SUSPENDED NA ANG klase sa San Miguel mula pre-school hanggang senior high school maliban sa college. Napilitan tuloy siyang pumasok kahit bumabagyo dahil may exam siya.
"Ma'am suspended na po ang klase." Bungad sa kanya ng guard pagdating niya sa eskwelahan. "Delikado na po ang pumasok dahil sa masamang lagay ng panahon."
Great! Nag-effort pa siyang pumunta sa school. Pero di bale na, hindi naman masasayang ang effort niya dahil may iba siyang sadya.
"Okay lang po Manong. Kailangan ko pong makausap si Ma'am Hidalgo kaya ako pumunta dito."
"Ah ganon ba? Sige puntahan mo na."
"Sige po, salamat."
Nagtungo siya sa opisina ng directress. Sunod-sunod na pagkatok sa pinto ang ginawa niya. Wala siyang pakialam kung magalit ito sa kanya. Kagabi pa niya ito gustong makausap dahil ito lang ang makakasagot sa mga tanong niya.
"Ms. Mendez." Mukhang inaasahan na nito ang pagpunta niya doon. Marahil nasabi na ni Ma'am Clara na may alam na siya. "Come in."
"Anong alam niyo tungkol sa scholarship at trabaho na ibinigay niyo sa'kin?" prankang tanong niya. "Sabihin niyo po sa'kin ang totoo."
Pagpasok niya kahapon sa trabaho ay may sumalubong agad sa kanya na hindi kanais-nais na balita. Isa sa mga kasamahan niya ang nakapagsabi na siya ang laman ng usap-usapan sa opisina. Maswerte daw siya dahil kahit isang linggo pa siyang umabsent ay may babalikan siyang trabaho. Palibhasa daw kasi may backer siya. Nalaman niya rin na siya lang ang pinag-aaral ng kompanya kaya bigla siyang nagdududa.
Hindi siya matahimik sa narinig kaya kinausap niya si Ma'am Clara. Hindi nito sinagot ng direkta ang tanong niya pero hindi ito nag-deny. Ang sabi lang nito ay mas mabuting kausapin niya si Ma'am Hidalgo.
"Sorry Miss Mendez. Sa kagustuhan kong magturo dito ang pamangkin ko ay ang pagtulong sa'yo ang hiniling niyang kapalit."
Naguguluhan siya sa sinabi nito. "Hindi ko po maintindihan."
"Inalok ko si Zach na magtrabaho dito pero hindi niya tinanggap. Pero nang makita ka niya at nalaman niya na dito ka nag-aaral ay nagbago ang isip niya. Lalo na nang malaman niya na kailangan mo ng financial assistant."
Pamangkin pala ni Mrs. Hidalgo si Zach. Naiintindihan na niya kung bakit nakita niya ang binata sa opisina ng directress noong pinatawag siya ng huli. At kaya pala mabilis siya nitong na-enroll.
"Pumayag siyang magturo dito kapalit ng pagtulong ko sa'yo na makahanap ng part-time job. At iyong tungkol naman-"
"Nasaan po si Zach?" Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito dahil alam na niya kung ano iyon. "Kailangan ko siyang makausap." Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya.
"Miss Mendez may kasalanan din ako sa nangyari. Huwag mo sanang ibunton lahat ng galit mo kay Zach."
"Kailangan ko siyang makausap." Ulit niya.
"Kung wala siya sa faculty room nasa science laboratory siya."
Lumabas agad siya sa opisina pagkatapos nitong magasalita. Pumunta siya sa faculty room pero wala doon ang binata kaya dumiretso siya sa laboratory at doon niya ito natagpuan.
"Chloe what are you doing here?" halatang nagulat ito nang makita siya. Marahil hindi pa nito alam na may alam na siya tungkol sa ginawa nito. "Walang pasok."
"Zach pinaglalaruan mo ba ako?" nanggigigil na tanong niya. Bakas ang pagtataka sa gwapong mukha nito. "Wala akong planong makipaggaguhan sa'yo Zach."
"What are you saying?"
"Alam ko na lahat." Galit na wika niya. Natigilan ito at naging blangko ang ekspresyon ng mukha. "Ano bang gusto mong mangyari?"
"Gusto lang kitang tulungan."
"Really?" sarkastikong wika niya. "Gusto mo ba talaga akong tulungan o may gusto kang patunayan?"
