Chereads / My Professor Ex / Chapter 17 - Kabanata 17

Chapter 17 - Kabanata 17

Paglabas niya sa A-Z Tutorial Learning Center ay naabutan niyang naghihintay sa kanya si Zach. Hindi pumasok ang binata sa klase nito kanina. Hindi niya alam kung bakit ito nagpakita sa kanya ngayon.

"Saan kita ihahatid, sa bahay niyo o sa hospital?"

Hindi niya sinagot ang tanong nito. Nilagpasan niya ang binata. Kunwari ay hindi niya ito nakita at narinig.

"Chloe," tawag nito sa kanya.

"Manatili ka sa kinatatayuan mo." Wika niya na hindi tumitingin sa binata. "Ayokong may makakita sa'ting mga estudyante o kaya professor baka mag-isip sila ng masama. Ayokong pag-usapan tayo."

"I don't care."

Nilingon niya ang binata. "You don't care?" naiinis niyang tanong. "Oo nga naman, bakit magkakaroon ka ng pakialam? Balewala lang sa'yo na mapag-uasapan tayo dahil lalaki ka. O baka naman ito talaga ang gusto mong mangyari?" nanunuyang tanong niya.

"What are you talking about? Wala akong pakialam sa sasabihin nila dahil-" pinutol niya ang sasabihin nito.

"Zach huwag na tayong maglokohan. Hindi na tayo mga bata. Malinaw na malinaw sa'kin kung bakit mo ginagawa ang lahat ng ito. Gusto mo akong gantihan, 'di ba?" hindi niya mapigilang tanong.

"Ganyan ba ang tingin mo sa'kin Chloe?" balangko ang ekspresyon na tanong nito.

"Bakit, mali ba ako?" balik-tanong niya dito. Hindi ito kumibo kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Nakuha mo na ang gusto mong makuha sa'kin. Alam kong wala tayong pormal na usapan o kasulutan na ang pambayad utang ko sa'yo ay ang katawan ko pero siguro naman tutupad ka sa usapan."

Wala siyang pakialam kung magmukha siyang mababa sa paningin nito dahil iyon mismo ang tingin niya sa sarili. Ang gusto niyang mangyari ay tuluyan nang mawala nag binata sa buhay niya.

"Iyon nga ba ang gusto mo Chloe?" tanong ng kanyang konsensiya.

"Bakit ganyan ka magsalita?"

"Ikaw ang may sabi na kung hindi kita kayang bayaran ay may ibang paraan. Tutal nakuha mo na ako, siguro naman hindi mo na ako sisingilin sa utang ko sa'yo. Pero kung kulang pa ang serbisyo ko, sabihin mo lang."

"Damn it!" nagulat siya nang bigla itong sumigaw. "Ganyang klaseng pagtrato ba ang gusto mong gawin ko sa'yo?" galit nitong tanong.

"It doesn't matter. Ang gusto ko lang ay makabayad na sa utang ko para tuluyan na tayong mawalan ng ugnayan sa isa't isa." Ayaw niyang aminin dito na alam na niyang may nobya ito. Malaking sampal iyon sa pagkatao niya dahil ibinigay niya ang sarili dito gayong may kasintahan ito. Ayaw niyang magmukhang kaawa-awa sa tingin nito.

"Magpapakasal na ba kayo ni Luigi?"

Nagulat siya sa tanong nito. A questioning look was written all over her face. Paano nito nalaman ang tungkol doon? Kahit ang pamilya niya ay walang alam sa proposal ni Luigi.

"Narinig ko na kausap mo si Luigi at gusto niyang makipagkita sa'yo noong araw na magkasama tayo. Sinundan kita nang umalis ka. Pagkatapos niyong mag-usap ay kinausap ko siya. Sinabi niya ang lahat sa'kin." Paliwanag nito kahit hindi naman siya nagtatanong. "Pumayag ka ba?"

Nag-iwas siya nang tingin. Hindi niya kayang salubungin ang tingin nito. Hindi niya rin alam kung anong isasagot sa tanong nito kaya nanatili siyang walang imik.

"Kaya kong hihigitan ang kaya niyang ibigay sa'yo. I can provide everything you need and I can give everything you want. Don't marry that guy." Walang emosyong mababakas sa mukha nito kaya pakiramdam niya ay nang-iinsulto ito.

Isang malakas na sampal ang natamo nito mula sa kanya. "Maaaring nakuha mo ang pagkababae ko ngunit hindi mo mabibili ang pagkatao ko."

