Chereads / My Professor Ex / Chapter 20 - Kabanata 20

Chapter 20 - Kabanata 20

"Zach do you need help? Pwede ko siyang ayusan." Presinta ng bagong dating.

"Love may pinag-uusapan pa kami. Tatawagin na lang kita mamaya kapag may kailangan ako." sabi ng binata.

"Okay!" binalingan siya ng dalaga. "Hi Chloe! Excited na akong makipagkwentuhan sa'yo. See you later." Pagkatapos nitong magsalita ay umalis ito agad.

"Ang kulit talaga ni Lovelein. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na kumatok muna bago pumasok sa ibang kwarto pero hindi nakikinig." Reklamo ng binata. Naglakad ito patungo sa pintuan at ini-lock ang pinto. "Pagpasensiyahan mo na ang kapatid ko."

"Anong pangalan ng kapatid mo?" wala sa loob na tanong niya. Kung ang pangalan ng kapatid nito ay Love, ibig sabihin nagkamali siya ng hinala.

"Lovelein but we call her Love. She's my half-sister. Anyways, huwag muna natin siyang pag-usapan. Ang pag-usapan natin ay iyong sinabi mo kanina." Kumikislap ang mga mata nito habang nagsasalita. "Totoo bang mahal mo ako?"

Naumid ang dila niya. Marami siyang gustong sabihin kanina ngunit lahat ng iyon ay nakalimutan na niya. Bakit kasi bigla na lang siyang nagsasabi ng kung anu-ano?

Unti-unting lumapit ang binata sa kanya ngunit hindi na siya nagtangkang lumayo dito. Hinawakan nito ang kanyang kamay at inalalayan siya nito paupo sa kama. Pagkatapos ay umupo ito sa tabi niya.

"Gusto kong maging malinaw ang lahat." Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya ngunit hinayaan niya lang ito. "I'm sorry kung nasaktan kita pero maniwala ka sa'kin na hindi kita ginagantihan. Hindi ko intensyong saktan ka."

"Pero ang sabi mo bumalik ka dito para ipakita sa taong nanakit sa'yo kung ano na ang narating mo. Paanong hindi ako mag-iisip ng masama?"

"Aaminin ko na nagalit at nasaktan ako sa ginawa mo kaya ako sumama kay Mommy sa Amerika. Habang unti-unti kong natutupad ang pangarap ni Mommy para sa'kin ay palagi kitang naiisip. Iniisip ko na sana magkasama tayong inaabot ang mga pangarap natin. Palagi kitang naaalala sa tuwing masaya at malungkot ako. Noong nakapagtapos ako ay naalala ko ang sinabi mo na palagi kong sundin ang laman ng puso ko pero dapat gamitin rin ang isip ko."

"Hindi ko ipinagpatuloy ang pagdo-doktor dahil hindi naman iyon ang gusto ko kaya bumalik ako sa Pilipinas. Napagtanto ko na gusto ko pa lang maging isang guro kaya nag-aral ako ulit. Sinadya kong hindi magpakita sa'yo dahil gusto ko kapag nagkita tayo ay isa na akong guro. Baka sakaling magustuhan mo na ako." yumuko ang binata. Nakikita niya sa ikinikolos nito ang mahiyaing Zach.

"Hey!" hinaplos niya ang mukha nito. "I didn't mean to say those words. Hindi mo lang alam na mas nasasaktan ako habang sinasaktan kita."

"I know Sweetie. Wala kang kasalanan sa nangyari." Hinalikan nito ang noo niya. "Kailanman ay hindi ako naniwala na kaya mong gawin sa'kin 'yon. I know everything. Sana nalaman ko noon pa."

"Paano mo nalaman? Sinabi ba sa'yo ni Papa?"

Umiling ito. "Nalaman ko mismo kay Mommy." Ikwenento nito sa kanya ang nangyari. "I'm sorry kung napagdaanan mo lahat ng hirap na hindi ako kasama. I love you Chloe. Hindi ako papayag na gawin ulit iyon ni Mommy."

"Mahal mo ako?" tinitigan niya ito ng masama. "Walang hiya ka!" hinampas niya ito sa dibdib. "Pagkatapos may mangyari sa'ting dalawa ay wala ka man lang sinasabi sa'kin kung ano tayo. Pagkatapos malalaman ko na nag-resign ka dahil babalik ka sa Amerika upang pakasalan ang girlfriend mo." Sumbat niya.

"May dumating na mga babae sa buhay ka pero wala akong naging girlfriend maliban sa'yo." Seryoso nitong wika. "Ikaw ang dahilan kung bakit ako nag-resign upang protektahan ka. Hindi ako papayag na maeskandalo ka dahil sa'kin."