Nagtagis ang bagang ng binata at naningkit ang mga mata nito. Hindi ito kumikibo pero nararamdaman niyang nainsulto ito sa sinabi niya.
"Zach stop playing this game. Hindi mo ako kailangang tulungan upang ipamukha sa'kin kung gaano ka katas at kung gaano ako kababa. Pero kung ito ang paraan mo upang gantihan ako, sige gawin mo."
"Ganyan ba ang tingin mo sa'kin?"
"Bakit mali ba ang tingin ko sa'yo? Ikaw naman ang may sabi na gusto mong ipamukha sa taong nanakit sa'yo kung ano na ang narating mo."
"Bahala ka. Isipin mo kung anong gusto mong isipin." Tinalikuran siya nito.
"Huwag mo akong talikuran. Hindi pa tayo tapos mag-usap."
Humarap ulit ito sa kanya. "Sige, makikinig ako."
Bakit hindi ito nagagalit sa kanya? "Sabihin mo sa'kin kung paano kita babayaran. Kahit patungan mo pa ng interes ang utang ko sa'yo ay okay lang. Dahil ayokong magkaroon ng utang na loob sa'yo."
"Paano mo ako mababayaran kung wala kang stable job at nag-aaral ka pa? Isa pa, ikaw lang ang inaasahan ng pamilya mo."
"Problema ko na 'yon."
Unti-unti itong naglakad palapit sa kanya. Siya naman ay umatras upang iwasan ang paglapit nito. Hanggang sa maramdaman niya ang malamig na pader sa kanyang likuran. Huli na upang lumayo sa binata dahil nakakulong na siya sa mga bisig nito.
"Aabot sa one hundred fifty thousand pesos ang utang mo sa'kin pwera ang tuition fee ngayong semester at pwera ang interes."
Matalim na titig ang ipinukol niya dito. "Sinadya mong ilipat si Trisha sa executive suite para magbayad ako sa'yo ng malaki?"
Hindi nito sinagot ang tanong niya. "Kahit buong sweldo mo sa pagpa-part time job ang ibigay mo sa'kin buwan-buwan ay hindi iyon sapat upang mabayaran mo ako sa loob ng dalawang taon. Maliban na lang kung titigil ka sa pag-aaral at beinte kwatro oras ka magtrabaho."
Unti-unti nitong inilipat ang mukha sa kanya.
"Paano mo ako mababayaran sa kakarampot mong kinikita?"
Nawala ang atensyon niya sa sinabi nito dahil na-focus ang tingin niya sa gwapo nitong mukha at sa mapula nitong labi. She wonder what's the feeling to be kissed by him. Nababaliw na yata siya.
"Miss Mendez hindi mo makikita ang sagot sa problema mo sa pagtitig sa mukha ko."
Napalunok siya. Nakakahiya ang ginawa niya. Bakit kasi kapag napatitig siya sa mukha ng binata ay parang may magnet na humahatak sa kanya? "Kesehadong gumapang ako sa pagkayod ng pera para lang mabayaran ka ay gagwin ko." Matapang niyang sagot pero ang totoo gusto niya lang pagtakpan ang pagkapahiya.
"I really like your attitude." Mababanaag ang amusement sa mga mata nito. "May iba pa namang paraan para makabayad ka sa'kin Chloe."
Hinaplos nito ang kanyang mukha. Halos isang pulgada na lang ang pagitan ng mga labi nila. Langhap na langhap niya ang mabango nitong hininga. Hahalikan ba siya ng binata?
"What are you-"
Naputol ang kanyang sasabihin dahil pinatahimik siya nito sa pamamagitan ng halik. Pinilit niyang manlaban dahil baka may makakita sa kanila ngunit unti-unting natutupok ang kanyang depensa dahil sa mapusok nitong halik. Ang mapangahas nitong kamay ay naglakbay sa kanyang katawan dahilan upang tuluyan na siyang magpatangay sa bugso ng damdamin. Parang may sariling isip ang kanyang mga kamay na pumulupot sa leeg ng binata. Tinugon niya ang bawat halik nito sa kanya. Bahala na! Pareho silang naghahabol ng hininga nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
"I want you to be mine." Sabi ng binata sa pagitan ng malalim na paghinga. Napalunok siya. Ngayon niya lang nakita ang matinding pagnanasa sa mga mata ng binata. "Only mine."