Pagkatapos magsalita ay tinalikuran niya ang binata. Mabuti na lang may dumaang jeep kaya nakasakay siya agad.

"GOOD MORNING CLASS." Masiglang bati ng bago nilang professor sa Inorganic Chemistry. Dalawang linggo na itong nagtuturo sa SMC. Pinalitan nito si Zach dahil nag-resign na ang binata. Bali-balita sa school na babalik na ito sa Amerika upang pakasalan ang nobya.

Natapos ang klase sa Inorganic Chemistry na wala siyang natutunan. Ilang linggo na siyang hindi makapag-focus sa pag-aaral dahil sa mga nangyari. Mabuti na lang successful ang operation na isinagawa sa kanayang ina kaya nabawasan ang kanyang alalahanin. Cancer free na ito kaya malaki ang pasasalamat niya sa ama kahit na masama ang loob niya dito. Ang ama niya kasi ang gumastos sa pagpapagamot ng kanyang ina.

Nalaman niya kay Dave na ang ama ang namamamahala sa negosyo nang yumao nilang abuelo kaya napagamot nito ang kanyang ina. Sinabi din sa kanya ng kapatid na matagal nang gustong bumalik ng kanilang ama ngunit nag-aalinlangan ito dahil baka hindi nila tanggapin.

"Chloe pinapatawag ka sa Student Services Office." Sabi ng isa niyang classmate na student assistant ni Mrs. Hidalgo.

"Sige pupunta ako."

Ano kayang kailangan sa kanya ng directress? Wala naman siguro itong alam tungkol sa namagitan sa kanila ni Zach. Isa pa, nag-resign na ang binata kaya hindi naman siguro tungkol doon ang pag-uusapan nila.

"Finally, makaka-usap na rin kita."

Nagulat siya dahil hindi ang directress ang naabutan niya sa opisina nito. Walong taon na ang lumipas simula nang huli niya itong makita ngunit ganoon pa rin ang itsura nito at malamang na hindi rin nagbago ang ugali nito.

"Wala tayong dapat na pag-usapan." Akmang tatalikuran niya ang ginang ngunit pinigilan siya nito.

"We need to talk." Mariing wika nito.

"Bakit, may ipapagawa ka ulit sa'kin? Uutusan mo ulit akong layuan at saktan ko ang anak mo para bumalik siya sa Amerika?"

"Bastos ka sumagot. Hindi ko alam kung anong nagustuhan sa'yo ng anak ko." Galit na wika nito.

"Ma'am mawalang-galang ho, marunong akong rumespeto sa taong marunong rumespeto sa kapwa niya."

"Aba't talagang sumasagot ka."

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. "Kung sinadya mo akong puntahan upang sabihin sa'kin na layuan ko ang anak mo, pwes hindi mo na kailangang gawin iyon. Wala kaming relasyon ni Zach."

"Mabuti naman kung ganoon."

"Sana mapanatag na ang loob mo."

"Mapapanatag lang ang loob ko kung hindi na kayo muling magkikita ni Zach. At sana tinupad mo ang iyong pangako na hindi malalaman ni Zach na ako ang may pakana sa nangyari noon."

"Tumutupad ako sa usapan. At wala kang dapat na ipangamba dahil hindi na talaga kami magkikita ni Zach. Babalik na siya sa Amerika dahil papakasalan na niya ang kanyang nobya."

"That's great! Alam mo na pala na ikakasal na ang anak ko. I think ayaw mong maging mistress kaya ikaw na ang kusang lumayo sa kanya. Nakakatuwa ka naman." Nang-iinsultong turan nito. Hindi niya lubos maisip na ito ang ina ni Zach.

"Hindi nagbago ang nararamdaman ko para kay Zach. Minahal ko siya noon at natitiyak ko na siya lang ang mamahalin ko habang panahon. Ngunit alam ko kung saan ko dapat ilugar ang sarili ko."

Kahit alam niyang ginawa siyang pampalipas oras ng binata ay wala siyang pinagsisihin sa nangyari dahil ginusto niya iyon. Kaya wala siyang dapat na sisihin kung bakit siya nasasaktan ngayon dahil consequence iyon sa pagkakamaling ginawa niya.

"Ma'am sana ito na ang huling pag-uusap natin."

P.S.

Salamat sa nagbigay ng ❤️ sa Last Goodbye at Love Me, Jeffrey. Sa hindi pa nakakabasa, basahin niyo na po. 😊😊😊