Malakas ang buhos ng ulan at nagduot iyon ng pagbaha sa ibang parte ng San Miguel. Hindi niya alam kung paano siya makakauwi sa kanila dahil wala siyang masakyang jeep. Baka sa labas ng A-Z Tutorial Learning Center siya magpalipas ng gabi o sa school.
Nag-iisa na lang siya doon dahil ang mga katrabaho niya ay maagang pinauwi dahil masama ang lagay ng panahon. Naiwan siya doon dahil kinausap niya si Ma'am Clara tungkol sa kanyang trabaho. Balak niyang mag-resign ngunit hindi ito pumayag kaya nakiusap siya na sana walang special treatment sa kanya.
"Sana tumila na ang ulan." Piping usal niya.
Nanginginig na siya dahil sa sobrang lamig. Umupo siya sa sulok na bahagi ng building. Hinarang niya ang payong sa katawan upang hindi siya maanggihan.
"Umuwi na tayo."
Napakislot siya. Hindi niya namalayang dumating ito. Marahil si Ma'am Clara ang nagsabi na naroon pa siya. Tinaggihan niya kasi ang ginang nang alukin siya nito na sa bahay na lang nito magpalipas ng gabi dahil wala nang tumatawid na sasakyan patungo sa kanila.
"Tatayo ka ba o bubuhatin kita?"
Hindi siya kumilos dahil wala siyang mukhang maihaharap sa binata. Sino ba kasing matinong estudyante ang makikipaghalikan sa kanyang professor?
"Sir salamat pero susunduin ako ng tatay ni Trisha." Pagsisinuwaling niya. Malabong masundo siya ni Dave dahil wala ng sasakyang bumabyahe patungo sa kanila.
"Hindi na makatawid ang mga sasakyan sa tulay dahil umapaw na tubig mula sa ilog. Paano ka masusundo ng kapatid mo?"
Bigla siyang napatayo dahil sa narinig. "How did you know?"
"I asked your mother." Hinawakan nito ang kamay niya. "Let's go. Baka lalong lumakas ang ulan at hindi na tayo makaalis dito."
Alam na pala nito ang totoo. "Ayokong sumama sa'yo." Pilit niyang binawi ang kanyang kamay na hawak ng binata ngunit lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. "Ano ba?"
"Sinasama ka ni Tita Clara sa kanila pero ayaw mo. Gusto mo bang dito matulog?" Hindi siya sumagot. "Chloe huwag mong ubusin ang pasensya ko dahil baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko." Banta nito. "Tara na."
Nakaramdam siya ng magkahalong kaba at takot sa sinabi nito. Alam niyang hindi siya kayang saktan ng binta pero alam niya kung anong kaya nitong gawin. Ang ikinakatakot niya ay baka magustuhan niya ang gawin nito at bumigay siya.
"Hindi ako natatakot sa'yo kaya walang epekto ang pagbabanta mo." Matapang niyang wika pero kumakabog ng malakas ang puso niya dahil sa kaba. "Sasama ako sa'yo dahil wala akong ibang option." Mas delikado kung doon siya magpapalipas ng gabi dahil baka kung ano pang mangyari sa kanya. "Pero dumistansya ka sa'kin at huwag mo akong hawakan."
"Fine!" binitawan nito ang kamay niya.
"BAKIT DITO MO AKO DINALA?" Nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng apartment na inuupahan nito. Maliit lang iyon pero kumpleto sa gamit. "Dapat ibinaba mo ako kanina sa lodging inn na nadaanan natin kanina." Hindi siya komportable na magkasama sila sa iisang lugar. "Baka may makakita na magkasama tayo. Ayokong pag-chismisan."
"Relax Chloe. Huwag kang mag-alala dahil walang nakakaalam dito na professor ako at estudyante kita." Hindi siya kumibo. "You're safe with me. Wala akong gagawing masama maliban na lang kung papayagan mo ako." nanunuksong sabi nito. "Pero hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo."
Pinamulahan siya ng mukha. Naalala niya bigla ang pinagsaluhan nilang halik. "Bastos!" Pinanlisikan niya ito ng mga mata.
"I'm just kidding." Natatawang sabi nito. "Feel at home Chloe. Manuod ka ng tv o magbasa ka ng libro kung gusto mo. Magluluto lang ako ng dinner natin." Tinalikuran siya ng binta at pumunta sa kusina.
Feel at home? Paano niya iyon gagawin kung sila ang magkasama? Hindi siya mapalagay lalo na kapag naiisip niya ang sinabi nito sa kanya kanina.
"I want you to be mine. Only mine."
Paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya ang namagitan sa kanilang dalawa. Parang hanggang ngayon ay nararamdaman niya pa rin ang init ng halik nito sa kanyang labi. Nababaliw na siya!
"Chloe."
Nagulat siya nang bigla siya nitong tawagin. "Ano?" paasik niyang tanong.
Binalewala nito ang pagsusungit niya. "Anong gusto mong ulam, noodles, pancit canton, itlog, sardinas, tuna, corned beef o hotdog?" Napakamot ito sa ulo. "Hindi kasi ako marunong magluto kaya wala akong stock ng gulay, isda, at karne. Madalas sa labas ako kumakain o kaya sa bahay ni Tita Carina."
Nag-expect pa naman siya na marunong itong magluto iyon pala hindi. "May bigas ba?" Para siyang asawa nito na nagtatanong kung may sasaingin pa.
"Nakapagsaing na ako gamit ang rice cooker." Nahihiyang sagot nito.
Hindi niya alam kung matatawa o maaawa sa itsura ng binata. "Ako na ang magluluto ng ulam." Presinta niya. Pumunta siya sa kusina. May nakita siyang mantika pero wala namang bawang at sibuyas.
"Kumakain ka ba ng noodles na may itlog?"
"May ganoon ba?"
Nagsalubong ang kilay niya. "Saang lupalop ka ba ng mundo nanggaling? Bakit hindi mo alam iyon? Ah oo nga pala, muntik ko nang makalimutan na mayaman ka. Kaya di mo alam na pwedeng lagyan ng itlog ang noodles." Siya na rin ang sumagot sa sariling tanong. "At kaya lang may nakaimbak na pagkain na madaling lutuin dahil tamad kang magluto." Pabulong na sabi niya.
Lumapit ito sa kanya. "Anong sinabi mo?"
Mabilis niyang kinuha ang nakasabit na sandok malapit sa kinatatayuan niya. "Subukan mong lumapit at hindi ako magdadalawang-isip na hampasin ka nitong sandok na hawak ko."
"Para kang tigre." Naa-amuse na sabi nito. Lumayo ito sa kanya. "Hahayaan na kitang magluto dahil baka ako masandok mo." Natatawa nitong wika bago siya nito tuluyang tinalikuran.