kung alam lang ng babae kung gaano siya nahirapan sa kanilang sitwasyon, hindi siya nito kukulitin.

"Bakit bawal? Hindi naman tayo magkadugo, Nick at alam mo 'yon!" Hindi nagpatinag si Meghan at ipinaglaban ang kanyang proposal sa lalaki na silang dalawa na lang ang magpapakasal.

"I'm sorry pero may nobya na ako," tumanggi si Nick na pakinggan pa ang babae at nauna ng pumasok sa loob ng bahay. Narinig niyang tinawag siya ni Meghan ngunit hindi siya lumingon at tiimbagang na binuksan ang pintuan patungo sa sala.

Habang pinagmasdan niya ang papalayo na lalaki, nanlumo si Meghan sa kanyang kinatayuan. Buong araw siyang nag-ensayo kung paano sasabihin sa lalaki ang lahat ngunit nabigo pa rin siya dahil mas pinili ni Nick si Margaret. Lihim niyang pinahid ang kanyang mga luha at saka sumunod sa lalaki.

Nang tinawag siya ni Merlie upang sabayan si Nick sa hapunan ay tumanggi si Meghan at tumuloy sa kanyang silid. Wala siyang ganang kumain at gusto na niyang matulog na lamang. Habang nakahiga sa kanyang kama, nakatingin siya sa may pintuan dahil umasa siya na suyuin siya ni Nick ngunit nakatulugan na lang niya ang paghihintay at walang nangyari.

Napamura si Nicholas sa gabundok na mga papeles na nasa kanyang mesa at wala siya sa mood na pagtuunan ng pansin ang mga iyon kaya't itinabi na muna niya ang mga ito sa isang filing cabinet. Sa wakas, ang kanyang laptop na lang ang natira sa mesa at ang picture frame na may litrato nila ni Meghan noong nagdebut ang babae.

Napabuntong-hininga si Nick nang maalala ang ipinagtapat ni Meghan sa kanya. O mas tamang sabihin ang mga demands nito sa kanya kagabi. Sa dinami-rami ng mga bagay na kaya niyang ibigay dito, hindi niya inaasahan ang lumabas sa bibig nito.

Bigla na lang itong nagdemanda na magpakasal silang dalawa as soon as possible. Sino ba naman ang hindi mabibigla sa sinabi nito? Ano kaya ang nakain ng babae at bigla na lang itong nawala sa sarili?

Nakapagdesisyon si Nicholas na hindi na muna uuwi sa kanilang bahay tutal may penthouse naman ang building ng Demakis Multifarms sa Tagbilaran. Matagal na niyang kasama sa bahay ang babae pero ni minsan ay hindi niya ito itinuring na iba. Siguro napapanahon na para ibigay niya kay Meghan ang perang nakalaan para dito para magkanya-kanya na sila. Minahal na parang tunay na anak ni Carlos Demakis si Meghan kaya pinagawan ito ng separate account. May share din ang babae sa kanilang farm pero hindi ito alam ng babae.

Aminado siyang physically attracted siya kay Meghan pero hanggang doon lang iyon. Ibang usapan na ang tungkol sa kasal dahil panghabangbuhay iyon. Dahil malalim ang kanyang inisip, nagulat siya ng biglang pumasok si Jill. "Yes, Jill?"

"Sorry po, Nick pero nagpupumilit talaga siyang pumasok dito." Humingi ng paumanhin si Jill kay Nick dahil hindi nagawang pigilan ang babae na pumasok.

"What are you doing here?" naningkit ang mga mata niya habang tinanong si Meghan. Sa lahat ng kakilala na pwedeng bumisita sa kanya, si Meghan ang pinakahuling tao na gusto niyang makita.

Tumaas ang isang kilay ni Meghan at mataray na sinagot si Nick."Sinabihan na kita, Nick. Kung ayaw mo akong pakasalan, pwes magpapakasal ako sa sinumang lalaki na papayag sa mga kondisyunes ko!"

"Meghan, enough of this foolishness! Anong nangyari sayo at atat na atat kang makapag-asawa agad? You're still young!" Masyado pa itong bata para mag-asawa. Bakit ba kasi ito nagmamadali? Anong akala ni Meghan sa pag-aasawa?

"Baka nakalimutan mo na magkaedad lang kami ni Margaret. Isa pa, nagsawa na ako Nick, I want a family of my own!" Hindi niya maintindihan si Nick kung bakit ginawa nitong malaking issue ang kanyang pag-aasawa. May tamang edad ba sa pag-aasawa?

"You're crazy!" tumaas ang boses niya. Paano ba niya ipaiintindi sa babae na seryosong bagay ang pag-aasawa. Hindi tulad ng pagkain, na kapag napaso, pwedeng iluwa. It's a lifetime commitment. Namutla si Meghan nang tumaas ang kanyang boses. "I'm sorry, sweetheart. Pero,masyado mong minamadali ang lahat." Pilit na huminahon si Nick nang makita ang reaksyon ng kinakapatid nang tumaas ang kanyang boses.

"Nope, it's what I want at hindi na magbabago yon. Kung ayaw mo akong pakasalan, tulungan mo akong maghanap ng lalaki na magugustuhan ko." Desidido na siya sa kanyang gagawin. Kung ayaw ni Nick sa kanya, it's his loss, not hers.

"Hindi kita matutulungan sa bagay na iyan." Sabi niya at totoo naman dahil wala ni isa sa mga kaibigan niya ang bagay kay Meghan.

"Okay, fine. Ako na lang ang maghahanap!" Kampante siya na hindi mahirap maghanap ng mapapangasawa sa kanyang sitwasyon. Bata pa siya at maganda, higit sa lahat, mayaman! Gagamitin niya ang pangalan ni Nicholas para maengganyo ang mga kalahi ni Adan. "Tatawagan ko na lang si Alexander," sabi ni Meghan at naglakad palayo sa kanya.

"Meghan!" Tumayo siya at sinubukang habulin ang babaeng mabilis na umalis. "Bakit si Alexander? May gusto ka rin sa kanya?" Biglang nagalit si Nick nang maisipan na baka may gusto rin ang babae sa kanyang pinsan.

"Ano'ng pakialam mo? Bye na, " sabi ni Meghan at maarteng umeksit palayo sa lalaki. Ano'ng paki ni Nick kung kay Alexander na lang siya humingi ng tulong?

"Damn you! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Sumigaw si Nick.