Biglang nawala ang inis niya dito. "Napagkamalan ko pa namang nobya mo si Love kaya feeling ko ginawa mo lang akong pampalipas oras." Pag-amin niya. "Akala ko siya ang papakasalan mo sa Amerika."

Nangunot ang noo nito. "Paano mo nakilala si Love?" Ikwenento niya ang nangyari. Pinagtawanan lang siya ng binata pero agad din itong tumigil nang banggitin niya ang pangalan ni Luigi.

"Huwag mong banggitin ang pangalan ng lalaking iyon dahil nagseselos ako." nakasimangot na wika nito. "Imbes na ako ang sabihin mo ng problema at hingian ng tulong ay sa kanya ka tumatakbo."

"Because he's my friend."

"Basta nagseselos ako sa kanya lalo na't alam kong mahal ka niya." Natutuwa siyang pagmasdan ang binata habang naghihimutok ito. "Naunahan pa niya akong mag-propose ng kasal sa'yo. Mabuti na lang hindi mo tinanggap."

Umarko ang kilay niya. "Paano mo nalaman na hindi ko tinanggap ang proposal niya?"

"Because you love me." Confident na sagot nito. "Nagalit ako sa sarili ko dahil nauna siyang nagsabi sa'yo na mahal ka niya. Tapos sumama ang loob ko at nainsulto ako sa sinabi mo na pambayad utang ang katawan mo. Inisip ko na masama talaga ang tingin mo sa'kin."

"I'm sorry. Akala ko kasi-" pinutol nito ang sasabihin niya.

"Kasalanan ko rin naman kasi. Dapat hindi ko sinabing may ibang paraan upang makabayad ka sa utang mo. Actually, wala ka rin naman talagang utang sa'kin dahil kusang loob ang pagtulong ko sa pamilya mo. Sana inalok na lang kita ng kasal."

"Bakit hindi mo ako alukin ng kasal ngayon?" natigilan ito sa sinabi niya. "Sige, tatanggapin ko na lang ang alok na kasal ni Luigi." Pananakot niya ngunit nagbibiro lang siya.

"Sinabi mong mahal mo ako kaya wala nang bawian Chloe." Bigla itong lumuhod sa harapan niya at may dinukot ito mula sa bulsa ng pantalon. "Mamaya pa sana ako magpo-propose kaso pine-pressure mo ako."

"Hindi kita pine-pressure." Natatawang sabi niya.

"Marry me Chloe." Madamdamin nitong wika. Binuksan nito ang maliit na box na may lamang singsing.

Imbes na sagutin ito ay maalab na halik ang ipinagkaloob niya sa binata bilang tugon. Naramdaman na lang niya na nakasuot na sa daliri niya ang singsing.

"I'm grateful na pinapunta ako ni Tita sa San Miguel dahil aksidenteng nakita kita. Kung hindi kita nakita noong araw na naglalakad ka sa tabi ng kalsada baka kapag nagkita tayo ulit ay huli na ang lahat para sa'tin."

"It will never happened Zach. Ikaw lang ang mamahalin ko"

"I love Chloe. You mean everything to me. Hindi ako papayag na mawala ka ulit sa'kin."

"Mas hindi ako papayag na mawalay ka ulit sa'kin. I love you Zacharias."

"You're turning me on Sweetie." Oo nga pala, iba ang epekto sa binata kapag tinatawag niya itong Zacharias. "But sad to say that we can't make love tonight. Dahil hinihintay na tayo nila Mama sa rooftop."

"Paano nangyari 'yon?"

"Alam nilang magpo-propose ako sa'yo ngayon kaso nasira ang plano namin. Hindi ka kasi masunurin at mapanakit ka pa." paninisi nito. "Bigla mo na lang akong binato ng sapatos."

"Sorry. Hindi ko naman kasi alam." Nakokonsensiyang sabi niya. "Masakit ba?" tukoy niya sa dibdib nito na natamaan ng sapatos.

Tumango ito. "Mawawala lang ang sakit kapag hinalikan mo ako." pilyong turan nito.

"Sir, iniisahan mo yata ako." angal niya ngunit sinunod niya ang hiling nito. Halos hindi na mapaghiwalay ang mga labi nila. Napilitan lang silang itigil ang ginagawa dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa pinto.

"Pumunta na tayo sa rooftop. Baka naiinip na sila."

"Okay!"

Magkahawak kamay silang nagtungo sa rooftop.

P.S.

Salamat sa collections na natanggang ng apat na story ko. Sa mga hindi pa po nakakabasa ng Last Goodbye, Love Me, Jeffrey, at Someone Like You basahin niyo po. ☺️☺️☺️

Abangan niyo po ang Epilogo ng My Professor Ex