Chereads / My Professor Ex / Chapter 16 - Kabanata 16

Chapter 16 - Kabanata 16

NAALIMPUNGATAN SIYA DAHIL SA INGAY NG CELL PHONE NA NAGRI-RING. Gusto niyang gisingin ang katabi ngunit hindi niya iyon nagawa dahil bumangon na ang binata mula sa higaan. Sinagot nito ang tawag.

"Hello Love," bulong ng binata. Tila takot ito na may makarinig sa sasabihin. Nagpatuloy ang pag-uusap ng dalawa at tanging ang boses lang ng binata ang naririnig niya. May lambing sa tinig nito habang kausap ang tinutukoy nitong Love.

"Hindi pa ako makakadalaw diyan dahil may inaasikaso akong importanteng bagay. Kapag natapos ko na ang kailangan kong tapusin ay dadalawin kita. O kung gusto mo ikaw ang dumalaw sa'kin, miss na kita."

She felt so cheap. Magdamag silang magkaulayaw ni Zach subalit may iba pala itong babae. Ang masaklap ay siya ang nakikihati sa atensyon at oras na dapat nakalaan para sa nobya nito. Anong klaseng babae siya?

"I love you more. Bye."

Para siyang binuhusan ng yelo dahil sa narinig. Mas masakit pala kung harap-harapan kang sampalin ng katotohanan. Alam na niya kung anong silbi niya sa binata- isang pampalipas oras lamang.

Bumalik na ang binata sa higaan. Pumailalim ito sa kumot na nakatakip sa kanya. Naramdaman niyang pumulupot ang kamay nito sa katawan niya. Damn! Wala siyang saplot kaya damang-dama niya ang init ng katawan nito.

"Chloe…" bulong ng binata malapit sa tenga niya. Nagdulot iyon nang kakaibang sensasyon. "Chloe…"

"Mmm?" angil niya. Kunwari naistorbo nito ang pagtulog niya. "Bakit?"

Namumungay ang mga mata nito. "I want you."

Again. Gusto lang nitong angkinin siya nang paulit-ulit. Ni minsan wala sa hinagap niya na malalagay siya sa ganoong sitwasyon. Siguro iyon ang paraan ng binata upang makaganti ito sa kanya.

"Hindi ka ba inaantok?" Umiling ito bilang tugon. "Hindi ka ba pagod?" Muli itong umiling. He started to massage her breast. Ang isa naman nitong kamay ay naglakbay patungo sa pagitan ng kanyang hita. "Zach!" saway niya dito.

"Please…" pakiusap nito sa paos na tinig.

Nagpatupok ulit siya sa apoy. Muli siyang nagpa-alipin sa haplos at halik ng binata. Ipinapangko niya na ito na ang huling pagkakataon na magpapakatanga siya at ipagkakaloob ang saril sa binata. Pagkatapos ng gabing iyon ay sisiguraduhin niyang ititigil na niya ang kahibangan.

"SORRY NGAYON LANG ako dumating. Kanina ka pa ba naghihintay?" tanong niya kay Luigi. Nakatanggap siya nang tawag mula sa binata. Ang sabi nito ay magkita sila sa reastaurant malapit sa hospital kung saan naka-confine ang kanyang ina.

"Halos kararating ko lang."

"Salamat." Pinaghila siya ng upuan ng binata. "Sorry kung hindi ko sinabi sa'yo ang kalagayan ni Mama. Ayoko kasing madagdagan ang alalahanin mo."

Nalaman niyang tinawagan pala ni Dave si Luigi kaya nalaman ng huli na hindi siya umuwi kagabi. Ang akala ni Dave ay magkasama sila. Saka lang din nalaman ni Luigi na may sakit ang kanyang ina.

"Magkaibigan tayo kaya ang problema mo ay problema ko na rin."

"Nahihiya na ako sa'yo. Ang dami mo nang naitulong sa amin samantalang ako, hindi kita matulungan sa problema mo."

"You know that you've done enough Chloe."

Nagsimula silang maging close ng binata ng malaman niyang bisexual ito. Hindi sinasadyang nakita niyang may kasama itong lalaki nang minsang mamasyal siya sa Mall. Hindi naman siya nag-isip ng masama ngunit ito na mismo ang nagkwento sa kanya. Inamin ni Luigi ang pagiging bisexual at nagkaroon ito ng relasyon sa babae at lalaki.

Isang araw humingi it ng pabor sa kanya na magpanggap bilang nobya nito dahil may dadaluhan itong party kasama ang mga magulang. Pumayag naman siya dahil ang usapan ay isang beses lang niyang gagawin iyon kaya lang nagustuhan siya ng parents nito. Ang isang beses ay naging unlimited.

Hanggang sa dumating ang puntong gusto na ng mga magulang nito na ikasal sila kaya inalok siya noon ng kasal ni Luigi ngunit tinanggihan niya. Ngayon, mismong mga magulang na nito ang kumukumbinse sa kanya na pakasalan na ang binata.

Madaling sabihin na break na sila pero ang ikinakatakot ni Luigi ay baka malaman ng mga magulang nito na nagkakagusto din ang binata sa kapwa lalaki. Baka atakihin pa sa puso ang ama nito.

"I know that this is not the right time to say this," nagpakawala ito ng buntong-hininga bago muling nagsalita. "Let's get married." Seryosong wika ng binata.

"Ha?" nabingi yata siya sa sinabi nito.

"I'll take care of your family. Ako na ang bahala sa pag-aaral mo at ni Dave. Ako na rin ang bahala sa pagpapagamot ni Tita."

"Luigi baka naman nape-pressure ka lang. Huwag kang magpadalos-dalos ng desisyon."

"I'm sure about it Chloe." Diretso itong nakatitig sa mga mata niya. "I've been honest about my sexuality. And I'll be honest again. I think that I've fallen for you."

Parang nakarinig siya ng bombang sumabog dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung anong sasabihin at kung paano magre-react.

"Huwag mong isipin na sinabi kong mahal kita dahil may kailangan ako sa'yo. I'm certain about my feelings. Ilang beses kong pinaniwala ang sarili ko na kaibigan kita kaya nagmamalasakit ako sa'yo pero ang iba sinasabi ng puso ko. Mahal kita Chloe. I know that you're still in love with your ex-boyfriend but I don't care. Maghihintay ako Chloe."

Ano bang nangyayari sa buhay niya? Bakit sobrang gulo at komplikado? Hindi niya alam kung may kakayahan pa siyang mag-isip ng tama dahil sa palagay niya malapit na siyang mawala sa katinuan.

P.S. Salamat sa collection ❤️ na natanggap ng Someone Like You. Sa mga hindi pa nakakabasa ng Someone Like You, basa na po kayo. Salamat din sa readers ng My Professor Ex.