Chereads / My Professor Ex / Chapter 1 - Kabanata 1

My Professor Ex

🇵🇭carmielopezmckay
  • 21
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 87.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Kabanata 1

KALALABAS LANG NIYA SA PRODUCTION FLOOR NANG MAKATANGGAP NG TAWAG MULA SA STUDENT SERVICES OFFICE. Pinatawag siya ni Mrs. Carina Hidalgo, ang directress ng student services office. Ang pag-uusapan nila ay tungkol sa pag-a-apply niya bilang student assistant. Pumasa siya kaso mukhang nagkaraoon ng conflict ang class schedule niya at ang oras ng duty niya.

"Chloe sumabay ka na sa'kin."

Napakislot siya dahil sa gulat. Basta-basta na lang kasing sumulpot sa locker area ang Operating Manager niya. Nandoon siya upang kunin ang gamit para makaalis na siya.

"TM! Huwag mo naman akong gulatin." Reklamo niya. Kahit promoted na ito bilang OM ay TM pa rin ang tawag niya dito dahil ito ang Team Manager niya noon. "TM Luigi hindi ako sasama sa team breakfast. Kailangan kong umuwi sa San Miguel may aasikasuhn kasi ako sa school."

Nagtatrabaho siya sa isang BPO company sa Quezon City bilang customer care agent and at the same time nag-aaral siya. Nagtatrabaho siya sa gabi at nag-aaral naman sa umaga. Hindi siya nag-full load last semester para makapagtrabaho pa rin siya. Pero naisip niya na mag-full time na sa pag-aaral kaya nag-apply siyang student assistant dahil magre-resign na siya sa trabaho.

"Hindi ba pwedeng bukas mo na lang asikasuhin? Tulal two days naman ang rest day mo."

"Sorry TM Luigi pero kailangang asikasuhin ko na ngayon. Lagot ako kay Mrs. Hidalgo kapag hindi ako nakarating sa takdang oras."

Lumungkot ang anyo ng mukha nito. "Nakakasama ka talaga ng loob. Hindi ko mabilang kung ilang beses mo nang tinanggihan ang mga paanyaya ko. I want to take this opportunity to be with you. Kaso hindi pala kita makakasama."

"Sorry TM pero importante talaga sa'kin 'to."

Hindi niya alam kung dapat ba siyang makonsensiya sa ginawang pagtanggi sa mga paanyaya nito.

"I understand." Nagpakawala ito ng malalim na hininga. "I hope that you're not avoiding me because of my stupid proposal."

Napalunok siya. Matagal na niyang kinalimuatan ang tungkol doon. Bakit kailangan pa nitong ipaalala sa kanya?

"I'm not avoiding you. Sana hindi na kita kinakausap kung iniiwasan kita." Napatingin siya sa orasang pambisig. Pasado alas sais na nang umaga kaya kailangan niya nang umalis. "I'm your friend. Huwag mo nang isipin ang tungkol doon. Balewala sa'kin iyon. By the way, I really have to go."

"Ihahatid na kita sa school mo."

Pinaikot niya ang mga mata. "TM baka may makakita sa'tin ayokong pag-usapan tayo at isa pa, nangako ka kay TM Mimi na sasama ka sa team."

"Wala naman tayong ginagawang masama." Katwiran nito. "Saka magre-resign ka na kaya pagbigyan mo na ako." Pagpupumilit nito. Matagal-tagal na rin silang hindi lumabas na magkasama.

"OM Luigi!" Speaking of TM Mimi, mukhang kanina pa nito hinahanap si Luigi. "I'm glad I saw you. Akala ko mang-i-indian ka na naman. Let's go."

"Mauna na ako." Paalam niya sa dalawa.

Tumango lang si Mimi bilang tugon. Halatang hindi nito maitago ang kasiyahang nadarama dahil hindi siya sasama sa lakad ng team. Alam niyang matagal na itong may gusto kay Luigi kaya ito ang pinakamasayang tao nang magpasa siya ng resignation letter.

Dalawang linggo na lang siyang magtatrabaho doon dahil sa second week ng June ang umpisa ng pasok niya sa school. Ibig sabihin may dalawang linggo pa siyang natitira upang pagtiisan ang ugali ni Mimi.

"Mag-iingat ka." Wika ni Lugi. Mababakas sa mukha ng binata na hindi nito gusto na makasama si Mimi. "Call me if something happened."

Tumango siya. "Salamat."

ANG MALAS NIYA DAHIL KUNG KAILAN NAGMAMADALI SIYA SAKA NAMAN TRAFFIC SA LUGAR NILA. Malapit na sana siya sa San Miguel College nang huminto ang jeep na sinasakyan niya. Mula sa Quezon City ay UV Express ang sinasakyan niya papuntang San Miguel at pagbaba niya sa terminal ay saka namam siya sasakay ng jeep papunta sa school.

