"ANAK, SINO KAYANG TUMUTULONG SA'TIN?"
"Hindi ko po alam."
Nakaalis na si Luigi sa hospital pagdating ng kanyang ina. At bago dumating ang ina ay kinausap siya ng nurse na naka-schedule na ang blood transfusion ni Trisha. Hindi niya alam kung paano iyon nangyari. Pina-double check niya ang information dahil baka nagkamali lang ng pasyente pero tama naman lahat ng information.
T-in-ext niya agad ang ina na hindi na nila kailangan ng blood donor kaya hindi na tumuloy ang mga kapitbahay nila. Successful ang blood transfusion na isinagawa kay Trisha pero kailangan pa nitong magpagaling. Tumaas na rin ang platelets ni Trisha kaya medyo bumuti na ang kalagayan nito.
"Wala naman akong nilapitan na politiko. Wala rin naman tayong kamag-anak o kakilala na puwedeng tumulong sa'tin."
Magsasalita sana siya kaso biglang may kumatok sa pinto. "Ako na po ang magbubukas ng pinto." Marahan siyang tumayo at nagpunta patungo sa pintuan. Pagpihit niya sa seradura ay hindi niya inaasahan kung sino ang nakita.
"How's Trisha?"
"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman…" natigilan siya. Hindi kaya ito ang tumutulong sa kanila?
"Ganyan ka ba mag-welcome ng bisita?" sarkastikong tanong nito. "Patuluyin mo kaya ako para makapag-usap tayo nang maayos." Reklamo nito sa mahinang boses.
"Chloe, bakit 'di mo papasukin ang bisita natin?"
Tuluyan niyang binuksan ang pinto upang makapasok ito. Hindi niya alam kuung anong klaseng pakikitungo ang gagawin niya sa binata. Hindi naman niya puwedeng ipagtabuyan o sungitan ang binata dahil naroon ang kanyang ina.
"Magandang araw po." Masiglang bati ni Zach. "Ako po si Zach, kaibigan ni Chloe." Pagpapkilala nito. Maraming bitbit na plastic ang binata at hula niya na pagkain ang dala nito. Inilapag ni Zach ang dala sa dining table.
"Magandang araw din sa'yo. Naku! Nag-abala ka pang magdala ng maraming pagkain pero maraming salamat."
"You're welcome po."
"Chloe, bakit ngayon ko lang nakita itong kaibigan mo?"
Ang daldal ng nanay niya. Puwede naman itong magtanong pag-alis ng binata.
"Kauuwi niya lang po galing sa Amerika."
"Kaya pala ngayon lang kita nakita."
Hindi na matapos-tapos ang tanong ng kanyang ina sa binata. Ang dami nang napagkwentuhan ng dalawa. Feeling close ang ina niya sa lalaki, gayon din ang lalaki sa kanyang ina. Animo'y matagal nang magkakilala ang dalawa.
"Mommy…" Nagising yata ang bata sa ingay ni Zach at ng kanyang ina.
"Yes, baby?"
"Si Tito Zach ba ang kausap ni Lola?"
"Hi Trisha!" Si Zach na ang sumagot. Tumabi ito sa kanya. Nakaupo kasi siya malapit sa higaan ni Trisha. "Kamusta ang pakiramdam mo?"
"Malapit na po akong gumaling sabi ni Doc."
"Good! Kapag magaling ka na mamasyal tayo kahit saan mo gusto."
"Talaga po?" Tumango ang binata. "Yehey!" unti-unti nang bumabalik ang sigla ni Trisha. "Mommy, hindi pangit si Tito Zach." Biglang sabi ng bata na ikinagulat nila, lalo na siya. "Pogi at mabait si Tito Zach."
"Sino bang may sabi na pangit si Tito Zach?" tanong ng kanyang ina.
"Si Mommy." Turo sa kanya ni Trisha.
