NA-DISCHARGE NA MULA SA HOSPITAL SI TRISHA. Mahigit isang linggo siyang hindi nakapasok sa school at sa trabaho dahil walang magbabantay kay Trisha noong na-confine ito. Nagkasakit din kasi ang kanyang ina. Mabuti pumayag si Ma'am Clara na lumiban muna siya sa trabaho.
"Ma, ako na po ang maglalaba. Huwag ka munang gumawa ng gawaing bahay dahil baka mabinat ka."
"Magaling na ako."
"Ma, huwag matigas ang ulo." Sabi ni Dave. "Ate, ako na ang maglalaba pagkagaling ko sa trabaho. Magpahinga ka muna." Presinta ni Dave. Nakahanap na ito ng part-time job sa automotive shop na malapit sa kanila. "Namamayat na kayong dalawa kaya ako na ang bahala sa labahin. Aalis na po ako." paalam nito.
"Mag-iingat ka."
Nagpaalam ito kay Trisha bago tuluyang umalis.
"Ma, malaki ang binagsak ng katawan mo." Puna niya dito pag-alis ni Dave. Matagal na niyang napansin ang pagpayat nito pero ngayon niya lang ito nasabi sa ina. "Ipapa-check-up kita."
"Naku! Huwag na Chloe. Wala tayong ekstrang pera at isa pa may edad na ako kaya magbabago talaga ang katawan ko."
"Nag-aalala lang naman po ako."
"Ayos lang ako." Nakarinig sila ng ugong ng sasakyan kaya sabay silang napalingon sa labas. "Anak, may bisita yata tayo."
"Mommy si TM!"
Hindi niya namalayang nakalabas na pala si Trisha mula sa kwarto. Excited nitong sinalubong si Luigi. Kilala nito si Luigi dahil palaging pumupunta ang huli tuwing may okasyon sa kanila lalo na tuwing kaarawan ni Trisha. TM din ang tawag ni Trisha kay Luigi dahil iyon ang naririnig nitong tawag niya sa binata.
"Magandang umaga po." Bati nito sa kanyang ina. "Pasensya na ngayon lang ulit ako nakadalaw. Nagkaroon kasi ng problema sa trabaho."
"Okay lang." Napansin niya na marami itong dala na grocery. May natatanaw pa siya sa loob ng kotse nito. "Bakit ang dami mong dala?"
"Nag-grocery ako para sa inyo at saka para sa tindahan niyo."
Nabanggit niya noong dumalaw ito sa hospital na nagastos nila ang puhunan sa tindahan dahil sa pagkakasakit ni Trisha.
"Anak, bakit nag-abala ka pa? Naku! Nakakahiya naman."
"Isipin niyo na lang po na tulong ko ito para sa inyo."
"Maraming salamat! Oh siya, maiwan ko muna kayo. Magluluto muna ako ng paborito mong pagkain."
"Salamat po." Binalingan nito si Trisha. "Baby, ano nga iyong stuffed toy na gustong-gusto mo?"
"Si peppa pig po."
"Well, may surprise ako sa'yo. May espesyal kang bisita ngayon and I think gusto niyang tumira dito. Wait, I'll call her." Nagtungo ang binata sa kotse. Pagbalik ng binata ay may bitbit na itong stuffed toy na peppa pig na kasing laki ni Trisha. "This is for you."
Niyakap at hinalikan ni Trisha si Luigi. "Thank you, TM." Pagkatapos ay yakap-yakap na nito ang stuffed toy.
"Salamat TM. Hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang kabutihan mo sa amin." Simula nang naging magkaibigan sila ay palagi itong nasa tabi niya. Hindi siguro siya makaka-survive sa call center kung hindi ito ang naging team manager niya. Medyo dumistanya lang siya sa binata dahil sa proposal nito pero okay na sila ngayon. "Nagpapasalamat ako dahil nakilala kita."
"Ano ka ba? Natural sa magkaibigan ang nagtutulungan. And you know that I will always be here for you."
"Salamat."
"Anyways, alam mo na ba kung sinong tumulong sa inyo?" pag-iiba nito sa usapan. Hindi niya pala naikwento dito ang tungkol sa ginawa ni Zach pero alam ng binata kung sino si Zach sa buhay niya.
"Well, magugulat ka kapag sinabi ko sa'yo."
Nagsimula na siyang magkwento dito.
HINATID NIYA SA labas ng bahay si Luigi. Nagpaalam na ito na uuwi na. "Mag-ingat ka sa pagmamaneho."
"I will." Niyakap siya nito. "Don't hesitate to call me if you need help."
"Salamat."
Hinintay niya na makaalis ito bago siya naglakad pabalik sa loob ng bahay. Nakakailang hakbang pa lang siya nang biglang may nagsalita.
"Boyfriend mo ba 'yon?"
Pumihit siya paharap sa pinanggalingan ng boses. Nagsalubong ang kilay niya nang makita ang kanyang professor. Araw-araw niya itong nakikita kahit hindi siya pumapasok sa school dahil palagi nitong dinadalaw si Trisha. Ang binata pa nga ang naghatid sa kanila pauwi mula sa hospital.
"Anong klaseng tanong 'yan?"
Hindi nito pinansin ang sinabi niya. "Imposible naman na siya ang ama ni Trisha dahil hindi ko naman siya nakitang nagbantay sa hospital."
Hindi pa nito alam na hindi niya anak si Trisha. Hindi kasi nagkukwento ang kanyang ina tungkol sa magulang ni Trisha at hindi pa nito nakikita si Dave.
"Sir, it's none of your business." Pinagdiinan niya ang katagang "Sir" para ipaalala dito na estudyante siya nito. "By the way Sir Zacharias, ano po bang ginagawa mo dito? Pag-uusapan ba natin kung paano kita mababayaran?"
"Miss Mendez hindi ako pumunta dito para pag-usapan ang utang mo sa'kin."
May binigay itong folder sa kanya. "Ano 'to?"
"Reviewer 'yan para sa lahat ng subjects mo. Preliminary examination na next week kaya kailangan mong mag-aral."
Natigilan siya. She doesn't deserve the attention and care coming from him. Sa kabila ng ginawa niyang kasalanan sa binata ay may malasakit pa rin ito sa kanya.
"What's wrong?"
"This is too much." Sa tuwing nakikita niya ang binata ay nagi-guilty siya lalo na't wala itong ipinakitang masama sa kanya. "Professor kita kaya hindi mo dapat ito ginagawa." Iba ang gusto niyang sabihin ngunit pinili niyang hindi isatinig ang ang totoong saloobin.
"You know that I'm not just your professor." Mariing wika nito. "I'm your best friend and your ex-boyfriend. Sana hindi mo nakakalimutan iyon." Pagkatapos magsalita ay nagwalk-out ito.
"Chloe sinong kausap mo diyan sa labas?" narinig niyang sigaw ng kanyang ina. "Pumasok kayo dito sa loob."
"Wala po 'Ma."