"Bakit traffic?" tanong ng jeepney driver sa driver ng tricycle na galing sa kabilang linya ng kalsada.

"May nagbanggaang sasakyan sa intersection." Sagot ng tricycle driver.

Lahat ng pasahero sa jeep ay hindi maipinta ang mukha dahil sa narinig na balita. Siguradong matatagalan bago maayos ang daloy ng trapiko. Nagpasya siyang maglakad na lang kaysa maghintay kung kailan uusad ang trapiko. Siguro labing limang minuto siyang maglalakad pero mas okay na iyon kaysa ma-stuck siya sa traffic.

Habang naglalakad ay naramdaman niya ang pagkalam ng sikmura at panghihina ng tuhod. Hindi pa kasi siya nag-aalmusal at ang huling oras nang kumain siya ay alas dose pa nang hating gabi.

Natanaw na niya mula sa kinaroroonan ang SMC. "Konti na lang Chloe, kaya mo iyan!" mahinang usual niya nang bigla na lang may sumulpot na motorsiklo sa bandang likuran niya.

Busina ito nang busina ngunit hindi niya ito pinansin. Nagpatuloy siya sa paglalakad at wala siyang planong gumilid upang bigyan ito ng daan. Ngunit hindi ito tumigil sa kakabusina kaya hinarap niya ito dahil naiirita siya.

"Ano bang problema mo?" paasik na tanong niya sa buwisit na nagmamay-ari ng motorsiklo. "Alam mo bang nakakairita ka? Kung nagmamadali ka p'wes nagmamadali din ako. Hindi ito ang tamang daanan ng motorsiklo. May kalsada para sa mga sasakyan at may daan para sa mga tao."

Hindi ito kumibo sa sinabi niya. Hindi naman niya makita ang reaksyon ng mukha nito dahil naksuot ito ng helmet. Imbes na pag-aksayahan ito ng panahon ay tinalikuran niya ito at muling nagsimulang maglakad. Ngunit bumusina ulit ito at mukhang sinasadya na inisin siya.

"Hindi ko alam kung hindi mo naintindihan ang sinabi ko o makitid lang talaga ang utak mo."

Hindi ulit ito kumibo ngunit sa pagkakataong iyon ay nagtanggal na ito ng helmet. Tumambad sa kanya ang gwapong nitong mukha. Mapungay ang mata nito, matangos ang ilong at mapula ang labi. Parang nakita na niya ito noon ngunit hindi niya matandaan kung saan.

"You're still the same." Amused na sabi nito.

Hindi man lang ito nagalit sa sinabi niya at ang ipinagtaka pa niya ay mukhang kilala siya nito.

"Don't you remember me?" Ang amusement sa mata nito ay napalitan ng blangkong ekspresyon.

"I don't know you." Baka pinagti-tripan lang siya nito at iyon ang paraan nito upang makapanloko. "Please lang, tumigil ka sa ginagawa mo. Hindi ako tatabi dahil daanan ito ng tao. Doon ka sa kalsada dumaan."

Naiinis na tinalikuran niya ito. Oo aaminin niya na gwapo ito at malakas ang dating pero wala siyang panahon makipaglokohan dito.

"What are you doing?"

Imbes na sumagot ay mabilis siya nitong isinandal sa pinto ng restroom. Ang mga bisig nito ay nakatukod sa magkabilang gilid niya kaya hindi siya makawala dito. Kinakabahan siya sa posibleng mangyari ngunit nakapagtatakang hindi siya nakaramdam ng takot.

"Baliw ka ba? Psychotic? Maniac? Rapist?"

"Puwede akong maging isa sa mga nabanggit mo." Isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi nito. "Alam mo bang maraming puwedeng gawin sa loob ng restroom maliban sa usual nating ginagawa? Gusto mo bang i-demonstrate ko?"

"Huwag mong ituloy kung anong binabalak mo." Banta niya rito. "Sino ka ba? Ano bang kailangan mo sa'kin bakit nanggugulo ka?" Pinatatag niya ang boses kahit nanghihina siya. Pakiramdam niya bibigay na ang tuhod niya hindi dahil sa natatakot siya kundi iba ang dulot ng presensya nito sa kanya lalo na't halos magkadikit ang katawan nila.

"Hindi mo na ako naaalala?" Rumihistro ang hinanakit sa mga mata nito ngunit dagli rin iyong naglaho.

"Hindi ako magtatanong kung kilala kita."

Naningkit ang mga mata nito. "Talagang kinalimutan mo na ako? O nagkukunwari ka lang na hindi mo na ako kilala?"