Naramdaman niya ang pag-init ng kanyang mukha. Gusto niyang lumubog sa kinauupuan. Bakit hindi nakalimutan ni Trisha ang sinabi niya? Noong namili sila ng gamit sa school ay panay ang kwento nito kay Dave na pogi ang bago nitong Tito. Dahil naiinis siya, sinabi niyang pangit si Zach at nagparetoke ito kaya naging pogi.
"Pangit ba ako Chloe?" nanunuksong tanong ni Zach.
Inirapan niya ang binata. "Pangit ka sa paningin ko." Pasimpleng bulong niya.
"Really?"
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. "Trisha say goodbye to Tito Zach. Kailangan na niyang umuwi." Pag-iiba niya sa usapan.
"Uuwi ka na Zach?"
Pinandilatan niya ng mga mata ang binata. Ipinapahiwatig no'n na kailangan nitong sumang-ayon sa kanya. Gusto na niya itong makausap ng solo.
"Opo."
"Ihahatid ko lang po si Zach sa labas." Paalam niya sa ina. "Si Lola muna ang magbabantay sa'yo." Kausap niya kay Trisha. "Mamaya dadating na si Dada."
"Okay po!" binalingan nito si Zach. "Tito Zach dalawin mo po ako ulit." Paglalambing ni Trisha.
"No problem." Nakangiting sagot ni Zach. "Dapat magaling ka na pagbalik ko."
"Okay po!"
"IKAW BA ANG MAY GAWA NANG LAHAT NG ITO?"
Imbes na sagutin nito ang kanyang tanong ay iba ang sinabi ng binata. "Sa ibang lugar tayo mag-usap."
Kasalukuyan silang nasa parking lot ng hospital. "Hindi ako aalis dito kaya sagutin mo ang tanong ko." Mariin niyang pahayag.
"Fine! Ako ang sumagot sa hospital bills, nag-request na ilipat si Trisha sa executive suite, at nagpa-schedule ng blood transfusion."
So, ito nga ang tumutulong sa kanila. Pati hospital bill ay sinagot na nito. "Why?"
"Because you need help."
"I never asked any help from you. Hindi ko nga alam kung paano mo nalaman na nasa hospital si Trisha."
"A simple thank you would be enough. Hindi ba puwedeng maging thankful ka na lang dahil sa ginawa ko?" Nahihimigan niya ang sama ng loob sa tinig nito. "I'm willing to help you even if you don't ask me."
Malaking tulong ang nagawa nito. Hindi niya gustong maging arogante, mayabang at ungrateful ngunit hanggat maari ayaw niyang ma-involve ulit sa binata.
"Nagpapasalamat ako sa ginawa mong pagtulong pero sa tingin ko sobra ang ginawa mo." Humugot siya ng malalim na hininga. "I already asked you to forget about me. Sana huli na ito. Ayokong nang ma-involve sa'yo."
"I never agreed when you asked me to forget you." Blangko ang ekspresyon ng binata. Hindi niya tuloy mabasa kung anong nasa isip nito. "Why do you want me to stay away from you?"
Natigilan siya sa tanong ng nito. Hindi niya inaasahan na magtatanong ito tungkol doon.
"Kung hindi mo kayang sagutin ang tanong ko, asahan mong hindi ako lalayo sa'yo."
"Zach…"
"Kapag nasagot mo ang tanong ko at satisfied ako sa sagot mo saka lang kita lalayuan." Hinaplos nito ang pisngi niya. "You look tired. Magpahinga ka na. Baka bumigay ang katawan mo at magkasakit ka."
Hindi siya magkakasakit dahil sa pagod. Mukhang magkakasakit siya dahil sa pag-aalalang ipinapakita nito at sa kakaisip kung saan siya maghahagilap ng pambayad dito.
"Paano kita mababayaran?" wala sa loob na tanong niya.
"Don't think too much Chloe. We'll talk about it paglabas ni Trisha sa hospital." Hinalikan nito ang kanyang noo. "Please take care of yourself. I have to go."
Naiwan siyang nakatulala. Mukhang mahihirapan siyang ipagtabuyan ulit ito. Anong gagawin niya?
Please leave a comment.
It's highly appreciated.
Thank you!