Hindi siya nakasagot dahil may biglang pumihit ng seradura mula sa labas. Nang hindi mabuksan ang pinto ay kumatok ang tao mula sa labas at nagtatanong kung may tao ba sa loob. Nagrereklamo ang babae dahil hindi ito makapasok.

Nagkatinginan silang dalawa. Unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya. Nagkaroon siya nang pagkakataong matitigan sa malapitan ang gwapong mukha ng binata. Naaamoy niya din ang mabango nitong hininga pati ang amoy ng katawan nito. He smells so nice and his scent is familliar.

Biglang nag-flash sa isip niya ang mukha ng isang binatilyo. Matangkad ito na payat at nakasuot ng salamin at may brace ang ngipin. Hindi maaring ang binatilyo at ang kaharap niya iisa.

"Do you recognize me now?"

Sunod-sunod na paglunok ang ginawa niya. Naumid ang dila niya na tila ba naubusan siya ng sasabihin. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari.

"Silence means yes."

Lalo nitong nilapit ang mukha sa kanya hanggang sa halos isang pulgada na lang ang pagitan ng mga labi nila. Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman at pagkailang. Nako-conscious siya sa kanyang itsura at amoy. Kagabi pa kasi siya huling naligo at nag-toothbrush.

Damn it! Bakit niya ba iniisip iyon? Ang kailangan niyang gawin ay ang makatakas mula sa binata.

"Manong, bakit naka-lock ang CR?" tanong ng babae mula sa labas.

"Ma'am sorry po baka nai-lock po nang huling gumamit. Saglit lang po kukuha ako ng susi."

Nataranta siya sa narinig na usapan mula sa labas. Anong gagawin nilang dalawa? Baka kung anong isipin ng mga ito kapag nakitang may tao sa loob.

"Relax." Bulong ng binata. "Ako ang bahala. Magtago ka sa last cubicle. Saka ka na lumabas kapag pumasok sa isang cubicle ang babae."

Marahan siyang tumango at tumalima sa inutos nito. Hindi niya alam kung bakit siya naniwala sa sinabi nito.

BINUKSAN NIYA ANG PINTUAN NG RESTROOM. Halatang nagulat ang ginang na naghihintay sa labas nang makita siya.

"Anong ginagawa mo sa CR ng babae?" galit na tanong nito.

Nagkunwari siyang masakit ang tiyan. Hinimas niya ang tiyan upang magmukahang totoong namimilipit siya sa sakit.

"Pasensya na ho. Hindi ko kasi mapigilan kaya dito na ako naabutan. May gumagamit din po kasi sa CR ng lalaki kaya napilitan akong dito na dumumi at sinadya ko pong i-lock ang pinto dahil nakakahiya. Sorry po."

Damn it! Kailangan niyang magsinuwaling dahil sa kalokohang ginawa niya. Hindi naman niya intensyon na ikulong si Chloe ngunit hindi niya mapigilan ang sarili na gawin iyon nang bigla itong umatras papasok sa restroom. Gusto lang naman niya itong kausapin kaso sinungitan siya agad nito kaya hindi siya nakapagpigil kanina.

Hindi niya inaasahan na magkikita sila sa lugar na iyon kaya naman gusto niyang samantalahin ang pagkakataon. Ang kaso hindi siya nito nakilala o nagkukunwari lang ito?

"Ah ganoon ba? Naku pasensya ka na akala ko may iba kang kasama sa loob at baka kung ano na ang ginagawa niyo."

"Okay lang ho. Naiintindihan ko."

"Oh siya sige, magsi-CR na ako. Uminom ka kaagad ng gamot."

"Opo."

Mabuti nakalusot siya. Hinintay niya na makalabas ang dalaga dahil gusto niya itong kamustahin. Ngunit paglabas nito ay sinalubong agad siya ng matalim nitong tingin.

"Huwag mo na 'tong uulitin." Mahina ngunit may diin nitong wika.

"Let's talk."

"Wala tayong dapat na pag-usapan." Malamig na turan nito. "Matagal na kitang kinalimutan kaya magkunwari kang hindi mo ako kilala kung sakaling magkrus muli ang ating landas."

Tinalikuran siya nito at naglakad palayo sa kanya. Wala siyang nagawa kundi sundan ito ng tingin hanggang sa maglaho ito sa paningin niya.

Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang turing sa kanya ng dalaga. Wala naman siyang ginawang masama dito. Kung tutuusin siya ang may karapatang magalit dito dahil sa ginawa nito noon sa kanya. Subalit bakit ito ang tila namumuhi sa kanya?

My Professor Ex is also available on other writing platforms.

My Professor Ex by Carmie Lopez

https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311

https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez

Booklat UN: Carmie Lopez